KEN
"Talaga po, Moma?"
Gaya nga ng inaasahan ko hindi maipagkakaila ang kasiyahan sa mukha at tinig ng anak ko nang sabihin ko sa kaniya na papasok na siya sa paaralan ngayong darating na school year.
"Opo. Masaya ka ba?"
Natawa ako nang yumakap ito sa akin na para bang nabili ko ang pinakapaborito niyang laruan.
"Opo, sobrang happy! Excited na po ako mag school!"
Ano kaya ang nakain ng gagong iyon para magbago ang isip niya? Sana araw-araw niyang kainin para naman maging maayos kahit papaano ang buhay namin.
"You should say thank you kay Dada mamaya kapag umuwi siya."
Hindi pa rin naaalis ang pagkakangiti niya nang tumango ito.
"Opo, Moma. Sasabihin ko rin po ang good news kila Lolo mamaya."
Dahil nga wala namang maiiwan na kasama ni Koko rito sa bahay, sa tuwing may pasok kami ay nasa bahay siya ng magulang ko, minsan naman sa bahay ng magulang ni Max.
Ayaw din kasi ni Max na magkaroon kami ng ibang kasama rito sa loob ng bahay. Mahirap kasi para sa kaniya na magtiwala sa iba. May mga security naman kami, kaya lang nasa gate lang sila. Secured din naman kasi itong subdivision kaya alam ko rin na walang makakapasok na masamang tao rito.
Nang maihatid ko siya sa bahay ng magulang ko ay dumiretso na ako sa hospital.
"Hi Dra.," nakangiting bati ni Nurse Bea.
Hindi naman naichika ni Nurse Bea sa iba ang tungkol kay Koko, mabuti na lang din iyon dahil ayokong mapuno ng mga katanungan nila.
Nagpatuloy ang araw ko sa pagbuhos ng aking oras sa aking trabaho maging sa mga pasyente.
"Dra., kumusta po si Koko?" mahinang tanong ni Nurse Bea habang sinasabayan niya akong maglakad.
"Okay lang siya," nakangiting sagot ko.
"Ang cute po niya talaga, Dra., sana makita ko ulit siya."
Mahina akong natawa.
"Dra. Ken!"
Nakuha ni Luna ang atensyon ko nang tawagin niya ako. Mabilis siyang lumapit sa amin.
"Kakain ka na ba? Sabay na ako sa'yo."
Pinanliitan ko siya ng mata.
"Oo na, makikikain na ako sa'yo. Ayan, masaya ka na?" pagmamaktol niya.
Nagpaalam naman si Nurse Bea kaya naiwan akong kasama si Luna.
"May magagawa pa ba ako?"
Ikinawit niya ang kaniyang braso sa aking braso.
"Syempre wala."
Tinungo namin ang aking opisina habang pinag-uusapan namin ang mga pangyayari sa hospital. Nang marating namin ang aking opisina ay mayroon na ang pagkaing inorder ko.
"So ano na? Nakapili ka na bang ng eskwelahang papasukin ng inaanak ko?"
"Hindi pa nga. Gusto ko sana sa paaralan na pinasukan din natin."
"Oo nga, bakit hindi na lang do'n? Tutal kilala naman na natin si Sister Faith at saka it is a good school for Koko."
Huminga ako ng malalim. May point naman si Luna kaya lang...
"Gusto kasi ni Koko sa simpleng school lang. Iyon kasi ang na experience niya sa probinsiya."
"Ipaliwanag mo na lang sa kaniya. Maiintindihan naman niya iyon. At saka as if papayag si Max."
"Bahala na lang talaga."
Matapos ang duty ko ay dumiretso ako sa bahay ng magulang ko para sunduin si Koko. Nakiusap pa si Papa na kumain na lang kami sa bahay nila ngunit hindi na ako pumayag dahil baka malate pa kami ng uwi malintikan pa ako kay Max na pinaglihi sa sama ng loob lagi.
Ako ang nag drive, safe naman sa backseat si Koko na patuloy ang pagkukuwento sa akin. Sa tuwing nagkukuwento siya ay pansin ko ang kasiyahan sa tinig niya. Sana lang magawa ring makinig ni Max sa mga kuwento ni Koko.
Kumunot ang aking noo nang mabaling ang atensyon ko sa labas. Nagkukumpulan ang mga tao... mababakas sa kanilang mukha ang pangamba.
"Moma, may accident po?"
Mukha ngang may aksidente.
"Koko, you stay here, okay? I will just check."
"Opo, Moma. Mag-ingat ka po."
Binuksan ko ang glove compartment ng aking sasakyan at kinuha ang maliit kong emergency kit na lagi kong dala.
Nang makalapit ako, rinig ko na agad ang iyakan. Ang mga mata nila ay puno ng takot at pangamba.
"Excuse me," saad ko habang pilit kong sinisiksik ang aking katawan sa mga nagkukumpulang mga tao.
"Doktor po kayo?" tanong ng isang lalaki na tingin ko ay kasama sa mga naakaside.
Tumango lang ako. Dumiretso agad sa pasyente.
“Miss, doktor ako. Titignan ko sugat mo ha?” mahinahong tanong ko.
"Ahh," daing nito nang hawakan ko ang paa niya.
“Masakit?"
"Opo, Dra."
She might have a fracture. Nilinis ko ang sugat niya gamit ang gauze at saline. I'm trying to stop the bleeding while giving her assurance that she will get better.
"Tumawag na ba kayo ng ambulansiya?" tanong ko.
"Opo, papunta na raw po sila."
Isang metro ang layo mula sa kinalulugaran ko, may lalaking walang malay na pilit ginigising ng kaniyang kasama na sa tingin ko ay asawa niya. Di na ako nag-aksaya ng oras. Lumapit agad ako.
Airway. Breathing. Circulation. Agad ko siyang sinuri.
“Sir, naririnig mo ba ako?” Tinapik ko siya sa balikat. Wala pa ring sagot. "Sir, alam mo ba kung ano ang pangalan mo? Sir..."
Wala akong stethoscope, wala akong scanner—pero alam ko ang t***k ng buhay sa mga dulo ng daliri ko. Naginhawaan ako nang mag react ang katawan niya. Mahina man ito ngunit malinaw ang nakita ko.
Tiningnan ko ang paligid—lahat sila tahimik, nanonood... at nagdadasal.
Nang dumating ang ambulansya, tumulong ako i-stabilize si Kuya na wala pa ring malay bago siya itakbo. Kinausap ko rin ang paramedics.
“Doc Ken, buti na lang nandito kayo. Salamat…” saad ni Hans, isang paramedic na madalas ko ring nakakasama sa mga medical mission.
Nang bumalik ako sa aking sasakyan ay tulog na si Koko. Tiningnan ko ang oras... shootangina! Nakailang missed calls din si Max. Paniguradong galit na galit na naman ito mamaya.
And speaking of the devil. Sinagot ko ang tawag.
"Where the hell are you?" bungad na tanong nito na akala mo naman isang malaking kasalanan na hindi pa kami nakakauwi. "I called your father, he told me you immediately left your house after you fetch her."
"Nagkaroon kasi ng aksidente..."
"What the f**k?"
Nailayo ako ng bahagya ang aking selpon dahil sa pagsigaw niya.
"It's not us. Road accident. Tumulong lang ako saglit. Pauwi na rin kami."
Huminga ako ng malalim, dahil kailangan kong ikalma ang sarili ko dahil baka kung ano pa ang maisagot ko sa kaniya.
"Okay. Drive safely."
Bago pa man ako makasagot ay pinatay na niya ang tawag. Siraulo talaga ang isang ito kahit kailan.
---
MAX
I took a deep breath. She finally answer the call and I almost lost my mind again. I closed my eyes intently as I massage my temples. It's already seven in the evening... and I thought something bad happen to them already.
Nanatili ako sa sala habang binabasa ang mga reports na kailangan kong pirmahan habang naghihintay sa kanila. I made myself busy, like what I'm always do.
My eyes shifted to the door when I heard someone trying to open it. Nakahinga ako ng maluwag nang makita sila.
"Dada! Ang galing po ni Moma! Nag save na naman po siya ng mga tao," she said while smiling brightly.
"Mag shower lang ako."
Her clothes is covered with blood. I know that's her job, but seeing her like this somehow annoys me.
"Koko, halika na. Magpalit ka na rin ng pantulog."
Pinanood ko lang silang dalawa na umakyat sa taas. Huminga ako ng malalim at muling tinuon ang aking atensyon sa aking ginagawa.
Hindi nagtagal ay muli silang bumaba. Pareho na silang nakapantulog.
"Kumain na tayo," saad ni Zie na naunang naglakad papasok ng kusina.
Tahimik ko lang silang sinundan. Huminga ako ng malalim. Nang mag-umpisa kaming kumain, tanging ang batang si Koko lang ang nagsasalita. She has so many stories.
"Dada, thank you po pala kasi po mag school na po ako."
Nakuha niya ang aking atensyon. She's been asking for this... and I decided to give it to her this time.
"Excited na po ako. Magkakaroon na po ako ng maraming friends. Hindi na lang po ako rito sa loob ng bahay maglalaro."
I didn't bother to talk... I just listen, just like what I always do.
"Can't we just enroll her to my old school?"
This time, nabaling naman ang tingin ko kay Zie.
"Nakausap ko na rin si Sister Faith. At saka sa tingin ko ay mas mabuti roon."
She's speaking as if she's making it sure that she won't say something that I won't like. Every time we're having a conversation... it's always feels like — cold and no sense at all.
"Okay, if that's what you want," I said in a plain tone.
Between us, I'm always the one deciding. Gusto ko na sa pagitan naming dalawa ako ang masusunod. Pero pagdating sa bata, gusto kong siya ang magdesisyon dahil alam kong alam niya ang dapat at tamang gawin.
I stood up. "I'm done eating," I said and left the dining area without bothering myself to glance them both.
It's been years already... and even though how many years will pass... I will still treat her the same thing... the same treatment. This marriage, I will make sure that this won't last. We already talk about this before... we will be divorcing when the time come.
---