KEN Nagmamadali akong bumaba ng hagdan habang hawak ko ang aking bag at may kausap sa selpon. Buti na lang ay hindi pa ako natutulog dahil inabala ko pa ang sarili ko na magbasa at manood ng medical reports. "Dra. pasensiya po talaga kayo po kasi talaga ang gusto ni Chief na tumingin sa pasyente." Ramdam ko sa tinig niya ang kaba at takot. Kahit matagal ko na silang katrabaho ay nangyayari pa rin talaga ito. Yung takot at kaba na hindi agad-agad nawawala sa tuwing may pasyente na nalalagay sa panganib ang buhay. "Kumusta ang vitals? May last update ka ba within the hour... oh shoot!" mura ko nang muntikan akong mahulog sa hagdan dahil hindi ko nakita ang huling baitang. "Careful." Bahagya akong napatigil dahil sa paghawak sa akin ni Max na hindi ko alam kung saan sumulpot. As usual,

