Emma’s Point of View Nagtititigan kami ngayon ni Anthony sa isa’t isa at tumatagos sa aking pagkatao ang mga tingin na iyon. Ramdam ko ang pagkadismaya niya sa akin pati ang tuwa dahil alam niya na ito ang magiging dahilan ng aking pagbagsak. Sa buong mundo pati na rin sa paningin ng aking mga magulang at hindi niya na papalampasin ang pagkakataon kung saan ay siya naman ang aangat bilang pinaka magaling. “Ano ang ginagawa mo rito, my dear sister?” tanong niya sa akin at sinigurado niya pang may class ang kaniyang tono pagpapakita sa kaniyang kayabangan. Nakaramdam ako ng inis at iniwas ko nalang ang aking paningin sa kaniya. “What’s wrong? Feeling guilty?” muling tanong niya sa akin at tumawa ng pagkalakas lakas. “I gotta tell mom and dad,” wika niya at kitang kita sa tono ng kaniyang p

