Chapter 16

1597 Words
Pagkababa namin sa parking lot ng restaurant ay agad kaming sinalubong ng pamilya ng Villaceran. Mukha tuloy na mamamanhikan na ang pamilya ni Kenji sa amin kahit na simpleng dinner meeting lang ito. Nakipagbeso-beso naman sina mama at papa kina tito at tita. Kung wala sanang nangyaring gano'n, ma-eenjoy ko kaya ito? Definitely!  "Oh, Avy, iha mas lalo ka atang gumanda ngayon a? Kaya naman nababaliw sa 'yo ang anak ko e." Sabay naman silang nagtawanan sa sinabi ng mama ni Kenji—si Tita Jillian. Pinilit ko naman na bigyan sila ng isang matamis na ngiti. Speaking of, asan na kaya si Kenji?  Iginaya naman kami ng mag-asawang Villaceran sa loob ng restaurant. Pilit pa ding hinahanap ng mata ko si Kenji. Nasagot naman ito nang makita ko siyang naka-upo sa table kung saan kami naka-preserved. Umayos naman siya ng tayo upang salubungin ang pamilya namin.  Binati namin ang isa't isa tsaka pa lamang napagpasiyahan na umupo na. Kinuha ko naman ang cellphone ko at pasimpleng t-in-ext sina James. To: James Nandito na kami. Asan kayo banda? Mga ilang minuto lang ay nakatanggap na ako ng reply galing sa kanya.  From: James Nasa loob ng restaurant. Wait, kakaway ako. Nilibot ko naman ang mata ko at nakita ang isang naka-black na v-neck t-shirt ang kumakaway dito sa table namin. Katabi niya ang dalawang lalaki na nakatingin din dito. I guess that's Lay and . . . Cael? Nag-thumbs up naman ako, sign that I've already found them. "Kenji, iho sandukan mo si Avy ng pagkain. Alam ko namang miss na ninyo ang isa't isa. Matagal na din ang huli ninyong pagkikita," sabi ni Tita Jillian. Naghagikgikan naman si mama at ang mama ni Kenji, halatang kinikilig sa suggestion ni Tita Jillian. Napa-iling na lamang ako.  Habang nilalagyan ni Kenji ng pagkain ang plato ko, hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanya. Mahahalata ang pagbabago ng itsura niya. Halata mo ang pagtanda sa kaniyang mukha, pati na din ang stress. Nahuli naman niya akong tinitingnan siya dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Tumikhim naman siya. "Ayos na ba 'yan Avy? Dagdagan ko pa o tama na 'yan? "Okay na 'yan. Salamat," sabi ko. Magsasalita pa sana siya pero walang salitang lumalabas mula dito. In the end, napagdesisyunan na lang niyang itikom ito. Naagaw ang parehas na atensyon namin nang tawagin kami ni papa. "Maganda sana kung as soon as possible ay magiging isa na tayong pamilya. Nalaman ko na naghahanap ka daw Jillian ng investor for your restaurant? Mag-iinvest ako," papa said firmly.  "Sure, I like that. Sooner or later magiging isang pamilya naman na din tayo," pagsang-ayon ni Tita Jillian. Napatingin naman ako kay Kenji na nakakuyom na ang mga kamay. Any minute ay parang gusto ng manuntok.  "Maganda siguro kung after ng graduation nila sa college ay makapagpakasal na silang dalawa, right Jillian?" tanong ni mama sa mama ni Kenji. Nakangiti naman itong tumango. Nabigla naman kami ng biglang tumayo si Kenji. Nakakuyom pa din ang kamao at nakatingin sa ibaba. Mabilis ang mga paghinga nito.  "May problema ba anak?" tanong ni Tita Jillian.  "I'm sorry tito at tita but I won't gonna marry your daughter," buong tapang niyang sinabi. "Kenji, that's enough. Go back to your seat. Huwag mong bastusin ang mga Gonzaga dito," puno ng awtoridad na sabi ni Tito Kenzo.  "But dad—" "I'm sorry, may pinagdaraanan ata si Kenji these past few days kaya mukhang nalilito siya sa nga nangyayari." Hinihila naman ni Tita Jillian pababa ang braso ni Kenji upang maupo ito.  Alam ko po ang pinagdaraanan ng anak ninyo, tita. I'm much aware.  "Ayos lang, Jillian. Normal lang sa mga bata ang maguluhan lalo—" Hindi na natapos ni mama ang sasabihin niya ng magsalita uli si Kenji. "Hindi po ako naguguluhan, tita. Sorry po pero hindi ko po talaga papakasalan ang anak niyo." "I said, Kenj that's enough." Halata na sa boses ni Tito Kenzo ang galit para sa anak. "Bakit naman ayaw mong pakasalan si Avy, iho? Datirati lang gusto mong nakadikit sa anak ko. Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" tanong ni mama. Bumuntonghininga si Kenji. "Hindi ko na po puwedeng pakasalan ang anak niyo dahil . . . nakabuntis po ako ng ibang babae." Napasinghap naman si mama sa narinig kay Kenji. Pinagmasdan ko ang reaskyon nila. Gulat na gulat si mama, papa at Tita Jillian. Habang si Tito Kenzo ay diretso lang na nakatingin kay Kenji, hindi ko mabasa ang emosyon niya.  "You got to be kidding me. Tell me this is just a joke, right Jillian and Kenzo?" hindi makapaniwalang tanong ni mama sa mag-asawang Villaceran.  "I'm sorry po tita . . . pero 'yon po ang totoo," sabi ni Kenji. Pinilit namang pakalmahin ni papa si mama.  "Kenji!" puno ng awtoridad na tawag ng magulang nito sa kanya. Bigla akong tumayo dahilan para matigilan silang lahat. "Hayaan na po natin si Kenji. Besides, I've already knew it a long time ago. Ayokong dumating sa punto na may isang walang muwang na bata ang mawalan ng ama dahil sa akin." Nakatulala pa din sila at naghihintay ng susunod kong sasabihin. "Avy . . . ," tawag sa akin ni Kenji. I looked at him then I gave him a warm smile.  "I've trusted you, Mr. Villaceran," papa said looking straight at Kenji.  "I thought you love my daughter. Bakit mo ito nagawa?" biglang sabi ni mama. Nakabawi na pala siya mula sa pagkagulat.  "I promise tita. I do loved Avy but . . . I don't know what happened. Bigla na lang naging ganito kagulo. I admit it's my fault." "Well then, I think your love for her is too shallow," sabi ni papa. Napatingin ako sa kanya dahil dito. Sasagot pa sana si Kenji pero biglang tumunog ang cellphone nito. Nakita ko namang pangalan ng isang babae ang nasa caller ID. Ito ata 'yong babae na nabuntis niya. "Who is that?" tanong ni Tita Jillian. Tinago naman ni Kenji ang cellphone niya pero tumunog uli ito. "Is that the girl? Let me talk to her," sabi ni Tita Jillian. Napansin ko namang kinausap ni Tito Kenzo si papa, pinaupo muna ni papa si mama. Hinawi naman ni Kenji ang cellphone niya para hindi maabutan ni Tita Jillian. Nakita ko naman na pinapatigil ni Tito Kenzo ang dalawa. "Kenji, humingi ka ng tawad sa mga Villaceran. Ngayo na," madiin na sabi ni Tito Kenzo. Bumuntonghininga si Kenji at hinarap kami. "I'm sorry, tito at tita dahil naging gago ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para patawarin niyo ako. Alam kong napakasama ng ginawa ko. And sa bawat minuto at segundo na lumilipas, hina-hunting ako ng konsensya ko. Dapat hindi ko na lang ginawa, dapat hindi na lang ako naglasing no'ng gabing yon." Nagulat kami ng lumuhod siya. Yumugyog ang balikat niya, sign that he's crying. Lahat kami ay nakatingin lamang sa kanya. Maya-maya pa ay nagulat na lamang kami sa isang tao na biglang sumulpot sa harapan namin. Niyakap niya si Kenji na para bang pinoprotektahan ito sa amin.  Halatang-halata din ang tiyan nito na malaki na. Walang nagsasalita kahit isa sa amin. Narinig ko pang napasinghap si Tita Jillian. "You!" Akma na sanang susugurin ni Tita Jillian ang babae nang biglan nitong hinarangan ni Kenji. "Hindi ka na nahiya! Nagpunta ka pa ditong haliparot ka!" sigaw ni Tita Jillian sa babae. Nagawa naman nitong hablutin ang buhok ng babae. Hindi naman namin malaman kung paano namin sila pipigilan. Naaawa ako para sa bata na dinadala niya. Alam kong magiging mahirap ang sitwasyon sa oras na masilayan niya ang mundong ito. Lalo pa kung hindi agad ito maaayos. Hinawakan naman ni Tito Kenzo si Tita Jillian at inilayo dito. Tinulungan naman ni papa si Tito Kenzo na hawakan si Tita Jillian upang hindi ito makalapit sa babae. Inilagay naman ni Kenji ang babae sa likuran niya at matalim na nakatingin kina tita. Samatalang si mama ay gulat na gulat at nanonood lang sa mga nangyayari.  "Ma! Tama na! Ako ang may kasalanan kay Avy. Ako ang dapat magdusa dito. Huwag niyo ng idamay si Laurheign. Tatanggapin ko ang parusa pero huwag niyo siyang saktan. Please, dinadala niya ang anak ko. Dinadala niya ang apo niyo. Ma, pa," pagmamakaawa nito. Kita ko sa mukha ni Kenji ang halo-halong frustration, stress at pagod dahil sa mga nangyayari.   "Tita, tama na po. Hayaan na po natin sila." Napatingin naman sila sa akin, pansin ko ang awa sa kanilang mga mata. Tiningnan ko naman ang babae na ngayon ay gulong-g**o na ang buhok. Nakita ko din na may sugat siya sa braso dala ng kalmot ni Tita Jillian. Umiiyak lamang ito at nakayakap sa likuran ni Kenji. Huminga ako ng malalim. "Napatawad ko na po si Kenji, tita. Let them be happy. Even just for the baby's sake." "Mabuti pang umuwi na tayo. Masyado ng maraming nangyari at malalim na din ang gabi. Mag-usap tayo pag-uwi natin sa bahay, son," sabi ni Tito Kenzo. Inalalayan naman ni papa si mama patungo sa sasakyan. I looked at Kenji and nodded at him, sign that I'm leaving too. He smiled at me and mouthed "Thank you.".  While on my way to exit the restaurant, nakita ko naman na nakatayo sina James, Lay and Cael. They're smiling at me but I know they're worried because of what happened. I know, nakikita ko iyon sa mga mata nila. I smiled back. I-tetext ko na lamang sila. Pagkasakay ko sa kotse ay pinaandar na ito ni papa, palayo sa lugar kung saan nangyari ang isang bangungot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD