Chapter 15

1581 Words
Cael is like driving in an endless road. Hindi namin alam kung saan kami pupunta. Mukhang mapapahaba ang byahe namin a. Binuksan ko ang radio para magpatugtog. I also open the window of his car and feel the wind touching my face. Sobrang tahimik namin. Napagdesisyunan ko namang sundan ang iilang kanta na alam kong tumutugtog sa radio. Napasapo naman ako sa noo ko nang maalala ko na maaga pala akong aayusan para bukas. Mukhang sabog akong a-attend. Wala ng beauty beauty rest. "Bakit? Mukhang problemado ka ata," puna ni Cael. "May naalala lang ako," sabi ko sa kanya. "Ano naman 'yon?" "Maaga nga pala ang gising ko bukas." "Gusto mo ba bumalik na tayo? Ihahatid na ba kita sa inyo?" tanong niya. Hindi ko naman feel umuwi. Besides, medyo nabuhay ang diwa ko dahil sa biglaang pa-road trip ni Cael. "Huwag na. Ayos lang." Iniabot ko ang isang tsitsirya mula sa backseat na binili niya tsaka ito binuksan. Paminsanan ay sinusubuan ko naman si Cael. After kong maubos ang tsitsirya na kinakain ko, maya-maya ay nakaramdam na ako ng kaunting antok. Sumandal akong maigi sa passenger seat at saka ko pinikit ang mata ko. "Inaantok ka na?" tanong ni Cael sa akin. "Medyo," sabi ko habang nakapikit pa din ang mga mata. "Salamat nga pala sa pagsama sa akin a," he said out of nowhere. "You're welcome," tipid na sagot ko. Hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi dahil tuluyan na akong hinatak ng nilalabanan kong antok. Nang maggising ako, napansin kong hindi na umaandar ang kotse. Hininto pala niya sa isang gilid. Napansin ko ding binabaan niya ang upuan sa passenger seat dahilan para mas makahiga ako. Tinititigan ko naman si Cael na ngayon ay mahimbing na natutulog sa driver seat. Habang patagal nang patagal ang pagtitig ko sa kanya, nag-iiba naman ang itsura niya sa mata ko. Parang mas nahuhubog ang facial features niya. Mas gumagwapo ata siya. Mas naging defined. Mas nagmukha siyang manly kaysa dati. Kinusot ko naman ang mata ko. Kailan gumwapo ng ganito si Cael? Alam kong umpisa pa lang, mukha siyang may lahi pero bakit ganito ang itsura niya sa mata ko? Dapat na ata akong magpa-check up sa mata. Sa iba ko naman tinuon ang atensyon ko nang mapansin kong nagigising-gising na siya. Ngayon ko lamang napansin ang lugar kung saan kami nakahinto. Mula dito, tanaw namin ang buong siyudad. "Gising ka na pala. Napahaba ba ang tulog ko?" he asked. "Hindi ko alam. Kagigising ko lang din," sagot ko. Well, it's true. Talaga nga namang kagigising ko lang. "Are you hungry? Do you want to eat?" tanong niya sa akin. Kita ko naman sa mukha niya ang pagiging concern sa akin. "Hindi pa naman," I said, pero biglang kumalam ang sikmura ko. He looks at me while grinning from ear to ear. Kinuha niya ang isang plastic at sa loob n'on ay may dalawang tupperware. Sa gilid naman ay dalawang plato at kutsara. Iniabot niya sa akin ang isang plato at kutsara. Binuksan niya ang isang tupperware kung saan nakalagay ang ulam. Ang bango ng adobo. Nakagugutom! Sa palagay ko, 'yong isang tupperware ay ang kanin. Hindi naman ako nagkamali sa naisip ko. "Kain na tayo," aya niya. Hinayaan niya akong maunang sumandok ng kanin at ulam. Pagkatapos ay siya naman. Tahimik lamang kaming kumakain. Walang sinuman ang gustong magsalita. Ang sarap no'ng adobo! Ang lambot no'ng manok at ng patatas. "Ayos lang ba? Hindi ba masyadong maalat?" he asked me. "Nope, sakto lang ang lasa niya. Ang sarap no'ng manok," I said. "Mabuti naman. Thanks." "Ikaw ba ang nagluto?" tanong ko sa kanya. "What do you think?" "Oo? Pero hindi kasi halata sa 'yo na marunong ka." I chuckles. "Well, it's okay. Pero yes, ako ang nagluto niyan. Minsan kasi kapag wala si papa at si tita, ako ang nagluluto para sa amin ni Mirasol." Aww, ang sweet naman pala ni Cael! Pagkatapos naming kumain ay siya na ang nagligpit at nag-ayos nito. Nagpresinta pa ako pero tumanggi siya. Binuksan ko uli 'yong radio ng sasakyan niya para may ingay naman kahit papaano. Ilang oras din kaming nagpagala-gala sa kalsada. Nag-drive sa kung saang lugar until we've decided to go home. Mga past 3 AM na ako nakauwi sa amin. Pagkauwi ko ay humiga agad ako at nakatulog na. Andami kong ginawa, I need some energy. Naalimpungatan ako sa pagkatulog ng naramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Hindi ba nila alam na pagod ako!? I just want to rest first. Argh! Let me. Nang hindi na talaga ako makapagtimpi dahil sa ginagawa nila sa akin ay sinigawan ko na ang kanina pang nanggigising sa akin. "Ano ba! Patulugin niyo muna ako p—" Natigilan ako ng makitang si mama pala ang nanggigising sa akin. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo, iha? Mukhang puyat ka ata a," puna ni mama. "Hindi naman po. Medyo na-excite lang," sabi ko na lang. I'm not really excited. Sino bang ma-eexcite sa ganitong sitwasyon? Kung p'wede nga lang i-cancel na lang ito e. "Gano'n ba? O siya, tumayo ka na diyan at maya-maya lang ay darating na ang make up artist na binayaran ko para mag-ayos sa 'yo." Umalis si mama at hinayaan na akong mag-isa sa kuwarto ko. Hihiga pa sana ako dahil inaantok pa talaga ako, pero narinig ko na may kumatok sa pintuan ko. "Ma'am, sabi po ng mama niyo na bumaba na daw po kayo para kumain," sabi ng maid na nasa labas. "Pasabi na lang na susunod na ako. Salamat!" sigaw ko sa maid para marinig niya ako. Inaantok man ay tumayo na ako tsaka nag-ayos. Pagkababa ko ay naabutan kong nag-aalmusal sila mama at papa. They're talking something. I guess, related ito sa business. Binati ko sila at dumiretso na upuan sa kanang bahagi ni papa. "Kamusta ang tulog mo, iha?" seryosong tanong sa akin ni papa. "Ayos lang naman pa," sagot ko. Pinilit kong siglahan ang itsura ko kahit na gustong-gusto ko na pumanik at dumiretso sa kuwarto ko para matulog agad. "Bakit mukha atang pagod na pagod ka kanina no'ng ginigising kita, iha? Nakailang tawag na sa 'yo ang mga maid natin, kaya ako na ang umakyat para gisingin ka. May ginawa ka ba kagabi?" tanong naman ni mama sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ha? W-wala po ma. Sumaglit lang po ako kina James," pagdadahilan ko. Medyo nauutal pa ako. They seems to buy my reason. Tumango naman sila parehas sa sinabi ko. "Anyway, nakausap ko na ang mama ni Kenji na pupunta tayo for confirmation. Also, aalis tayo ng maaga ngayon dahil malayo pa dito ang restaurant niya." Tumango naman kami sa sinabi ni mama. Binilisan ko na ang kain at sinabing aakyat na sa taas para mag-ayos. This is it! Hope that everything goes well. I opened my phone and saw two notifications. Nag-text sa akin si James and Lay na nandoon na daw sila. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Habang nagbibihis ako ng damit na ibinili sa akin ni mama ay bigla namang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nagulat naman ako sa pahabol na text ni James. From: James Kasama din pala namin si Cael. Bakit naman tinangay pa nila si Cael? Ano namang gagawin niya do'n? Mag-rereply na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto ko. Iniluwal nito si mama kasunod ang make up artist siguro na binayaran niya para sa akin. She's a woman from her mid 20's, mahahalata mong maganda pa din ito kahit na may edad na. Ang mas mature nitong itsura ang mas nakadaragdag ng kagandahan dito. Ngumiti ako dito at nginitian naman ako nito pabalik. Pinakilala naman siya ni mama sa akin. Her name is Raea. Pinaupo na niya ako sa harap ng salamin atsaka m-in-ake up-an. "Kaunti lamang po ang make up na ilalagay ko sa anak po ninyo. Maganda na po siya, mas i-hihighlight lang po natin ang ganda niya. I can see na maganda din ang kutis niya," puri ni Raea sa akin. "She is. Mana sa akin yan e," singit ni mama. Tumango naman si Raea bilang pagsang-ayon. Iba't ibang topic naman ang pinag-uusapan nila. May mga instances na nagtatawanan pa sila. Masaya naman akong nakikinig lang sa usapan nilang dalawa. "Hays nako, iha. Impossible na wala pang nanliligaw sa 'yo, 'no? Sa ganda mong yan, bulag na lang ang hindi ka liligawan," sabi ni mama. Ngumiti naman si Raea. "Takot po ata sila sa akin, ma'am. Kaya siguro hindi nila tinutuloy." "Kahit na, iha. Alam mo, kung malinis naman ang intensyon nila sa 'yo. Bakit naman sila matatakot, right darling?" baling na tanong sa akin ni mama. Tinanguan ko lamang siya. "I'm proud of my friend's son, Kenji, ang manliligaw ng aking anak. I know that young man has pure intentions towards my daughter. Ilang beses ko na 'yong nasaksihan. Alam kong hindi niya sasaktan ang anak ko." Nakangiting nakatingin sa akin si mama. Sinuklian ko naman ito ng isang ngiti. I don't want to disappoint my mother. Ayoko ding madungisan ang image ni Kenji sa kanila. But I know it will be hard to keep that image. Nang masiguradong ready na ang lahat ay napagpasiyahan na naming umalis na. Ilang oras pa bago makarating sa pupuntahan namin, pero pakiramdam ko ilang minuto na lang ang natitira. Buong biyahe ay iniipon ko ang lakas ng loob ko para sa anumang pangyayari na p'wedeng mangyari. Ito na 'yon Avy. Wala na talagang kawala. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD