Tomorrow is the day. Kauuwi lang namin kanina ni mama galing sa mall. She buys me a black-fitted dress that could emphasize my curves. Hindi na ako nagpabili ng sandals dahil marami naman ako dito. Naabala ako ng isang katok galing sa labas.
"Iha, are you busy?" tanong ni mama sa labas. Lumapit ako at binuksan ito.
"Hindi naman po. Pasok po kayo, ma," I said at binuksan pa ng kaunti ang awang ng pintuan.
"Naisukat mo na ba 'yong pinamili natin? Para kung sakali na masikip ay maibili kita ng bago or maibalik agad natin."
Hindi nga pala kami nagsukat. Kampante kasi ako na kasya na ito agad sa akin. Isa pa, malapit ng magsara ang mall kanina no'ng dumating kami doon. Kaya talagang rush kami sa pagbili kanina. Na-traffic kasi kami sa daan.
"Hindi pa po. Magsusukat palang po sana ako," sabi ko sa kanya.
"Isukat mo na dali! Gusto kong makita," she excitedly said, pati na din ako ay na-excite magsukat. Bago naging busy si mama bilang katuwang ni papa sa trabaho, ganito ang madalas na bonding namin—ang mag-shopping at magsukat ng damit.
Pumasok ako sa CR dala-dala ang damit na pinamili namin. Inuna ko munang hubarin ang damit na suot ko ngayon at saka ko isinuot 'yong bagong bili na dress. Hindi naman ako nagkamali, talagang sakto ito sa akin. May allowance ng kaunti pero ayos na din. Lumabas na ako para makita ni mama ang itsura ko.
"Wow! Iha, you look more beautiful than I thought. Talagang bagay sa 'yo 'yan." Halata sa mukha ni mama kung gaano niya nagustuhan ang itsura ko. I smiled at her.
"Mas ma-i-in love sa 'yo ang manliligaw mo," hirit niya. Napabuntonghinga na lamang ako. Kung alam lang nila.
"What's the problem, iha? Don't you like it?" she asked me.
Pilit kong ibinalik ang ngiti ko, "I love it ma. Gustong-gusto po."
"Good. Bukas, maaga kang mag-aayos dahil maaga kong papupuntahin ang make up artist na binayaran ko, " she said then she smiles at me, "maganda ka na, mas lalo ka pang gaganda."
"Thank you ma!" I said then I hugged her.
"Ano ka ba! Nasa lahi ata natin 'yan. Naalala ko pa kung paano sa akin nabaliw ang papa mo. Siguradong mababaliw din sa 'yo ang manliligaw mo, the moment na makita ka niya."
"Si mama talaga." The room is filled with our laughter. It felt good whenever I have this type of conversation with my mother. Bibihira na lamang kami magkaroon ng ganitong pag-uusap. I'll surely miss this kapag naging busy na naman sila.
"O siya, iha, aalis na ako. Pupuntahan ko na ang papa mo at baka na-mimiss na niya ako," she said. Tinanguan ko naman siya at nagpasalamat uli pero bago pa siya makaalis ay may pahabol naman akong tanong.
"Ano 'yon iha?" she asked me.
"Paano po kung sakali na 'yong anak ng super close friend niyo did something bad to your daughter? What will you do po?"
"Hmm . . . si Kenji ba ito, iha?" I was taken aback because of her question.
"No, ma. Just a friend of mine. Nakararanas kasi siya and she's asking for advice sana kung paano niya sasabihin sa parents niya ang nangyari. Since she doesn't want to break the friendship between their parents. Ayaw niya din naman po kasing umasa ang mga ito," pagsisinungaling ko. I felt guilty.
"Oh, that's quite complicated. What do you mean by something bad?"
"Kunwari nag-cheat po then . . . nakabuntis ng iba. Mga ganoong instances po," I said. Nag-hesitate pa ako kung idaragdag ko pa 'yong nasa dulo na sinabi ko.
"If sa 'yo nangyari 'yon at malaman ko, given na magagalit ako sa guy na anak nila and at the same time masasaktan ako," she said.
"Syempre anak kita e. I don't want my baby to get hurt. Gawin na nila ang gusto nilang gawin. Huwag lang nila sasaktan ang anak ko, because that's my daughter. And I think even the other parents out there will agree with me," mahabang lintanya niya.
"What about the guy's parents po? Maaapektuhan po kaya 'yong friendship ng parents nila?"
"I'm not sure about that. It depends on a situation din kasi, iha. Kung matagal ng alam no'ng kabilang side at hindi nila sinusuway or wala lang talaga silang alam. But I think, it will affect their friendship somehow dahil involve ang anak nila. Especially, kapag trusted no'ng magulang 'yong guy."
"Ah, gano'n po pala 'yon." Tumatango-tango pa ako pero sa loob ko ay kinakabahan na talaga ako.
"Sure ka bang hindi ito si Kenji?" bigla niyang tanong. Tinitigan ko lamang siya ng matagal. I don't know what to say. Umiling ako sa kanya. I lied for the second time. Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito si papa.
"Kanina pa kita hinihintay, hon," sabi ni papa kay mama. Lumapit naman si mama kay papa na nasa pinutan at saka ito hinalikan.
"Sorry, may tinanong lang sa akin si Avy," malambing na sabi nito kay papa.
"Salamat nga pala ma. Alam ko po kung gaano kayo ka-busy yet you choose to spend your time with me," I said. She smiles at me.
"You're welcome, iha. Nga pala, don't worry too much. Let's just say na we'll just cross the bridge when we get there. Alright, iha?"
"Opo ma." I smiled at her. Sinabi naman nilang mauuna na sila kaya naman ay hinayaan ko na sila.
Nagpalit na uli ako ng damit at tinago ang dress na sinukat ko. After that, I throw myself at the bed. Sobrang pagod ang nararamdaman ko dahil sa ginawa namin. Maya-maya ay bigla namang tumunog ang cell phone ko. Hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako kanina. Kinuha ko naman ito, hindi na ako nag-abalang tingnan pa ang may-ari ng numero na tumatawag. Bigla ko na lamang itong sinagot.
"Hello? Kailangan mo?" bungad kong tanong.
"Ikaw," the other line said. Napabalikwas naman ako ng tayo ng marinig ko ang boses niya. My heart skipped a beat. Ang nararamdaman kong pagod ay bigla na lamang nawala.
"Bakit ka ba tumawag?" I asked him.
"Tumingin ka muna sa labas ng bintana mo," he said. Kahit medyo naiirita ay sinunod ko na lamang ito.
"O tapos? Ano gagawin ko?"
"Dito sa baba. Tumingin ka," utos niya. I found him waving at me while he's leaning on his car.
"Anong ginagawa mo dito?!" gulat kong tanong.
"Itatanan ka," sagot niya. Did Cael already lose his sanity?
"Nababaliw ka na."
He chuckled, "I'm just kidding. Pero kung gusto mo, puwede naman."
Mukha bang gusto ko? Slight.
"Sira ka. Bakit ko naman gugustuhin makipagtanan sa 'yo?" tanong ko sa kanya. Sa loob-loob ko ay may parte na kinikilig ako.
"Baka lang naman," he said while looking straight into my eyes. My heart is pounding. Ilang minuto din kaming gano'n. I cleared my throat. Natauhan naman siya ng marinig niyang tumikhim ako.
"Aayain pala sana kitang lumabas," sabi niya.
"Lumabas? Gabing-gabi na Cael. Grabe naman 'yang trip mo."
"Yeah, I know." Medyo natahimik naman ang nasa kabilang linya. Mukhang malalim ang iniisip niya.
"Saan naman yan?" pang-uusisang tanong ko sa kanya.
"Kahit saan. Wala akong maisip e." Natawa naman ako sa sinabi niya. Lakas mang-aya, wala naman palang concrete plan.
"Bakit tumatawa ka? Seryoso kaya ako," sabi niya.
"Wala. Natatawa lang ako sa 'yo," sabi ko na lang sa kanya. Kita ko naman ang pag-iling niya sa baba.
"O ano? Are you down?" he asked me. Of course!
"Wait, pag-isipan ko muna," tumigil ako saglit upang mag-isip kunwari bilang pang-asar, "sasama ako."
"Hintayin kita sa baba," he said. I ended up the call and get my cardigan. Tahimik akong umalis, ultimo pagbaba ko ng hagdan ay dahan-dahan. Baka kasi may magising, yari na.
First time kong tatakas. Lahat kasi ng mga gala ko ay napagpapaalam ko bago mangyari. Kung hindi naman, sinasabi ko agad pag-ando'n na ako sa mismong venue. Abot-abot langit ang kaba ko ng mga sandaling tumatakas ako ngayon. Sana lang ay hindi malaman nina mama.
As soon as Cael saw me, binuksan na niya ang kotse niya. Pagtingin ko sa backseat ay may mga pagkain at inumin na nasa plastic pa. Mukhang ka-gogrocery lang ni Cael a.
Pumasok na siya at pinaandar naman niya ang kotse niya.
"Hindi naman halatang handang-handa ka?" mapang-asar kong tanong sa kanya.
"Hindi naman. Kung ano na lang makita ko sa convenience store kanina, 'yon na ang kinuha ko."
Tinanguan ko naman siya. "Spare clothes na lang kulang, para na talaga tayong magtatanan."
"May spare clothes din akong binili diyan," biglang sabi niya. I gazed at him in awe.
"What the hell, Cael! May balak ka ba talagang makipagtanan?!"
"Relax, I told you that I was just joking earlier," he said, defending himself.
"Then what is this? What's with the spare clothes?" I asked. Tinuro ko naman ang mga pinamili niya.
"Let's just say . . . for emergency purposes?"
What?!
Hindi pa man din ako nakababawi mula sa pagkagulat ay tinanong na niya ako.
"Do you want to know what else did I got?" he said while wiggling his eyebrows.
"Ano pa?" pabalik kong tanong. Kung nagulat na ako kanina, mas nagulat pa ako sa naging sagot niya.
"Condom." Tumingin naman siya sa akin. "Don't get me wrong, I won't use it. Boy scout lang talaga ako."