Chapter 1

2315 Words
Halos patapos na ako sa pag-aayos. I just wear a pullover hoodie and a faded highwaist jeans. I will have a date with my suitor. Infairness suitor pa lang may date na. Balak ko na siyang sagutin ngayon. Halos magti-three years na siyang nanliligaw sa 'kin. Sana maging perfect 'yong araw na ito. Nasa kalagitnaan ako ng pasusuklay ng marinig ko ang sigaw ni mama mula sa baba. "Iha, andito na si Kenji tapos ka na ba diyan? Bilisan mo." Napabalikwas ako sa narinig ko. Gosh! hindi pa ako nagsasapatos. I immediately took my grey sneakers at dali itong isinuot. Sa pagmamadali ko muntik pa akong malaglag sa hagdan. Aalalayan sana ako ni mama pero sumenyas ako na huwag na. "Ano Kenj? Tara na?" aya ko sa kanya. Nginitian niya naman ako sabay tango. Bago kami makaalis ay lumapit sa akin si mama. "Iha, Mag-iingat kayo. Enjoy and always be happy okay?" Tumango ako tsaka niyakap si mama. I love my mom. Siya kase 'yong partner-in-crime ko sa mga kalokohan although minsan strict din siya. Sa kanya ko din pinaalam na sasagutin ko na si Kenji. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay mama. May pahabol naman na warning si papa kay Kenj. "Mr. Villaceran bring my daughter back exactly 10 pm. Hindi porket close sa 'kin ang papa mo that makes you an exception. Pagdating sa anak ko walang kaibi-kaibigan," seryosong sabi ni papa. Nakita ko naman ang kaba sa mukha ni Kenji pero naalis naman ito ng nginitian siya ni papa. Pinalo naman ni mama si papa sa braso pero mahina lang. "Yes tito, I promise 10 pm." Tinanguan naman siya ni papa. I smile at them bago kami tuluyang umalis. "Where do you want to go Avy?" Kenji asked. Sa totoo lang kanina pa ako kinakabahan. Hindi ako makapag-isip ng maayos the moment we entered his car. Kanina ko pa iniisip kung pano ko siya sasagutin. Dapat ba magisip ako ng opening? or diretso sagot na? Kakantahan ko ba muna siya or not? Pano ba kasi 'to ginagawa? Ano ba dapat unang gawin? Huwag ko nalang muna kaya siyang sagutin? Sa susunod na pag-alam ko na. Wait no! ngayon dapat 'to. Wala ng atrasan. Napabalik ako sa reyalidad when Kenji snapped his finger in front of my face. Nahalata kaya niya? "Hey Avy, are you okay? Ang lalim ng iniisip mo a. May problema ba? Masama ba pakiramdam mo? Tell me, para makabalik agad tayo habang di pa tayo nakakalayo," ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Kenji. I just shrugged and smile at him. "Wala naman. Don't worry ayos lang ako," sabi ko sa kanya. Bigla naman kaming nakarinig ng busina. Hininto niya pala 'yong sasakyan. "Sorry my bad!" he shouted kahit alam niyang 'di naman siya maririnig n'on. I just laugh at him. He started to drive the car again. "Mag-picnic nalang tayo. May alam akong lugar." Tinanguan kolang siya. Hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako. Nagising na lamang ako ng tapikin ni Kenji ang pisngi ko. Sinilip ko ang labas kung nasa'n kami. It was a park pero 'di gaano ang tao. Kaunti lang ang nandidito. Tamang-tama walang masyadong titingin. Naghanap ako ng malilim na p'westo habang si Kenji naman kinukuha 'yong matt at basket na may lamang pagkain. Mukhang pinagplanuhan niya 'to. Pagkadating niya ay inayos namin agad ang matt at pagkain tsaka kami umupo. We started to talk things about each other. Kung ano-ano na ang mga ganap sa buhay namin like that. Even though nagkikita naman kami pero hindi na masyadong madalas. Dati halos lagi kaming nagkikita pero this past few weeks halos nagiging missing-in-action na siya. Nakahanap kaya siya ng iba? Impossible. Nararamdaman kong mahal niya ako tsaka bumabawi naman siya. I've decided na ito na ang tamang oras para sagutin siya. Habang nagkukwento siya sa mga nangyari sa kanya ay nag-iipon naman ako ng lakas ng loob. Napatigil naman siya sa pagsasalita ng marinig niya ang buntonghininga ko. Agad naman siyang napalingon sa 'kin at naghihintay ng sasabihin ko. Averil this is it. Wala na talagang atrasan. "Actually Kenji may sasab—" Naputol bigla ang sasabihin ko when his phone suddenly rang. Agad naman siyang tumayo at lumayo sa pwesto namin. Mukhang nagtatalo sila ng kausap niya. Sino naman kaya iyon? Nakita ko naman na pabalik na siya. Agad ko naman siyang nginitian at itutuloy na sana 'yong kanina ko pa sasabihin pero he cut me off. "Tumayo kana Averil. Ihahatid na kita sa inyo." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tiningnan ko ang relo ko. Maaga pa naman ah. "Pero Kenji 6pm pa lang. Maaga pa," sabi ko sakanya. Jusko naman! kung kailan ando'n na e. "Sorry, Averil emergency lang sa bahay." Napatango na lamang ako at tinulungan siyang ayusin ang gamit na dala namin. Tahimik lang kami sa biyahe. Siguro pagod na siyang magsalita and so am I. Tinext ko naman si James and Lay. My boybestfriends. Actually, para na kaming magkakapatid na tatlo. Bukod kay mama, silang dalawa din ang kasama ko sa kalokohan at kung ano pa man. To: James Kita tayo diyan nila Lay sa inyo Tinext ko din si Lay with the same message. Agad naman akong nakatanggap ng message mula kay James. From: James Bakit prenn? Anong problema? Sige hintayin ko kayo dito Naka-receive din ako ng text galing kay Lay na doon na lang daw kami magkita-kita sa bahay ni James. Sinabi ko naman kay Kenji na idaan nalang niya ako kina James. Akala ko magrereklamo pa siya pero sumunod na lang din. Pagkababa ko ay hindi pa man din ako nakakapagpaalam ay pinaharurot niya na 'yong kotse. Ganun siguro ka-importante 'yong tawag sa kaniya kanina. Narinig ko naman na nagbukas na 'yong gate. "Oh pren pasok na mahamog diyan sa labas," sabi niya. Agad naman akong pumasok at iginaya niya ako sa sala. Ilang sandali pa ay dumating na si Lay. Binigyan naman kami ng juice ng katulong ni James. "Anong ganap dito?" tanong ni Lay sabay inom ng juice na nasa tapat niya. Isa pa itong missing-in-action din. Magsama sila ni Kenji. "Remember Kenji? My suitor? Naudlot kasi 'yong date namin ngayon kaya dito ako dumiretso. May emergency daw sa bahay," sagot ko. Tango lamang ang ginawa nilang dalawa. As I look at them parang may kakaiba sa kanilang dalawa ngayon. "Alam ba ni tito na nandito ka sa bahay ko? " tanong naman ni James. Umiling lamang ako bilang sagot. Hala! Oo nga pala hindi ko pa nasasabi kay papa mamya mag-alala' yon. "Itext mo na nandito ka para di mag-alala si tito. Sabihin mo kamo ihahatid nalang kita bukas ng umaga. Dito ka nalang muna matulog," suggestion ni James. Excited ding pumayag si Lay sa naisip ni James. Itong dalawa talaga kahit kailan Hahaha! Pumayag naman ako sa ideya niya. Agad kong tinext si papa na kina James ako matutulog. Pumayag naman siya at sinabing mag-uusap daw kami bukas pagkauwi ko. Hindi na bago samin ang matulog sa bahay ng isa't isa. Minsan kasi kapag wala sila mama't papa nakikitulog ako sa kanila. Tsaka alam naman nila papa 'yon. Malaki ang tiwala ni papa sa kanilang dalawa na hindi nila ako papabayaan. Syempre parang anak na niya din 'yang mga 'yan. "Wait lang pren. Ipapahanda ko lang sa maid yung tutulugan mo," paalam niya sakin sabay punta sa maid kanina na nag-serve sa'min ng juice. Nagtatalon at nagsisigaw naman si Lay na para bang first time naming tatlo na matutulog sa isang bahay. "Pinaayos ko na 'yong tutulugan mo pren. At ikaw Lay doon tayo sa kwarto ko matutulog. Isa lang guestrom ko," sabi niya agad naman siyang niyakap ni Lay. Bigla naman kaming nakarinig na parang nabasag. Ano 'yon? Halata naman sa mukha ni James ang pagkagulat at pagkataranta. Pati si Lay ay napatingin din sa gawi ng kwarto ni James kung saan nanggaling ang tunog. "W-wala lang 'y-yan. Halika mag-bar hoping muna tayo. Game?" I feel something na may tinatago si James. Nawala naman ang atensyon namin sa nangyari kanina. Sumigaw si Lay ng "Yes" at nagpunta na kami sa bar na pinupuntahan nilang dalawa lagi. Actually, hindi talaga ako nag-babar dahil 'di naman kasi ako marunong uminom even na malapit na 'ko sa legal age. Sila James at Lay kasi noon, wala pa sa legal age umiinom na. Hays! mga pasaway talaga. Pinauna na kami ni James na sumakay sa kotse at sinabing hintayin nalang daw namin siya dahil may gagawin lang daw siya saglit. Puno ng tao ang bar ngayon kahit first week palang ng month of May. Sinusulit na nila 'yong mga natitirang araw even though next month pa ang pasukan. Kunsabagay, mabilis kasi ang usad ng panahon ngayon kaya 'di mo mamalayan pasukan na. Agad naman kaming pumunta sa part na 'di gaanong napupuntahan ng mga tao. May nakita pakong nag-memake out. Yuck! Err kadiri. Inalis ko na lamang ang tingin do'n at naghanap ng malapit na table. Paupo na sana ako ng may isang tao na lumapit sa'min. "Hey dude, andito pala kayo ni Lay," bati niya sabay nakipag-fistbump sa dalawa. "May kasama pala kayong chix d'yan. Hello I'm Micael, Cael for short na lang and you are?" Sabay lahad ng kamay niya. Mukha siyang may lahi. Nginitian ko naman siya at agad tatanggapin ito ng pigilan ako ni James. "Hands off dude. Alam ko 'yang galawan mo. Off limits 'to maghanap ka na lang ng ibang babae diyan." Napatawa namn si Cael sa sinabi ni James. "Ito naman overprotective gusto ko lang naman makipagkaibigan. Tsaka kung sakali man, malinis naman hangarin ko don't worry." Sabay kindat sa 'kin. Napa-iling na lamang si James habang si Lay naman ay natatawa lang. "Tara dude! Doon tayo sa table namin," aya ni Cael. Tatanggi sana si James nang biglang hinatak siya ni Cael papuntang table nila. Nakisabwat pa si Lay. Hahaha! Jusme! Napatigil naman sa pagtatawanan at pag-iinuman ang mga tao na nasa table, I assume this is Cael's friend. Pinakilala naman kami ni Cael sa kanila. "Okay guys, you know James and Lay right?" Sabay naman nagtanguan ang lahat, "I invited them na dito sila maki-table and also their friend." Sabay turo sakin. Nagpakilala naman ako. "Hi I'm Averil but you can call me Avy." Nginitian naman nila ako. We decided to sit down. Bale, nasa gitna namin ni Lay si James. Nagulat naman ako ng may nag-abot sakin ng shot glass. "Hey girl, inom ka muna. By the way, I'm Marga," pagpapakilala niya sa 'kin. Nginitian ko na lamang siya at sinabing 'di ako umiinom ng alchohol. Inabutan naman ako ni James ng Iced tea na agad ko namang tinanggap. Nakita ko naman na natawa si Marga. "Ano ka bata? C'mon you should drink alcohol. Mas maganda kesa sa Iced tea," sabi niya. Lumapit naman sakin 'yong isang girl. "Anyway huwag mo nalang pansinin si Marga. If you don't want to drink alcohol then don't. Anyway, I'm Sam." Nakipagkamay naman ako sa kanya. Na-fifeel ko na magkakasundo kami. Tumabi naman siya sa akin. Andami pala nilang magkakabarkada. Napansin siguro ni Sam ang pagtingin ko sa mga tao sa table na ito kaya isa-isa niya naman sa 'kin ipinakilala ang lahat. "'Yong nasa dulo na naka-polo shirt na red is Marga's brother, Hendrix." Tumango naman ako. Napansin niya siguro na nakatingin kami sa kaniya kaya agad naman siyang nag-wave sa'min.  "Next one si Ainsley, 'yong katabi ni Hendrix." Turo niya naman dito. "Si Maggi naman 'yong katabi ni Ainsley and of course, you know Cael 'di ba?" Tumango uli ako. Bawat isa sa kanila naman ay nginingitian ako kaya 'di ko masyadong na-fifeel na ma-awkward-an ako or ma-out of place. "Cael papunta na daw si Marik!" sigaw ni Sam. Tumango at nag-thumbs-up naman si Cael. "Marik is my best friend," bigla niyang sabi. Akala ko ito lang, mayroon pa pala. Maya-maya pa ay dumating na 'yong Marik. Nakipag-apir naman siya sa kanila. Napahinto naman siya ng ma-realize niya siguro na ngayon niya lang ako nakita. "Oh, may bago pala tayong kasama dito. Welcome, I'm Marik," pagpapakilala­ niya. Nag-handshake naman kami. Tatanggalin ko naman yung kamay ko pero mahigpit 'yong pagkakahawak niya. Ano ba 'to? "Hoy, Marik bitawan mo yan. Isa ka pa parehas kayo ni Cael. " Binitawan naman ni Marik ang kamay ko. Ansakit jusme! "Ingat ka diyan pren, huwag ka masyadong nagdidikit sa mga yan lalo na kay Marik," paalala niya sa 'kin. Medyo natawa naman si Marik at Cael sa sinabi ni James na ngayon ay magkasama na pala. "Itong si James binibigyan tayo ng masamang image kay Avy Hahaha!" sabi ni Cael na sinangayunan naman ni Marik. Maya-maya pa ay nagpunta ng dancefloor 'yong iba sa kanila. Nag-stay naman si James sa tabi ko at baka daw kung ano pa ang mangyari, samantalang si Lay naman hinatak nang mga babae na nagpunta dito kani-kanina lang. Talaga nga naman. Bale, ang natira na lang dito ay si Sam, Marik, James at ako. Medyo napahikab naman ako. Napatingin naman sa 'kin si James. Nahalata niya siguro na inaantok na 'ko. Nagpaalam na si James na i-uuwi na daw niya ako. Tumango lamang sila at sinabing mag-ingat daw kami. "Teka pren si Lay pano?" tanong ko kay James. "Wait hanapin ko lang. Dito ka lang 'wag ka aalis." Tumango naman ako at umalis na siya. Pagkabalik ni James ay hindi niya pa din kasama si Lay. "Asan si Lay?" nag-aalala kong tanong. "Hindi ko mahanap si Lay. Sabi umalis daw ng may kasamang babae. Hindi na daw nila alam kung saan nagpunta. Talaga yun si Lay hays. Halika na pren, umuwi na tayo." Pumunta kaming parking lot. Nasa saan kaya si Lay? Ano naman kayang nangyari do'n? "Pren, huwag mo ng masyadong isipin si Lay. Matanda na 'yon kaya na niya sarili niya." Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi ni James. Hays! sana ayos lang si Lay kung nasaan man siya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD