Days passed wala pa din akong nakukuhang text mula kay Kenji. The same day naman ng umaga no'ng umuwi ako kinausap ako agad ni papa. He told me na medyo disappointed siya kay Kenji but I told him na may emergency sa bahay. Ano na kayang nangyari do'n?
Bumaba muna ako para manood ng kung ano. Nakakaburyo sa bahay, walang magawa hays! Habang nanonood ako ay nakarinig naman ako ng may nag-doorbell. Sino naman iyon? sa pagkakaalam ko wala naman akong bisita a.
"Manang, may tao sa labas. Papasukin po ninyo baka bisita ni papa," pasigaw kong utos. Sinunod naman niya ito at dali-daling nagpunta sa pinto.
"Ma'am, si sir James po andito," sabi niya sabay alis. Agad namang nagtungo ang paningin ko sa pintuan kung saan siya nanggaling.
"Oh pren, hindi ka pa nakaayos?" tanong niya sa 'kin. Wala naman akong naalala na aalis kami a?
"May sinabi ka ba? Ba't parang wala akong matandaan?" nagtataka kong tanong. Saan naman kaya kami pupunta?
"T-in-ext kita kanina. Na-receive mo ba?" tanong niya. Agad ko namang tiningnan ang cell phone ko. May text nga siya. Mamimili pala kami ng gamit sa school. Oo nga pala, malapit na ang pasukan. Sa sobrang dami kong iniisip nakalimutan ko na.
"Sorry pren, nanonood kasi ako ng tv kanina kaya hindi ko napansin. Naka-vibration mode. Hintayin mo 'ko mag-aayos lang ako saglit," paalam ko sa kanya. Buti na lang nakaligo na 'ko kanina. Agad akong umakyat sa taas at nagpalit ng damit.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na agad ako. Naabutan ko namang nagkukwentuhan si papa tsaka si James.
"Ituloy mo lang ang pangarap mo, iho. Maabot mo din 'yan." T-in-ap naman ni papa ang shoulder ni James.
"Salamat po tito," sabi naman ni James. Kainggit mukha pa silang mag-ama kaysa sa'min. Siguro gano'n talaga kasi wala siyang anak na lalaki. My mother told me na gustong-gusto daw ni papa ng lalaki na anak at in-assume niya daw na lalaki ang lalabas but unfortunately, babae ang lumabas and that was me. Siguro kaya gano'n na din ang pagka-close ni papa kina James at Lay, although close kami ni papa pero mas close siya kina James.
Lay's dad, James' dad and my father were best friends since highschool. I've met James and Lay no'ng nagkaroon ng annual party and dala-dala sila ng mga tatay nila. James and Lay were 9 years old and I'm 8 years old that time. Magkaparehas pa sila ng birthday. No'ng una akala ko kambal sila pero hindi pala. Since then, lagi-lagi na kaming nagkikitang tatlo. Gagala kami sa kung saan-saan or gagawa kaming kalokohan gano'n.
Napansin naman nila ang presensya ko kaya agad silang napatingin sa 'kin. Agad naman kaming nagpaalam kay papa.
"Nga pala pren, tinext ko na din si Lay na sumabay na sa atin. Doon nalang tayo magkikita kita sa mall," sabi niya.
"May kasama din daw pala siya," habol niya pa. Huwag niyang sabihing dinala niya pa pati babae niya dito?
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Mall. Sa tapat ng School supplies store na lang namin napagpasiyahang hintayin sila Lay. Nakakita naman ako ng bench na malapit sa amin kaya agad akong umupo doon. Sobrang nakakangalay, jusme asan na ba kasi sila? Inaya ko din si James na umupo sa tabi ko. Halata na din ang medyo pagkairita sa mukha niya.
"Antagal naman ni Lay. Halos mag-iisang oras na tayong naghihintay dito. Magiging estatwa na tayo sa sobrang tagal," reklamo ni James. Bigla na lamang tumunog ang cellphone ni James, hudyat na may tumatawag. Nakita ko naman ang pangalan ni Lay. Nako! Lagot ka.
Tumayo si James at sinagot ang tawag ni Lay. Lumayo siya ng konti sa kinauupuan namin kanina. But I still manage to hear what they're talking about.
"Oy par asan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay dito," iritadong tanong ni James. "Ba't ka ba kasi natagalan? . . . Ahh kaya pala . . . Andito ka na? Sige bilisan mo. Hintayin ka na lang namin dito sa tapat ng School supplies store." Agad naman niyang in-end call at bumalik ulit kung saan kami nakaupo.
"Ano na nangyare kay Lay?" tanong ko kay James.
"Ayon natagalan lang daw kay Cael," sagot niya.
"Cael? Ba't kasama si Cael?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko alam pren. Makikisabay lang siguro," tugon niya. Ilang minuto lang ay nakita na namin si Lay sa 'di masyadong kalayuan na kumakaway. Kinawayan naman agad siya ni James at patakbong lumapit sa amin.
"Sorry na-late kami. May dinaanan pa kasi kami ni Cael e," pagdadahilan niya. Tumango na lamang kami. Napansin ko naman sa likod niya ang paparating na si Cael. Napansin naman ako nito at agad na kumindat sa 'kin. Err! For heaven's sake, hindi ko siya type sa totoo lang. Although, he got the looks and the likes but not my type.
"Oh, andito pala si Avy. Still remember me?" tanong niya sakin. Nginitian ko na lamang siya. Bago pa mangyari ang kung ano mang hindi maganda ay inaya na kami ni James na pumasok ng store.
Pagkapasok namin sa store, we've decided na maghiwa-hiwalay muna kami para pumili ng gamit na bibilhin namin. Nakakairita lang 'yong Cael kasi halata naman na sinusundan niya 'ko pero malayo lang ng konti ang agwat niya sa 'kin para hindi mahalata. Hinayaan ko na lamang siyang gawin ang gusto niya at ginawa ang dapat kong gawin. Una kong pinuntahan ang mga pens na gagamitin ko. I'd picked different colors para sa mga titles and bodies, para everytime na mag-lelecture magandang tingnan at 'di ako mahilo kakatingin. Sinunod ko ang mga highlighters and notebooks na gagamitin ko.
Nang matapos akong makapamili ay pumila na ako sa cashier. Saktong pagpila ko ay tapos na din silang mamili. Nag-uunahan pa silang pumila. Hays nako! Bata ba sila? Eh sabay-sabay naman kaming lalabas ng store na 'to nag-uunahan pa.
Nang turn ko na ay agad kong nilabas ang wallet ko pero bago ko pa maabot sa nasa cashier ay may nakita akong kamay na may hawak na credit card. I looked at the person who owns it and it was Cael. Hindi ko naman kailangan ang pera niya. I have my own.
"Miss, ako na magbabayad lahat," he said while smiling. Kinuha niya na din 'yong mga pinamili nina James at nilagay iyon sa counter.
"My treat," habol niya pa sabay kindat sa 'kin. Naknampucha! Tuluyan na sanang pumikit 'yang mata mo.
"No need dude. Ako na magbabayad no'ng akin," sabi ni James at nilabas din ang card niya. In-insist naman ni Cael na siya na daw ang magbabayad pero hindi pumayag si James hanggang sa magtalo sila. "Ako na nga p're ang magbabayad. No need to treat me." Iniaawat naman sila ni Lay.
Pansin ko naman na madami na ang nakapila at naiirita at the same time. May mga iba na din na tumitingin sa amin. Jusko po, Kahiya my gosh! Napansin ko naman na available na 'yong isang counter kaya agad akong lumipat doon at iniwan silang nagtatalo. Mamya ko na sila poproblemahin. Pagkapila ko ay agad kong binayaran ang binili ko.
"Ma'am kaano-ano niyo po 'yong tatlong lalaking nagkakagulo sa kabila?" Usisang tanong no'ng nasa cashier.
"Boybestfriends ko 'yong dalawa and 'yong isa is just someone I know," sagot ko. Pabebe naman siyang ngumiti-ngiti at sinuping ang buhok niya sa likod ng tainga niya. Problema nito?
"Bakit mo pala natanong?" Napa-huh naman siya sa tanong ko at halatang medyo nagulat.
"Ma'am pwede pong paki-abot do'n sa lalaking naka-polo shirt na blue? Hihi." Tukoy niya kay James sabay abot sa akin no'ng maliit na kapirasong papel. Tinanggap ko 'yon at ngumiti ng pilit. May isang saleslady ang lumapit din sa 'kin at nakiusap na paki-abot din daw 'yong kanya pero kay Lay naman.
"Pero ma'am pwede niyo din pong ibigay sa kanilang tatlo 'yan. Hihihi," habol niya pa. Nagpaalam na 'ko sa kanila at pinuntahan na sina James. Nakapagbayad na din pala sila. Buti naman, akala ko balak nilang mag-away habambuhay eh.
Agad ko naming iniabot sa kanila 'yong papel na pinabibigay no'ng mga staff ng store. "Ayan pinabibigay nila. Ginawa pa akong messenger jusme." Sabay turo ko do'n sa dalawang staff. Napansin naman no'ng staff ang pag-turo ko sa parte nila kaya agad silang kumaway sa amin.
"Don't worry, hindi ko tiningnan 'yan dahil alam ko naman 'yong mga ganyan eh," sabi ko. Binulsa ni Lay 'yong papel habang 'yong hawak ni James na papel ay tinapon niya sa malapit na basurahan samin.
"7:30 pm. na pala," puna ni James, "Kumain na tayo nagugutom na 'ko," aya niya sa'min.
Sa isang Fast food chain kami kumain tutal sabi nila ay aasikasuhin pa daw nila 'yong requirements sa enrollment. Tapos ko na kasi 'yong akin no'ng nakaraang araw pa para kung sakali ay hindi ako magkukumahog. Sinabi ko na lang ang order ko sa kanila para maghanap ng pupwestuhan namin. Sumunod naman sa 'kin si Lay para maghintay.
Maya-maya pa ay dumating na ang order namin together with James and Cael na hawak-hawak ang mga tray, may isa pang tray na hawak naman ng isang crew. Katabi ko sa kaliwa ko si Lay while nasa harap ko naman si Cael at sa kanan niya ay si James. We we're busy digging in our foods ng may isang biglang babae ang tumatakbo at sumisigaw papunta sa amin.
"SEEECCCHAAAAN!" matinis niyang sigaw. Niyakap nito si James at hinalikan sa pisngi. Halata naman ang pagkagulat sa mukha ni James. "I missed you. Hindi mo sinasagot 'yong mga texts and calls ko." maarteng sabi nito. She was wearing pink dress and pink sandals with colorful ribbons and fancy accessories. Ano 'to bata? Mahilig pala si James sa bata. Pinigilan ko ang sarili kong matawa gano'n din sina Lay habang nag-tatantrums siya sa harap namin.
"Sechan ko busy ka ba ngayon? Can you accompany me sa pag-shoshopping? Bibili ako ng new dress ko eh," pabebe niyang sabi while clinging into James' neck.
"Stupid girl! How many times do I have to tell you that my name is Sebastian James Robles. It's Sebastian not Sechan," Pagtatama nito. Napanguso na lamang 'yong babae.
Hindi ko na napigilan at napahagalpak na ako sa tawa. Hindi na din nakapagpigil si Lay at Cael at natawa na din sila. Agad naman itong napatingin sa akin ng masama. She smiled at Lay and Cael at nagpakilala.
"I supposed you are James' friend? Hello! I'm Rossiana Diane Salazar. The one and only Heiress of Salazar Jewelries. You can call me Rossi," masiglang pagpapakilala nito. Nagpakilala naman si Lay and Cael at nag-shakehands sila. Natuon naman ang atensyon niya sa 'kin.
"And you are?" tanong niya while raising her eyebrows and smiling.
"I'm Averil Gonzaga, James' friend also," pagpapakilala ko. Nakipag-shakehands naman ako sa kanya. Halatang plastic 'yong ngiti. Tinuon na niya uli ang atensiyon niya kay James.
"Nga pala, Kaano-ano mo si James? Are you one of his flings?" I asked. Taas noo naman siyang tumingin sa akin.
"Oh, I forgot to tell you guys. I'M HIS GIRLFRIEND."