Pagkatapos ng naka-shoshocked na pangyayari ay napagpasyahan na naming umuwi. Kinulit pa ni Rossi si James na magpunta daw silang dalawa sa arcade pero sa sobrang pagkairita ni James ay sinungitan niya lamang ito. Medyo nakaramdam ako ng awa para kay Rossi. Even though she's like that, she shouldn't be treated that way.
Nung kinagabihan din na iyon ay pinagsabihan ko si James na huwag siyang masyadong harsh kay Rossi na tinanguan niya lang. Ano ba kasing problema nilang dalawa? I can feel na maayos naman si Rossi kahit na may pagka-girlish siya.
Medyo nagulat naman ako ng biglang tumunog yung cellphone ko. Ang lalim na pala ng iniisip ko. Nilagay ko na sa sound mode yung notification sa cellphone ko. Nadala na'ko noong nakaraan na naka-vibrate.
From: James
Hey pren, busy ka ba? Mag-eenroll na kase kami ni Lay balak namin na isabay ka na pero kung busy ka ayos lang.
Ano na bang araw ngayon?
I immediately checked the calendar on my phone. Hala! 4 days na lang bago magpasukan. Agad akong nagtungo sa messages at tinext si James.
To: James
Sige pren, sasabay na'ko.
Nakatanggap naman ako agad ng reply sakanya na susunduin niya daw ako. Agad kong inayos at hinanda yung mga gamit na gagamitin ko.
After 10 minutes, narinig ko naman ang sigaw ng maid namin na nandito na daw si James. Binlower ko ang buhok ko para mabilis matuyo.
Magtatatlong linggo na ding hindi nagpaparamdam si Kenji. Umaasa paden ako na isang araw ay magtetext siya. Kung kailan naman sasagutin ko na eh.
Tumakbo na ata siya at nagpakalayo-layo. Ano nga uli tawag don? Ah ghosting.
Mukhang ganoon na nga. Hays! kung kailan nagugustuhan ko na siya eh.
Siguro ganon talaga, may mga bagay na bigla nalang mawawala pagnakasanayan mo na. Ano pa bang bago? Kaya you huwag mong hayaan na masanay ka sa mga bagay-bagay lalo na sa isang tao. Hindi natin alam kung kailan nalang yan aalis. Just like a thief, na susulpot ng hindi mo alam. And after that person gets what he/she wanted, tatakbo nalang ng parang walang nangyari. While you, standing there being left dumbfounded.
You'll going to wake up one morning, wala na pala. Before you even knew, it was already gone.
"Pren, nagbreakfast ka na ba?" Napatingin naman siya sakin. Sinundan naman niya ako papuntang kusina.
"Hindi pa nga e, sa pagmamadali ko nakalimutan ko ng kumain."
"Sabayan mo na'ko hindi ko naman mauubos lahat yan e."
Umupo siya sa katapat kong upuan. I checked my watch and it was already 7:30 AM. May 30 minutes pa kaming natitira. Mahirap kasi mag-enroll pagmedyo-medyo late na. Masyado ng maraming students. Kaya dapat maaga talaga.
Tahimik lang kaming kumakain. Ang tangi mo lang maririnig ay ingay ng mga kutsara't tinidor.
"Nga pala pren, kamusta na yung manliligaw mo? Ano ng nangyari dun? Naduwag na ata e," he asked.
"Hindi ko din alam e," I said at patuloy pa din sa pagkain. Kahit ako ay walang ideya.
"Ano nga bang pangalan non?" tanong niya uli.
"Kenji," tipid na sagot ko.
"Ahh oo nga, sobrang tagal na nung huli kaming nagkita kaya nakalimutan ko na." Maya-maya ay natahimik naman siya. Naramdaman niya sigurong hindi ko gusto yung topic.
I just feel bad about myself. I never had a boyfriend since birth. Masyado kasi akong busy sa pag-aaral and besides, this is my first time to entertain a suitor. Siguro, I looked so dumb because I don't have any idea about this thing.
At first, akala ko hindi siya seryoso kasi may mas angat pa naman sakin diyan. I know I'm not that too pretty like other girls na habulin. My looks is just on the average side. Hindi gaanong kagandahan, hindi din naman ganoon kasagwa. I thought that, lolokohin niya ako katulad ng ibang lalaki. Yung tipong ilang linggo palang nakahanap na ng iba. Kaya hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin. Hanggang sa nagulat nalang ako na antagal na niya palang nanliligaw sakin, that's why I gave him a shot.
Mas lalong na-developed yung feelings ko sa kaniya dahil nararamdaman ko na seryoso siya sa'ken. Pag may family trip nga sila lagi siyang tumatawag sa'kin, kulang nalang tangayin ako. Syempre hindi ko pupwedeng gawin yon kaya hanggang tawag lang or videocall.
Pero ngayon, unti-unti ng nagbabago ang lahat. Aminin man natin o hindi, lahat naman talaga nagbabago. Swerte mo nalang kung hindi. Maybe for now he stayed but little did you know, in the midst of his stay, he actually changed.
After ng umagahan ay dumiretso na kami sa school. Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ng in-open-up niya uli ang nangyari kanina.
"Alam mo pren, wag mo ng masyadong isipin yon. Siguro hindi pa ito yung tamang oras para magkaroon ka ng you know... Boyfriend?" He then shrugged his shoulders. "Tsaka ienjoy mo yung pagkasingle mo. Masarap kaya maging single katulad ko," pahabol niya pa.
I suddenly laughed about on what he said.
"Wow, sa'yo pa talaga nanggaling yan ha?"
"Why? Totoo naman a," depensa niya.
"Ah-uh James kunwari naniwala ako. So ano mo si Rossi? Past time? The last time I checked, she confessed na girlfriend mo daw siya. Ni hindi mo nga tinutulan e."
"Oh that, nakalimutan ko lang sigurong bawiin. She's just a—" He paused for awhile. "Nevermind." He smiled at me tsaka pinatay ang makina ng sasakyan. Sa sobrang pagkukwentuhan namin hindi ko namalayan na nasa school na pala kami.
Speaking of Rossi, hindi pa kami nakabababa ay nakita ko na siya sa rearview mirror. Nakacross-arms at mukhang inip na inip kahihintay. Nagtingin-tingin pa siya sa mga kotse sa parking lot and when she sees James' car ay parang nabuhayan muli siya ng dugo.
Pagkababa na pagkababa namin ng sasakyan ay tumakbo agad siya at sinalubong si James ng halik pero napigilan siya nito. Naramdaman ko na medyo napahiya siya doon, but she still manage to smile. Kita ko naman ang pagkairita sa mukha ni James.
Napatingin naman ito sa'kin at binigyan ako ng death glare. Problema mo? Tusukin ko mata mo diyan e. Minsan hindi ko alam kung dapat ko pa siyang i-push kay James o hindi e. Ako na nga itong nagmamalasakit. Hays!
She clings into James' arm but paulit-ulit lang itong tinatanggal ni James. Hays nako! sakit niyo sa mata.
"Anyways, pren asan ba si Lay?" tanong ko sa kaniya.
"Nasa pila si Lay pinagsesave tayo ng pwesto." Ayos din pala ang mga ito, masyadong maparaan.
Nagdiretso na kami sa lugar kung nasaan si Lay. Sobrang daming estudyante, may mga nag-fifill-up pa ng form sa dingding.
Nang matanaw kami ni Lay ay kumaway naman siya. Tagaktak ang pawis ne'to sa sobrang init.
"Antagal niyo pren, kanina pa'ko naghihintay dito," reklamo niya. Nagpaypay naman siya gamit ang damit niya.
"Nga pala, kinuha ko na kayo ng form," habol niya pa.
We immediately get the form and start filling it up. Nilagay ko lahat ng informations na hinihingi nila.
Nang matapos na kami sa pag-fifill-up ay sabay-sabay na kaming apat pumila. Bawat may isang taong aalis sa upuan ay umuusad agad kami.
"Myghad! Napakainit naman dito! Wala ba silang pa-aircon?" iritang sabi ni Rossi.
Hindi ko maiwasang mapailing na lamang. This is an open area, how come na makapaglalagay ng aircon? Brat. Pinaypayan ko na lamang ang sarili ko pero alam kong di pa din 'yon sapat.
Sobrang init talaga dito halos tagaktak na din ang pawis ko katulad kay Lay. I smiled when I felt an air touching my skin. Sobrang sarap!
I looked at the direction kung saan nanggagaling ang hangin and I was shocked ng mapagtanto ko kung sino iyon.
Cael and his mini fan.
"Ano Avy? Ayos ba?" he asked then he naughtily smiled. What the hell!
Nahawi ko na lamang ang kamay niya na hawak yung mini fan.
"Excuse me? What do you think you're doing?" inis na sabi ko sa kaniya. Nawala naman ang ngiti niya.
"Err... Pinapahanginan ka?" inosente niyang sagot.
"Hindi ko kailangan ng pahangin mo," I said at tinuon ang pansin sa pila.
"C'mon Avy, 'wag kana magpakipot. Kita ko yang tagaktak ng pawis mo oh!" sita niya.
"Pakielam mo ba? Just mind your own business." Nakakainis to! Akala mo naman gustong-gusto ko. No way!
Tinapat niya naman yung mini fan sa'kanya pero sinigurado niyang matatamaan padin ako ng hangin.
I just rolled my eyes on what he did. Bahala ka sa buhay mo!
Nang matapos na namin ang pagkahaba- habang pila ay napagdesisyunan naming kumain. It was already passed 12 kaya siguro ganun nalang ang gutom namin.
"Sechan ko, sa'yo ako sasabay ha?" maarte niyang sabi sabay tingin ng masama sa'kin. As far as I know wala naman akong ginagawang masama sa babaitang ito. Akala mo naman laging maagawan.
"Pren, sa'kin kana sumabay," sabi ni James.
"Hindi na pren. Ayos lang, kay Lay nalang ako sasabay," sabi ko. Tumango na lamang siya. Ayokong makasama sila sa iisang sasakyan baka mabaliw lang ako.
Pupuntahan ko na sana si Lay ng biglang may nag-notif sa phone ko. I checked who was it and I'm surprised na si Kenji iyon.
I open his message and read it.
From: Kenji
Hey, Avy are you free? I just wanted to talk to you. Meet me at the nearest coffee shop sa Condo ko ng 1:30 pm.
I suddenly felt nervous. What is really happening?