MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: "SUS! MAG-ASAWA ka na, Ineng!" balik na sigaw sa akin ni Manong at dala ng inis ko ay itinago ko na lamang ang aking mukha sa sarili kong palad at hinayaan si Yves sa balak niyang gawin dahil kahit lumaban ako ay wala rin akong mapapala. Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na makaligo man ang o makapagpalit ng damit at basta na lang niya akong binuhat at dalhin sa labas ng bahay. Kung bakit ba naman kasi hinahayaan ko ang lintik na ito na pumasok sa buhay ko ngunit kahit anong taboy ko sa kanya ay lalo lang siyang lumalapit. Mukha siyang magnet na dikit ng dikit. Hanggang sa ibaba ako ni Yves, sinamaan ko siya ng tingin at inayos ang damit kong nalilis mula sa pagkakabuhat niya. "Saan mo ba ako dinala?" inis na tanong ko sa kanya at iginala ang akin

