MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: NAKIPAGTITIGAN si Yves sa akin at habang nakatingin ako sa kanyang mga mata, isang kakaibang init ang aking nararamdaman habang nakatitig ako sa kanya. "Here," biglang sambit niya at tumambad sa akin ang isang supot na dala niya na naglalaman ng isang box na sa tingin ko ay kakanin na naman. Sinamaan ko siya ng tingin. "Suhol ba yan dahil sa pag gamit mo sa akin kagabi?" Yves tilted his head while holding the plastic. "Suhol? Babe, this is what you called panunuyo." Panunuyo my ass! Akmang itutulak ko si Yves palayo sa akin ngunit hinawakan niya ang isa kong kamay at inilapag doon ang supot na hawak niya. "Ano to?" takang tanong ko at inusisa ang laman habang si Yves ay tinalikuran ako at naglakad pabalik sa sofa at pabagsak na naupo roon. "Palitaw," aniya

