MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: "MATUTUWA na ba ako sa kaalamang ako lang ang nakakaalam ng sikreto mo?" busangot na wika ko sa kanya. Kung tutuusin ay pwede ko namang isiwalat sa pamilya niya ang nalalaman ko tungkol kay Yves ngunit hindi ko na teritoryo ang kinatatayuan ko ngayon. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Maging proud ka dapat dahil sa dami ng babae na humahabol sa akin, sayo lang ako nabaliw ng ganito." "Maraming babae, puro lalaki nga ang kasama mo!" Tuluyan ng natawa si Yves at bahagya niyang pinisil ang aking pisngi at pinanggigilan 'yon ngunit hindi naman masakit kaya tinabig ko ang kamay niya. "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" reklamo ko sa kanya na agad niya namang ginawa. "Ang sarap pala sa pakiramdam na makita na kompleto ang mga taong importante sa buhay ko

