MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: "ATE, PAANO kayo nagkakilala ni Kuya Yves?" biglang tanong sa akin ni Yvaine nang mapag-isa kami sa mesa. Magtatanghali na at heto pa rin ako sa bahay ng mga Lucchesi at mukhang wala silang pakialam sa itsura ko na nakapambahay lang. Paano ko ba sasabihin kay Yvaine na sa casino kami nagkakilala ng Kuya niya kung wala naman silang ideya sa ginagawa ng gunggong na yon? Hays, bahala na! "Nagkakilala lang kami sa kalsada," tipid na sagot ko. "Kalsada? Ano yun, love at first sight o love at first bangga?" Napangiwi ako sa sinabi niya. "Basta, nagkausap lang kaming dalawa tapos ayun, bigla siyang nagsabi na liligawan ako although hindi ako pumayag pero masyadong makulit ang kuya mo." "Ang boring naman ng love story niyo. Wala bang halikan na naganap?" Lokong ba

