Gamble 17:

1000 Words

MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: "WALA BANG ibang kaibigan ang kuya mo?" tanong ko kay Yvaine habang nasa mesa kaming dalawa at kumakain habang ang mga magulang nila at dalawa niya pang kuya ay abala sa pagluluto rito sa likod ng bahay nila. "Hmm? Palakaibigan po 'yan si kuya Yves pero kapag may handaan sa amin ay kami-kami lang din ang magkakasama kaya nagulat kami nang makita ka." "Sa itsura nga niya mukhang marami siyang kaibigan. Hindi ba siya nagka-girlfriend noong kabataan niya?" Gumuhit ang mapang-asar na ngisi sa labi ni Yvaine. "Oy, si ate Malex inuusisa ang past ni Kuya," aniya na siyang ikinangiwi ko. "Hindi ba niya kinuwento sa'yo?" "Wala naman siyang dapat ikuwento sa akin. Natanong ko lang dahil abala naman siya at wala akong makausap dito kaya ikaw na lang ang tatanungin ko."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD