MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: Kaya ko bang suklian ang isang pagmamahal na kumakatok sa pintuan ng aking puso gayong wasak pa rin ang aking pagkatao? Maraming kulang sa buo kong pagkatao at hindi ko alam kung kayang punan ni Yves ang butas ng sugat ng kahapon ko mula nang mamatay si Daddy. Hindi ko alam. "Hindi ko naman hinahangad na gustuhin mo ako agad, Malex," basag ni Yves sa katahimikan ko. "Hindi ko rin minamadali na mahalin mo rin ako dahil hindi ako ganoong klaseng tao. Alam kong puro kalokohan lang ang laman ng isip ko pero mula nang makita kita sa The Last Gamble, alam kong seryoso ako sa nararamdaman ko sa'yo." "Paano kung hindi kita magawang mahalin, may magagawa ka ba?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. Isang tipid na ngiti ang binigay niya sa akin at tuluyan nang kumalabo

