MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: "Hustisya at mahanap ang taong gustong makita ng taong tinutulungan mo, 'yon ang goal natin." Namayani ang katahimikan sa paligid naming dalawa na kung tutuusin ay kaliwa't-kanan ang busina ng mga sasakyan at ang mga dumadaang tao sa gilid namin. "T-Teka, nabingi yata akom Ulitin mo nga yung sinabi mo?" Bumusangot ang mukha at biglang gumapang ang hiya sa buong katawan ko kaya marahas kong tinalikuran si Yves. "Walang ulitan sa bingi!" wika ko at saka nagsimulang maglakad ulit at napahawak ako sa aking pisngi na ngayon ay namumula na. Bwisit talaga siya! "H-Hey, wait!" Muli akong natigilan sa paglalakad nang hawakan ni Yves ang kamay ko at pumunta siya sa harapan ko. "Ulitin mo yung sinabi mo," pangungulit niya. Tiningala ko ang mukha niya ngunit agad ako

