MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: NAPAHAWAK ako sa aking noo kung saan dumampi ang labi ni Yves at tinanaw ko na lamang ang kanyang bulto na naglalakad palayo. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi na pinapasok ko si Yves sa buhay ko o dapat ba akong matuwa? Hindi ko alam. Pumihit na lamang ako papunta sa bahay nila Tito Chris at naglakad na rin ako papasok at nang hawakan ko ang seradura at agad na nangunot ang aking noo dahil hindi naka-lock ang pinto. Nagkibit-balikat na lamang ako at saka tuluyang itinulak ang dahon ng pinto ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang sumalubong sa akin ang bunganga ng isang malamig na metal. May nakatutok na baril sa aking mukha. "Sino kayo?" matapang na wika ko at agad na bumaha ang liwanag sa buong sala at nagimbal ang buong pagkatao ko nang makita s

