CHAPTER SIX

1434 Words
Alas-singko palang naman at 6pm ang closing time ng library kaya may one hour pa akong natitira para gawin ang dapat gawin. Nagumpisa na ako sa pagaayos ng books sa shelf pati na rin yung mga documents. Natapos ko ng ayusin yung unang shelf. Sunod naman ay yung pangalawang shelter.   "Wow. Ang ayos ha." Komento ko ng makita kong maayos na nakasalansan yung mga books. Marahil ay walang studyanteng nagpunta sa bahaging to. Ang pagiging magulo at hindi maayos na pagkakalagay ng mga libro ay isang palatandaan kasi na may naghanap o gumamit ng libro sa isa sa mga shelf. Nagpunta na ako sa pangatlong shelf at laking gulat ko nang makitang maayos rin ito. Katulad nung pangalawang shelf. Tiningnan ko yung pang-apat, pang-lima at maging sa kahulihulihang shelf ay sinilip ko. Lahat ng mga shelf ay maaayos. Parang walang mga studyante ang nagpunta dito simula kaninang umaga.   "Sino naman kaya ang nagayos ng mga libro?" Tanong ko sa sarili ko. Nakakapagtaka naman kasi talaga. Hindi kaya kanina pa naayos ni Maam Tessa yung mga books dito? Eh? Parang ang impossible naman masyadong marami ang mga books na ito kung sya lang mag-isa ang nag-ayos.   "Wala ka pa bang balak na umuwi?"   "Ay palaka!" Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang may magsalita sa likuran ko.   "Dati ipis. Tapos kaninang umaga daga tas ngayon palaka naman. Ayos ha. Shapeshifter na pala ako ngayon." Natatawang sabi ni Carl.   "Lagi ka na lang kasing nanggugulat e!"   "Tss. Kasalanan ko ba kung magugulatin ka."   "Ewan ko sayo. Dyan ka na nga at mag-aayos pa ako." Naglakad na ako dun sa mga documents area para maayos na rin to.   "Wala ka ng aayusin." Sabi ni Carl pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy nalang naglakad papunta sa document area. Nung makalapit na ako sa document area ay nakita ko itong maayos na rin. Eh? Bakit ganun?   "Sabi ko naman sayo wala ka ng aayusin." Nilingon ko si Carl na ngayon ay nasa tabi ko.   "Ikaw ba ang may gawa nito?"   "Hindi naman sa pagmamayabang pero oo. Ako nga ang may gawa nyan."   ** "Ano naman ang gagawin natin dito?" Nandito kami ngayon sa tapat ng bilihan ng mga bulaklak. Ewan ko ba kay Carl. Dinala nya kagad ako dito pagkatapos naming ayusin yung mga books at yung iba pang gamit sa library.   "Pwede ba tayong bumili ng bulaklak kahit yung pinakamura lang." Napatingin ako sa kanya. Aanhin naman kaya nya ang mga bulaklak?   "Wala akong pera ngayon. Sa susunod nalang." Sabi ko at tumalikod na. Kung may pera lang ako why not diba. Tuesday palang ngayon at sa linggo ko palang makukuha ang sweldo ko.   "Sige na kahit isang bulaklak lang."   "Carl wala nga sabi akong pera. Alam mo naman siguro ang kalagayan ko ngayon. Sa linggo ibibili kita. Promise."   "Osige na nga." Malungkot na sabi nya. Nauna na syang maglakad sakin. Bakit ba kasi bigla nalang sya nagpapabili ng bulaklak? Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa tindahan nung mga bulaklak at binili ang kaya ng bulsa ko. Limang tangkay lang na bulaklak ang nabili ko. May pagkakahawig ito sa daisy. Sky blue ang kulay ng mga petals nito. Ang ganda kahit na mumurahin lang. Napapaisip talaga ako kung saan gagamitin ni Carl ang mga bulaklak na to. Sana naman ay hindi nya sayangin ang magagandang mga bulaklak na to.   "Oy?" Tinapik ko yung balikat nya nung makalapit na ako. Unti-unti syang humarap. Malungkot na mukha nya ang nakita ko. Nakatago sa likuran ko yung mga bulaklak kaya hindi pa nya ito nakikita.   "Ano ba kasi ang gagawin mo dun sa mga bulaklak?" Tanong ko sa kanya.   "Wala. Wag mo ng intindihin yon." Nagbuntong hininga lang sya tsaka nagpatuloy sa paglakad.   "Carl?"   "Oh?" Sagot nya. Hindi sya lumingon sakin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Nagdrama pa ang multong to! Haha.   "Humarap ka sakin." Ginawa naman nya ang sinabi ko. Huminto sya sa paglalakad at humarap sakin.   "Bakit?" Tanong nya. Para syang batang nagmamaktol.   "Ta-da!" Nilabas ko na sa pagkakatago sa likod ko yung mga bulaklak at pinakita sa kanya. Unti-unting nagliwanag yung mukha nya nung makita nya yung hawak ko.   "Binili mo talaga ako?" Masaya s***h hindi makapaniwalang tanong nya. Tumango ako sa kanya at masayang sinabing..   "Surprise!" Kahit hindi ko alam kung paraan saan ang mga bulaklak na ito ay masaya akong naibili ko to sa kanya. Sobrang saya nya kasi. Worth it ang pagbili ko and let's say na ito na rin ang way ko sa pagthank you sa kanya sa kabutihan nya sakin well except to the fact that he's always annoying me. Hindi yun kabutihan.   "Salamat Shasha!" Agad syang lumapit sa aki at hindi ko inaasahan ang biglang pagyakap nya sa akin. OH-MY-GHOST!! Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Parang naging bato yung katawan ko tapos ay sobrang lamig ang nararamdaman ko.   "Salamat talaga." Bulong nya sakin habang nakayakap. Bigla akong kinilabutan at isama pa ang lamig na nararamdaman ko dahil sa yakap nya.   "O-okay." Bahagya ko syang tinulak para maalis ang pagkakayakap nya sakin. Nagsmile lang sya sakin tapos ay inakbayan ako. Aah!! Ang awkward!   "Ano..para saan ba tong mga bulaklak?" Tanong ko para mabawasan naman ang awkward atmosphere na sa aking palagay ay ako lang ang nakakaramdam. Kasi naman!! Nakasmile pa sya habang nakaakbay sakin! Tapos parang wala lang sa kanya.   Pang-ibang level na to! AAWW! Akbay Akbay while Walking!   "Shanen? Okay ka lang?"   "Ha?"   "Kanina ka pa tulala e."   "Ha? Hindi ah! Hehehe." Ngayon ko lang napansin na nasa loob na pala kami ng apartment. Eh?!   "Pano tayo nakapasok dito?" Naguguluhan kong tanong. Pinitik nya ng mahina yung noo ko.   "Kita mo ngaaa. Hindi pala nakatulala ha. Hindi mo man lang namalayang ikaw ang nagbukas ng pinto."   "Bakit kailangan mo pang mamitik?!" Inis na sabi ko habang hinihimas yung noo ko. Asar e. Pwede namang sabihin. -__-   "May kandila ka ba dito?"   "Meron. Dun sa cupboards nakalagay. Ano ba kasi-" okay hindi nya ako pinansin at bigla nalang nawala. Psh. Bahala nga sya. Pumasok na ako sa kwarto ko para magpalit na ng damit. Kumuha lang ako ng short at t-shirt sa drawer ko. Pagkakuha ko ay hinubad ko na yung uniform ko.   "Shanen wala naman dun yung-s**t!" Kasalukuyan akong nagpapalit ng damit ko ng biglang sumulpot sa harap ko si CARL!!   "WAAAAHH!" Agad kong tinakpan yung katawan ko. Waaah!! Nakakahiya!! Sobrang init ng mukha ko ngayon at alam kong sobrang pula na rin ng mukka ko!   "s**t! Sorry! Sorry!" Natatarantang sabi rin ni Carl. Nakatakip yung mga mata nya ng palad nya habng nagsosorry.   "Ano pang tinatayo-tayo mo dyan?!"   "Ha?! Ano ba dapat kong gawin?!" Natatarantang sabi nya. Nakatakip pa rin yung mga mata nya.   "Gago ka! Lumabas ka na kaya!!!"   "A-ah. O-oo nga. Eto na!!" Tapos ay bigla na lang sya nawala. Waaaaah! Wala na! Wala na ang pinakainiingatan ko! Nakita na nya! Waa! Parang gusto kong umiyak! Mabuti nalang ay nakasuot na yung shorts ko nung bigla syang pumasok. pero kahit na! Nakita nya na wala akong pangitaas! Nakita nya yung-yung....bra koo!   Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nakita kong nakatalungko sya sa may pintuan. Nakayakap sya sa kanyang mga binti tapos ay nakapatong yung baba nya sa tuhod nya habang nakapout. I cleared my throat to get his attention.   "U-uy. Nan-nandyan ka na pala." Tumango lang ako sa kanya. Sa palagay ko hindi nya sinasadya yung biglang pagsulpot sa kwarto ko. Pero kahit na!! Argh! Ayan nagagalit na naman ako! Aah! Kalma. Kalma. Kalma. Hooo! Dapat cool lang. Wag dapat magpaapekto.   "S-sorry. Ano..kasi..hindi ko alam na..ano-" I cut him off.   "Kalimutan na natin ang nangyari. Walang nangyari. Wala kang nakita. Tapos." Tumango lang sya tapos ay tumalungko na naman ulit sa may pinto. Nagpunta ako sa kusina at kinuha yung bulaklak na kanina ay binili ko. Lumapit ako kay Carl.   "Carl ano ba talaga ang gagawin mo dito sa bulaklak?" Tanong ko sa kanya habang nilalagay sa isang lalagyan yung mga bulaklak. Baka kasi malanta sayang naman.   "Hindi ka na galit sakin?" Parang batang tanong nya.   "Hindi naman ako galit. Siguro nabigla lang talaga ako. Kaya sa susunod. Please lang wag ka na kung saan saan sumusulpot."   "Aye aye Captain!" Masayang sabi nya tapos ay nagsalute pa sakin.   "Oh ano na hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Para saan to?"   "Bago ko sagutin yung tanong mo. Nasaan muna yung mga kandila?" Tss. I rolled my eyes on him and went to the kitchen to get a candle and match. I went back to where Carl.   "Pwedeng pakisindi na rin?"   "Ayos ha! Ako na nga ang kumuha ako pa ang magsisindi. Yaya mo ba ako?" Kinuha ko pa rin yung kandila at sinindihan to. "Ano po ba ang sunod na gagawin Master?"   "Pakilagay nalang dyan. Salamat Shasha!" Nag-make face ako sa kanya pero nilagay parin sa isang lalagyan yung kandila.   "So now can you please tell me what are these for?"   "My belated celebration for my death anniversary."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD