"Uy."
"Uy."
"Shasha?"
"Galit ka ba?"
"Uy. Sorry na.."
Saktong pagka-bell ay natapos na ako sa pag-e-encode. Tumayo na kagad ako at nagpaalam na kay Maam Tessa. Mamaya bago ako umuwi ay kailangan ko ulit bumalik dito. Hanggang 6pm kasi ay bukas ang library at ako ang kailangang mag-lock nito. Pati na rin yung pag-off ng mga computers.
"Uyy. Sorry na talaga. Hindi ko naman alam na magugulat ka ng ganun."
No response. Psh. Hanggang nagyon ay kinukulit pa rin ako ni Carl. Hindi ko pa rin sya pinapansin. Hanggang sa makarating ako sa room ko. Naupo na ako sa second row malapit sa bintana. Si Carl naman ay naupo sa bakanteng upuan sa tapat ko.
"Excuse me. May nakaupo po ba dito?"
"May nakikita ka bang nakaupo?" Sagot ni Carl pero syempre hindi narinig nung nagsalita yung sinabi ni Carl. Humarap ako dun sa nagsalita.
"Wala." Tapos sabay smile sa kanya. Syempre kailangan kong maging friendly. Hehehe.
"Wait you look familiar." Sabi niya. Huh? Familiar? Ako? Teka. Oo nga no! Pamilyar din sya sakin!
"Aha! Ikaw yung babae kahapon!"
"Eh? Ako?"
"Oo. Ikaw yung kumakausap dun sa gamit na sabi mo ay makulit at laging nalalaglag." Unti-unti ay nanlaki yung mga mata ko nung maalala ko yung nangyari kahapon. Tama! Sya yung lalaki kahapon! Akala nya sya yung sinigawan ko pero ang totoo nun ay si Carl dahil nga kinukulit nya akong bilhin yung isang gamit.
"Ah. Hehe. Ako nga yun. Akalain mo yun dito ka pala nagaaral no?"
"Hindi. Hindi. Janitor yan dito." Sabat ni Carl. Psh. Bahala sya dyan.
"Oo. Actually, kaka-transfer ko lang this sem. By the way, I'm Marc." Sabi niya. Sabay pakita ng kanyang oh-so-sweet na smile.
"Shanen." Syempre pinakita ko rin sa kanya ang aking oh-so-sweet na smile din. Haha. Akala nyo sya lang ha.
"Tss." Yun lang ang huli kong narinig kay Carl bago sya nawala. Problema nun? Bahala sya. Sa tabi ko na naupo si Marc. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano hanggang sa dumating na yung prof namin. Hindi na rin biumalik si Carl. Saan naman kaya nagpunta yon?
"Okay class. May quiz tayo ngayon. I hope that all of you are prepared since you're already a 4th year college students. So, let's begin."
I was expecting that I am the only one who brought this thing but NO. Hindi ko alam kung sadyang prepared sila kaya may dala silang gamit ngayon o ako lang talaga ang walang kaalam-alam at ang magiging hindi prepared if ever Carl haven't told me to buy this thing. Maski nga itong si Marc na bagong transfer ay may dala. Sigh. Bigla tuloy akong na-guilty. Buti pala talaga sinabi nya sakin to.
Makalipas ang ilang oras ay dinismiss na kami ni Maam Perez. Nasa may pinto na ako ng biglang may tumawag sakin.
"Oh? Marc bakit?"
"Ano..kasi.."
"Yes?" Hindi sya makatingin ng maayos sakin tapos feeling ko ay parang kinakabahan sya.
"P-pwede ba akong sumabay sayo mag-lunch?" Nakayukong tanong nya. Tapos ay medyo namumula pa sya. Aww. Cute.
"Sure." Naglakad na kami parehas papuntang Cafeteria. Nakakatuwa dahil super bubbly ni Marc. Ang dami na namin kagad napagkwentuhan. Naaalala ko tuloy sa kanya si Carl. And speaking of that ghost I haven't seen him since he left. Ano kayang nangyari dun?
Uwian na namin at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita si Carl. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya kundi dahil sa kanya baka na-zero kagad ako sa first quiz namin. Sigh. Mas lalo tuloy akong naguilty. Masyado nya bang dinamdam yung hindi ko pagpansin sa kanya? Hay nako talaga. Minsan talaga hindi ko magets ang ugali nya.
"Bye Shanen! Kita nalang tayo bukas." Paalam ni Marc nung nasa tapat na sya nung pinto.
"Osige. Bye. Ingat!" Lumabas na si Marc sa room. Ako na lang ang mag-isa ngayon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Inayos ko na yung mga gamit ko sa bag ko at naglakad na papunta sa pinto. Nung malapit na ako sa pinto ay biglang sumara ito ng sobrang lakas dahilan para mapasigaw ako sa gulat. Kinalma ko muna ng konti ang sarili ko bago nagumpisang maglakad palapit sa pinto.
Nang makalapit na ako ay hinawakan ko yung door knob para buksan ito. Kaya lang ayaw nito bumukas. I tried twisting it again but to my dismay it won't budge. Ano naman kaya ang nangyari dito? Tiningnan ko yung isa pang pinto kung nakabukas. Yeah. It's open. Dun na nga lang ako dadaan. Lumapit nalang ako dun sa isang door kaya lang tulad nung isang pinto ay sumara ito nung malapit na ako. Katulad nung ginawa ko sa isang pinto ay hinawakan din yung door knob and tried twisting it too. And like in the other door it won't budge too. Okay? What is the freaking problem of these doors?
"Ya! Bumukas ka!" Pinilit ko pa rin na buksan yung pinto. Sinipasipa ko pa ito. Pero ayaw talaga. Sumilip ako sa bintana para humingi sana ng tulong if ever na may tao kaya lang wala. Ni isang tao ay wala man lang na dumadaan. Sigh. Sabagay kanina pa kasi naguwian yung mga tao. Alam nyo na kapag studyante. Excited lumabas ng paaralan.
"Yaaaa. Bumukas ka na pinto. Please lang. May trabaho pa ako. Kailangan ko pang magpunta ng library. Pleasssse. Bumukas ka na." Alam ko. Para akong baliw dito dahil kinakausap ko yung pinto pero okay lang yan. Wala namang tao. Kinausap ko pa ito ng kinausap habang pilit na binubuksan ito. Pero wala talaga. Waaa! Ayokong mag-overnight dito! Kailangan kong magisip ng paraan.
Then BAM! Muntik ko ng saktan ang sarili ko nung maalala kong may cellphone nga pala ako. Sorry tao lang. Makakalimutin din. Mabuti na lang ay may contact number ako ni Maam Tessa. Hoho! Dinial ko na yung number ni Maam Tessa.
'Sorry you do not have money left in your account. Please reload immediately. Tooot. Toot.'
Jusko! Wala nga pala akong load. Wrong timing! Ang lakas pa ng loob ko na idial yung number ni Maam tapos wala naman pala akong load. Paasa! Isang malaking paasa ang cellphone ko! Dapat dito ay sinasanla para magkapera naman ako. Naku naman. Walang kwenta. Binalik ko na lang yung cellphone ko sa bulsa ko. Aaah! Anong gagawin ko?!
Sa sobrang pagkafrustrate ko ay nagulo ko na lang ang buhok ko tapos ay tumitog na alang ako sa labas ng bintana. Makalipas ang ilang minuto ay pakiramdam ko ay may nakatingin sakin. Tumingin ako sa left side ko at...
"Waaaaaaaaaah!!" Agad kong naitulak palayo si Carl. Paglingon ko kasi ay nasa katabing upuan ko lang pala sya. Tapos ay nakatingin pala sya sa akin kaya nung paglingon ko ay nakatapat ko yung mukha nya. Sobrang lapit ng mukha namin na konting tulak nalang sa ulo ko ay mag-m-mag.. Waaaah!
"Pffft. Hahahahahahahahaha!" Tiningnan ko ng masama si Carl. Bigla kasi akong nagka-ideya kung bakit ayaw bumukas nung mga pinto. Kagagawan to ni Carl. Trip na naman nya ako! Siguro ay sya ang pumipigil sa pagbukas nung mga pinto kaya pala kahit anong galaw ko ay hindi manlang ito bumubukas. Kainis sya! Magtha-thank you at magso-sorry sa na ako sa kanya tapos pagtitripan nya lang pala ulit ako. Nakakawalang gana. Tumayo ako at lumabas ng room. Iniwan ko syang tumatawa mag-isa don. Mabuti nalang ay nabuksan ko yung pinto.
"Uy to naman hindi mabiro. Galit ka na agad." Sabi nya.
"Pwede ba kung wala kang magawa sa buhay mo wag ako ang kulitin at pagtripan mo." Sabi ko. Safe naman na magsalita ako magsalita dahil wala ng tao sa hallway.
"Sorry na."
"Sorry your face. Alam mo nakokosensya pa naman ako sa ginawa ko sayo kanina at saka magte-thank you na rin sana ako sayo dahil dun sa tulong mo. Kaya lang nawalan na ako ng gana."
"Wag ka ng magthank you. Hindi naman ako mabubuhay sa thank you mo." Nakangiting sabi nya. But his eyes failed him. I can see sadness in his eyes.
"Tingin mo yung pangtitrip mo sakin mabubuhay ka?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"No. But it will lessen my loneliness." This time he genuinely smiles at me. I pity him. The loneliness that he has right now is nothing compared to me. I have friends that I can always talk to.
"Whatever." Yun nalang yung sinabi ko at nagpatuloy nalang ulit. Alam kong nakasunod sya sakin. Kung ordinaryong panahon lang ito at may nakasunod sakin na lalaking kasing err, osige sabihin na nating gwapo sya, o diba ang haba ng hair ko if ever. Kung katulad lang ako ng ibang mga babae baka kinikilig na sila at nagsisisigaw.
Pumasok na ako sa loob ng library. Nakita ko si Maam Tessa na nagaayos na ng ibang gamit.
"Oh nandyan ka na pala Shanen. Bakit ngayon ka lang?"
"Pasensya na po Maam. Nalock po kasi ako sa loob ng classroom namin kaya ngayon lang po ako nakapunta dito." Paliwanag ko sa kanya. Totoo naman e kung hindi lang ako pinagtripan ni Carl baka kanina pa ako nandito.
"Okay lang. Ang mahalaga ay nakalabas ka. Osige tulungan mo na lang ako dito para makapagsara na tayo ng library maya-maya."
"Ako na po ang bahala dito. Mauna na po kayong umuwi."
"Nako bata ka. Hindi na sabay na tayong umuwi."
"Hindi na po. Madali lang naman po to e. Kaya ko na to. Sige na po." Inabot ko kay Maam Tessa yung mga gamit nya at bahagya syang hinila palabas ng library.
"Ay nako bata ka. Osya sige. Oo na. Sigurado ka bang kaya mo?"
"Opo. Wag po kayong magalala. Kayang-kaya ko to. Osige na po. Ingat po kayo. Babye!" Nagbabye nalang din sakin si Maam Tessa at nagbilin ng mga dapat gawin bago tuluyang umalis.