Pasado alas-otso na nga gabi nang makauwi kami. Bago ako pumunta sa apartment ko ay dumaan muna ako kay Lola Lucy para ibigay ang isang balot ng mangga. Sabi kasi ni Carl ay mahilig daw si Lola Lucy sa mga mangga kaya naisipan ko na ring bilhin ito para may pasalubong ako kay Lola Lucy. Kumatok akong ng tatlong beses.
"Lola Lucy? Si Shanen po to." mayamaya pa ay bumukas na ang pinto. Inabot ko kagad kay Lola Lucy yung mangga.
"Para po sa inyo." masayang kinuha naman ni Lola Lucy iyon.
"Ay naku maraming salamat Shanen. Nag-abala ka pa. Kumain ka na ba?"
"Walang anuman po. Hindi pa nga po e. Kakauwi ko lang po kasi. Namili pa po kasi ako ng mga gamit ko para bukas." hindi na ako kumain sa labas kanina dahil dagdag gastos lang. Mas mabuti ng dito na alng ako sa apartment kumain para makatipid.
"Ay ganun ba. Tara at sumabay ka na sakin. Hindi pa rin ako kumakain. Mas masarap kumain kapag may kasabay." hindi na ako nakatanggi dahil hinila na nya ako papasok sa loob. Sumunod naman si Carl samin sa loob. Habang kumakain kami ni Lola Lucy ay nilalaro naman ni Carl yung pusa nya. Yeah. He's playing with his cat. Kung titingnan mo ay parang lang nakikipaglaro yung pusa nya sa hangin or parang nilalari nya lang yung sarili nya. Napansin yata ni Lola Lucy na nakatingin ako dun sa pusa.
"Nilalaro na naman siguro ni Carl si Mimi." bigla akong nasamid sa sinabi ni Lola Lucy. Nakikita nya ba si Carl?
"Lola nakakakita po kayo ng multo?" bigla naman syang natawa sa tanong ko. Pati si carl na kanina ay nilalaro yung pusa nya--which is Mimi pala ang name--ay napatingin din samin.
"Haha. Ano ka bang bata ka. Hindi ako nakakakita ng mga kaluluwa. Imahinasyon talaga ng mga kabataan ngayon."
"Pero naniniwala po ba kayo sa multo?"
"Hindi ko alam. Siguro. Hindi pa kasi ako nakakaranas na makakita ng multo kaya hindi ko alam kung totoo sila." nilipit na ni Lola Lucy yung mga pinggan. Ako na ang nagprisintang maghugas nito.
"Pano po kung totoo sila? Ano po ang gagawin nyo?"
"Ako? Siguro matatakot." bigla akong napatingin kay Carl. Nanunuod sya ng tv ngayon. Hindi naman nya siguro naririnig ang usapan namin.
"Pano po kung si Carl ang makita nyo?" nagtaka ako ng bigla ulit tumawa si Lola Lucy. Bakit ba lahat ng sabihin ko natatawa sya? Hindi naman ako nagjojoke ah!
"Malabo yan. Sa palagay ko ay nasa langit nayun ngayon. Masyading mabait ang batang yun pparamagtagal dito sa lupa at maging kaluluwang ligaw." Langit? Oo nga no? Bakit kaya hindi pa sya umaakyat sa langit?
Nagpaalam na ako kay Lola Lucy at nagpunta na sa apartment ko. Bago yun ay hiniram ko muna si Mimi. Request kasi ni Carl. Buti na alng ay pumayag si Lola Lucy. Inayos ko muna yung mga gamit ko para bukas. Kailangan kong pumasok bukas ng maaga dahil ako ang magbubukas ng Library. Tiningnan ko muna ng masama si Carl na ngayon ay nilalaro si Mimi. Seriously? Hindi ba syang nagsasawang laruin yung pusa nya.
"What?" tanong nya.
"Wag kang maininilip kundi lagot ka sakin. Ipapalunok ko sayo ng buo yung bawang." sa halip na sagutin ako ay tinawanan lang ako. Loko to ha! Aklaa nya siguro hindi ko kayang gawin yun. Aba! Wag nya akong subukan. Marami akong stock ng bawang.
Pumasok na ako sa loob ng banyo at nagumpisang maglinis. Minu-minuto ay nnapapatingin ako sa paligid. Pakiramdam ko kasi ay anumang oras ay susulpot si Carl. After 10 minutes ay natapos na rin ako sa wakas maglinis. MabuTi na alng ay hnidi naisipan ni Carl na silipan ako. Nakuuu. Makakatikim talaga sya sakin. Magtu-toothbrush na sana ako nang maalala kong wala na nga pala akong toothpaste. Argh! Asar. Nakalimutan ko pang bumili ng toothpaste kanina. Lalabas pa tuloy ako para bumili.
"San ka pupunta?" tanong ni Carl.
"Dyan lang. Bibili lang ako ng toothpaste." lumabas na ako ng apartment. Wala na masyadong tao sa kalye. Pasado alas -nuebe narin kasi. Sana ay may bukas pang tindahan ng ganitong oras.
"Bilisan mo kayang maglakad."
"Ay pusa ka!" napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat nang marinig ko yung boses nya. Pinalo ko kagad sya sa balikat. "Sira ka! Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot!"
"Kanina pa kaya nandito sa likod mo. Hindi mo lang ako napansin." sabi nya sabay pout. Oh man. Why do you have to pout?! You look..you look....cuter. Aish.
"Bakit sumunod ka pa? Dapat nilaro mo na lang si Mimi dun."
"Why do I feel that you're jealous on my cat?" bigla akong napalingon sa kanya. Eyes wide.
"I'm what?!!"
"Jealous." Oh c'mon! Where did he get that kind of idea? Me jealous over his cat? No freaking way. Para narin nyang sinabing magpakamatay ako gamit ang toothpick.
"You're crazy." yun nalang ang sinabi ko sa kanya at binilisan na lang ang paglalakad ko. Naramdaman ko naman ang malamig nyang kamay sa balikat ko.
"Hey, I'm just kidding okay? Bakit ba napakaseryoso mo sa buhay?"
"Wala ka na dun. Bakit ba kasi sumama ka pa?" tanong ko sa kanya. Nagumpisa na kaming maglakad hindi pa rin nya tinatanggal ang pagkakaakbay nya sakin.
"Bakit masama ba.....masama bang bantayan ka?" napatingin ako sa kanya nakatingin lang sya ng diretso sa daan.
"Bakit?"
"Anong bakit? Nag-aalala ako sayo. Stupid." okay na sana e. Bakit may stupid pa? Magsasalita na sana ako nang bigla ulit syang magsalita.
"Wala ng tao sa daan. Baka mamaya kung ano pa ang mangyari sayo. Baka mamaya makasalubong mo ang mga lalaking bumugbog sakin. Ayokong mangyari sayo ang nangyari sakin." napangiti ako. Halata mo kasi sa boses nya na seryoso sya. Bakit ganito na lang sya magalala sakin? E kakakilala lang naman namin?
"Salamat." nakangiting sabi ko sa kanya. Tinanggal nya yung pagkakaakbay nya sakin at hinawakan ang kamay ko. Bakit ang sweet nya? Wait, sweet nga ba? O sadyang nagaasume lang ako na sweet sya?
'Friends?'
Ah tama. Friends. Magakaibigan na nga pala kami ngayon. Kaya siguro nag-aalala sya sakin ay dahil kaibigan na nya ako. At sabi pa ni Lola Lucy ay mabait talaga si Carl.
"Welcome. Wag kang mag-alala ako na ang maging invisible bodyguard mo ngayon." natawa ako. Invisible? Bodyguard? Pwede na rin. Pagkabili namin ng toothpaste sa malapit na tindahan ay bumalik na rin agad kami sa apartment.
Pagkatapos kong magtoothbrush ay dumiretso na ako sa higaan ko. Sobrang inaantok na talaga ako. Si Carl naman ayun nilalaro na naman si Mimi.
"Matutulog ka na?" tanong ni Carl nang mapansin nyang nakahiga na ako.
"Oo. Kailangan kong gumising ng maaga bukas. Ako kasi ang magbubukas ng Library bukas ng umaga. Pakipatay nalang yung ilaw kapag tapos na kayong maglaro ni Mimi." pumikit na ako sobrang inaantok na talaga ako.
"Sleep tight. Babantayan kita. I'll be your bodyguard."
Iyon nalang ang huli kong narinig at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
Nandito na ako ngayon sa University. Saktong 6am ang dating ko. Buti nalang talaga walking distance lang ang layo. Dumiretso na kagad ako sa library para buksan to. Hinanap ko pa yung susi sa loob ng bag ko samantalang ito namang kasama ko ay walang kahirap-hirap na nakapasok. Carl, being a ghost, just passed through the glass door. Tss. Perks of being a spirit.
"Maduga." Sabi ko sa kanya pagkapasok ko. Nagkibit-balikat lang sya tapos ay nawala na sya sa harap ko. Saan naman kaya pupunta yon? Tss. Bahala nga sya.
"Good morning Shanen." bati sakin ni Ma'am Tessa na ngayon ay kararating pa lamang.
"Goodmorning Maam!" Masiglang sabi ko. Naupo si Maam Tessa sa tabi ko.
"Anong oras pa klase mo Shanen?"
"Mga 9 pa po. Bakit po?"
"Good. Pwede paki-encode nitong mga bagong books. Kailangan na kasi yan ngayon. Maraming naghahanap ng ganyang mga book since first day of school ngayon."
"Sige po. Ako ng bahala. Nasan po ba yung mga books?" Tanong ko. Tinuro sakin ni Maam Tessa yung mga BOOKS sa isang tabi. Parang gusto kong himatayin nung makita ko kung gano karami yung mga libro.
Nginitian nya lang ako sabay sabing, "Kaya mo yan Shanen! Fighting!" Tapos ay umalis na sya. Nagpunta na sya sa kabilang side ng library at nagumpisang magtype sa computer sa harap nya. Sigh. I can do it! Kaya ko to! Para sa pera! Fight! Fight!
Lumapit ako dun sa tumpok ng mga libro at nagumpisang i-transfer sa table ko yung ilang books para makapag-encode na ako. Nasa kalagitnaan ako sa pag-e-encode nang biglang may mukha ang lumitaw sa monitor ng computer ko.
"Boo!"
"WAAAAAAH!!" Muntik na akong matumba sa inuupuan ko nung biglang sumulpot yung mukha ni Carl.
"HAHAHAHAHA!"
"Shanen? What happened?" Nag-aalalang tanong ni Maam.
"W-wala po. May daga po kasi na biglang sumulpot. Sorry po. " Ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala lahat ng tao sa akin. Bwisit! Napapahiya ako!
"Ganun ba? Nakakapagtaka naman. Wala namang daga dito sa library. Osige. Babalik na ako dun." Nagtataka man ay bumalik na si Maam Tessa sa table nya. Hindi na rin nakatingin sa akin yung ibang studyante. Lahat sila ay nagsibalik na sa kani-kanilang ginagawa. Ako naman ay naupo na ulit at tiningnan ng masama si Carl. Wala na yung ulo nya sa monitor. Nakaupo sya ngayon sa lamesa kung saan nakapatong yung computer.
"You know that you couldn't kill me with your deadly stare."
Arggh!! Talagang binibwisit ako ng multong impaktitong to a!! Dito nya pa talaga ako naisipang bwisitin! Bwisit talaga! Bahala nga sya dyan! Hindi ko sya papansinin. Manigas sya dyan.