CHAPTER FIFTEEN

1144 Words
Dalawang linggo na simula nung maging bodyguard ko si Marc at wala pa namang nangyayaring masama. Awa ng Diyos at natutuwa naman ako dahil hindi talaga ako pinapabayaan ni Marc. Hatid-sundo nya ako lagi kahit gabi na ang tapos ng shift ko sa library ay matyaga nya pa rin akong hinihintay. Si Carl naman, haaay. Ewan ko dun. Nagkikita naman kami kapag nasa apartment kami pero kapag nandito na sa University ay bigla na lang syang mawawala. Madalang na lang din kaming mag-usap. Hindi ko alam kung galit ba sya sakin o ano.   "Shanen?" Napalingon ako sa katabi kong si Marc. Kakatapos lang ng shift ko sa library. Pasado ala-sais na nga gabi. Buti nga at maaga akong nalabas ngayon.     "Bakit?" tanong ko kay Marc. Palabas na kami ng gate ng University. As usual, ihahatid nya ako hanggang sa apartment ko. Nahihiya na nga ako kay Marc pero wala akong magagawa. Buhay ko ang nkasalalalay dito.   "Gusto mong kumain?" tanong nya sakin nung nakalabas na kami sa gate. Inilagay nya ang braso nya sa balikat ko. Ewan ko, pero hobby na yata nya ang pagakbay sakin. "Saan naman?" nagugutom na rin ako tsaka naalala ko na wala na nga pala akong pagkain sa apartment. Hindi pa ako nakakapamili.   "Dyan lang sa McDo. Tara! Libre ko." parang bata na sabi nya. Eh? First time nya lang ba makakakain sa McDo at ganyan sya kaexcited.   Nag abang kami ng jeep na masasakyan. Hindi naman kasi pwedeng lakarin medyo may kalayuan. Pumara na kami ng jeep at muntik na akong mapasigaw ng makita si Carl na nasa loob. Nakaupo sya sa tabi ng driver sa harap.   "Anong problema Shanen? Para kang nakakita ng multo?" natatawang tanong ni Marc pagkasakay namin sa jeep.   "May multo naman kasi talaga." bulong ko sa kanya na bahagya nyang ikinatawa.   "Ooooh! I'm scared." natatawang sabi nya. Tiningnan ko sya ng masama at saka piningot sa tenga.   "Baliw! Meron nga. Nandito si Carl. Katabi nya yung driver sa harap." bulong ko ulit sa kanya. Saglit akong sumilip sa pwesto ni Carl at nakita ko syang nakatingin samin dun sa malaking parang rearview mirror ng jeep. He's looking at us. No emotion can be seen on his face. Agad kong binawi ang tingin sa kanya.   "Seryoso? Nakatingin ba sya satin?"   "Oo.." saglit ko ulit sinilip si Carl pero hindi na sya nakatingin samin. Diretso lang ang tingin nya sa daan at mukhang malalim ang iniisip.   "Ay, hindi na pala. Kanina kasi ang sama ng tingin nya satin." bulong ko kay Marc. Tinanggal ko na ang kamay ko sa tenga nya at umayos na ng upo.   "Baka nagseselos." biglang sabi ni Marc na halos ikasubsob ko sa loob ng jeep. Ang lakas pa ng pagkakasabi nya na sigurado ako ay narinig ni Carl. Mabilis na nag init kagad ang pisngi ko at nagpapasalamat ako na medyo dim ang liwanag sa loob ng jeep. Mabilis kong hinampas sa braso si Marc na agad na ikina-aray nya. Napatingin pa nga samin yung ibang mga pasahero.   "Bakit ka ba namamalo ha? Ang sakit nun!" sabi nya habang himas himas yung part na pinalo ko.   "Ang bibig mo! Naririnig nya kaya tayo!" bulong na sigaw ko sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa McDo ay nagkukulitan lang kami ni Marc. Some gave us curious glances whilst other gave us a simple glare. Mostly girls from our University. Probably Marc's fan girls.   Tinanong nya ako ng order ko at sinabi ko naman ito. Nagpaiwan na ako sa pwesto naming para bantayan ito. Mayamaya pa ay dumating na rin sya dala ang mga order namin. Naupo sya sa bakanteng upuan sa harap ko at nakangiting nilapag yung tray na may pagkain namin. "Here," nilagay nya sa harap ko yung mga sinabi ko sa kanyang pagkain. Infairness ha, ginawa nyang large fries tsaka monster float. Akala ko puro mga regular lang ang ioorder nya sakin.   "Salamat." nakangiting sabi ko. Sya na rin naglagay ng straw sa float ko at tinidor sa spaghetti ko.   "No problem. Tara kainan na!" excited na sabi nya at mabilis na nilantakan ang two pieces nyang chicken at dalawang rice din. Meron din syang monster float.   Katulad nya ay nag-umpisa na rin akong kumain pero nakakatatlong subo pa lang yata ako sa spaghetti ko ng biglang nakaramdam ako ng malamig na hangin sa kaliwa ko. Pagtingin ko ay muntik ko pang maibuga yung spaghetti na nginunguya ko.   "Anong problema Shanen?" tanong ni Marc nung mapansin nyang nakatingin ako sa left side ko. Mabilis kong inalis ang tingin ko kay Carl na masamang nakatingin kay Marc. Ano ba ang problema ng isang to?   "Wala lang. Si Carl kasi.." panimula ko. Sasabihin ko ba sa kanya na nakatingin si Carl ng masama ngayon sa kanya? "A-ano.."   "Huhulaan ko. Masama ang tingin nya sakin ngayon no?" nakangising tanong nya at nagpalipat lipat ang tingin nya sakin at sa bakanteng upuan sa tabi ko kung saan nakaupo si Carl.   "Pano mo nalaman?" gulat na tanong ko. Pinagpatuloy ko ang pagkain ng spaghetti ko habang hinihintay ang sagot ni Marc.   "Secret." nakangiting sabi nya pero unti unti rin naging seryoso ang mukha nya. "Mamaya pagkatapos mong kumain may sasabihin ako sayo." bigla naman akong kinabahan dahil sobrang seryoso ng boses nya.   "H-ha? Bakit mamaya pa? Bakit hindi nalang ngayon?"   "Basta. Ayokong tumakbo ka paalis ng hindi man lang nauubos ang inorder ko." Eh? Ano naman kayang trip nitong si Marc? Kapag ito may ginawang kalokohan sakin nako! Masasapak ko talaga sya!   "Ano ba kasi yung sasabihin mo sakin Marc?" tanong ko nung makarating na kami sa tapat ng apartment ko. Kaninang pauwi ko pa sya kinukulit kung ano yung sasabihin nya sakin pero ayaw nya talagang sabihin.   "Promise me you won't freak out." kumunot naman yung noo ko sa sinabi nya.   "Tungkol saan ba kasi yung sasabihin mo?"   "Mangako ka muna." seryosong sabi nya kaya wala na akong nagawa kundi magpromise para matapos na at masabi nya ang kung ano man ang sasabihin nya.   "Promise."   Bumuntong hininga muna sya bago bitawan ang mga salitang, "I like you Shanen."   "Wait lang Marc ha, para kasing nabingi ako. Ano kasi ulit yung sinabi mo?"   "I said, I like you."   "You kidding right? W-wag ka namang magbiro ng ganyan Marc. A-ano hindi kasi nakakatuwa.." kinakabahang sabi ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ka. Hindi ako ready sa mga ganito. I mean, si Marc? May gusto sakin? Eh parang kapatid lang ang turing ko sa kanya.   "Hindi ko naman hinihiling na sana ganon din ang nararamdaman mo. Gusto ko lang talaga na malaman mo Shanen." nakangiting sabi nya. "Goodnight." nagulat ako ng halikan nya ang noo ko pagkatapos ay umalis na sya at naiwan akong tulala sa kinakatayuan ko.   Nahimasmasan lang ako ng biglang lumitaw si Carl sa harapan ko. Pain is clearly written on his face. "Congrats." mapait na sabi nya at pumasok na sa loob ng apartment. Banging the door shut purposely.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD