CHAPTER SIXTEEN

1457 Words
Sinundan ko kagad sya sa loob. I don't know. I feel like I owe him an explanation. "Carl?" tawag ko sa kanya pagpasok ko sa loob nung hindi ko sya makita.   "Carl?"   Wala pa rin. Hindi sya nagpapakita sakin pero alam ko, ramdam ko na nandito lang sya sa loob. "Fine, kung ayaw mong magpakita okay lang but please hear me out."   Para akong tanga dito na nagsasalita magisa. Siguro kung may makakakita man sakin ay iisipin nila na baliw na ako. Ay ewan ko ba bakit pakiramdam ko kailangan kong magpaliwanag kay Carl.   "Alam kong narinig mo ang lahat ng sinabi ni Marc kanina. Ewan ko kung ano ang sumapi sa kanya at sinabi nya yun. Siguro pinagtitripan nya lang ako o sadyang manhid lang talaga ako kaya hindi ko napansin na may g-gusto pala sya sakin."   Huminga ako ng malalim. Why am I even doing this?   "Pero maniwala ka wala naman akong gusto sa kanya. Promise." tiningnan ko ang buong paligid baka kasi lumitaw na si Carl. "Huy? Carl?" tawag ko ulit sa kanya pero wala pa rin. Ano bang problema nya?! Naiinis na ako!   "Carl ano ba?! Naiinis na ako."   Pero hindi pa rin sya nagpakita sakin. Hindi kaya wala na sya dito. Bwisit! Salita ako ng salita wala naman na pala akong kausap!   "Bahala ka sa buhay mo! Kung ayaw mong magpakita sakin edi huwag!" padabog kong binaba sa sahig yung bag at mga libro ko. Sumalampak ako at hinubad yung sapatos at medyas ko. Binalibag ko ito sa kung saan dahil sa sobrang inis.   "Magmatigas ka kung gusto mo. Bahala ka. Akala mo nakakatuwa ka na?! Hindi no! Two weeks. Two weeks mo na akong binibigyan ng cold shoulder, anong nakakatuwa don? Wala! Bwisit ka talaga! Wag na wag kang magpapakita sakin kundi isasabit ko sa leeg mo yung bawang at sibuyas sa kusina ko!"   Salita ako ng salita sa loob ng apartment ko kahit na alam kong wala namang nakakarinig sakin. Naiinis ako. Naistress sa lahat. Kaya nilalabas ko lang ang lahat ng ito ngayon. Baka kung hindi ko nilabas lahat ay mabaliw ako. Jusko! Nakakafustrate talaga!   "Bwisit ka talagang multo ka! Kaluluwa ka na nga lang pero nagagawa mo pa akong bwisitin ng ganito! Nakakainis ka! Hindi ko malaman kung ano ang problema mo pero simula nung naging 'living bodyguard' ko si Marc e lagi nalang nakakunot ang noo mo at laging masama ang tingin mo samin. Tapos hindi mo na rin ako masyadong pinapansin. E sino ba may gustong gawing bodyguard si Marc? Hindi ba ikaw!?”   “Bwisit ka talagang multo ka! Kita mo na ang ginawa mo sakin. Nagiging baliw na ako dahil sayo! Kakaisip sayo! Kakaisip kung anong ginawa kong masama at nagkakaganyan ka! Hindi ko malaman kung nagseselos ka ba samin ni Marc dahil sya na lang laging kong kasama! Siguro nga nagseselos ka sa—"   Bigla akong natigilan at hindi makagalaw. Nanigas ang katawan ko, literally. Mahigpit na nakahawak ang mga kamay ko sa maluwag na puting tshirt na ipangpapalit ko dapat sa uniform ko. Hindi pa ito nakasuot sakin at ngayon at nakapatong palang sa kama ko.   10 seconds.   Sampung segundo akong hindi gumagalaw at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mga nakapikit na mata ni Carl sa harap ko.   Carl's kissing me. HE'S FREAKING KISSING ME!!!   "Shut up. Ang ingay mo." bulong nya sakin matapos nyang tanggalin ang pagkakalapat ng labi nya sa labi ko.   "Labas. Maglaho ka o kahit na ano. Basta umalis ka sa paningin ko." nakatulalang sabi ko.   "What? Teka kanina gusto mo akong magpakita sayo. Tapos ngayon papaalisin mo naman ako."   "Ang sabi ko lumabas ka! Hindi mo ba nakikita naka-b*a lang ako!!"   Mabuti nalang at wala akong pasok ngayon kundi panigurado bangag na bangag akong papasok ngayong araw. Isang oras lang ang tinulog ko. Paputol putol pa yon. Buong magdamag kasi ay gising na gising ang diwa ko. Hindi ako makatulog. Hindi ako magkandaugaga kung ano ang unang iisipin ko.   Yung nagtapat sakin si Marc? O kung yung nakita ako ni Carl na nakapajama at b*a lang? O yung hinalikan ako ni Carl?   "Shanen, iha, buti naman ay gising ka na." napatingin ako kay Lola Lucy na nakangiti sakin. "Tara na at mag agahan." aya nya sakin. Tumango ako at sinabing suaunod na lamang ako.   Dito muna ako natulog sa bahay ni Lola Lucy. Mabuti nga at pinayagan nya ako. Pagtapos kasi nung nangyari kagabi ay agad akong nagpunta dito. Parang hindi ko kasi kakayanin mag-isa sa loob ng apartment ko kasama lang ang isang manyak na kaluluwa.   Sigurado kasi ako na hindi ako makakatulog sa apartment ko pero maski pala sa bahay ni Lola Lucy ay hindi ako makakatulog ng ayos. Buti na nga lang ay hindi muna nagpakita sakin si Carl matapos nung ginawa nya at nakita sakin. Aba! Dapat lang na mahiya sya!   "Bakit mo ba naisipan na dito matulog sa bahay ko Shanen?" tanong ni Lola Lucy pagkaupo ko sa bakanteng upuan sa tabi nya.   "Wala lang po Lola. Namiss ko lang po kayo." palusot ko. Buti nalang ay hindi na ako kinulit ni Lola Lucy at pinaghain na lang ako ng pagkain. Hindi na ako tumanggi sa alok nya na dito na ako kumain sa bahay nya dahil wala rin naman akong pagkain sa apartment. Mamaya na lang siguro ako mamimili.   Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagprisintang mag hugas ng mga plato. Ayaw pa ngang pumayag ni Lola Lucy pero dahil makulit ako ay napilit ko din sya.   "Shasha ito pa yung baso oh." bigla kagad akong nanigas sa kinatatayuan ko nung marinig ko yung boses ni Carl. Naalala ko tuloy nung una akong natulog dito sa bahay ni Lola Lucy tapos naghuhugas ako ng mga plato rin. Jusko! Ganitong-ganito yung set up namin nun e!   Pero hindi. Kalma lang Shanen. Wag mo na lang syang tingnan. Dahan-dahan akong pumihit patalikod at nakayukong naglakad palapit ng lamesa para kunin yung natira pang baso. Pero pagtingin ko ay wala namang baso sa lamesa.   "Wala naman e! Peste ka talaga!" mahinang singhal ko sa kanya habang nakayuko. Tinawanan lang ako ni Carl. Bwisit talaga! Trip na naman ako nito!   "Meron kaya. Ito oh, hawak ko.." mapang-asar na sabi niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtingin sa mukha nya sa sobrang inis.   Gulp. Wrong move.   Hindi ko napansin na nakatukod pala ang isang braso ni Carl sa maliit na lamesa at parang sinisilip nya yung mukha ko kanina nung nakayuko ako. Kaya ang resulta sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Too close for my comfort!   Alam kong sobrang pula ng mukha ko ngayon. Ramdam ko kasi ang pag-init nung mukha ko kayo sigurado talaga ako na mukha akong kamatis na tinubuan ng katawan ngayon. Aahhhh! Nakakahiya!   "Yung gripo nakabukas.." Carl said and a sly grin formed on his lips. Lips.. Kiss.. Waaaaaahhh! Hindi! Hindi!   Tumalikod kagad ako at mabilis na sinara yung gripo. Nako, lagot ako kay Lola Lucy nito kapag nalaman nyang nagsasayang ako ng tubig.   "Shasha, yung baso? Hindi mo ba kukunin sakin?" pang-iinis pa ni Carl. I know there's a huge smirk plastered on his face. Ugh! Bwisit talaga!   "Bahala ka dyan! Kainin mo kung gusto mo." I grumbled. Hindi ko na pinansin si Carl sa pamimilit nyang kunin ko sa kanya yung baso. Bahala sya sa buhay nya! Para syang bata! Nakakainis!   Masaya ako dahil bumalik na ulit sa dati nyang sarili si Carl. Makulit. Mapang-asar. Hindi katulad nung mga nakaraang linggo na sobrang sungit nya at hindi talaga kami masyadong nagpapansinan.   Pagtapos kong maghugas ng mga plato ay nagpaalam na ako kay Lola Lucy at nagpasalamat. Mamimili kasi ako ng mga pagkain ko pang-stock. Ubos na kasi lahat ng pagkain ko. Buti na nga lang at nilibre ako ni Marc—Oo nga pala si Marc!! Nako, bigla ko tuloy naalala yung kahapon. Yung sinabi nyang may gusto sya sakin. Jusko! Pano ko sasabihin sa kanya na hanggang kapatid lang ang turing ko sa kanya? Na I don't feel the same way.   Aahhh! Mababaliw na ako! Hindi ko napaglaanan ng oras kagabi yung sinabi ni Marc! Pano ba naman kasi puro na lang y-yung scene namin ni Carl yung naiisip ko! Kainis! Ayan na naman naaalala ko na naman! Erase! Erase! Mamaya na kita iisipin!   Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili ko. Wala naman kaming pasok ngayon diba? Edi hindi ko sya makikita? Pero pano kung naisipan nya akong puntahan?! Diba sya nga yung living bodyguard ko! Jusko naman kasi Marc! Bakit sakin ka pa nagkagusto!   Ano na? Ano ang sasabihin ko sa kanya? Either way, masasaktan pa rin sya sa sasabihin ko kahit na gaano ko pa sabihin sa magandang paraan. Doon din ang punta non. Masasaktan sya. Makokonsensya ako. Tapos iiwasan ako ni Marc dahil nga BH sya sakin. Aahh! Hindi! Ayoko nun! Sobrang close ko na sya e!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD