"Huy,"
"Ay palaka! Bwisit ka!" mabilis na dumapo ang kamao ko sa braso ni Carl nung bigla syang lumusot sa isang pader. "Papatayin mo ba ako sa takot?!!"
"Hindi. Kahit na gusto kitang makasama ng matagal pero hindi sa ganoong paraan." napanganga ako sa sinabi nya at agad namang namula ang mukha ko. Hindi ako nagsalita at parang robot na naglakad. "Ano ba iniisip mo? Or should I say sino?"
"Bakit mo ba ako sinundan ha?" pagiiba ko ng topic. Sumabay sya sa paglalakad ko at inakbayan ako na ikinabikis naman ng t***k ng puso ko.
"I just want to make sure that you're safe. Nasaan na ba yung magaling mong bodyguard? Dapat binabantayan ka nya ngayon ah." Tiningnan ko si Carl. Diretso lang syang nakatingin sa daan at parang badtrip ang mukha nya. Siguro naalala nya yung sinabi sakin ni Marc kahapon.
"Alam mo naman yung sinabi nya sakin kahapon diba—"
"Do you feel the same way?" Tanong nya pero hindi sya nakatingin sakin. Tumigil ako sa paglalakad kaya pti sya ay napahinto rin. Dahan-dahan kong tinanggal yung braso nyang nakaakbay sa balikat ko. This time nakatingin na sya sakin. And I don't know if I'm hallucinating but I think I saw pain crosses his face before he quickly changed it to a cold one. Haay, eto na naman tayo. Bakit ba dito kami sa gitna ng kalsada naguusap?! Buti nalang ay medyo tago itong kalsadang tinatayuan namin tsaka medyo maaga pa naman kaya wala pang tao.
"Bakit mo ako hinalikan kahapon?" bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nasabi ko na ang mga salitang yan. Bakit yon ang lumabas sa bibig ko?! Dapat itatanong ko ay bakit nya gustong malaman?
"Does it matter?" malungkot na tanong nya. Kung pwede ko lang sana syang batukan sa mga oras na ito ah baka ginawa ko na! Malamang! It matters! Tatanungin ko ba sya kung hindi naman pala! Tsaka first kiss ko kaya yun!
"Ano sa tin—" someone cut me off.
"Yes. It does.." he said and it almost knock the life out of me when I saw who it was.
"M-marc? K-kanina ka pa ba dyan?" nauutal na tanong ko. Lumapit sya sakin at nginitian ako.
"Yup. Narinig ko lahat ng pinag uusapan nyo. Sorry." he said and gave me an apologetic smile. Wala na. Narinig na nya. Narinig nya lahat ng pinaguusapan namin ni Carl. Narini—TEKA NARINIG NYA?! ANG ALIN?! PUTIK. NAGUGULUHAN AKO!!
"Wait lang Marc ha, pwede pakilinaw nung sinabi mo. Mukhang nabibingi na naman kasi ako e. May sinabi ka bang pinaguusapan nyo?"
Feel ko nabingi lang ako e. Imposibke na narinig nya pati yung mga sinabi ni Carl. Impossible right?
"You.." he pointed his right index finger on me. "..and Carl." at kay Carl na nasa harap naming dalawa.
"Nakikita mo sya?!"
Napadpad kaming tatlo dito sa isang coffee shop malapit sa Moon University. Humigop ako ng konti sa kapeng inorder ni Marc para sakin habang nakatingin ako sa kanya na parang batang nilalantakan ang cake. Hindi pa daw kasi sya nagaagahan kaya dito nya naisipang magusap kami.
"Sigurado ka ba na yan lang ang gusto mo?" tanong nya sakin habang nakaturo sa kapeng hawak ko gamit ang tinidor nya.
"Oo. Kakakain ko lang din kasi." sabi ko at humigop ulit sa kape ko. Pasimple kong sinilip ang itsura ni Carl na nakaupo sa left side ko at nakatingin ng masama kay Marc.
"Mabuti pa siguro na itanong mo na kung ano man yung gusto mong itanong sakin bago pa ako mamatay sa tingin nyang katabi mo." natatawang sabi ni Marc at pinagpatuloy ang pagkain nya.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nakikita nya si Carl. I mean buong akala ko ay ako lang ang nakakakita at nakakausap sya.
"Nakikita mo ba talaga si Carl?"
"He's glaring at me and he's on your left side." he said as a matter of fact. Napanganga ako sa kanya. Woah! Nakikita nya nga si Carl.
"Kelan pa?" tanong ko at humigop ulit ako sa kape ko. Ang sarap e. Natigil sya sa pagkain at nginisihan ako. Yung ngiting parang may ginawa syang kasalanan.
"Lunukin mo muna yang kape sa bibig mo. Ayokong mabugahan mo ako katulad ng mga napapanuod ko sa tv." gaya ng request nya ay nilunok ko muna yung kape at binaba yung tasang may lamang pang kape sa lamesa. "Good."
"So, kelan pa?" tanong ko at umayos pa ako ng upo. At buti nalang talaga ay ginawa ko yun. Dahil baka nalaglag na ako sa upuan na ito dahil sa sinabi ni Marc.
"He-he. Nung nagkita tayo sa supermarket. Remember?"
"What?!!" sigaw namin ni Carl—which is sigaw ko lang ang narinig—na mabilis na nakaagaw ng atensyon ng ilang mga staff ng coffee shop at mga customers. "Sorry." I mouthed at them.
Tiningnan ko ng masama si Marc. "Ganon na katagal?!" he nodded. "Bakit ngayon mo lang sinabi sakin??"
"Tsk. Hindi ko naman alam nakikita mo rin pala si Carl. Ano gusto mong sabihin ko sayo 'Hey Miss! May nakasunod sayong multo. Nandyan sya sa tabi mo oh. Wag kang matakot, gwapo naman e.' Baka mamaya mapagkamalan nyo pa akong baliw nun." paliwanag nya. Sinimangutan ko lang sya.
"Kahit na dapat sinabi mo pa rin sakin. Malay mo masama pala yung multo na yon at balak akong sapian."
"Excuse me, nandito pa ako baka nakakalimutan nyo." sabi naman ni Carl. Tumingin ako sa kanya at nginitian sya. "Wag kang ngumiti sa gawi ko. Baka akalain pa ng ibang tao na sila ang nginingitian mo."
Oo nga pala! Tinanggal ko na ang tingin ko kay Carl at nilipat ito kay Marc. "Bakit nga ba hindi mo sinabi sakin? Maski sa school ay nakikita mo sya diba?"
"Oo nakikita ko sya lagi. Kung nasaan ka nandon din sya. Ang creepy kaya non. Kaya ayokong sabihin sayo dahil baka matakot ka. Mamaya maparanoid ka tapos bigla kang mabaliw diba?" sabagay tama nga sya.
"Eh bakit nung nagkwento na ako sayo na may nakikita at nakakausap akong multo eh hindi mo pa rin sinabi sakin? Nagpretend ka pang hindi mo nakikita si Carl."
Nagkibit balikat lang si Marc, "Wala lang. May gusto kasi akong mangyari. At mukhang nangyari na, though hindi ganon yung inaasahan kong magiging outcome nung ginawa ko kahapon.."
"Y-yung k-kahapon pala.. A-ano.. Seryoso ka ba sa sinabi ko?" naiilang na tanong ko. Pero sa halip na sagot ang makuha ko ay isang malakas na tawa ang natanggap ko.
"Hahahahahahahaha! Pfft! Haha! Syempre hindi. Joke lang yun. Hindi kita type Shanen. Ang payat mo kaya! Hahahahaha!"
Alam nyo yung feeling na relieved ka kasi joke lang pala yung confession chuchu nya at the same time naiinis ka kasi bukod sa niloko na nya ako at pinahirapang mag-isip ng mga salitang hindi sya masasaktan tapos lalaitin ka pa! Aba! Ayos ha! Qoutang-qouta na ako!
"Peste ka Marc. Isa kang malaki at naglalakad na peste sa buhay ko." gigil na sabi ko na mas lalo pa nyang ikinatawa. Mas lalo pa akong nainis nung makisabay sa tawa nya si Carl. Mga walangya! Duet pa talaga sila ha! So ano yon, close na sila? Mga bwisit talaga tong dalawa na to!
Si Carl kung makasabay ng tawa kay Marc akala mo hindi nya tinititigan ng masama ang unggoy na to kanina. Mga baliw talaga. Malala na mood swings nito.
"Bakit mo ba kasi ginawa yun? Ang lakas din ng sapak mo sa utak no?" naiiritang tanong ko. Naiinis pa rin kasi ako.
"As I said, may gusto akong mangyari. And nangyari na naman e. So, nevermind. Di ba Carl?"
Nakangiting tumango lang si Carl. Kita nyo! Close na kagad sila! Parang mas gusto ko pang tinititigan ng masama ni Carl tong si Marc.
"Teka, inborn ka na bang ganyan? Yung nakakakita ng multo? Ako kasi first time ko lang. And the weird thing is, sa lahat ng multo meron sa mundong ito ay tanging si Carl lang ang nakikita ko."
"Yung lola ko daw ay may third eye at magaling na albularyo—yun ang sabi ng Mama ko. At mukhang napasa sakin ang pagkakaroon nya ng third eye kaya ito, I have the ability. Kakaiba naman yung sayo, as you said si Carl lang ang nakikita mong kaluluwa. Siguro may koneksyon kayo sa isa't-isa."
Masyadong napahaba ang kwentuhan namin ni Marc at inabot na kami ng hapon. Muntik ko pa ngang makalimutan bumili ng mga pagkain ko pang-stock sa apartment. Buti na lang ay naalala ko at sinamahan na rin ako ni Marc mamili. Syempre kasama rin si Carl. At maniwala kayo sa hindi, close na talaga sila. As in. Na-o-op nga ako minsan e. Pero hinahayaan ko nalang dahil mukhang namiss kasi ni Carl na may kausap na lalaki. Alam nyo naman puro ako lang naging kausap nyan.
Mga 9pm na kami nakauwi. Naglalakad kaming tatlo papunta sa apartment ko. Nasa magkabila ko silang gilid. Si Marc sa kaliwa at si Carl naman sa kanan. Hanggang ngayon ay nagkukwentuhan pa rin sila. You know, boy talk. Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila paminsan-minsan ay makikitawa kapag may nakakatawa kahit minsan yung iba ay hindi ko gets.
Natigil lang ang pagkukwentuhan nila nung biglang may dalawang lalaki ang lumabas mula sa isang madilim na eskinita. Parehas may hawak na tubong bakal.
"Nagkita rin tayo sa wakas.."