CHAPTER EIGHTEEN

1126 Words
Awtomatikong nanginig ang katawan ko ng marinig ko ang boses na yon. Napatingin kaming tatlo sa dalawang lalaki sa harap namin parehas may hawak na tubo.   "Kamusta na magandang binibini?" nakakatakot na sabi nung lalaki. Sya yung pangalawang lalaki na nakilala namin ni Carl. Ang pangalawang lalaki kung bakit sya namatay.   "Shanen dito ka sa likod ko.." seryosong sabi ni Marc kaya pumunta kagad ako sa likod nya. Si Carl din ay pumwesto sa harap ko.   "Kaya mo ba sila?" nagaalalang tanong ni Carl. Maski naman sino ay kakabahan sa pwedeng mangyari.   "I don't know. Maybe yes, maybe no." seryosong sabi ni Marc. Tumingin sya sakin and gave me a small smile before looking at Carl. "..but if ever I fail, I want you to use my body. I know you can do it."   "Yeah, I can do it but only to those who are unconscious." sagot naman ni Carl. Tumango naman si Marc at pinalagutok ang mga daliri.   "Then wait till I lose my consciousness." Marc said, a small smile playing on his lips. Peste naman! Ako ang kinakabahan sa kanya.   "Marc.." bahagya kong hinila ang tshirt na suot nya para tumingin sya sakin. Ayokong gawin nya to. Ayokong mapahamal sya dahil sakin.   "Kaya ko to. Just trust me, okay? Dyan ka lang at ako na ang bahala sa kanila." umalis na sya sa harap ko at hinarap yung dalawang lalaki. Naalala ko bigla nung una naming nakaharap ni Carl yung isang lalaki, yung hindi namin inaakala na mababaliw. Mukhang wala pa rin sya sa katinuan nya dahil kapansin-pansin ang panginginig ng mga kamay nya na nakahawak sa tubo.   "Ang galing naman Miss, saan mo naman napulot itong the tiga-pagligtas mo? Mukha naman walang ibubuga. Hahaha!" malakas na sabi nung pangalawang lalaki. Yung humabol samin dati. Kung hindi ako nagkakamali ay magkapatid sila, pero mukhang mas nakakatakot ang isang to.   "Bakit hindi mo ako subukan?" nakangising sabi ni Marc. Peste! Ano ba ang dapat kong gawin? Hindi ako makapagisip ng maayos dahil sa kabang nararamdaman ko.   "Mayabang ka bata. Alam mo pwede pa kitang pauwiin. Yang babae lang naman na yan ang may kasalanan samin e." tiningnan ako nung lalaki mula ulo hanggang paa and his gaze stayed longer on my breast. Para akong binatukan nang sobrang lakas. Alam ko ang tingin nyang yon. Kaparehas nung sa kapatid nya nung gusto nya akong pagsamantalahan.   "Fcking asshole." bulong ni Carl. His jaw clenching. Alam kong gustong tumulong ni Carl pero wala syang magawa.   "Pasensya na Manong pero trabaho ko ang bantayan at protektahan ang babaeng kailangan mo." matapang na sabi ni Marc. Nakita kong nilagay ni Marc ang kaliwang kamay nya sa likod nya. Signaling us to go away.   "Tara na Shasha." hinawakan ni Carl ang kamay ko at hinila. Pero..   "Saan ka pupunta?" sa isang iglap ay nasa harapan ko na pala yung isang lalaki. Napaatras kagad ako.   "Wag mong papatakasin yan Berto!" sabi nung kapatid ni Berto, yung lalaki sa harap ko.   "Narinig mo yun? Wag daw kita papatakasin. Alam mo kung bakit?" tumingin tingin muna sya sa paligid nya. Malikot ang mga mata nya. Parang natatakot at kinakabahan. Lumapit pa sya sakin at saka nilagay ang hintuturo nyang daliri sa labi nya. "..shh, wag kang magingay. Secret lang natin to ha. Papatayin ka kasi namin kaya dapat hindi ka makatakas." nakangising sabi nya. Para syang batang nagsasabi ng sikreto sa Nanay nya.   Mabilis na kumabog ang puso ko sa dibdib ko.   "H-hindi nyo pwedeng gawin yon." nanginginig na sabi ko. Umatras pa ako palayo sa kanya. Tumingin tingin pa ako sa paligid, nagbabakasakaling may makita akong pwedeng gamitin pang depensa sa sarili ko.   "Argh!" dumako ang tingin ko sa gawi nila Marc at nakitang may dugo na gilid ng labi nya. Ganun din naman yung isang lalaki. Hahampasin nya dapat si Marc pero mabilis na nakailag si Marc at sinipa sya sa tyan.   "Marc!" tawag ko. Napalingon sya sakin at nanlaki ang mata.   "Diba sabi ko umalis ka na?!" sigaw nya. Sasagot pa sana ako kaya lang nakatayo na kagad yung lalaki at malakas na hinampas si Marc sa likod. Napaluhod sya sa sakit. Hindi ko na napigilan at may luhang tumulo na sa mga mata ko.   "Marc!" lalapit sana ako sa kanya pero hinarangan ako ni Berto at tinulak. Sa lakas ng pagkakatulak nya sakin ay napaupo ako. Nakaramdam ako ng hapdi sa palad at siko ko pero isinang tabi ko na lang ang sakit na nararamdaman ko. Wala pa sa kalingkingan ang mga sugat na ito kumpara sa sugat na natamo ni Marc.   "Shasha!" lumuhod sa tabi ko si Carl at tiningnan ang mga sugat ko. May tubig na pumatak sa mga sugat ko. Hindi basta bastang tubig dahil nagliliwanag ito.   Nahigit ko ang aking hininga ng tumingin ako kay Carl. Nagliliwanag ang buong katawan nya. Katulad nung nasa Library kami at bigla syang nawala. Sht! Bakit ngayon pa?!   "Carl.." bulong ko.   "I'm s-sorry." umiiyak na sabi nya. Naglalaho na naman ang katawan nya. Nag umpisa sa paa paakyat sa katawan nya. Mas naging doble ang nararamdaman kong kaba ngayon at mas nadagdagan ang mga luhang pumapatak sa mata ko.   "B-babalik ka diba?" I croaked.   May sumilay na maliit na ngiti sa labi ni Carl bago tumango ng marahan.   "I will. Just wait for me.." he said and disappeared into thin air. Tumayo ako at pinunasan ang luha sa mukha ko. Tiningnan ko sa mata ang baliw na lalaki sa harap ko.   "Sinong kausap mo? Yung multo ba? Haha! Tibay nya rin. Akala ko naman nasa impyerno na sya." Tinitigan ko lang sya ng masama.   "Oo, sya nga. Alam mo ba kung ano ang sinabi nya? Babalik daw sya.." malamig na sabi ko. Kailangan ko syang takutin lalo para mas lalo syang mabakiw. I'll make his mind frenzier.   "..at gagantihan kayo. Kayong walang awang bumugbog sa kanya. Gusto nyang isama kayo sa impyerno." sabi ko. Nakita ko kung pano sya pagpawisan at mas lalong manginig ang mga kamay.   "H-hindi. S-sinungaling ka!" natatakot na sabi nya. Nilagay nya ang mga kamay nya sa tenga nya para takpan ito.   "Magbabayad kayo sa ginawa nyo. Makukulong kayo habang buhay.." dagdag ko pa. Akala ko ay mananatili lang syang nakatayo at natatakit pero hindi ko inaasahan ang biglang pagtaas ng kamay nya na may hawak na tubo.   "Manahimik ka!" sigaw nya ay ihahampas na sana sa ulo ko yung tubo nang biglang may sumigaw.   "Itigil mo yan!" napatingin ako sa pinanggalingan no ng boses at nakita ko si Bryan na nakatayo hindi masyadong kalayuan sa pwesto namin.   "Bryan.."   "Ian.."   Kunot noo akong napatingin sa kuya ni Berto nung tinawag nyang Ian si Bryan.   "Wag nyong sasaktan ang kaibigan ko!" sigaw nya at mabilis na naglakad sa pwesto ko at ni Berto. Tinulak nya ng malakas si Berto, dahilan para mabitawan nito ang tubong hawak nya.   "Siraulo ka ba Ian!? Kaibigan mo ang babaeng yan? Hindi mo ba alam na may alam sya sa ginawa natin isang taon na ang nakalipas?!"   Natin?   Isa si Bryan sa tatlong killer ni Carl?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD