Gulat na napatingin sa pwesto ko si Bryan. "Shanen.." dahan-dahan syang lumapit papunta sakin.
"Dyan ka lang. Wag kang lalapit sakin." walang emosyon na sabi ko. Hindi ako makapaniwala na si Bryan ang pangatlong lalaki na pumatay kay Carl.
"Please, makinig ka. Hindi ko sya pinatay.."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko na rin si Bryan nung nakalapit na sya sakin. "Pinagkatiwalaan kita! Gago ka!" sigaw ko at pinalo palo ang dibdib nya. Hinayaan nya lang ako hanggang sa mapagod ako at ako na ang kusang tumigil.
"Ian, mas maganda na isunod na natin ang babaeng yan para mawalan na tayo ng problema." sabi nung lalaki.
"Hindi ako papayag na saktan nyo sya Benjo." matigas na sabi ni Bryan at pumwesto sa harap ko.
"Aba mas lalo na ako! Gago ka! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ni Marc at malakas na sinuntok sa mukha yung tinatawag ni Bryan na Benjo.
"Mas mabuti na matulog ka muna bata!" pakiramdam ko ay tumigil ang t***k ng puso ko ng hampasin nya si Marc ng tubo sa ulo. Unti-unting bumagsak si Marc at nakita ko pa ang dugong umagos sa ulo nya.
"Marc!!" napatakbo kagad ako palapit kay Marc. Hindi ko sya magawang hawakan dahil sa dami ng dugo sa katawan nya at alam kong pwede pang lumubha ang kalagayan nya kung basta basta ko na lang syang hahawakan.
"Napakasama mo! Pano mo nagagawa ang mga bagay na to! Wala kayong konsensya!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Hindi mo na kailangan malaman babae dahil isusunod na kita."
"Sinabi nang wag nyo syang sasaktan!" sa isang iglap ay nakalapit kagad si Bryan samin at sinuntok nya ng malakas sa panga si Benjo.
"Putangna mo, Ian! Hindi mo maintindihan na problema ang babaeng yan! Pwede nya tayo ipakulong dahil sa ginawa natin!" galit na sigaw nito.
"Ginawa nyo! Hindi ko pinatay yung lalaki. Wala akong ginawa sa kanyang masama ang tanging nagawa ko lang kasalanan ay nanatili lang akong nakatayo nung panahon na yon! Hindi ko sya tinulungan at hindi ko kayo pinigilan sa pagbugbog nyo sa kanya!"
"Nandon ka nung mga panahon nayon kaya parang pinatay mo na rin sya!" sigaw naman ni Berto. "Siraulo ka! Kaya pala parang pamilyar sakin ang mukha mo nun binugbog mo ako! Hayop ka!"
"Mukhang kailangan ka rin naming burahin sa mundong ito para lang masaktan namin ang babaeng yan Bryan." tumingin sya sakin at ngumiti ng nakakatakot. "Ang swerte mo naman babae ka, dalawang lalaki ang mamamatay para lang sayo."
"Pasensya na Benjo pero hindi ako mamamatay.." sabi ni Bryan at mabilis na inagaw ang tubong hawak ni Benjo. Inihampas nya ito sa tuhod ni Benjo. Malakas ang pagkakahampas na ginawa nya kaya napaupo sa sakit si Benjo.
"Traydor ka Ian!" sigaw nito. "Berto! Tulungan mo ako!" tawag nito sa kapatid nya na ngayon ay nanginginig na sa takot.
Hindi nya magawang tulungan ang kapatid nya dahil sa takot. Mukhang bumabalik na naman sa alaala nya ang lahat ng nangyari nung gabing yon.
"Magbabayad ka Ian! Pagbabayaran mo to!" sigaw ni Benjo. Sinubukan nyang tumyo pero hindi nya magawa. Napapasigaw sya sa sakit sa tuwing igagalaw nya ang kaliwang tuhod na hinampas ni Bryan ng tubo.
"Walang gagalaw!"
Napatingin kaming lahat sa bagong dating na mga lalaking may hawak na mga b***l. Mag pulis? Paano?
"S-sinong—" hindi na natuloy ni Benjo ang sasabihin nya ng biglang tumayo si Marc. Maski ako ay nagulat sa pagtayo nya.
"I called them." sabi nito na ikinakunot ng mga noo namin.
"Hulihin nyo na sila!" sigaw nung isang pulis. May limang pulis ang lumapit sa pwesto namin. Pinosasan nila si Benjo at Berto at pinasok sa sasakyang dala nila.
"Hulihin nyo rin po ako.." gulat akong napatingin kay Bryan.
"Bryan.." malungkot na tawag ko sa kanya. Nginitian nya lang ako.
"Wag kang mag alala Shanen. Sasabihin ko ang lahat para lang makulong sila ng panghabang buhay."
"Pano ka?"
"Okay lang ako. Kailangan ko rin pagbayaran ang kasalanang ginawa ko." yun na ang huli nyang sinabi bago sya iposas at ipasok sa isa pang sasakyan.
"Miss kailangan nyo rin sumama sa presinto." sabi nung isang babaeng pulis.
"Osige po pero pwede po ba na dalhin muna natin sya sa ospital."
Tumango naman yung pulis at dinala na muna namin si Marc sa ospital. Ilang stitches sa ulo ang ginawa kay Marc dahil sa laki ng sugat nito. Kinailangan din muna syang iconfine dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya.
Umalis na rin muna kami nung dumating na yung pamilya ni Marc. Humingi muna ako ng sorry sa Mama ni Marc pagtapos ay nagpunta na ako sa presinto kasama yung babaeng pulis.
Mahigit isang oras din akong nasa loob ng presinto. Marami silang pina-fill up-an sakin na mga form. Pinakwento rin nila sakin ang lahat ng nangyari. Marami rin silang tinanong sakin tungkol kay Carl at sa kung ano ano pa.
"Sigurado ka ba sa gagawin mo Bryan?" tanong ko. Nakakulong ngayon si Bryan at masakit para sakin na makita ko sya sa lugar na ito.
"Oo naman Shanen. Matagal ko nang napagisipan ito at kapag tumatagal ay mas lalo lang akong binabagabag ng konsensya ko." sagot nya. Nakabukod sya ng kulungan. Ako ang nagrequest sa mga pulis na ibukod si Btyryan dahil ayokong kasama nya yung mga lalaki mamatay tao talaga. Baka kasi mamaya ay mapagdiskitahan pa ito sa loob.
"Salamat Bryan.." nakangiting sabi ko sakanya at hinawakan ang kamay nya. Nginitian nya rin ako at tumango.
"Umuwi ka na. Gabi na, ihahatid ko naman ng mga pulis sa apartment mo." sabi nya. Tumango ako at sinabing babalikan ko na lang sya bukas.
Gaya nga ng sinabi ni Marc ay hinatid ako pauwi ng pulis sa apartment ko. Sinabi nila na kailangan ko daw bumalik ulit bukas dahil may iilang katanungan pa daw sila.
Pagpasok ko sa loob ng apartment ko ay dumirecho kagad ako sa higaan ko at nahiga kahit na ang dumi-dumi pa ng damit ko. Pinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong maidlip muna at irelax ang katawan ko dahil hanggang ngayon ay parang nanginginig pa rin ang mga laman ko.
Naramdaman kong may humawi ng buhok sa noo ko kaya napadilat kagad ako ng mata at ang mukha kagad ni Carl ang nakita ko. Mabilis kong niyakap si Carl ng mahigpit at tumulo na naman ang mga luha ko.
"Shh..Don't cry." he cooed.
"B-bumalik ka.." humihikbing sabi ko. Para akong bata na nakakapit kay Carl.
"I told you, babalik ako." sabi nya. Tinanggal nya ang pagkakayakap ko sa kanya at tinitigan ako sa mukha. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi. He brushed my tears away using his thumbs.
"Ikaw yun diba? Yung tumawag sa mga pulis?" tanong ko.
He chuckles, "Oo, pagkabalik na pagkabalik ko ay nagpunta kagad ako sa presinto at sumapi ako sa isang natutulog na pulis at tinuro kagad kung nasaang lugar kayo. Pagtapos ay lumabas kagad ako sa katawan nung pulis at lumipat naman sa katawan ni Marc."
Tumango-tango ako, "S-si Bryan.."
"Alam ko na. Kaya pala dati palang ay hindi ko na gusto ang aura ng lalaking yun.." he tucked my hair behind my ear and held both of my hands.
"Bakit ganun, hindi mo sya kagad nakilala nung unang pagkikita nyo palang."
"Sa pagkakatanda ko ay sa kanilang tatlo ay sya lang ang may suot na cap nun. Kaya hindi ko masyadong nakita ang mukha nya.."
"Did he hurt you?" tanong ko. Gusto kong kumpirmahin kung totoo ba yung mga sinabi ni Bryan.
"I don't know. Hindi ko maalala dahil sobrang bilis ng mga pangyayaring yun. Basta ang alam ko walang awa akong binubugbog ng mga hayop na yon tapos sya ay nasa isang tabi lang." humigpit ang pagkakahawak ni Carl sa mga kamay ko. Galit sya. Alam ko yun.
"Tama na, okay na ang lahat. Nahuli na ang mga dahilan kung bakit nagkaganyan ka.."
"Salamat. Maraming Salamat talaga Shasha kung hindi dahil sayo baka hanggang nagyon ay malaya parin silang nakakalakad sa lugar na to. I owe you a lot. Hindi ko alam kung pano ko mababayaran lahat ng utang ko sayo."
"Tss. Ano ba! Hindi naman ako naniningil e."
"I know. Haha. Matulog ka na at magpahinga." natatawang sabi nya.
"Maliligo muna ako. Doon ka muna sa labas! At wag na wag kang papasok sa kwarto ko!" banta ko sa kanya.
"Yes ma'am." nagumpisa na syang maglakad palabas or should I say patagos sa pinto.
Binuksan ko ang drawer ko kumuha ng oversized na tshirt at pajama. Kumuha na rin ako ng b*a at underwear ko.
"Shasha.." nagulat ako ng makitang nasa likuran ko lang pala si Carl.
"Aba't sinabi nang—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mabilis nya akong hinalikan sa labi at sabihing, "Thank you." pagtapos ay tuluyan ng nawala sa harap ko.
Napatakbo kagad ako sa banyo ko. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Tumingin ako sa salamin at halos matawa ng makitang sobrang pula ng mukha ko.
Naligo lang ako ng mabilis pagatpos ay nagbihis at lumabas na ng banyo. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod at antok. Dumirecho na kagad ako sa kama at hindi na nag abalang patuyuin pa ang buhok.
Pagkahiga ko ay mabilis kagad akong nakatulog. At ang huling natatandaan ko na lang ay ang paghiga ni Carl sa tabi at pagyakap nya sakin.
At ang pagdampi ng labi nya sa noo ko.