Isang buwan na ang nakalipas nung makulong sila Bryan. Nilipat sila sa ibang presinto. Mas malaki at mas secure talaga. Paminsan-minsan ay dinadalaw ko si Bryan sa presinto. Nagpapasalamat nga sya sakin dahil kahit papano daw ay dinadalaw ko daw sya.
"Osige aalis na ako Bryan ha. Babalik nalang ulit ako." nakangiting paalam ko sa kanya.
"Osige, mag iingat ka. Salamat ulit sa pagbisita mo."
"Wala yun, ano ba." kahit papano naman ay naging kaibigan ko na rin tong si Bryan at isa pa hindi naman nya talaga sinaktan si Carl. Tanging yung dalawa lang ang halang ang kaluluwa.
"Hayaan mo Shanen kapag nakalabas ako ililibre kita. Kahit na anong pagkain ang gusto mo. Promise." natawa na lang ako sa sinabi nya. Um-oo nalang ako at lumabas na ng presinto. Limang taon syang makukulong sabi ng mga pulis. Bukod kasi sa hindi naman talaga nya sinaktan si Carl ay tumestigo pa sya at sinabi nya lahat ng alam nya. Kaya napatawan sya ng mababang taon ng pagkakakulong. Kumpara sa dalawa na habang buhay sila dito sa kulungan.
Yun din kasi ang gusto ng mga pamilya ni Carl. Sayang nga at hindi namin sila nakita ni Carl dahil nasa States daw ang mga ito at tanging ang abogado lang nila ang nagasikaso ng lahat ng kailangan gawin.
"Tara na?" aya ni Carl. Kanina pa nya ako hinintay dito sa labas ng presinto. Ayaw nyang pumasok sa loob dahil ayaw nyang makitaang pagmumukha nung dalawang lalaki.
Naglakad lakad lang kami ni Carl papunta sa pinakamalapit na park dito. Hawak-hawak nya ang kamay ko habang naglalakad at mukhang masaya sya.
"Carl?"
"Hmm?"
"Kapag nawawala ka saan kang lugar napupunta?" tanong ko. Humigpit ang pagkakahawak ni Carl sa kamay ko. Matagal ko ng gustong itanong yon kay Carl. Sobrang curious kasi talaga ako e.
"Hindi ko alam. Basta maputi at sobrang liwanag ng paligid."
Biglang naging mabigat ang pakiramdam ko. Sigurado ako na langit ang lugar na yon. Sa loob ng isang buwan ay napapadalas ang pagkawala ni Carl. Kung minsan ay tatlong beses sa isang linggo. Kaya nga hinahanda ko na ang sarili ko dahil alam ko na malapit na.
"Edi maganda, langit yun sigurado ako." pilit akong ngumiti para hindi nya malaman na nalulungkot ako.
"Will you be okay?"
Parang tumigil ang t***k ng puso ko sa tanong nya. Will I be okay?
Sana.
"O-oo naman.." I croaked. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya at hinila ko sya paupo sa swing. "Nakakapagtaka, bakit kaya walang tao ngayon dito?"
Alas-singko palang naman ng hapon. Dapat ganitong oras ay maraming mga tao ngayon dito. Pero wala, kaming dalawa lang talaga ni Carl.
"Ayaw mo nun para solo natin to." sabi ni Carl at naupo sa katabing swing ng sa akin. Dinuyan duyan ni Carl yung swing nya. Siguro kung ibang tao ang makakakita nito ay baka tumakbo na sila sa takot dahil nagsuswing mag isa ang katabi kong swing.
Muntik na akong mapatili ng biglang igalaw at iduyan ni Carl yung swing ko. Natawa nalang ako at sinabayan yung pagswing ng swing nya. Para akong tanga na nagsuswing mag isa at tumatawa. Mabuti nalang talaga at walang tao ngayon.
"Naniniwala ka ba sa reincarnation?" tanong ni Carl. Saglit akong napatingin sa kanya.
Reincarnation?
"Oo naman. Matagal na akong naniniwala dyan. Pwedeng ma-reincarnate ang kaluluwa ng isang tao into trees, plants, animals, butterflies or even yourself. Pwedeng mabuhay ka ulit sa katauhan mo at kailangan munang lumipas ang ilang daang taon para lang mangyari yun.." tumingin ako kay Carl at malungkot na ngumiti bago ipagpatuloy ang sasabihin ko. "..pero may kapalit yon. In order for that to happen your memories needs to be erase. Memories from you past life. Since the day that you were born, up to the last breath of your life. All of them needs to be erase."
"Ganun ba.." nakayukong tanong nya. Napangiti ako. Mamimiss ko si Carl. Sobra.
"Oo naman. Bakit mo naman naitanong?" direcho lang akong nakatingin sa harap. Sa langit kung saan makikitang papalubog na ang araw. Ang romantic tingnan. Sunset with Carl. First time to.
"Will you help me remember everything?"
Natigil ako sa pagduduyan ko. Maski ang paghinga at pagtibok ng puso ko yata ay tumigil dahil sa tanong nya.
"S-sira, para namang nandito pa ako kapag na-reincarnate k-ka.." pinipilit kong maging matatag ang boses ko pero hindi ko kaya. Nahihirapan na akong huminga dahil kanina ko pa pinipigilan ang pag iyak ko.
"If it happens that we bump into each other someday and you felt that you know me, like we have a connection, please hug me tight. Let me remember everything. Let me remember you."
Hindi ko na napigilan at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Agad ko itong pinunasan pero wala e. Tuloy tuloy pa rin ang pagpatak.
"Ang d-duga naman bakit ako. P-pano kung itulak mo ako.." I said to lighten the mood pero mukhang walang epekto. Malungkot parin.
"I will never do that. I know I will feel something once you hug me. Maybe they can erase my memory but I'm sure that they can't and will never be erase my feelings. Tanda mo pa yung sinabi ni Marc, we have connection. A connection that will never be broken." malungkot na sabi ni Carl. May luhang pumapatak na rin sa mga mata nya.
"What if you can't remember everything?" tanong ko. Unti-unti ng lumulubog ang araw ilang minuto na lang ay magiging madilim na naman.
"Then let's make new memories. You and me. Memories of us." nakangiting sabi nya kahit na may luhang tumutulo sa mga mata nya.
"Deal. New memories with you. I can't wait for that day to happen.."
"Shasha, I can feel it. Ito na ang huli.." makahulugang sabi nya and as if on cue biglang lumiwanag ang katawan ni Carl. From his tears until all of his body glow.
"I-i know Carl.." mas lalo akong naiyak. Hinawakan ko ang kamay nya at nagpapasalamt ako at nahahawakan ko pa rin.
"This is it. Mukhang hindi na talaga kita makikita.." umiiyak na sabi nya. Para syang bata kung titingnan umiyak.
"M-magkikita pa tayo. H-hihintayin mo ba ako?" I croaked. Tumango sya at pinunansan ang mga luha sa pisngi ko. Mamimiss ko ang mga ginagawa nyang ito sakin. Lahat lahat.
"So, I guess this is the end of our story.." mas lalong lumiwanag ang paligid ni Carl. Unti unti na rin naglalaho ang mga paa nya paakyat sa katawan nya. "..G-goodbye Shasha. I'll miss you."
Pinilit ko pang hawakan at higpitan ang ang kamay ni Carl pero wala. Hindi na talaga pwede.
"Don't say g-goodbye.." I sobbed.
"Ano naman ang dapat kong sabihin?" mahinang sabi nya. Tinitigan ko sya sa mata at lakas loob na tumayo sa swing at lapitan sya. I kissed him on his lips. One last kiss.
I closed my eyes and savoured the moment.
"Just say till we meet again." I whispered. I opened my eyes and look at him.
"Till we meet again, Shasha."
Shasha.
Mamimiss ko ang pagtawag nya sakin ng palayaw na yan.
"I know. M-magkikita pa tayo Carl.." with one last nod and smile ay tuluyan ng nawala si Carl sa harap ko. Kasabay ng paglubog ng araw. At pagbalot ng dilim sa paligid.
"I love you.."
Carl whispered on the wind. Mas lalo akong naiyak at napaupo sa damuhan. Niyakap ko ang aking tuhod palapit sa aking dibdib at doon binuhos lahat ng iyak ko.
Wala na. Tuluyan na akong iniwan ni Carl. Hindi ko alam kung ilang oras ako sa ganoong posisyon ko hanggang sa maramdaman ko nalang na may humawak sa balikat ko.
"Shanen.." malungkot na tawag sakin ni Marc. Hindi ko na napigilan at niyakap ng mahigpit si Marc. All I need now is a crying shoulder.
"W-wala na M-marc. W-wala na si C-carl.. Iniwan na nya a-ako." i said while sobbing on his chest.
"Shh.. I know, Shanen. I know.." he said and rock me side by side. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa hindi ko namalayan na binuhat na pala ako ni Marc at inuwi sa apartment ko.
Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot ng makapasok ako sa apartment. Kanina lang ay kasama ko syang umalis dito pero ngayon mag isa na lang ako.
"Sigurado ka ba na magiging okay ka lang mag isa?" tanong ni Marc. I gave him a faint smile and nodded.
"Call me okay. Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako." sabi nya. Tumango lang ulit ako. "Be strong. Babalik din ako bukas dito." sabi nya. Hindi na ako sumagot at hinintay na lang na umalis sya. Pagkasara na pagkasara nya ng pinto ay nag uunahan na namang tumulo ang mga luha ko. Marahas ko itong pinunasan.
Shh, don't cry, Shasha.
Naalala ko lagi ang sinasabi sakin ni Carl kapag umiiyak ko. I shook the thought away. Kailangan kong magpakatatag. Naglakad ako palapit sa cupboard at binuksan ito. Kumuha ako ng noodles at nagpakulo ng tubig.
I swallowed the hard lump on my throat. Lahat ng sulok ng apartment na ito ay nagpapaalala sakin tungkol kay Carl.
Binilisan ko na lang ang pagkain ko pagtapos ay dumirecho na kagad sa kama ko. Hindi na ako nag abalang maglinis o kahit na magpalit ng damit.
All I wanted to do now is to sleep and rest. And probably dream about him.