HINDI pa man pumatak ang tanghali ay hinang hina na ang katawan ni Matilde at pakiramdam niya ay naubos na ang lakas niya ni Xavier De Luca. Sinunod niya ang utos nito. Matapos niyang makapagbihis ay naglinis siya sa buong opisina nito habang si Xavier naman ay bumalik na sa binabasang dokumento. At ang walanghiyang De Luca. Siya pa ang pinagligpit nang mga nahulog na dokumento sa sahig. Mabuti na lamang at hindi naghiwahiwalay ang mga pages nun. Dahil kung hindi ay si Matilde lang naman ang mahihirapan. "Where are you going? Are you done cleaning here?" sambit bigla ni Xavier nang mapansin na binuksan niya na ang pinto at tulak-tulak niya na ang mga gamit niya papabalas ng opisina nito. Tumango naman si Matilde at saka pinunasan ang pawis niya sa kanyang noo. "Obvious ba?" pagsusun

