CHAPTER 66

2125 Words

INIWASAN siya ni Leandro Jose. Ewan ba ni Matilde kung tama ang pakiramdam niya ngunit iyon ang nakikita niya. Mula nang mangyari ang naging pag-uusap nila sa opisina ng binata ay naging mailap na ito sa kanya. Kinakausap siya nito ngunit pormal na ang tono. Bumalik sa dati na malamig ang pakikitungo. At hindi rin alam ni Matilde ang dahilan ngunit napakabigat nun sa dibdib niya. "A-ayoko na," saad niya. Kaharap niya ngayon si Xavier. Mas pinili niyang kausapin ito nang masinsinan nang gabing tulog na ang lahat sa mansyon. Iniisip rin ni Matilde na gusto niya nang umalis doon. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay tila may milyon milyong karayom na nakabaon sa puso niya at hindi siya makahing sa tuwing malamig na ang mga tinging pinupukol ng berdeng mga mata ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD