Napapikit muli si Abbey nang sakupin ni Niccolo ang kanyang mga labi. Sobrang init ng halik nito na halos ikatupok na ng kanyang pagkatao. At wala siyang pakialam kung matupok man siya. Paniguradong si Niccolo pa rin ang parehong tao na didiligan siya mayamaya para mamulaklak muli. Naks! Mukhang may madidiligan naman din kasi talaga! Natatawa siya sa sarili. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa malikot niyang utak. Pero mabuti nalang talaga at naging maayos ang lahat. Hindi niya inaakala na ang muntikan na nilang paghihiwalay ay mauuwi muli sa isang mainit na tagpo. Mabuti nalang talaga at nakinig siya kay Luigi kung hindi ay magiging malungkot na naman ang buhay niya. At hindi na muli niya mararamdaman ang mga halik at yakap ng asawa na kasalukuyan niyang dinadama. Shems! Ito nga pa

