Chapter 20: Baston
"I am not the one who kept on messaging her. Apparently, my phone was lost days ago. My manager, friends and some co-artists can attest to that. I'm using my fiance's business number to contact everyone," kalmado kong saad sa mga reporter.
Inaasahan ko nang may media na nagkalat sa labas ng tower kinaumagahan. Hindi tuluyang nakalabas ang sasakyan ni Ariz dahil nakilala iyon at agad hinarang ng mga tao. Pinigilan ako ni Ariz na huwag silang harapin pero nagpumilit ako para matapos na agad ito.
Nasa lobby kami ng tower. Pumayag akong sagutin ang tanong nila basta't manahimik lang sila habang gingawa iyon. Nakabantay ang ilang security sa amin habang si Ariz ay nasa labas at hinihintay ako. Kahit takot sa camera ang isang 'yon, sinubukan niyang samahan ako pero mas mabuting huwag na lang. Siguradong idadawit lang siya sa mga tanong sa akin.
"Kung nawala ang phone mo, Miss Savi, bakit hindi po kayo bumili ng bago agad para hindi niyo na gamitin ang numero ng nobyo mo?"
"Kailan po nawala ang phone niyo, Miss Savi? Paano niyo po mapapatunayan na nawala iyon bago makatanggap ng death threats si Miss Kiana from you?"
"Is it true that you're insecure with her? Dahil nakadalawang pelikula na siya at ikaw ay isa pa lang gayong magkasabayan lang kayo sa showbiz?" atribidang tanong ng isa pang interviewer.
Ngumiti ako sa kanya kahit nagpupuyos na sa irita. How could she be so disrespectful to ask those questions? Why would I be insecure to a pandak like Kiana? Excuse me, hindi sa pagmamayabang pero tatlong pelikula na ang natanggihan ko dahil ayaw ni Mamita. It contains sexy scenes and she won't allow it yet until I'm twenty.
Nasa kontrata ko naman na puwedeng tumanggi, depende sa valid and acceptable reason. Nagtataka lang ako kung bakit puro mature movies ang inaalok sa akin noon gayong kae-eighteen ko lang that time.
"Hindi nababase sa dami ng ginawang pelikula o kahit anong palabas ang galing ng isang artista. And I will never be insecure with someone who would post screen captures of conversation on social media that might also endangered the said perpetrator's life. How can she prove that it was really me she was talking with? My name and number? Is that all?"
Hinawi ko ang aking buhok at ngumiti ulit nang hindi sila nagsalita.
"If I were to receive that kind of threats, I would never post the whole conversation in any social media platforms eagerly. Much better, I'd report it to my manager first and then make our move accordingly without dragging someone else's name especially when it's not yet proven that it wasn't just a spam messages or from a hacker."
"Paano mo mapapatunayang hindi nga ikaw ang nag-text kay Miss Kiana, Miss Savi?"
"I just said that my phone was lost days ago here in the parking lot of this tower. I accidentally dropped it—"
"Or you must have dropped it purposely after messaging Miss Kiana?" paratang ng isa.
"Excuse me, but I would never do that. In the first place, isn't it a very reckless move to send offensive messages on someone as known as her using my number? Bakit ko naman po dudungisan ang pangalan ko?"
"Tama si Miss Savi! Itong mga bias na 'to, halata namang si Kiana ang kinakampihan niyo!" biglang singit ng kung sino.
Hinanap ng mata ko ang taong iyon. Reporters at camera men lang naman ang nandito kaya siguradong isa sa kanila ang nagsalita noon.
"Miss Savi, you're wearing a Sorel boots for today? Papasok sa university o may taping for your upcoming movie?" someone suddenly changed the topic.
"Oh, no! It's just a Schutz. Sa USD lang naman ako pupunta..."
Natigilan ako nang makitang nakisiksik na si Ariz para mapuntahan ako. Lalong nagsilapitan ang mga reporter para kuhanan siya ng statement kahit na hindi ko sure kung bakit nanghihingi sila sa kanya.
Hello, ako 'yong artista rito. But with his looks and body, baka mapagkamalan talaga siyang modelo o artista. Sorry sila, akin lang ang engineer ko.
"Excuse me, my fiance still needs to go to her school. She's running late. I hope you all understand."
"Engineer Serrano, puwedeng makita muna ang engagement ring niyong dalawa? Balita ko ay dalawa ang singsing ni Miss Savi dahil nawala raw iyong una mong ibinigay sa kanya."
"Walang suot na singsing si Miss Savi kahit isa!" sabi ng isa.
Nagsalubong ang kilay ko. "Excuse me—"
Hinawakan ako ni Ariz sa baywang at bahagya nang hinihila palayo roon. Lalong nagkagulo habang sumusunod sila sa amin at pumipigil naman ang ilang security. Bahagya akong yumuko nang akbayan ako ni Ariz para palapitin sa kanya lalo.
He opened the his car's door for me. Agad akong pumasok at sinara iyon. Hindi ko na nilingon ang naghahabol na media sa amin dahil hindi naman nila mapipigilan ang sasakyan ni Ariz.
"Seatbelt," aniya pagkapasok ng sasakyan
I buckled my seatbelt and took my compact mirror from my Chanel bag.
"My gosh, my lipstick is smudged a bit! I didn't notice it earlier!" Akala ko ba ay kissproof ito?!
"Where's your ring?" matigas na banggit niya sa tanong.
Nilingon ko siya habang binababa ang salamin. "Which ring? The first or the second one?"
He pressed his lips tightly. "Your rings."
During my debut party, he gave me another engagement ring. Iyong unang ginawa niyang kuwintas para sa akin ay nakatago at alam niya naman iyon. I can't let that ring to lose again. Baka sa susunod na may mawala sa akin ay hindi na singsing, e.
"The old one's still in my safety box. Iyong bago, uh..." Napatingin ako sa kaliwa kong kamay. "I probably left it inside the bathroom. Tinatanggal ko iyon doon kapag naliligo, e."
"I told you to always wear your ring," matabang niyang sambit. "Baka kapag nakita ng iba na wala kang suot na singsing, akalaing available ka."
"Well—"
"You're exclusively available only to me, Savi. So, do not forget to wear your ring next time. Talagang magagalit na ako kapag nawala pa iyan."
I giggled. "Paano 'yong galit?"
"Shut up."
"Hmp. Suplado naman ng bebe ko," panunuya ko at sinundot siya sa tagiliran.
"Huwag kang papatalo. Mas suplada ka." Sabay sulyap sa akin.
"Stop talking! Wala ka na lang laging sinasabing maganda sa akin. You're so irritating!"
"Wala akong sinasabing maganda sa 'yo? Sigurado ka?"
"Oo!"
"Ang ganda mo."
Natigilan ako sa sinabi niya at tila nagwala ang mga immature worm sa loob ng tiyan ko. Sumulyap ulit siya sa akin habang ang kaliwang siko ay nakasandal sa may bintana. Ngumuso ako at umirap sa kanya para ipakitang hindi ako natuwa sa sinabi niya.
Hindi ako natuwa kasi tuwang-tuwa ako. Hihi. Minsan lang ako purihin, e.
He chuckled. "Ayan, lalaki na naman ang ulo dahil napuri."
"Excuse me, maraming nagsasabing maganda ako."
He nodded. "Oo. Sexy pa."
Uminit ang pisngi ko at hindi na dinugtungan pa. Can't he just stop, please? Baka hindi ako sa USD dumiretso nito at sa ospital na. Magha-hyperventilate na ako!
"Malambot ang labi..."
"What—"
"Masarap halikan."
"Hey—"
"Masarap yakapin."
"I know! That's why you always hug me when we're sleeping together! Do I look like a freaking teddy bear?"
He smirked amd glanced at me. "Masarap sa kama mula gabi hanggang umaga."
"You..."
Nanlaki ang butas ng ilong ko at buong mukha na ang nag-init dahil sa sinabi niya. Kinagat ko nang mariin ang aking labi at ilang beses huminga nang malalim. My dear Lord, I didn't know that he is this vulgar with his words! Kung ibang tao siguro siya, malamang nabastusan na ako. Pero noong sinabi niya iyon, hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng init sa katawan.
Oh my God, Savi! Get a hold of yourself! Nakailang rounds nga ba kami mula pa kagabi? I lost f*****g count! Hanggang ngayon nga, pakiramdam ko ay nasa loob ko pa siya.
Oh, what the hell! Bakit ba ito ang inisip ko ngayon?!
"Pero alam mo ba kung ano ang pinakamasarap?" he asked sensually before licking his lips.
I glared at him. Hindi pa talaga siya tapos?
"Pinakamasarap ay iyong mahalin ka," he added quietly.
Natahimik ako nang tuluyan hanggang sa nakarating kami sa tapat ng USD. He parked his car beside the gutter near the entrance gate. I unlocked my seatbelt and looked at him. Mabilis pa rin ang bayo sa dibdib ko dahil sa simpleng sinabi niya.
"I'm going."
Hindi siya nagsalita at nanatiling nasa harap ang tingin. Pumikit siya nang mariin at sumandal sa upuan.
"Wait for Jericho. He'll pick you up here."
"B-bakit?"
He sighed. "Mas mabuti nang may kasama ka papasok. I don't know what will I do if someone harass you without me or anyone trustworthy around you."
"Hmm..." I remained my eyes on him. "I don't think someone would do that inside the university. Marami akong kaibigan sa loob..."
"Don't assume that all your friends will always be loyal to you. Anong malay natin at baka sa likod ay sinasaksak ka na?" Hinarap niya na ako ngayon.
"I'm not saying that I will rely on my friends, Ariz. I have my loyal ones ever since grade school. I can even fight for myself physically if necessary."
Tinikom niya ang mga labi at tila nag-isip nang malalim. Humalukipkip ako at nanatili siyang tinitingnan. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Bakit kaya bigla niyang nasabi iyong tungkol sa mga kaibigan ko? Though his words are still vague.
My heart leaped when he stretched out his hand to hold mine. Bahagya niya iyong pinisil habang nakatitig sa mga mata ko.
"Do you trust me?"
Naguguluhan man sa tanong niya ay tumango ako. "Oo naman..."
Tumango siya at tipid na ngumiti. He brought my hand to his lips. "Always remember that I'd do anything just to make you happy. If your career makes you happy, then I'll always support you. Pero kung ikapapahamak mo na, hindi ko na alam." Napailing siya.
His adam's apple moved. I swallowed hard and gave him a smile. I don't know why he's suddenly this worried. My feelings for him are just overflowing. Hindi ko na yata alam ang gagawin kung may humadlang sa aming dalawa.
Sigurado ako sa nararamdaman ko. I love Ariz as much as I want to spend my life with him in the near future. Hindi man ngayon, doon din naman kami tutungo. For the past two years, he never let me feel insecure with other women so it isn't our problem in our relationship.
He's been my only man in my life, too. Hindi ko alam kung bakit mas nagtitiwala pa nga ako sa kanya kaysa kay Daddy. Hindi ako pinigilan ni Dad sa gusto ko pero hindi niya rin sinuportahan. All he wanted for me is to marry Ariz. Yes, gagawin ko iyon pero hindi dahil gusto niya. I will marry Ariz because I love him.
"When the time comes that you have to choose between me and your career, always choose the latter."
Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya at umigting ang panga.
"I don't have to choose, Ariz! Kasi walang dahilan para gawin ko iyon. My God, why are we even talking about this?"
Binawi ko ang kamay sa kanya at humalukipkip.
"Savi..."
"You know what? I guess I'll just wait Echo outside your car. Mali-late ka na sa trabaho, o," sabi ko at tiningnan pa ang oras sa relo.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang hawakan niya ako sa braso. Iritado ko siyang binalingan pero nawala ang kunot sa noo ko nang makita ang pagod at lungkot sa mata niya.
"Ingat. Pakakasalan pa kita."
I smirked. "Iyan ang dapat mong isipin. Kaya bilisan mong mag-ipon, baby." I winked before finally opening the door to get outside his car.
Binaba ko na ang aviators na nasa ulo ko at sinuklay ang buhok. Nakaharap pa rin ako sa pintuan ng sasakyan niya kaya kitang-kita ko ang busangot niyang mukha nang ibaba ang bintana nito.
"Hindi pa nga kita nahahalikan," reklamo niya sa mahinang tono.
I kissed my forefinger and middle and blew it in the air towards him with a sound. "Bye! Ingat!"
"Isa pa, 'di ko nasalo," he requested.
I giggled and about to do it again when someone called my name. Napatingin ako sa kanan at nakita sina Echo, Mea at Kana na naglalakad patungo rito. Lumayo ako nang bahagya sa pinto ng sasakyan at hinarap sila.
"Hello!" I greeted and kissed their cheeks when they stopped in front of me.
"Savannah!" Ariz almost growled when I kissed Echo lastly on his cheeks.
Napalayo agad si Echo habang nanlalaki ang mga mata.
"Oy, sabi ko sa 'yo huwag mo akong hahalikan, e! Ma-issue pa 'kong kabit, oy!" Sabay punas niya sa pisngi na akala mo'y diring-diri.
Sinimangutan ko siya at nilingon si Ariz. "Bye bye na!"
Umirap siya at tinaas na ang bintana. I waved my hand when he beeped twice. Nang tuluyan na siyang makaalis ay hinarap ko na ang mga kaibigan.
"Bakit tatlo pa kayong nandito?"
"Syempre, back up mo kami. Vampire warriors 'to!"
"Ang dami niyong alam. Tara na nga at mali-late na ako."
"Excuse me, Echo, tayo po, okay. Tayo ang mali-late." Sabay batok ni Mea kay Echo.
"Excuse me, Mea, walang tayo, okay. Walang tayo."
Umiling na lang ako sa kanilang dalawa habang papasok kami sa loob ng USD. Marami rin namang public figure ang nag-aaral dito kaya hindi na rin talaga ganoon nakakamangha para sa iba kung may makakasalubong na isa. Kung minsan, mas papansin pa sa mga tao 'yong hindi public figure. But that's their life so they'd do whatever they want.
"Savi, ano pala ang nangyari kagabi? You didn't text back. Hindi ko alam na si Ariz pala ang kausap ko sa phone," ani Mea habang naglalakad kami sa freedom park patungo sa building namin.
Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi na umabot pa ng madaling araw. Mabuti na lang at dati akong player ng Karate kaya sanay na ako sa mga pabuka-buka ng binti, 'no. With exhibitions pa! Iba lang ang feeling sa mismong gitna!
"For sure, bago pa makapag-hello itong si Savi ay nagratatat ka na agad." Kana laughed.
"Pero, ma, nakakaloka 'yang si Kiana, ah? Papansin sa Twitter?! Akala niya naman ay ikinaganda niya ang pag-post ng convo niyo na obvious namang hindi ikaw? Pa-victim lang para sumikat?"
"Honestly, I find it ridiculous," singit ni Kana. "I bet she's not even sure that it was really you whom she was talking with. Kilala kayong dalawa ng mga tao. Hindi ba masyado namang reckless na ite-text mo siya para sabihan ng masasamang salita at pagbantaan pa? Look, kung ikaw ay pasikat pa lang sa larangan ng entertainment industry, gagawa ka ba ng rason para masira agad ang image mo? No. Pero may ibang gumagawa ng isang bagay na makasisira sa iba para lang iangat ang sarili nila."
"That's what I also think! She must've did that to get the sympathy of the netizens!" si Mea. "Ganoon sa showbiz. Kapag nakitang ikaw ang dehado kahit walang matibay na ebidensya, sa 'yo sila papanig."
Hindi man lahat pero ganoon nga madalas. Pero hindi pa naman naririnig ng madla ang side ko tungkol sa problema. But I don't want them to choose their side. I just want this issue to be fixed already. Habang tumatagal, lalong lumalala. I just want peace while working though I know how thorny this industry could be.
Pero kapag mahal mo naman ang isang bagay, kahit gaano kahirap iyan ay ipagpapatuloy mo. Failures and mistakes are the great teachers. Kada mali mo, isang hakbang pa rin iyon patungo sa tagumpay.
"Although the pictures could be her evidence against you, hindi iyon enough. Your phone was lost, right? Iyon ang sabihin mo sa media kapag tinanong ka. We can attest for you!" ani Kana pero natigilan. "Ay, joke. Wala ka palang messages sa amin gamit ang ibang number."
"Alam niyo, manahimik na lang muna kayo," sabat ni Echo na nakikinig lang din sa dalawa kanina. "Alam kong walang kasalanan si Savi but let's give Kiana the benefit of the donut."
Humagalpak kami sa tawa dahil sa sinabi niya. Kumunot tuloy ang noo niya sa amin. I sighed, smiling. Hindi ko alam kung pinapagaan niya lang ang atmosphere sa pagitan namin o talagang nagkamali lang.
But whatever Kiana's reason for posting that imprudently, ayaw ko nang gawin pang malaking issue. Soon, it will die. I don't have to talk to her personally regarding that but I hope she won't do it again next time. Natatakot din naman ako sa mga banta ng fans niya sa akin dahil doon.
"Halatang gutom! Tara na. May pagkain ako sa bag. Kain tayo habang nasa klase," ani Kana at ngumisi.
Nauuna sina Mea at Kana sa pag-akyat sa hagdan habang katabi ko naman si Echo. Nakapamulsa siya at gumagamit ng phone kaya nakisilip ako. Lumingon siya sa akin at nagtaas ng kilay.
"Nagpa-interview ka kanina? Lumabas agad, ah. Trending na."
"Hinarangan kami kanina ni Ariz sa labas kaya pinaunlakan ko na." I shrugged.
"Oh, mabuti nga 'yon nang matigil na sa kaba-bash sa 'yo ang mga tao. What's worst is that they even threatened your life," galit na sabi ni Mea nang narinig kami.
"Joke or not, hindi pa rin tama iyon," sabi naman ni Mea bago kami tuluyang pumasok sa room.
Halos mapamura ako sa loob nang magpa-quiz agad ang professor namin. Hindi ko nakita ang notes ko kagabi dahil sa nangyari! Ito pa naman ang kahinaan ko. Kung practical lang sana, siguradong ipapasa ko iyan.
Mabuti na lang talaga at wala sa hulog ang prof na banggitin ang scores namin. Minsan kasi ang trip nito, e, ipagsigawan sa buong madla ang grades namin. So far, wala pa naman akong bagsak. Kapag may nami-miss akong lessons at exams dahil sa trabaho, ako na ang lumalapit sa kanila.
Hindi naman ako ganoon kaespesyal para sila pa ang lumapit sa akin gayong ako ang may kailangan. Iba ang highschool sa college. Kung sa highschool, ang mga teacher ang lalapit sa students para mag-comply sa kulang, sa college ay hindi. Students in college must be responsible enough to approach their professors for what they've missed. Not the other way around.
"Daan muna tayong locker. Ilalagay ko lang 'tong laptop ko at ang bigat," ani Kana.
"Lesson learned. Huwag magdadala ng laptop sa room para manood ng Kdrama at magpanggap na nag-e-edit ng video."
Hinampas ni Kana si Mea at tumawa. Dalawang tig-tatlong oras ang magkasunod na subject kaya naman gutom na gutom ako pagkatapos. Kumain kasi ang dalawang 'yan kanina sa unang subject. Si Echo, sa ibang klase na matapos iyon.
"Punta lang ako saglit sa banyo. Puputok na ang bladder ko," I told them.
Tumawa sila pareho.
"Taray, bladder! Spell mo nga, ma?" pang-aasar ni Kana.
Umirap ako at ngumisi. "Basic. B-l-o-o-d-e-r."
Humagalpak silang dalawa sa tawa kaya kumunot ang noo ko. So annoying. Tama naman ako, ah. O baka urethra? Ah, basta naiihi na ako.
Tinapik ako ni Mea sa balikat at ngumiti. "Okay lang, ma. Mahal ka namin kahit pareho kayo ni Echo."
"What do you mean? I'm not like Echo. He's a freaking guy!"
Si Kana naman ang tumapik sa kabila kong balikat at tumango-tango pa. "Tanggap ka namin, Savampire. Alam naming nagpapakatotoo ka lang. We love you so much!"
I scowled when they faked their cries and hugged me then both laughed. Lumabi ako sa kanila.
"Ewan ko sa inyo. Magbabanyo na ako."
"Sama na kami."
Umiling ako. "No need. Magkita na lang tayo sa may Laurent. Saglit lang ako!"
Kumaway na ako sa kanila at nagtungo na sa direksyon ng common restroom ng USD dahil iyon ang malapit sa amin. May dalawang nagsasalamin doon pagkapasok ko pero dumiretso na ako sa cubicle.
I flushed the toilet bowl using my foot. Ayaw ko ngang hawakan at napakaraming germs panigurado ang meron diyan at baka magkaroon pa ako ng sakit.
Kinuha ko na ang bag ko na pinatong sa may itaas ng bowl bago lumabas. Wala ng tao noong lumabas ako kaya mas mabuti. I washed my hands while looking at my face on the mirror when the door opened. Kumuha ako ng tissue na nasa pader at pinunasan ang kamay nang biglang may humampas sa likod ng mga binti ko.
Napahawak ako agad sa gilid ng lababo at sa pader bilang suporta. What the f**k?! What's this? A freaking deja vu.
Napatingin ako sa salamin at halos manlamig nang makita ang isang pamilyar na surgical face mask na nakatakip sa babaeng nasa likuran ko. Hindi tulad noon, mahina lang ang paghampas niya sa mga binti ko ngayon.
I immediately turned around when she didn't move. Nanginig ang mga tuhod ko pero nakatayo pa rin nang hinarap siya. Her hand lifted and I saw a baston that she was holding from Arnis, I supposed.
Bago pa niya ako mahampas ulit ay nahawakan ko na ang kamay niya. Her irides almost dilated when I reached for her ear. Tinanggal ko ang mask sa mukha niya at nalaglag ang panga nang makilala siya.
Nanlabo ang mga mata ko habang tinitingnan siya. "Bakit... Shai?"