Chapter 18: Leave

1368 Words
Chapter 18: Leave "How do I look?" I asked Ariz as I placed one hand on my hip and tilted my head a bit in front of him. I'm now wearing a grey two-piece skirt suit with satin silk camisole top paired with my Sorel's ankle bootie. This is my usual get-up whenever I'm going to studio, meet and greets, and mall shows. Magpapalit lang ng ibang damit kapag nandoon na. "You look..." binitin niya ang sinasabi at nagtaas ng kilay. I arched my brow and waited for his response. Nakaupo siya sa may paanan ng kama ko, naka-cross leg na parang babae at nakahalukipkip. "Ano? Ang tagal!" He licked his lips and surveyed me from chest to legs. "You look good..." "Good lang?" "You look good when you're wearing clothes," ulit niya at tumango. "But you look better when you're not wearing anything." Uminit ang pisngi ko at umirap sa kanya. I walked towards my vanity table. I took my Versace's Bright Crystal perfume and sprayed it on my wrists before rubbing them below my ear. I have collections of perfume but Ariz said this one's his favorite so I'm keeping it. Nilapag ko na ulit ang bote ng pabango sa vanity table nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking baywang. I craned my neck a bit on the left when he started sniffing the scent on my skin. I cleared my throat when he pulled down the hem of my plaid skirt before letting me go. "Nasasanay kang sobrang ikli ng palda mo, ah?" puna niya ngayon. "Ni hindi umaabot sa gitna ng hita mo." Hinarap ko siya at inirapan. "I'm already used to it. Hindi naman ako nasisilipan lalo na't may cycling namang suot. "Okay. Hindi na ako makikipagtalo sa mahiwagang cycling mo at baka ipakita mo pa sa akin," nakabusangot niyang saad at hinawakan ako sa baywang. "Tara na. Kailangan na ako sa site." Inalis ko ang kamay niya sa akin at kinuha ang aking purse at sinuot na rin ang aviators. I pouted as we went outside of my room. Kinuha niya pa muna ang susi ng kanyang sasakyan na nakapatong sa coffee table kaya ako na ang nagbukas ng pinto. I waited for him to get outside before I locked the door. "Wala ka nang kukunin sa unit mo?" Umiling siya at hinapit ako muli sa baywang. Naka-navy blue siyang longsleeves na nakatupi hanggang siko at nakabukas ang tatlong unang butones. "Ang ingay naman ng heels mo," reklamo niya habang naglalakad kami sa hallway patungo sa elevator. "Inaano ka ba ng boots ko?" "Maingay nga." "Pakain ko sa 'yo 'to, e." "Ikaw kainin ko, e." I glared at him through the dark glasses of my aviators. Ngumisi siya at bahagya na akong hinila papasok sa loob ng elevator. Saktong nagsara iyon nang tumunog ang phone ko. I took it from my purse and answered Ade's call. "Hello, Ade..." "Hello, Savi? Papunta ka na ba rito sa studio? The photoshoot today is cancelled!" Kumunot ang noo ko at tinaas ang salamin sa ulo. "What? Wait, bakit nag-cancel bigla?" "Well, actually, I just forgot to tell your personal assistant yesterday that it was reschedule tomorrow. Gabi na rin kasi noong sinabihan ako ng organizer." She sighed and paused for a while. "Something came up, love. By the way, are you still in your condo?" I rolled my eyes and heaved a sigh. The elevator opened. Nauna akong lumabas ng elevator pero tumigil din para kausapin nang maayos si Ade. Napatigil din tuloy si Ariz at hinarap ako. "Nasa parking pa lang kami ng tower. Papunta na sana riyan. Just to be sure, wala akong sched today, right?" "Yes, love. I already checked your sched and you have no photoshoot, rehearsals or taping today. Ipasusundo na lang kita bukas kay Nilo nang alas sais impunto ng umaga." "Alright! Thanks, Ade!" I said and ended the call. "Ano? 'Di pa ba tayo aalis?" Ariz asked impatiently. Ngumiti ako sa kanya nang malawak. "Na-cancel ang photoshoot ko today. That means, I'm free today!" Tumango siya. "O, sige, balik ka na sa itaas." I scowled at him. "Anong babalik? No way. I'm going with you!" I giggled and hooked my arm on his. "Sa site ako, Savi. Anong gagawin mo roon?" Nakakunot ang noo niya habang hinihila ko siya kung saan nakaparada ang sasakyan niya. "Hmm. I'll just watch you work? You know, I've never been to your office. I wonder what's iniside your office?" "Tss. May table, upuan, computer at puro mga papel," walang kuwenta niyang sagot. Tumigil kami nang nasa tapat na ng sasakyan niya. Hindi pa niya binubuksan at parang ayaw talaga akong pagbuksan. Inirapan ko siya. "Alam kong may ganyan doon!" "Bakit ka pa nagtatanong kung ganoon?" "Ba't ang sarcastic mo? Sabihin mo na lang kung ayaw mo akong kasama!" Padarag kong inalis ang braso sa kanya. Napatingin siya sa paligid. "Huwag ka ngang maingay. Mamaya may makarinig sa 'yo rito." "Duh. Malamang maririnig nila ako rito dahil may tainga sila." Bumuntong hininga siya at hinuli ang braso ko pero iniiwas iyon sa kanya. "Come on, Savi. Just stay inside your unit. Magpahinga ka na lang. Watch a movie, do exercises or whatever you like. Huwag ka na lang lumabas at baka pagkaguluhan ka pa." Mahinahon naman ang pagsasalita niya pero gusto ko pa ring sumama sa kanya. I wanna see how an engineer works in their field. Siya ay ilang beses nang napupunta sa mga shoots ko dahil alam naman ng mga tao na fiance ko siya bago pa ako pumasok sa showbiz. E, ako? Never pa akong napunta sa pinagtatrabahuhan niya. I just want to know if it's hard being an engineer for him or not. Paano kung nahihirapan na pala siya? I can talk to Dad if ever since Ariz is still under my father's company. Saka baka may umaaligid na palang babae sa kanya roon nang hindi ko nalalaman. Natigilan ako sa naisip at napakunot ang noo. Nahawakan tuloy ako ni Ariz sa braso at hinila palapit sa kanya ngayon. "Bakit ba ayaw mong pumunta ako roon?" I asked with narrowed eyes. "Makaka-distract ka lang ng ibang empleyado roon—" "Iyon ba ang dahilan o baka naman may babae ka?" Bahagyang nanlaki ang mata niya at umawang ang labi. Pinandilatan ko siya ng mga mata. Bakit ganyan siya maka-react? Ibig sabihin ay totoo? Bigla niya akong tinulak sa noo gamit ang hintuturo pero marahan lang. "Ayan. Kaaarte mo sa teleserye, kung ano-ano na lang ang iniisip mo." "Excuse me? My series has no kabit concept naman!" "Excuse me rin, wala akong babae." Hinuli niya ang baywang ko at hinila palapit sa kanya. "Will you—" Natigilan ako sa pagsasalita, napatili at napayuko nang may tumama sa bintana ng SUV ni Ariz kaya nabasag at agad tumunog ang alarm. Hinila niya agad ako sa braso at pinaharap sa sasakyan habang nasa likuran ko siya. "What the f**k was that?!" I cursed as my heart started to beat wildly. "Let's go back to your unit—" Muli akong napatili at halos manginig sa takot nang muling may tumama sa bintana ng SUV. Niyakap na ako nang tuluyan ni Ariz at inilagay ang braso sa may ulunan ko habang naglalakad kami patungo sa elevator. He pressed the button repeatedly until it opened. Pumasok agad ako at halos matalisod pa sa kamamadali. "Oh my God, Ariz! Ano 'yon? May bumabato ba sa atin?!" tanong ko nang sumara na ang pinto. Nakahawak pa ako sa dibdib ko habang ang lakas ng kabog nito. I can't believe someone did that to us! Paanong may baliw na nakalusot dito sa tower namin? At nasaan ang security?! Nilingon niya agad ako matapos pindutin ang button ng floor namin. Hinawakan niya ako sa balikat at tinanggal ang suot na blazer para tingnan ang mga braso ko. Umawang ang labi ko habang pinagmamasdan siyang pinagpapawisan at tila balisa. His face was dark as his jaw moved aggressively. Sa huli ay niyakap niya ako nang mahigpit. Mas mabilis at mas malakas pa yata ang t***k ng puso niya kaysa sa akin. "Mabuti na lang..." buntong hininga niya. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nasaktan ka, Sav..." "Oh my gosh, Ariz!" Bigla ko siyang naitulak. Nagparte ang labi niya at salubong ang kilay na tiningnan ako. "B-bakit? May masakit sa 'yo? Natamaan ka? Saan?" "I dropped my purse! Nandoon ang phone ko!" paghihisterya ko. Huminga siya nang malalim at hinugot ang sariling phone sa bulsa ng pantalon. Salubong pa rin ang kilay niya habang may tinatawagan. Hinawakan niya ulit ang braso ko at muling ni-check kung may sugat o ano. "I'm fine! Your car isn't!" "Tss. Mas nag-aalala ka pa sa sasakyan kaysa sa sarili mo?" "Installment pa 'yon, 'di ba—" He raise his forefinger to stop me from talking. I picked up my blazer on the floor and crossed my arms while looking at him. "Hello, Gian..." He paused for a moment. "I need you to look at the CCTV footages of Rominas Tower. Kasama na ang sa parking... yes. Someone tried to assault..." Napatingin siya sa akin at agad na tumalikod. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang kausapin ang katawagan. Tumunog ang elevator kaya hinila niya ang kamay ko habang nasa kaliwang braso ko nakasampay iyong blazer. Tumigil kami sa tapat ng unit ko kaya nilagay ko agad ang password. "Come..." Dire-diretso na siyang pumasok. Siya pa mismo ang nagsara at nag-lock ng pinto ko kahit may kausap pa. "Pupunta ako riyan ngayon para tingnan. I'll just make sure that Savi's safe in her condo..." Naupo ako sa sofa at hinilig ang batok sa sandalan. Napahawak ako sa noo at saka pa lang napansing pinagpapawisan na talaga ako. I heaved a sigh and thought about what happened just earlier. Sino kaya ang may gawa noon at bakit niya ginawa iyon? Was that some kind of a threat or something? Who was his o her real target? Ako ba o si Ariz? Pilit kong inaalala kung may nakabangga ba akong tao para gawin iyon pero wala naman. O baka hindi ko lang alam? I suddenly remember what happened way back on my Senior High. Iyong may nanghampas sa akin ng bat sa loob ng locker room sa gymnasium. Posible bang konektado ang taong may gawa noon sa akin at itong nangyari ngayon? But, for f**k's sake, why would she still do that? Don't tell me dahil pa rin sa nilalandi ko raw kuno iyong boyfriend niyang hindi ko naman kilala? Still, hindi pa rin sigurado kung sadya ba ang nangyari kanina o trip lang. "Savi," Ariz called as he sat beside me. Nilingon ko siya. His face was still grim and dark. Sinuklay niya ang kanyang buhok patalikod gamit ang mga daliri. "Who's Gian?" "Just a friend," he briefly answered. "Aalis ako kaya rito ka lang. Tumawag ako sa isa pang kakilala para bantayan ka..." "Huh? Wait, you're still going to leave me alone?" Lumapit siya sa akin at hinarap pa lalo ako. I stuck out my lower lip and showed him my puppy eyes look. Tumagilid nang bahagya ang kanyang ulo. "Aalamin ko kung sinong may gawa noon. Aalis lang ako rito kapag dumating na 'yong magbabantay sa 'yo," mahinahon niyang paliwanag. "Did you already report it?" Tumango siya. "Nalaman na ng security ang ang nangyari bago pa ako makatawag sa kanila." "Bakit mo pa pinatitingnan sa kaibigan mo ang CCTV footages ng tower kung ganoon? Is he part of the security team here?" Umiwas sya ng tingin at pinasadahan ng dila ang labi. I got distracted a bit when he spoke. "Hindi. Basta. Dito ka lang." "Can I call my friend?" I asked hopefully. Umiling siya. "Don't tell anyone yet about what happened. Isa pa, hindi ba't nahulog mo iyong phone sa ibaba kanina?" I nodded my head. His lips twitched a bit when his eyes landed on my chest. Tila ako kinuryente nang dumapo ang daliri niya sa aking balikat bago pinadulas pababa sa braso. "Magpalit ka na ng damit mo," he said softly. "I will... but I'm kinda worried. Paano kung lumabas ang nangyari ngayon sa media? You know..." Marahas siyang bumuga ng hangin. "Screw media. I'll talk to the security regarding this first. Ayaw kong lumabas ito agad sa media hangga't hindi pa natutukoy ang may gawa noon at ang rason kung bakit niya ginawa iyon. Don't worry about it. You got me, babe." "How about your car?" "Tss. Huwag mo ngang isipin ang sasakyan. Hindi ko muna gagalawin iyon." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa leeg. He sighed and placed his hands on my waist. Hindi pa ako nakuntento at naupo nang patagilid sa mismong kaliwang hita niya. He shifted on his seat and let me hug him for a moment. "Nakakainis. Gusto ko pa namang pumunta sa opisina mo. Nang malaman kung may babae ka..." He chuckled lowly. "Wala nga. Wala kang poproblemahing babae sa akin." "Baka lalaki, meron?" "Savi," he warned. "May nangyari na sa atin at lahat ay iniisip mo pa ring bading ako?" Bahagya akong lumayo sa kanya at lumabi habang ang mga braso ay nasa leeg pa rin. Nagtaas siya ng kilay sa akin habang ang mga daliri ay naglalaro sa aking likuran. "I forgot to ask this last week..." "Uhuh. What is it? Itanong mo na para sa ikatatahimik ng kaluluwa mo." "Am I your... uh, f-first?" "Hmm?" His brows met. "Unang ano?" Uminit ang pisngi ko at bumaba ang tingin sa kanyang dibdib. Does it really matter if I'm his first... you know, the one whom he lost his virginity with. Para kasing ayaw ko ring malaman kung hindi naman pala ako. Wala na rin naman kasing magbabago kung oo o hindi ang sagot niya sa akin. Either way, I still lost my virginity to him. Umiling ako at bumuntong hininga. "Nevermind." Kinalas ko ang braso sa kanya at akmang tatayo na nang hawakan niya ulit ako sa baywang para pigilan. Napaupo tuloy ulit ako sa kanyang hita. His eyes turned into slit. "Huwag kang pabitin, Savi. Sasagutin ko naman ang tanong mo basta ba ay alam ko." Umismid ako. "Of course, you know the answer!" "Ano nga iyon?" he insisted. "Huwag na nga, e." Lumunok ako at muling umiwas ng tingin sa kanya. "Sige, tapos mamaya susungitan mo na naman ako bigla. Alam ko na ang taktika mo, Sav, kaya sabihin mo na kung anong gumugulo riyan sa utak mong..." I glared at him. He pulled up the side of his lips. "Utak kong ano?" "Utak mong... maganda. Tulad mo," pang-uuto niya sabay pabirong kinagat ang balikat ko. Ngumuso ako at iniwas ang balikat na kunwari'y galit. "Ano ba! Huwag ka ngang nangangagat!" "Ano ba kasi 'yon? Ayaw pa sabihin dito. Gusto yata sa kama pa—" Nanlaki ang mata ko at agad tinampal ang bibig niya. Napapikit siya at agad hinuli ang pulso ko para alisin doon. "You... ugh!" I tried to stand up again but he tightened his embrace on me. "Ano? Itatanong mo na ba o paabutin pa natin 'to sa kama?" Hinampas ko siya sa balikat pero hindi naman natinag. Biglang nagseryoso ang mukha niya na para bang inaabangan talaga ang pinoproblema ko. "Fine! But I want you to answer me honestly..." "Sure ka? Ayaw mong sa kama—" Hinampas ko ulit siya sa dibdib. "Isa!" He smirked and placed his hand on my thigh. "Fine. What is it?" "Have you had s*x with other woman or women before me?" I finally asked without hesitation. Napawi ang maliit na ngisi sa kanyang labi pero nanatili ang mga mata sa akin. For a moment, I think my heart stopped beating. Nakaabang lang ako sa sasabihin niya. I just wanted the truth and... that's it. He licked his lips and lowered down his gaze. "Yes..." bulong niyang halos hindi ko na marinig. Tumango ako. Bumalik ang mga mata niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. So that was it. Kaya pala mukhang bihasa na siya sa mga bagay na ginawa niya sa akin noong nakaraang linggo. "How many girls did you f**k already?" Suminghap siya at hinawakan ang kamay ko. "Your words, Savi. And please, let's not talk about it." The thoughts of him pleasuring another women made my heart sank. I asked and he just answered with honesty like what I wanted. Hindi ba ay mas ayos na ang alam ko iyong tungkol doon kaysa hindi? "Okay... uhm... magbibihis na ako," sabi ko at tipid na ngumiti. I couldn't look at him when I removed his hands on my hand and waist. "Savi..." he called silently as he looked at me worriedly. "Don't worry. In-expect ko naman na iyon since... you really seemed to know how to make a woman go crazy under you on bed." "Savi, anong sinasabi mo?" Bahagyang tumaas ang kanyang boses at napatayo na sa sofa. "I wonder how many women had screamed your name every time you kissed—" He groaned and caught my hand to pull me towards him. Tumama ako sa kanyang dibdib kaya agad akong napayuko. "Tigilan mo na," bulong niya. "Sinagot ko lang ang tanong mo dahil ayaw kong magsinungaling sa 'yo. Huwag mo nang banggitin pa iyon—" "You could've lied to me, then..." "At bakit ako magsisinungaling sa 'yo?!" Hinawakan niya na ako sa balikat at pilit hinuhuli ang tingin. "Savi, makinig ka. Iyong mga nangyari... noon... hindi ko iyon ginusto. Wala akong ginusto roon..." Mga nangyari noon? So ibig sabihin ay hindi lang talaga isang beses na may naka-s*x siya? At anong hindi niya ginusto iyon kung naulit naman? "Does that include what happened to us? Hindi mo rin iyon g-ginusto?" Nanginig ang boses ko at muntik pang pumiyok. "No!" agap niya. "I mean, hindi kasama iyon sa mga hindi ko ginusto. Kasi iyong nangyari sa atin... Savi, tumingin ka nga sa akin!" frustrated niyang sigaw. Lumabi ako at kahit medyo nanlalabo ang mga mata ay tiningala ko siya. Umalon ang kanyang lalamunan nang makita ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. "Iyong nangyari sa atin, Sav... ginusto ko iyon." He sighed and wiped the tears on my cheek using his thumb. "You're the only woman I've ever made love with, Savannah... because you're the only one I have ever loved..." Umiling ako at yumuko pero inangat niya ang baba ko para magkatinginan ulit kami. My trembling lips parted when he softly kissed them. "Baby, please, stop crying. I know when your tears are true and it really hurts me to see you crying... even before... even if it's for the sake of the act. I don't like it." Sa bawat salita niya ay humahaplos ang kanyang mainit na hininga at labi sa akin. "Savi, baby..." malambing niyang tawag. Humikbi ako. I want to hear those words from him to make me calm. Para wala na akong isiping iba. Para magkaroon na ako ng katahimikan kahit pa nalaman kong may nagdaang babae na sa kanya. Pero bago pa siya magsalita ulit ay napatalon na ako at napahiwalay sa kanya nang tumunog ang door bell. Bumagsak ang kanyang kamay sa gilid niya. I looked away from him and wiped my own tears. Pinuno ko ng hangin ang dibdib bago nilingon ang pintuan. "I-iyon na yata ang hinihintay mong bisita. I'll... just change my clothes." Bago pa niya ulit ako mapigilan ay mabilis na akong pumasok sa loob ng kuwarto ko at ni-lock ang pinto. Dumapa agad ako sa kama kahit pa suot ko pa iyong Sorel. Binaon ko ang aking mukha sa unan at hinayaang patuyuin nito ang luha ko. Hindi ko namalayang kinatulugan ko na ang ganoong ayos. Naalimpungatan lang ako at napadilat nang may naramdamang nakahawak sa aking paanan. Bumangon ako at nakita si Ariz na tinatanggal ang suot kong boots. Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri habang tinitingnan siya. Tumayo siya nang matapos sa pagtanggal noon sa paa ko at naupo sa tabi ko. Suot pa rin niya ang damit kanina pero nadagdagan na ang butones na nakabukas. "B-bakit nandito ka pa?" I asked hoarsely. "Nag-usap na kami ng kaibigan ko. Dito ko na lang siya pinapunta dahil walang titingin sa 'yo." "Akala ko ba ay may magbabantay sa akin dito na pinadala ng kaibigan mo? Hindi ka umalis sa unit ko?" Lumamlam ang mga mata niya at napabuntong hininga. "I can't leave my baby alone... sulking on her bed because of me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD