Pagbalik ni Troy ng Manila kasama si Andrea

1646 Words

Matapos ang pag-uusap nila Troy at Edward sa cellphone ay tiningnan ni Troy si Andrea na walang emosyon ang mukha at nakita rin nitong nakatingin sa kaniya ang dalaga. "Pinapasabi ni Kuya Eward, sumama raw kayo sa akin papuntang Manila. Huwag kayong mag-alala at hindi namin kayo pababayaan. Tumatanaw lamang kami ng utang na loob," wika ni Troy habang nakatingin sa lola ni Andrea. "Apo, anong masasabi mo?" nakangiting saad ng lola ng dalaga. "Po? Kayo po lola ang magdesisyon kung ano po ang gusto niyo. Kasi po masaya naman na po ako tito sa Isla. At simpleng buhay lang naman po ang gusto ko. At isa pa po mukhang wala po akong tiwala sa lalaking ito," nagdududang saad ni Andrea. "Andrea, tumigil ka na. Hindi maganda 'yang ipinapakita mo sa bisita natin at isa pa kapatid siya ni Edwa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD