Four more days and it's my wedding day. Mabilis na lumipas ang mga nagdaang linggo at araw. Ngayon ngang araw na lang ang binibilang namin. Nagsisimula na akong kabahan. Humahalo na ang emosyong 'to sa excitement na siyang naghahari sa dibdib ko. "My anong oras ba ang dating ni Phoebe? Di ba kanina pa silang alas-tres ng madaling araw bumiyahe pa Santiago?" hindi pa nakasagot agad si Mommy. Kausap niya pa kasi si Tita Caroline. Pinabago niya kasi iyong color combination ng mga flower petals na ihahagis ng mga flower girl. She wants them to be pink, blue and yellow instead of blue lang. Ilang segundo na rin akong nakatayo sa tabi ni Mama na parang ligaw na bata. Nang maski tingin ay hindi niya nagawang ibigay sa akin. Nakangusong pinabayaan ko na lang muna siya. "Puwede ko naman pa la

