NAGISING siya dahil pakiramdam niya ay may isang bagay na nakadagan sa kanyang hita. Pilit niyang inimumulat ang mata dahil hindi siya makakilos. Pagmulat niya ng mata, mukha ni Matthew ang nasa tabi niya at nakadagan ang isang paa nito sa hita niya at ang kamay nito ay nakayapos sa kanya. Tinitigan niya ito, hindi niya akalain na ibinigay na naman niya ang kaniyang sarili dito. Wala siyang nagawa kundi magpaubaya sa kagustohan nito dahil sa lintik na kasunduan na iyon. At dahil sa katangahan niya, nandito siya ngayon sa isang sitwasyon na siya din ang talo sa huli.
Sa katangahan niya nawala ang lahat, ang iniingatan niyang isang bagay ay nakuha na nito hindi lang isang beses kundi dalawang beses na. At alam niyang hindi pa dito magtatapos ang lahat dahil may anim na buwan pa. Anim na buwan na gagawin siya nitong parausan at laruan. At wala siyang karapatan na tumanggi dahil ayaw niyang makulong.
Hinaplos niya ang guwapo nitong mukha, pinalandas niya iyon hanggang sa mapula nitong labi na ang sarap halikan. “Bakit wala akong galit na nararamdaman sa iyo ngayon? Bakit hinayaan ko muling angkinin mo ako dahil ba iyon ang nasa kasunduan natin? Ang gawin mo akong parausan? Oh, dahil gusto ko rin ang nangyayari na ito. Bakit parang hinahanap ko ang halik mo?” wika niya rito habang may luha sa kaniyang mata.
Dinampian niya ng halik ang labi nito. At isiniksik ang mukha niya sa matipuno nitong dibdib at dinama ang t***k ng puso.
Kinabukasan nagising siya na may humaplos sa kaniyang bundok. Si Matthew nilalaro ang kaniyang n****e at hindi pa nakuntento isinubo ang isa na ikinaliyad ng katawan niya.
“Matthew, Please.”
Umangat ito ng ulo at nakangisi na tumingin sa kanya. “Please, what?” tila nag-aasar pang tanong nito sa kanya sabay halik sa isang bundok niya.
Itinulak niya ito pero hindi ito nagpatinag bagkus ay pumatong ito sa kanya. “I need my breakfast, baby.” wika nito sabay halik sa kanya.
Wala na siyang nagawa nang ipasok nito ang alaga sa kaniyang magandang tanawin. Napapaungol siya sa sarap na pinapadama nito sa kaniya. Sumasabay na rin siya sa bawat indayog nito sa ibabaw niya.
Bumagsak ito sa ibabaw niya nang matapos ang kanilang pag-iisa. “Ang sarap ng breakfast ko.” wika nito sa kanya.
“Puwede ba umalis ka na diyan at ang bigat mo.” reklamo niyang wika.
“May round two pa tayo, baby.” nakangisi nitong wika.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Matthew kaya naman buong lakas niya itong tinulak. “Round two ka diyan. Masakit na nga itong aking —” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siyang nakaramdam ng hiya.
Maya-maya may kumatok sa pinto at ito ay tumayo, naglakad na nakahubad kaya pumikit siya ng mata. “Matthew, puwede ba magbihis ka muna bago mo 'yan buksan.” wika niya kay Matthew habang nakapikit ang mga mata.
Napadilat siya nang marinig ang boses ni Amarah. Kaya naman dali-dali niyang hinila ang kumot at binalot sa hubad niyang katawan.
Umakyat ito sa kama. “Mommy Ivy, good morning po.” nakangiti na wika nito sa kanya sabay halik sa pisngi nang makalapit ito sa kanya.
Tumingin muna siya kay, Matthew may suot na itong robe sa katawan. Sinamaan niya ito ng tingin at ang hinayupak tinawanan lang siya nito.
“Mommy, bakit po dito kayo natulog. Hindi mo ba ako namiss?” inosente nitong tanong sa kaniya.
“Baby, namiss din ni Mommy Ivy si Daddy kaya dito siya natulog.” mapag-asar na wika nito sa kaniya.
Kaya naman tinaasan niya ito ng isang kilay. Ang kapal ng mukha para sabihin na namiss niya ito.
“Mommy, nagugutom na po ako. Puwede mo ba akong ipagluto ng hotdog.” wika ni Amarah sa kanya sabay pacute pa.
Kaya napatawa siya. “Okay, baby. Liligo lang ako, hintayin mo ako roon sa baba, ha.”
Tumango ito sa kanya at tumayo na para lumabas ng kuwarto. Bumangon siya upang maligo ngunit nakaramdam siya nang masakit sa ibabang bahagi ng katawan niya. Sh*t talagang pinaparusahan siya ng hinayupak na Matthew na ito.
“Masakit ba pa?” nakangising tanong nito sa kanya.
“Ay, hindi. Masarap nga, eh.” nakasimangot niyang wika kay Matthew. At talagang may gana pang tanungin siya kung masakit pa. Ang sarap batuhin nitong vase.
Tinawanan siya nito at saka pumasok sa banyo. Siya naman ay tumayo na at pinulot ang kanyang mga damit na nag kalat sa sahig. Mabuti na lang hindi nakita ni Amarah ang mga damit niya kundi magtatanong ito sa kaniya.
Matapos niyang magbihis ay inayos n'ya muna ang kama bago lumabas ng kuwarto. Pumasok siya sa kuwarto nila ni Amarah para maligo. Madali lang siyang naligo dahil magluluto pa siya ng almusal ni Amarah at baka hinihintay na siya nito sa kusina. Isang maiksing short at maluwang na damit ang suot niya. Naglagay ng kunting powder sa mukha at lipstick bago tuluyan lumabas ng kuwarto.
Habang pababa siya ng hagdanan naririnig niya ang tawanan ng mag-ama sa sala. Nagkukulitan ang dalawa, pinagmasdan niya ang dalawa habang nakatayo siya sa ibabang bahagi na ng hagdanan.
“Mommy,” patakbong tawag sa kaniya ni Amarah.
Ang sarap sa pandinig na tawagin siyang mommy nito. Kamukha ba niya ang mommy nito para gawin siyang mommy.
“Mommy, gutom na po ako.”
Pumantay siya dito at ngumiti. “I-kiss mo muna ako bago ako magluto ng favorite hotdog mo.” paglalambing niyang wika dito.
Pinugpog siya nito ng halik sa mukha at saka siya niyakap. “I love you po, Mommy Ivy.”
“I love you little, Amarah.” wika niya habang yakap nila ang isa't isa. Napakalambing nito at mabait, mabuti at hindi nagmana sa ama na super suplado at masama ang ugali. Napasulyap siya kay Matthew na nakatayo sa harapan nila. Mataman itong nakatingin sa kanila ni Amarah at seryoso na naman ang mukha. Hindi man lang niya nakita itong nakangiti mula kahapon. Lagi na lang nakasimangot at seryoso. Ano kayang problema nito?
Kumalas siya nang pagkakayakap kay Amarah at hinawakan ang kamay nito. “Let's go baby. Tulungan mo si Mommy Ivy.”
Magkahawak-kamay silang pumasok sa kusina naabotan nilang naghahanda na ng almusal si Nanay Caring.
“Good morning po, Nanay Caring.” nakangiti niyang bati sa matanda.
Ngumiti ito sa kaniya. “Good morning, iha. Ang ganda mo talaga, iha. Nakikita ko sa iyo ang mommy ni Amarah.”
Magsasalita pa sana siya nang magsalita si Amarah. “Nanay Caring, mamaya na po ninyo kausapin si Mommy Ivy kasi po gutom na po ako.” nakanguso na wika nito kay Nanay Caring.
“Ikaw talagang bata ka. Teka, may nakakalimutan ka, ah. Nasaan ang good morning ko. Nagtatampo na ako niyan, dumating lang si Mommy Ivy mo hindi mo na ako binati at pinapansin mo riyan.” kunwari na nagtatampo na wika nito kay Amarah pero nakangiti ito.
“Nanay Caring, good morning po. I love you din po.” wika nito sabay yakap sa matanda na lalong ikinatuwa nito.
Patapos na siyang magluto pritong hotdog at itlog nang pumasok si Matthew sa kusina. Bahagya pa siyang natulala dahil ang guwapo nito.
“Ang guwapo ng alaga ko, ano?” nakangiti na wika ni Nanay Caring sa kaniya.
“Ivy, pahingi akong kape.” wika ni Matthew sa kaniya sabay umupo sa tabi ni Amarah.
Siya naman ay kumuha ng tasa, nilagyan niya ng mainit na tubig.
“Nanay Caring, ano po ba ang kape ni Sir Matthew?” baling niyang tanong kay Nanay Caring.
Inabot sa kaniya ang isang sachet na kape. Tinimpla niya ito sa tasa at saka ibinigay kay Matthew.
“Ivy, palitan mo 'yang short mo, sobrang maiksi.”
Napatingin siya sa kaniyang short, hindi naman sobrang maiksi. At saka ganito talaga ang mga sinusuot niyang short. Pati ba naman sa short niya pakikialamanan nito.
Nakataas ang isang kilay niyang tumingin kay Matthew. “Sir, ganito po talaga ang mga sinusuot kong short. At saka hindi naman siya masyadong maiksi.” inis na wika niya kay Matthew.
“This is my house, and my rules is may rules. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, papalitan mo 'yang suot mong short.” may diin na wika nito sa kaniya.
“Okay po, kamahalan. Pero puwede bang mamaya na ako magpapalit kasi gutom na rin ako.” maktol niyang saad kay Matthew. Umupo siya tabi ni Amarah kasi susubuan pa niya ito.
“Nag-aaway po ba kayo, Mommy Ivy at Daddy ko?” nagtataka na tanong ni Amarah sa kanilang dalawa.
“Baby, hindi, lambing 'yon ni Daddy kay Mommy Ivy.” nakangiti nitong wika kay Amarah.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Matthew pero ang hinayupak nakangiti pa sa kaniya. Ang kapal ng mukha na sabihin na lambing lang ' yon. Eh, halos sigawan siya sa dahil sa suot niya. Sarap tusukin ng tinidor ang guwapo nitong mukha. Nakakainis.