NAPAPAILING na lamang si Matthew sa kadaldalan ng anak habang kumakain sila. Halos walang tigil ang bibig nito sa kasasalita kahit puno ng pagkain ang bunganga.
“Amarah, baby, kumain muna mamaya na 'yang kuwento.” wika niya sa anak.
“Okay, po, Daddy ko. Mamaya na lang po ulit mommy.” baling nitong wika kay Ivy.
Kaya naman napatingin din siya kay Ivy, nakangiti ito habang sinusubuan ang kaniyang anak.
“Amarah, baby, bakit nagpapasubo ka pa. Eh, big girl ka na.”
“Eh, kasi Daddy namiss ko si Mommy, kaya nagpapasubo ako.” nakangiti nitong tugon sa kaniya.
Napatingin sa kaniya si Ivy dahil sa sinabi ng kaniyang anak. Pero umiwas agad ito ng tingin sa kanya at pinagpatuloy ang pagsubo kay Amarah. Matapos ang kanilang hapunan ay umakyat na ang dalawa sa kuwarto para paliguan si Amarah. Siya naman ay naglakad patungo sa swimming pool para magpahangin. Umupo sa upoan na nandoon.
Maya-maya lumapit sa kaniya si Nanay Caring at inabot sa kanya ang isang lata ng root beer. Kilala na talaga siya ng kanyang Nanay Caring, kaya nakangiti niyang tinanggap ang inaabot nitong beer.
Umupo ito sa kanyang tabi at tumingin sa malawak na hardin. “Matty, saan mo ba nakilala si Ivy?”
“Sa Calatrava nanay, siya 'yong babaeng sumigaw sa palengke at siya rin ang dahilan kung bakit muntik nang masira ang pangalan ko sa buong lalawigan ng Romblon.” panimula niyang wika rito.
“Ay, siya ba, anak. Aba'y kaganda niya nagulat pa ako nang makita ko siya kanina kasi si Arrah ang nakikita ko sa kaniya.”
“Yon din ang napansin ko Nanay Caring. Magkamukha talaga sila ni Arrah, kaya hindi ako nagtaka nang tawagin siyang mommy ni Amarah.”
“Kaya mo ba siya kinuhang yaya ni Amarah dahil kamukha siya ni Arrah?” tanong nito sa kaniya.
Kaya naman napatingin siya dito. “Siguro nanay dahil miss ko na rin ang asawa ko. Pero hindi iyan ang dahilan ko kaya ko siya kinuha. Gusto kung pagbayaran niya ang ginawa niya.”
“Anak, alalahanin mo babae siya at tinatawag pang mommy ni Amarah. Kaya huwag mo nang ituloy 'yang binabalak mo.” wika nito sa kaniya.
“May kasunduan kami nanay at dapat niyang sundin ang nakasaad doon.” wika niya.
Tumango ito sa kaniya. “May tiwala ako sa iyo, anak. Pero anak hindi kaya tumibok iyang puso mo sa kaniya. Lalo pa at kamukha siya ng asawa mo?”
Umiling-iling siya saka tinungga ang beer. “Hindi mangyayari 'yan nanay. Kasi nag-iisa lang si Arrah dito sa puso ko. Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito.”
“Anak, panahon na para buksan mo iyang puso mo. Palayain mo na yang sarili mo mula sa pagkalugmok. Para makita mo ang nasa paligid mo.” wika nito sa kaniya sabay tapik sa hita niya.
Tumayo ito. “Ako'y matutulog na, ha. Matulog ka na rin kasi may pasok ka pa bukas.” wika nito sabay lumakad papasok sa loob ng bahay.
Naiwan siyang nag-iisip, paano nga kung ma-inlove siya kay Ivy? Mamahalin kaya niya ito kung ito ang dahilan ng pagkasira ng pangalan niya. Ano nga ba ang dahilan niya at kinuha niya itong yaya ng anak niya? Dahil ba nakikita niya si Arrah rito?
Tumagal muna siya ng ilang oras doon bago pumasok sa loob. Ang isang beer ay nadagdagan ng dalawa pa. Bago siya umakyat ay nagtungo muna siya kusina para kumuha ng tubig. Pagdating niya sa kusina ay naabotan niya si Ivy. Umiinom ito ng gatas.
Nagulat pa ito nang makita siya. “Pasensiya na kung pinakialaman ko iyang laman ng ref ninyo. Hindi kasi ako makatulog kaya uminom ako nitong gatas.” paliwanag nito sa kaniya.
Hindi siya umimik bagkus binuksan niya ang ref at kumuha ng malamig na tubig. Ininom niya iyon.
“Tulog na ba si Amarah?” tanong niya matapos makainom ng tubig.
“Oo, kanina pa, binasahan ko ng bedtime story. Kasi 'yon daw ang ginagawa ng kanyang mommy para daw siya ay makatulog.”
Tumango siya at tumalikod. “Sumunod ka sa akin. Masakit ang likod ko i-massage mo.”
“Hindi ako marunong magmassage.”
Nakakunot ang noo niya nang humarap siya kay Ivy. “Ako ang batas sa bahay na ito. At baka nakakalimutan mo may kasunduan tayo. Nakalagay doon ang lahat.”
Nakasimangot na tumayo ito at naglakad. Kaya napapangiti siyang sumunod rito. Umpisa pa lang ng laro nila at sisiguradohin niyang sa susunod ay mahihirapan na ito. Gagawin niya ang lahat para lamang mapahirapan ito.
Pagdating niya ng kuwarto ay nakaupo na ito sa gilid ng kama at hinihintay siya.
“Maliligo lang ako.” wika niya na ikinatango nito.
Nakasimangot ito na tumingin sa kanya. “Bakit kailangan mo pang magpaalam sa akin. Di ba sabi mo ikaw ang batas dito at bahay mo ito. Kaya kung puwede lang pakibilisan lang dahil inaantok na ako kamahalan.” inis na wika ni Ivy sa kanya.
“Umayos ka, dahil kahit nakapirma ka na sa kontrata natin kaya kitang ibalik sa kulungan.” galit na wika niya rito sabay talikod at naglakad patungo sa banyo.
Pagdating niya sa banyo ay hinubad niya lahat ng kasuotan sa katawan at binuhay ang shower. Itinapat niya ang kanyang hubad na katawan sa rumaragasang tubig at dinama ang lamig ng tubig na dumadaloy sa kaniyang katawan.
Ipinikit niya ang kanyang mata nang sumagi sa isipan niya ang magandang mukha ni Ivy. Kanina nang tumawag ito at sabihin na nasa pantalan siya ng Romblon port ay nagulat siya. Isang linggo din ang binigay niya rito para ayusin ang dapat tapusin sa school at magpaalam sa magulang nito.
Aaminin niyang sa loob ng isang linggo hinahanap-hanap niya ang mabango nitong katawan at ang labi nitong masarap halikan. Noo'ng gabi na may mangyari sa kanila ni Ivy, hindi niya akalain na nagawa niya iyon sa isang inosenteng babae. Pero dahil sa kagustohan niyang parusahan ito, inangkin niya ito nang wala man lang pagtututol dito. Hindi niya napigilan ang sarili nang lumapat ang kanyang labi rito. Lalo nang sabihin sa kanya nito na huwag siyang bitinin at ito na ang kusang humalik sa kanya.
At ngayon nandito na ito sa piling niya mauulit pa kaya ang pag-angkin niya dito? Lalo na at ramdam niya sa kanyang sarili na iyon ang nararapat.
Matapos niyang maligo ay lumabas na siya ng kuwarto. Nakita niya si Ivy na nakahiga sa kama at mukhang tulog. Dahan-dahan siyang lumapit dito at umupo sa tabi nito. Pinagmasdan niya ito ng mabuti. Kamukha nga ito ni Arrah. Hinaplos niya ang pisngi nito hanggang dumako sa mapupula nitong labi. Gumalaw ito at nagmulat ng mata. Bahagya pa itong nagulat kaya nagbalikwas ito nang bangon. Pero bago pa ito tuluyang makabangon ay dinaganan na niya ito at hinalikan sa labi.
Sa umpisa ay nagpupumiglas ito pero kalaunan ay tumutugon na ito sa mapusok niyang halik. Hanggang naramdaman na lang niya na yumakap na ang kamay nito sa batok niya.
Iniisa-isa na niyang tinanggal ang damit nito sa katawan at nang matanggal na niya ay inumpisahan na niyang sambahin ang katawan nito at angkinin. Puro ungol ang maririnig sa apat na sulok ng kaniyang kuwarto. At sa loob ng kanyang kuwarto, paulit-ulit na inangkin niya si Ivy. Ang babaeng unti-unti nang nagpapabaliw sa kanya.