PINAGMASDAN ni Khloe si Zantiago na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakayakap ang isang braso sa kanya. Tuwing tatangkain niyang kumalas o lumayo lang nang kaunti ay humihigpit ang brasong iyon. Kahit nahihimbing ay ayaw siya nitong pakawalan. Their night together was perfect. Higit pa iyon sa kanyang inaasahan. Nang marating niya ang sukdulan sa unang pagkakataon, inakala niyang mamamatay na siya. Hindi niya inakalang may ganoong uri ng sensasyon. Naging napakabanayad ni Zantiago sa kanilang unang pagniniig. Para siyang babasaging kristal na iniingatan nitong huwag mabasag. Sa ikalawang pagkakataon ay tila nawalan na ito ng kontrol sa sarili. Hindi masasabing naging marahas ngunit hindi rin masasabing naging banayad. Wala siyang makapang pagsisisi sa dibdib. It felt so right. She

