“ARE YOU okay? Kanina ka pa tahimik?” Pilit na nginitian ni Khloe si Zantiago. Naghahapunan na sila nang gabing iyon. “Okay lang ako. Medyo nalulungkot lang siguro ako kasi uuwi na ako bukas.” Hindi naman siya gaanong nagsisinungaling sa kanyang sinabi. “You can always come back. Isama natin si Nana Adeng para hindi ka nagmamadali sa pag-uwi.” “Sinasabi ko sa `yo, hindi mo mayayaya ang nanay sa ganito. Kahit na sina kuya ang magyaya, ayaw talaga niya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit. May mga tao lang siguro na ayaw umalis sa comfort zone nila. O may undiagnosed phobia si Nanay.” “Malay mo naman, pagbigyan niya si Georgie.” “Mukhang masaya nga si Nanay na kasama si Ate Georgie.” “I told you.” “Siguro ay sawa na si Nanay sa pagmumukha ko kaya ganoon.” “Walang magsasawa sa magan

