BAYAD na si Zantiago sa lahat ng utang nitong sayaw. Iyon ang tumatakbo sa isip ni Khloe habang magkayakap silang dalawa sa dance floor. Ang totoo ay sobra-sobra pa. Sumayaw yata sila sa lahat ng tugtog kung hindi sila nakikihalubilo at nakikipagkuwentuhan sa mga dating kaklase nila. Naging napakasaya ng buong gabi. Nag-enjoy ang lahat. Ngayon ay sila na lang ang nagsasayaw sa dance floor. Sila na lang ang tao sa auditorium. Halos alas-dos na ng madaling-araw. Kaaalis lamang nina Antonio at Grace. Todo-pasalamat si Zantiago sa mag-asawa. Nagbibirong sinabi ni Antonio na bayad na ito sa lahat ng pang-aalaska kay Zantiago noon. Niyaya muna siyang magsayaw ni Zantiago bago umuwi. Wala na siyang nagawa kundi pumayag. “Happy?” pabulong na tanong ni Zantiago. Tumango si Khloe. “Very. Salamat

