Warning: Mature Content
Nagising ako nang maalimpungatan. Kinurap-kurap ko ang mga mata at tinakpan ang mukha gamit ang mga kamay. Madilim pa sa labas nang makita ko sa may bintana.
"Anong oras na ba?"
Nang tingnan ko ang kabilang kama ay natutulog pa roon sina Judy at Carmel. Rinig ko rin dito ang malakas na hilik ni Garutay sa ibabaw. Nang tingnan ko ang wall clock na nakasabit sa ibabaw ng pintuan ay alas cinco palang ng umaga. Alas siete y media pa naman magsisimula ang klase namin at alas seis daw ang call time dito.
May halos isang oras pa ako pero minabuti ko ng bumangon at gumayak na saka hinanda ang mga gamit. Early worm kasi ako. Yung maagang bumabangon ba. Early worm o bird yata yon?
Inilagay ko sa kama ang plinantsa kong uniform kagabi. Naroon din ang luma kong bag na puno ng tahi at tinaptap na patches. Simula grade two ginagamit ko na itong bag na 'to. Bale apat na taon na 'to kaya sobrang luma na at marami na ding butas kaya nilagyan ko nalang ng mga patches para ayos pa ding tingnan. Maayos ko pa naman itong nagagamit.
Kinuha ko ang tuwalya at mga gamit panligo at nagtungo na sa banyo naming mga babae.
May walong cubicles sa banyo. Apat sa kaliwa ganun din sa kanan at may katamtaman sa laki na hallway sa gitna. Inilagay ko muna ang lalagyan ko ng toiletries sa malaking lavatory na may malaking salamin din sa harap. Nilakihan ko ang mga mata ko at inilapit ang mukha sa salamin para makita kung may muta ako. Nang biglang naiwan sa ere ang kamay ko dahil sa narinig na hagulhol dito sa loob. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at nagsitindigan ang mga balahibo ko sa batok at braso.
Para akong naestatwa at hindi nakakilos dahil sa narinig na pag-iyak ng kung sino. Naglilikot ang mga mata ko pero ayokong kumilos at baka bigla akong atakihin ng multo.
M-m-may white l-lady ba d-dito? M-minumulto ba ako? Baka kaluluwa ni a-ate 'yon...
'Ate 'wag naman ganiyan... Walang takutan. A-alam mo namang d-duwag ako diba?' lihim kong kausap sa kaluluwa ng ate ko.
"T-tulong..." mahinang daing ng kaluluwa ni ate.
Kahit nanginginig ay nagawa kong umusal ng sagot. "O-oo, ate. I-ipagdadasal ko ang kaluluwa mo. H-huwag mo lang akong takutin, ate..." halos naiiyak kong saad. Napasandal ako sa lababo.
Muling umiyak ang multo ng kapatid ko at nagsisimula ng maging bayolente. Narinig ko ang pagkakalampag nito sa pintuan ng cubicle dahilan upang mapatalon ako sa gulat at takot.
Hindi ko napigilang mag-sign of the cross.
"Huhu. Tama na, ate. Alam kong hindi maganda ang pagkawala mo, pero lagi kitang ipinagdadasal. Huwag m-mo lang akong multohin," pakiusap ko. Gustohin ko mang tumakbo ay para namang natuod ang mga paa ko at hindi makakilos.
"Shunga! Hindi ako multo. Si Blacky 'to. Nakulong ako rito nang magbanyo ako kagabi." Kinalampag nitong muli ang pintuan. "Palabasin mo ako dito, pakiusap."
Unti-unti akong umayos ng tayo.
"T-talaga? Hindi k-ka White Lady?" Nagdududa pa rin ako.
"Buang ka! Maitim ako, kaya nga Blacky pinangalan sa'kin, eh. Sinabi ko kanina pangalan ko diba? Bungol ka ba?"
Napasimangot ako sa sinabi ni Black Lady-este, Blacky. Siya na nga humihingi ng tulong, siya nanlalait sa'kin. Sinabihan ba naman ako ng shunga, buang, at bungol. Iwan ko siya diyan, eh. Pero dahil likas na maputi ang kaibuturan ng aking singit ay tutulungan ko nalang ito.
"Saang cubicle ka ba?"
Narinig kong sumighot ito. "Sa paghuling cubicle sa may kaliwang bahagi."
Mabilis ko itong pinuntahan. Nasa loob ang lock nito kaya hindi ko alam kung paano ito bubuksan mula rito sa labas.
"T-teka. Hindi ko alam kung paano buksan 'to. Manghihingi nalang ako ng tulong kina Mother Superior." Akmang tatakbo na sana ako sa labas nang magsalita itong muli.
"Huwag! H-huwag, please... Huwag mo kong iwan dito mag-isa!" tumaas ang boses niya na mababaanagan ng panic. "Buong magdamag ako dito na takot na takot. Pakiusap..." Humagulhol ito. Halata sa kaniyang boses ang panginginig at takot. "Huwag mo 'kong iwan..."
Natigilan ako sa sinabi ni Blacky. Nahinto ako sa planong paglabas dahil sa sinabi niya. Parang...parang may karayom na tumutusok sa puso ko at hindi maawat ang pagsikip nito.
"Ate..."
"Hmm?"
"H-huwag mo 'kong iwan, ah?"
Sandali itong napipi bago ngumiti sa akin. Ngiti ng kasiguraduhan.
"Oo, hindi ka iiwan ni ate, bunso."
Alam kong hindi kagustuhan ni Ate Roan ang kamatayan niya, at ayaw niyang iwan akong mag-isa na lumalaban sa buhay. Pero heto, mag-isa na lang ako.
Naalala ko ang sarili ko kay Blacky. Naalala ko kung paanong puno ng pagmamakaawa ang boses ko ng gabing 'yon na huwag iwan ng kapatid ko. Takot at nangangamba na wala ka ng kasamang pamilya sa panibagong bukas.
Wala na akong magagawa sa sitwasyon ko. Naiwan na ako. Pero si Blacky...pwede kong piliin na iwan siya para mapabilis ang paglabas niya. Pero ayokong maiwan ulit siya ditong mag-isa at takot. Bahala na kung magpakawonder woman ako at tulungan siya kahit na wala din akong ideya kung paano siya mapapalabas diyan. Ang importante ay masamahan ko siya dito.
"S-sige... Susubukan kong humanap ng paraan para mapalabas ka diyan," ani ko.
"Salamat..."
Lumapit ako sa may cubicle na pinalolooban niya. "Shh... Huwag ka ng umiyak."
Inilibot ko ang tingin ko sa buong banyo at baka may makatulong na mabuksan 'to. Ang kasunod nitong huling cubicle ay isang hanggang hita na parang mini bath tub. Bath tub ng mga mop.
Kinuha ko ang mga nakita kong pwedeng pambukas at dinala sa harap ng cubicle ni Blacky.
"Blacky, chill ka lang muna diyan. Isipin mo nasa beach ka para 'di ka mabored habang sinusubukan kong buksan...'tong pintuan... urgh! mo!"
"Paanong beach, eh ang baho dito."
Sinubukan ko ulit itong buksan gamit ang hawakan ng mop. Kaso hindi naman bumukas. Sinubukan ko kasing katukin ang pintuan gamit ang handle nito. Para tuloy akong gaga.
"Tss. Basta isipin mo beach. May mga tae naman sa beach eh. Isipin mo nalang tae 'yang mabaho."
"Eww! Kadirdir ka." Naikot ko lang ang mata ko at nagpokus sa ginagawa.
Sinubukan ko na ding sabuyan ng tubig ang pinto, pero hindi din bumukas. Paano ba kasi 'to buksan?!
Halos lumabas na ang litid ko sa leeg sa pagpwersa kong pagbukas sa pintuan gamit naman ngayon ang isang flat na tabla ng kahoy. Panglimang subok ko 'to sa mga gamit na nakuha ko kaninang pwedeng pambukas. Kaso nabali lang ito. Napasubsob pa ako sa sahig. Naku naman oh!
Namamawis na ako. Madilim pa rin at hindi ko na alam ano pang gagawin. Siguro magmumukmok nalang kami rito.
Nag-eeksperimento lang naman talaga ako sa lagay na'to. Hindi naman talaga bubukas ang sirang pinto na 'yan 'pag kinatok ko gamit ang mop, sabuyan ng tubig, sayawan, pukpukin ng kutsara-na hindi ko alam kung paano nagkaroon sa maliit na lagayan ng mop sa loob nitong C.R.-at ang ipasok ang maliit na tabla sa may lock.
"Matagal pa ba yan?" nabuburyong tanong ni Blacky mula sa loob.
Pinunasan ko ang pawis. "Opo, ma'am, pasensiya na."
"Bilisan mo, yaya."
Napanganga ako at hindi makapaniwala sa sinabi nito. "Aba!"
Akmang ihahampas ko sana sa kaniya ang hawak kong tabla na may karatula, pero naalala kong nasa loob pala siya. Napabuntong hininga ako at sumalampak ulit sa sahig.
Nakapatong ang mga braso ko sa dalawa kong tuhod. Tamad kong pinagmasdan ang karatulang nakasulat sa tabla. Nakalaylay na ang maliit na parte ng karatula dahil wala ng kahoy doon bilang suporta, nabali na. Hinawakan ko 'yun para mabasa ang nakasulat. "OUT OF ORDER!"
Out of order? Ano 'yon? Nabaling ang tingin ko sa pintuan. Nangunot ang noo ko saka tumayo. May nakapa ako na nakalaylay sa tabla-pisi. Sinubukan kong tumingkad para isabit ang karatula doon.
Out of order...at sirang pintuan. Kaya ba nalock si Blacky sa loob ay dahil wala 'tong karatula diyan para mawarningan siya o kaming mga gagamit ng banyo?
"Blacky..."
"Oh?"
"Marunong kang gumapang diba?"
"Huh? Oo, syempre. Hindi ako tanga 'no!"
Namewang ako at umatras. "Sige. Gumapang ka palabas diyan, may malaking gap sa baba ng cubicle, oh." Turo ko pa doon.
Ilang segundo itong natahimik sa loob.
"Ano na, Blacky? Buhay ka pa ba diyan?"
"H-ha? Ah.. Oo."
Maya-maya lang ay may lumabas nga doon. Muntik na akong mapasigaw dahil akala ko si Sadako ang lumabas. Buti nalang naalala ko maputla pala si Sadako.
Lumabas ang isang babae mas maliit sa akin ng kaunti at tumayo sa harap ko. Nakayuko ito at pinapagpagan ang sarili tapos ay ngumiti sa akin at inayos ang buhaghag at kulot na kulot niyang buhok na hanggang balikat. May malaking itim na nunal din siya sa gilid ng ilong. Hindi naman siya itim tulad ng sinabi niya. Medyo sunog na morena lang ang kulay ng kaniyang balat, pero hindi itim.
"Pwede naman palang gumapang. Bakit hindi mo sinabi agad?" nakasimangot nitong utas.
Umarko ang isang kilay ko. "Buong magdamag ka diyan tapos 'di mo naisip na gumapang na lang."
"Eh, kasi... Madidirty ako," nakalabi niyang saad. Napasinghap ako at nasapo ang mukha.
"Santisima sa langit..." Sa lahat ng pwedeng problemahin ay ang madumihan pa siya kaya pinili niya nalang makulong diyan. At sabi pa niya na hindi siya tanga ha.
"Eh, bakit ka lumabas kung ganoon noong sinabi kong gumapang ka?" nawawalan ng lakas kong tanong.
Pinaglaruan nito ang kuko at nag-iwas ng tingin. "Wala lang. Naburyo na kasi ako sa loob. At saka... bakit hindi mo agad napansin ang malaking uwang na pwede kong labasan? So duh, pareho lang tayo."
Gusto kong sabunutan si Blacky ngayon din, kaso naalala kong hindi pala gumagawa ng masama ang mga may mabubuting singit.
Ilang segundo ng pagkakatulala ang lumipas ay bigla nalang akong niyakap ni Blacky.
"S-salamat..."
"Ysa," ani ko.
"Salamat, Ysa," ulit niya.
Hinagod ko ang likod nito pero bigla siyang lumayo sa'kin at hinila ang laylayan ng suot ko papunta sa mukha niya saka siya suminga roon. Diyos por santo naman, oo.
"Why are you two hugging in the C.R?" Sabay kaming napatingin sa lalaking may malamig na boses.
Si Max na may hawak na balde at mop sa kaniyang mga kamay ay malamig na nakatingin sa amin. Parang kabute lang. Bigla-bigla nalang sumusulpot. Teka bakit siya nandito sa C.R ng mga babae?
"Ano 'yang hawak mo, k-kuya Dane?"
Binalingan ko si Blacky na ngayon ay todo hapit ng kaniyang kulot na buhok sa gilid ng kaniyang tenga pero pilit ding kumakawala. May war 'ata sila ng buhok niya.
Hindi sumagot si Max. Bagkus, ay binitbit lang nito ang mga panlinis at lumapit. Nilingo nito ang ulo pakaliwa at tinuro ang pintuan. Senyas na pinapalabas niya kami.
'Ay, may-ari? Wagas kung makapalabas. Iyo 'to?' Gusto ko sanang isaboses iyon kaso baka iitsa ako nito palabas 'pag nagalit. Malaki pa naman ito.
"Magma-mop ako. Now, go," aniya.
Lumabas na nga kami ni Blacky, pero patuloy ako sa pakikipag-away sa sarili na para bang si Max ang inaaway.
Hindi na namin sinabi sa mga kataas-taasan ang nangyari, base na rin sa kagustuhan ni Blacky. Kasama si Butchoy, Garutay at Blacky ay tinahak namin ang daan papunta sa Eating Shed ng aming paaralan.
Pareho kaming apat na nasa ika-limang baitang na ng mababang paaralan dito sa Las Cosas Dos Pordos Integrated School. Maliit lang ito at parehong nandito sa Integrated School ang Elementary at High School. Magkaklase sina Garutay, Butchoy, at Blacky. Hindi ako halos naglalabas sa classroom noon, maliban lang sa pagpasok at paglabas ng paaralan kaya hindi sila pamilyar sa akin sa unang kita namin sa ampunan noong nagdaang araw.
"Hindi mo ba alam na out of order 'yong pinasukan mo kagabi?" tanong ko kay Blacky habang nilalabas ang aking baunan.
"Huh? Hindi eh."
"Bakit, Ysa?" tanong ni Garutay.
"Nakulong kasi ako sa banyo kagabi. Hindi ko alam na sira pala 'yung lock ng huling cubicle," pagsiwalat pa ni Blacky.
"Ah... 'Yung may nakasabit na karatulang nagsasabi na 'OUT OF ORDER' ba?" ani Garutay habang puno ang bibig ng pagkain.
Nangunot ang noo ni Blacky. "Wala namang karatula doon kagabi ha? Sabi pa nga nila Tiffany na maayos roon at malinis kaya doon na ako magbanyo."
Nangunot ang noo ko. "Tiffany?"
"Oo," sagot ni Blacky sabay tango. "Nandoon din kasi sila ng mga kaibigan niya kagabi at nadatnan ko. Ang bait nga niya at gusto niyang doon ako sa malinis na cubicle magbanyo." Nakangiti ito ng malapad habang nagsasalita na parang kay saya niya.
Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Malinis naman talaga ang lahat cubicle," sabi ni Butchoy.
Sinubo ko ang kanin at cornbeef kong baon habang nag-iisip.
"May atraso ka ba kay Tiffany?" biglang tanong ko.
Mukhang nagulat si Blacky. "Wala!" mabilis pa niya agap. Kung ganoon...
"Nakipag-usap ka ba kay Dane?" segunda kong tanong.
Nanlaki ang mga mata nito at bahagyang yumuko. Hindi ko nakitang namula ang pisngi niya dahil sa morenang kulay nito. Kaya hindi ko alam kung kinikilig ba siya o naiihi.
"Binigyan ko lang ng tuwalya si...si Kuya Dane kahapon pagkatapos ng laro nila," nahihiya niya wika at pilit tinatago ang ulo sa balikat.
Iba na ba ang tactic ni Tiffany? Hindi ba ay panty ang puntirya niya sa mga nalalapit kay Max? Nasa ilalim ng unan ko ang lahat ng panty ko, nanigurado ako at baka kunin niya ang sa'kin dahil sa pag-inom ni Max sa tumbler ni Garutay kahapon na akala ni Tiffany ay sa'kin.
Natapos na kaming kumain at pabalik na sana sa mga classroon namin nang makita namin ang grupo nila Tiffany na nagtatawanan. Hindi nakatingin ang mga ito sa dinaraanan nila kaya kami nalang ang umiwas at baka magkabungguan pa. Pero sadyang malakas 'ata ang pang-amoy ni Tiffany nang umasim ang mukha nito at suminghot na parang aso.
"Oy, look who's here!" sigaw ni Tiffany ng makita kami. Parang nakakita lang ng artista, ah? Sabagay, mukha naman talaga akong artista. Na startruck siguro sa kagandahan ko.
Natigil kami sa paglalakad at ganoon din sila. Maarteng pinagkrus ni Tiffany ang mga braso at sumunod din ang mga alipores niya.
"Kamusta ang C.R, Blacky?" sarkastikong tanong ni Tiffany kay Blacky.
"Ah... A-ayos naman." Nakayuko si Blacky sa gilid ko.
"Hahaha!" Tumawa si Tiffany at sumunod namang tumawa ang mga alipores niya. Sumeryoso bigla ang mukha ni Tiffany at malditang tumitig kay Blacky.
"Sana natuto ka na. Huwag...na...huwag mong lalandiin ang...akin. Nagkakaintindihan?"
Parang maamong tuta namang tumango si Blacky.
"Good. Sa susunod na makita kong may lumandi kay Dane..." Biglang bumaling si Tiffany sa akin. "...ay malalagot sa'kin."
Hindi ako nagpatinag sa banta niya--kung banta man na maituturing 'yon. Iniwas niya muli ang tingin at ibinalik kay Blacky.
"Understood, Uling?" aniya kay Blacky.
"Yeah! Understood, Uling?!" pag-e-echo pa ng mga alipores niya.
"Hindi uling si Blacky," wika ko.
"Hindi daw uling? Eh, ano siya? Kapre?" si Stacey, isa sa mga alipores ni Tiffany. May mga name tags sila Tiffany na nasa may bandang dibdib. Nagtawanan ang mga ito.
Suminghap ako. "Hindi din."
"Eh, ano?" nakakunot-noong tanong naman no'ng Rhea.
Tass noo ko silang tiningnan. "Hindi siya uling. At lalong hindi siya kapre... Taong lupa lang."
"Ysa!" makapanabay na sigaw nina Garutay, Blacky at Butchoy.
Huminga ako ng malalim.
"Bulag ba kayo? O mga simpleng tanga lang? Makapanlait kayo akala niyo ang gaganda niyo. Wala nga kayong originality, eh." Tinuro ko sa mga alipores ni Tiffany.
"Ano kayo 'All for one, One for all?' Kung ano ang ginagawa ng isa sinusunod ng lahat kahit mali at hindi makatarungan?" Para silang sinabuyan ng mainit na tubig base sa ekspresiyon ng kanilang mga mukha.
"Tapos ang lalaki pa niyang mga name tags niyo tinabla pa ang nametags ng mga housemates ni kuya. Bet niyong sumali sa PBB?"
"At kung oo, anong gagawin mo?" nakataas noong sagot ni Lala.
"O... E'di sumali kayo."
Nalaglag ang panga ng mga ito.
Bumuntong-hininga ako. "Si Blacky, morena 'yan, hindi uling o kapre. Kulay lupa lang ang balat. At kahit laitin niyo pa siya, mabuti at puro ang singit niyan--"
"P-puso, 'yon, Ysa." putol sa'kin ni Butchoy. Napakurap ako at iwinaksi ang buhok.
"Oo, sabi ko nga puso. Mabuti at puro ang puso ni Blacky. Kayo, maiitim ang singit!"
"Hindi ba puso?" mahinang usal ni Rhea.
"Hindi!" asik ko dito na nagpayuko sa kaniya. "Maiitim talaga ang mga singit at budhi niyo!"
Nag-walk out ako pagkatapos no'n at sumunod naman ang tatlo.
"Salamat, Ysa, ah?" ani Blacky habang nasa multicab kami pauwi sa ampunan.
Nasa kabilang multicab sina Tiffany kaya mahinahon ako ngayon. Tumango lang ako kay Blacky bilang sagot.
"Pero, Ysa...baka ikaw naman ang pagbuntonan ni Tiffany." nag-aalalang wika ni Garutay.
Nanatiling tuwid ang tingin ko. "Kaya ko ang sarili ko. Huwag kayong mag-alala."
"Hindi naman ako nag-aalala sa'yo, Ysa, eh."
Tiningnan ko si Garutay na napakamot sa kaniyang ulo. Nangamot siya hindi bilang ekspresiyon, may kuto kasi siya. Hiningutuan namin siya ni Butchoy at Blacky kanina sa classroom no'ng wala pang teacher.
"Nag-aalala ako baka madamay kami. Paano nalang ang limang piraso kong panty? May butas na nga 'yung iba." bulong niya. Tiningnan ko ito ng masama.
Nagpeace-sign naman siya agad. "Joke lang!"
Nagbuntong-hininga si Garutay. "Kahit alam kong kaya mo ang sarili mo nababahala pa din ako, Ysa. Kaibigan kita at alam ko kung ano ang kaya ni Tiffany. Wala ngang may lakas ng loob na umamin kay Mother Superior sa kabalahuraan ng ugali ng babaeng 'yun dahil sa takot. Kaya mag-iingat ka lagi, Ysa."
Hindi ko ito sinagot at tumingin nalang sa katapat na bintana ng sasakyan.
Mas malala pa sa pangbu-bully ang napagdaanan ko, petiks nalang 'yang mga gagawin ni Tiffany sa'kin-kung meron man. Ayaw sa'kin ng buhay at lagi ako nitong pinapahirapan. At kung papahirapan ako ulit ng buhay sa pamamagitan ni Tiffany... Aba'y hindi ko siya uurungan!
Habang okupado ako sa pagtitig sa labas ay naramdaman kong tila napaso ako kaya iginalaw ko ang aking mata papunta sa isang gawi. Pero ang bulto naman ni Butchoy na lumalamon ang nabungaran ko.
Tiningnan ko ang likod nito at doon ko namataan ang nakakapasong titig ni Max na nakaupo sa pinakadulo sa likod ng passengers seat. Nakauklo ito at nakapatong ang mga braso sa kaniyang tuhod na nakabukaka. Nagpintig ang puso ko sa hindi malamang kadahilanan. Sa takot ko ay mabilis ko nalang inilag ang paningin at ibinaling itong muli sa labas, pero kahit ganoon ay nararamdaman ko parin ang titig nito.
Ano bang problema niya? Bakit wagas siya lagi kung makatitig at parang napakabigat no'n?
"Kamusta ang skwela mga bata?" pangungumusta ni Mother Superior sa amin.
"Aaayos lang poooo..." sabayng sagot ng lahat.
Parang may kung anong mainit na humaplos sa puso ko ng makitang ngumiti ang madre.
"Mabuti. O, siya, kumain na kayo at nang magawa niyo na ang mga takdang-aralin niyo."
"T-tama na..." Humihikbi at puno ng pagsusumamong pakiusap ng babae.
Nakita kong pinisil ni tatay ang bibig ng babae. Nanlilisik ang mga pulang mata ng aking ama na nakatutok sa babaeng dinadaganan niya.
"P*ta, tumahimik ka. Kapag nagising 'to at magsumbong dahil sa ingay mo, papatayin ko kayong lahat." mariing bulong ni tatay. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Humigpit ang hawak ko sa kumot.
Ilan sa mga buhok ng babae ay nakadikit na sa basa niyang pisngi dulot ng luha na patuloy na umaagos sa maganda niyang mga mata na ngayon ay puno ng takot, pangamba, galit at pandidiri.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang marinig ang mahinang ungol ni tatay. Walang tigil sa pagdagundong ang puso ko habang pinapakiramdaman ang paligid.
Ilang sandali ang lumipas ng sinubukan kong buksan ng dahan-dahan ang aking mga mata... Kasabay nito ay ang pag-agos ng mga butil ng luha sa nasasaksihan.
Halos masuka ako at walang tigil sa paghikbi. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko upang mawala sa isip ang bangungot na iyon.
Alas-onse na ng gabi at kanina pa natutulog ang mga tao dito sa ampunan. Nagising lamang ako dahil sa masamang panaginip, nang mapansin ko na may hilam na luha pala sa gilid ng mga mata ko. Agad ko iyong pinahid at umupo mula sa pagkakahiga.
Nagsquat ako para maabot ko ang bintana at saka ko isinandal ang ulo ko sa braso kong nakapatong sa bintana.
Mahinang umihip ang malamig na hanging panggabi habang tinitingnan ko ang mga bituin sa langit. Nandiyan kaya si ate? Masaya na kaya siya ngayon at payapa? Sana...sana ganoon nga.
Naputol ang paglalakbay ng isip ko nang mapansin ang isang bulto sa may pintuan ng Entertainment House na hindi kalayuan dito. Siningkit ko ang mga mata pero dahil sa kakulangan ng liwanag at dilim ng paligid ay hindi ko nabanaag ang hitsura nito.
Lumingon ito sa paligid bago pumasok roon. Napatuwid ako ng upo dahilan ng pagkauntog ko.
"Aray..." Sinapo ako ang ulo at tinampal ang metal na higaan sa ibabaw ko. "Sinaktan mo ko. Salbahe kang metal ka!" pabulong kong pinagalitan ang metal na katre.
Muling bumalik ang isip ko sa taong pumasok sa Entertainment House. Isa ba 'yun sa mga staff dito sa ampunan, o isa sa mga batang ulila na kasamahan ko? Kung kasamahan ko 'yon paano niya nakuha ang susi roon?
Nawala ang antok sa aking sistema dahil sa napanaginipan at sa kuryosidad kaya nagdesisyon akong lumabas at pumunta sa EH.
Tahimik akong lumabas. Medyo nahirapan pa ako sa pag-abot ng lock. Pero laking gulat ko nang makitang hindi nakasarado ang pinakamataas na lock! Hindi ko na lang iyon inisip at tinungo na lang ang nais puntahan.
Medyo nangining pa ako nang sinarado ang pinto sa Entertainment House. Agad akong dumiretso sa kuwarto na Awit at laking gulat ko nang makita roon si Max nag-gi-gitara!