Capitulo Quince

3154 Words
Kanina pa ako tingin ng tingin sa cellphone ko pero wala ni isang text mula kay Max ang dumating. Saka ko lang naalala na wala pala siyang number ko. Natampal ko ang noo. Nga naman, paano niya ako i-te-text kung wala siyang number ko? I am quite relieved dahil hindi ako maii-stress sa pagsagot sa tanong ni Max na maging asawa niya. Tuliling din, eh. Ni hindi nga nanligaw para magboyfriend-girlfriend muna, asawa agad. Akala mo hindi nagkahiwalay ng sampung taon. Ay, palihim din, oh. Parang inamin mo na din na gusto mo nga din siya, Ysa. Gusto mo pang ligawan ka. Naku, naku! Talak ng isang bahagi ng utak ko sa'kin. Marami pa din akong tanong na gustong itanong kay Max. Hindi ko lang magawang mausal kapag nariyan ito dahil nagkakagulo ang mga tanong kaya sa huli wala akong nauusal kun'di ang palayuin ito sa akin. But I'm slightly dissapointed too that he didn't text me. Argh! Napasabunot ako sa sariling buhok. Ang gulo-gulo! Pasimple akong sumusulyap sa corridor minu-minuto para tingnan kung dumaan ba si Max. Minsan, gusto ko ding sampalin ang sarili ko dahil napaka-ipokrita ko. Kasasabi ko lang na dumistansya ito, pero heto ako at parang kriminal na nangnanakaw ng tingin. Alas-nuwebe nang maispatan ko ito. My forehead creased upon seeing him so pale and weak. Napatakip ako ng bibig. Baka dahil nagpaulan siya kahapon. Ayan! Bakit kasi napakapa-cool kid at rumarampa kahit umuulan. Dadaluhan ko sana ito nang makitang biglang umeksena si Hannah. She blocked Max against my sight. Hinipuan nito-este hinawakan ang noo ng lalaki. Tinagilid pa nito ang ulo at pati ang leeg ng lalaki ay dinama. Nag-angat ng tingin si Max at siyang pagtama ng aming mga mata. His brooding emerald eyes looks so tired and weak. Tss. Bakit ba 'to pumasok kung may sakit? Ang sarap niyang painumin ng isang dosenang biogesic-just joking. Isa-isa lang hindi naman ako murderer para i-overdose ang tao ng pagmamahal-este gamot. I blinked, and the sight of Max and Hannah suddenly vanished into the thin air. I roamed my eyes around but the two's nowhere to be found. Nakasimangot ako habang kumakain sa pantry kasama si Hannah at iba pang mga empleyado. "Hoy, anong nagyari sa mukha mo? Parang kang pinagsuklaban ng dambuhalang cow poop." Wika ni Charisse habang papalapit sa akin at pinapaikot ang kutsara sa baso na may kape. "Tae ng baka talaga, Risse?" Tamad kong tanong. She just nodded and made face, telling that her answer is "Yes." Umupo ito sa tabi ko at matunog na humigop sa kaniyang kape. "Ilang sachet ba nilagay mo diyan?" Tanong ko at sumulyap sa kape niyang tila may shortage sa coffee powder. Nagmumukha ng tubig, eh. "Half lang ng sachet." Kibit-balikat niyang sagot. "Sana ibinuhos mo nalang lahat diyan, ang pusyaw ng kape mo. Lasang tubig ba?" She just nodded lazily and rolled her eyes afterwards. Attitude si ate. "Ayokong binubuhos lahat. Mahirap kasi kapag wala ng natira sa'yo." Madrama nitong sagot. It's my turn now to roll my eyes. "K." Tinaliman ako ni Charisse sa naging sagot ko. Nilakihan ko ang mga mata ko. "What?" I asked her in a prolonged and rising intonated question. "Ang ganda ng hugot ko tapos 'K' lang isasagot mo?" Nakasimangot nitong asik. "Mahal ang laway ko hindi dapat pinag-aaksayahan." "K." Kiber nitong sagot Bumawi ang babaita. Umasim bigla ang pakiramdam ko nang makita sina Hannah at Max sa gilid. Sinusubuan pa ng babae ang lalaki. Hindi ako nainform na nalumpo pala si Max para subuan pa. Kung ako 'yan, ay, hinding-hindi ko siya susubuan kahit may sakit pa siya. Nakapasok nga 'yan ngayon, at nakakalakad pa naman. Bakit susubuan pa? Baka naghire ng yaya si Max kahapon at hindi lang ako na-update? Inggit ka? Ugh! I really hate my mind. I keenly stared at the two. Bigla akong napaisip, bakit hindi nalang si Hannah ang yayain ni Max magpakasal? Sa nakikita ko ngayon pwede naman ang babaeng maging asawa niya. Napakamaalaga, oh. Pustahan mapagmahal din 'yan. Hannah a.k.a "h@nNAh m@Fh4qmAh4L 143" "You'll drink your meds after this, hmm?" Pahapyaw kong rinig na malambing na tugon ni Hannah kay Max. Pasimple akong tumagilid at nilapit ang tenga ng kaunti sa kanilang gawi para mas marinig ang kanilang pag-uusap. Hindi ako tsismosa, usasera lang. At magkaiba 'yon...sa spelling. "Thanks, Hannah. But I can manage." Pagpapakipot pa Max. Nilubog ko ang dalawang pisngi at tinirik ang mata. Heh! Neknek mo, Max. Alam kong gusto mo 'yan. 'Di ko alam naging pakipot ka na pala ngayon. Tahimik kong pangungutya rito. Bakit pa siya nagpapakipot? Ayaw niya pa kay Hannah, all in one package na 'yan! Tbh, maganda si Hannah, makinis at maputi. Always smiling, mabait, maalaga at mafh4gm@hAl. 'Yan lang muna sa ngayon dahil hindi pa kami close. Hope to jam with her soon. Godbless. XOXO. - YsaGanduh I was passing by the corridor when someone blocked my way. Max came into view, slightly gasping. Tinaas ko ang kanang kilay. "O?" "I'm sorry, I didn't... I didn't text you last night." Humahangos pa nitong wika. "Wala kang number ko, hindi ka talaga makakapagtext." Kumunot ang noo ko nang umiling ito. "I have your number." My mouth suddenly hanged open. "P-paano?" Lumikot ang mata nito bago tumikhim at umayos. He just shrugged. "I...saw a paper on the floor! and it has your number in it...and name. So, yeah..." Alam ko 'tong palusot na 'to, eh. Ito din 'yung palusot ng mga kalalakihan noong jurassic era kung saan uso pa ang GM at text. #JWU #JGH #Plug! Txt nyu po pnsan k0w, gwaPo po cya at mAba!t xXxx. Hindi ko na tinanong pa kung ano talaga ang 'totoo' kung paano niya nakuha ang number ko. Alam kong may dugong hokage si Max, kaya 'di na dapat magtaka. "Ah...nako, ayos lang, ano ka ba." Ikinampay ko ang kamay para ipakita na wala lang sa akin na hindi siya nagtext. "Wala din naman akong load pangreply kung sakali." Nakita ko kung paano natigilan sandali si Max, then he blinked. "Y-you're talking to me so...casually." He said like it's the most amazing thing he have ever heard. Peke akong ngumiti dito. "Ay, hindi. Nakikipagplastikan lang ako sa'yo, actually." He looked dumbfounded after I said those words. "Anyways, busy and schedule ko, marami pa akong kailangang gawin. Magpa-set ka nalang ng appointment sa secretary ko kung gusto mong makipag-usap, hmm?" There was a long moment of silence... "Huh? But you don't have a secretary." "Exactly. Ibig sabihin, ayokong makipag-usap pa sa'yo. Kay Hannah ka nalang makipag-chikahan. Kung gusto mo, siya na rin ang ayain mong magpakasal." I walked my way out after that. Napaisip ako bigla. Ang bilis mag-shift ng emotions ko ngayon. Moody, kung baga. Malapit na siguro period ko? I shrugged and continued walking. "Bagyong Pepek has entered the Philippine Area of Responsibility yesterday, 1:03 p.m. It runs over 160 kilometers per hour and it has already landfalled on Baler, Aurora this 10:14 a.m. Cities and Provinces that are under the signal warning number three are..." Matrapik ang kalsada nang umuwi ako dahil sa apartment. Umaambon at may mahinang hampas lang ng hangin kaninang hapon. Isa ang lugar namin na tatamaan ng bagyo at nagparamdam na nga iyon nang magalas-seis. I poured the hot chocolate on the mug and put my palms on it to feel the heat. It's cold outside and the rain's getting heavy and the wind's blowing harshly like it's mad on the human race. Maaga akong naghapunan dahil baka biglang mawalan ng kuryente. Mabuti nang malamanan ang tiyan ko dahil kung magba-brown out man kung sakali ay diretso nalang akong matutulog. Kinamusta ako nila nanay kanina at sinabihang maging handa at mag-ingat. I eased their worries by telling them that I am and will be perfectly fine. Sabi nga ni Sir Jeff Cannoy, "Laging maging handa! Red Alert!" With a hot mug of chocolate and a plate of sandwich I went to the living room. Sandali akong nanood ng balita para maimporma sa mga dapat gawin at kung ano ang mga maaaring mangyari. Good thing hindi mabaha dito dahil parating nililinisan ang mga cannal ng mga kawani ng baranggay. Salamat sa kanila. After a half an hour of watching the news I switched to cartoons. Kumuha pa ako ng kumot sa kwarto at ibinalot sa sarili habang komportableng nanonood. I was so into what I am watching, when suddenly a knock disturb me. I ignored it thinking that it's only a mere tree branches, baka nahampas ng hangin at naglikha ng tunog sa pinto. But when I heard another several knocks, that's when I decided to stand up to see who it was. Sinong bibisita sa akin, eh bagyo ngayon? O baka naman mga taga-baranggay 'to at papalikasin ako? I stood frozen on where I am standing when I opened the door. I saw Max, shivering from the cold wind storm and is all wet in front of me! "Anong ginagawa mo dito?!" Nanggagalaiti kong tanong. Agad ko na itong hinila papasok hindi pa man bumubuka ang bibig niya para sumagot. Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto at kumuha ng bath towel. Ibinalot ko ito kay Max na naroon sa door step at basang-basa. I exhaled exasperatingly and shook my head habang pinagmamasdan siyang tinutuyo ang sarili. "Maligo ka, magkakasakit ka niyan. Kung 'di ka lang naman kasi-tss. Mamaya na kita kakausapin. Hala, pasok sa banyo." Itinuro ko kung nasaan ang banyo. Kumuha ako ng white loose t-shirt. Wala akong pang-ibaba na pwedeng mapasuot sa kaniya. Doon ako napakamot ng ulo. "Ba ba ba ba banana, ba ba ba ba banana?" Nagsikantahan ang mga minions na pinapanood ko. Patuloy muna akong nanood habang naghihintay kay Maximus na matapos sa pagligo. I sipped on my mug and bang my head a little. Hindi ko namalayan na napapakanta na din pala ako. "Ba ba ba ba banana, ba ba ba-" I stopped and glanced at the bathroom room when I heared it creaked open. Water are dropping on Max's hair, some water droplets traced the side of his neck down to his iron clad chest. Bumaba pa ang mga tulo ng tubig sa kaniyang mga biyak sa tiyan na kay gandang pagmasdan. Napahawak ako sa leeg at napalunok sa naramdamang uhaw. My eyes went down to his torso. His v-line looks so sexy... The bath towel is hanging loosely on his waist. Nanlaki ang mga mata ko nang may makitang bukol roon. I gulped. "-ba banana..." Wala sa sarili kong pagpapatuloy ng kanta. "Hey..." Tawag nito sa akin. "Uh," napakurap muli ako bago binalik sa mukha niya ang tingin. I saw a faint smirk plastered in there but immediately faded too in just a blink of an eye. "O?" Namewang lang siya doon na parang modelo ng Calvin Klein. "Ay, sabi ko nga, damit." I hastly stood up and gave him the shirt. "Nga pala, wala akong maipapasuot sa'yong shorts. Hindi magkakasya ang mga 'yon sa'yo. At saka wala akong brief, panty lang meron, Avon pa. Ano gusto mong kulay?" His eyebrows knotted at that. "It's okay. I'll just wear this towel to cover my..." He cleared his throat. He sat on the couch beside me. Nagmukhang maliit ang sofa ko na pantatlong tao dahil sa laking tao nitong katabi ko. 6 footer 'ata 'tong si Max. Foreynjer (foreigner) kasi. "Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang ito. "Just...hanging around." Grabe naman talaga. Kabilib nitong lalaking 'to. Bumabagyo na't lahat nakuha pang gumala! Kagaleng. Napipikon akong tumayo sa gilid niya at humarap dito. He's just sitting comfortably while watching the T.V. "Maximus, pinaglololoko mo ba ako? At isa pa, sa pagkakaalala ko may sakit ka kaninang umaga dahil sa pagrampa mo sa ilalim ng ulan kahapon. Tapos nagpaulan-hindi, nagpabagyo ka naman ngayon?" Namewang akong at napaismid. "Plano mo bang patayin ang katawan mo, ha?" He looked at me innocently. "I just want to see you..." Aniya. Nga naman... "Hah! Tae ng baka niyang 'just want to see you' mo, Maximus! Pwede namang bukas na o sa susunod na araw. Magkikita naman tayo sa trabaho, bakit kailangan mo pang isakripisyo 'yang kalusugan at kaligtasan mo?!" Nasapo ko ang ulo. Gusto kong sabunutan ang sarili ko ngayon sa tindi ng panggigigil sa "lohika" ni Max. Kitang may bagyo, paano kung naliparan 'yan ng swero papunta dito? 'Di hati ang katawan niya. Paano kung nadisgrasya ang sinakyan niya dahil sa tindi ng ulan at hangin? Tapos tae ng kambing, nilalagnat pa 'yan kanina! Ang tindi nga ng pag-aalaga ni Hannah sa kanya tapos heto siya, sumuong sa bagyo! Para saan?! "Please calm down." Kita ko ang pamumungay ng mga mata niya at bahagyang pamumula nito. Namumutla na din. Tsk, 'yan na nga ba sinasabi ko. "Paano ako kakalma-" I heaved a deep breath. I closed my eyes and calmed myself. Right, I have to calm down. Hindi kami makakapag-usap ng matino kung puputak lang ako dito. "Bakit ka pumunta rito?" Kalmado kong tanong. Umubo ito at kinuha ang kumot ko na nasa sopa. Binalot niya ito sa sarili. Nahabag ako sa nakita. Nilapitan ko ito at pilit na pinatayo. "Magpahinga ka na muna," wika ko. I tucked him in my bed and covered him with the comforter. Mas lalo 'tong giginawin dahil walang maayos na salawal at pang-upo. Naisipan kong manghiram kay Allen. Malakas ang ihip ng hangin at nababasa ako ng tubig ulan kahit nakapayong. Tinakbo ko ang bahay nila Lola Iska na ilang metro lang ang layo. "Tao po! Tao po!" Sabay ng pagkatok ko ay ang pagbukas nito. "Ysa," si Allen. Tiningnan nito ang paligid. "Halika, pasok. Ang lakas ng ulan." Doon lamang ako nanatili sa may pinto dahil medyo basa, baka mabasa pa pati ang looban nila kapag tuluyan akong pumasok. Naroon si Lola Iska at nanonood ng telebesyon. Nag-usisa pa ang mag-lola kung para kanino ang hiniram kong mga damit panlalaki. Sweat pants na tingin ko'y kakasya naman kay Max at isang hindi pa nagagamit na brief ang binigay sa akin ni Allen. "Ah, para po sa ano...sa..." Diyos ko naman, hindi ko alam na may Ms. Q and A pala dito, hindi ako agad na-inform kaya wala din akong napagpraktisan na sagot. Impromptu 'to. "A-asawa ko po." Nakangiwi kong sagot. Medyo naguilty ako at nagsinungaling ako sa mga ito. Na-i-stress kasi ako kaya iyon agad ang naiusal. Dahil kung kaibigan ay baka kasi kung ano ang isipin ng mga ito at bakit nariyan ang "kaibigan" ko at kay lakas ng bagyo ang meron ngayon, pero nakuha pang bumisita. Tsk bakit nga ba kasi bumisita ka pa, Max?, nanggagalaiti kong tanong dito sa isip. At saka nagmamadali rin ako dahil kailangan ko pang asikasuhin ang taong yelo doon na mainit ngayon. Ang ironic 'no? Well, back to business. Nakalusot naman ako sa mga ito at mabilis bumalik sa apartment ko. Pinagbihis ko si Max ng nahiram na damit bago nagluto ng sopas para dito. Baka hindi pa ito naghahapunan. Mahina kong tinapik si Max para gisingin. Kailangang malamanan ang tiyan nito. "Max, gising." Matamlay nitong binukas ang mga mata at bumangon. Tinulungan ko itong makaupo sa higaan at pinasandal. I wiped the bullets of sweat on his forehead and on the side of his face before I feed him. After he ate, I gave him a medicine which he obligely drank. "Magpababa ka muna ng kinain bago humiga ulit," ani ko pa rito. Nilagyan ko ng bimpo ang likod nito dahil namamawis na ito. Mabuti iyon para lumabas ang init niya sa katawan at mawala ang lagnat. Inaayos ko ang pinagkainan nito sa side table para dalhin na sana sa labas nang hinawakan nito ang pulso ko. Napatingin ako rito. "Thank you." Nanghihina niyang usal. I sincerely smiled at him. "Walang anuman. May...gusto ka pa bang kainin? Prutas? O baka gusto mo ng gatas? Teka kukuha ako-" He caught my wrist once again, stopping me from leaving. "Kukuha lang ako, Max-" "I want to see my Jeje Bella again. Please sing a jeje song for me?" Namamaos nitong pakiusap. I gaped at that. "Maximus! Hindi jeje ang mga kinakanta ko noon!" Na-i-stress ng sandali ang mga baby hair ko sa sinabi nito. Ang mga kinakanta ko sa kaniya noon ay "hip-hop" at "rap" hindi jeje! He laughed weakly. "Okay then. Whatever you say." His grip tightened. "Just sing for me, please?" He stared at my eyes deeply. His once lively emerald eyes look so weak now. I sighed defeatedly, I just can't say no to those pleading exquisite green orbs. Kinuha ko ang cap at pulang panyo. I folded the hanky and tied it on my forehead, parang bandana lang. Nagsuot din ako ng maluwag na jersey at shades para kompleto ang outfit. I saw mischief in Max's eyes as I positioned myself in front, meter away from the bed and started walking back and forth while swaying my hands. "Yow! Hindi ko ginusto ang ilayo ako sayo mahal Ngunit ito ang desisyon ng tadhana at maykapal Alam ko din akoy magtatagal sa lugar na ito Na kung saan wala ka kaya kulang kulang ako Hindi lang araw hindi lang buwan kundi ilang taon Tayo ay 'di magkikita makakaya ko ba 'yun? Sa tingin ko hindi, hindi ko kaya Dahil ako'y mamamatay kapag wala ka, wala ka Na dito sa aking tabi kaya 'di na mapigil ang luha" Nakita ko ang pag-angat ng labi nito. He bit his lower lip to supress his smile. I didn't mind him much dahil busy ako sa pagkanta at pagkampay ng mga braso at kamay. Matagal-tagal na din akong hindi nakapag concert. Baby pa sina Ismael at Israel nun. Mga bulinggit pa pero marunong din sumabay sa pag-ra-rap ko. Mga rap baby buddies ko 'yun, eh. "Gusto kitang makapiling, mayakap, mahalikan Ngunit yun ang 'di ko pa makuha Dahil ilang kilometro at milya Ang distansya at ating pagitan Pangungulila ko sayo yan ang resulta ng aking biglaang paglisan Hindi ito madali sa'yo Ngunit mas hindi madali 'to para sa'kin Nadarama ang lungkot at puot, hinagpis at ang pagkabigo at pasakit Ngunit gaano kaman kalayo Sa aking puso dito ay lagi kang malapit" Bahagyang umaalog ang mga balikat ni Max. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakakatawa kong hitsura o dahil sa pagkampay ko ng mga braso na parang timang. Iniiling-iling ko pa ang ulo nang papalapit na sa chorus ang kinakanta. "Iniisip ko kung bakit ganito ang langit nilayo ako sayo Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap Na ako'y hindi bigo Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to Kung ikaw ay alaala na lang Paano na ako? Break it down!" Ipiniit ko ang dalawang kamay sa ilalim ng kili-kili at humihingal na tumatango-tango na parang display na aso sa wind shield ng kotse. He clapped and I bowed. Pero bigla itong tumawa. "That was epic, my jeje queen," he said and chuckled. I contorted my face. "Hip-hop kasi 'yon!" Sigaw ko na nag-ani ng tawa mula rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD