Capitulo Catorse

3167 Words
Maganda ang araw ngayon pati na ang mga bonsai ni Lola Iska. Katatapos ko lang magsimba kanina at dahil naburyo ako sa bahay ay naisipan kong bisitahin ang kapitbahay namin na nagbigay sa akin ng ulam noong nakaraang linggo. Si Allen, ang apo ni lola Iska na siya ring nag-abot ng ulam noon ay wala at naglalaro daw ng basketball. Ngayon ko lang nalaman ang pangalan nito dahil hindi naman naman ito nag-abalang magpakilala noon. I sprinkled the cute bonsai with water. Just then, my mind flew to the memory of last night... "Bella..." He sighed. It took another minute of silence before he spoke again. "Bella." Kinunot ko ang ilong. "Kanina ka pa 'Bella ng Bella.' Gusto mo ba dumede?" His face contorted. Marahas itong napalingon sa paligid bago nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin. Bahagya pa nitong nilapit ang mukha. "The f**k, Bella?" Mariin niya asik sa mahinang boses. Napangiwi ulit ako. "Dede lang ang sinabi ko, pero may pa 'f**k' ka? Ay huwag, hindi tayo talo." Madrama ko pang pinikit ang mata at umiling. I heard him cussed silently. Parang tanga lang kinakausap niya sarili niya. I saw him heave a deep breath. He exhaled and inhaled repeatedly. "Okay..." He said calmly with his eyes closed. "I left you for a reason." He stared at me directly that made my breathing hitch. "My father got into an accident. He was worn out from work and met an accident in the road as he drove his way home." I listened to him intently. The news kind of shocked me. "He became workaholic after my mom's death, that's his way of coping up. And in that fateful night, he was sleepy and tired, the reason why he lost his focus on driving. He had no other family other than me, Bella. And even though I was distant to him, I still had to be with him and take care of him. I told you once that I lost my mother in such an early age. Since then, my father and I broke the bond that we used to have. But he's still my father. And...and I don't want to lose him too." Malungkot ang mukha nito. "The reason why you chose to leave me." Sabat ko. His eyes widened but before he could even utter a rebuttal I speak again. "I understand, Max. And no...hindi ako nanunumbat. I mean, you really left me-I mean the orphanage, for that reason. Which is really understandable. At kahit naman siguro hindi naman intindihin ay iyon pa din ang gagawin mo. Family should be our number one priority, always." Now I understand him. "But you should've told us para hindi kami nag-alala sa'yo. We're friends, remember? At nagdadamayan ang magkakaibigan. At least matulungan ka naman lang namin kahit suporta at pagdamay lang ang maibigay." He was looking at me intently, weighing my words and expression. I know he's observing me, he always does. "Medyo nasaktan ako nang umalis ka ng walang paalam, sana kahit napapanis lagi 'yang laway mo noon nag-abala kang magsabi na 'aalis ako'. Kahit dalawang salita lang, o kahit nagsign language ka nalang. Para ka din namang pipi noon, para kahit papaano ay mainform naman kami at hindi mamatay sa pag-aalala kung nasaan ka na. Ang sabi pa noon ay may matandang sumundo daw sa'yo ng sobrang aga." "That was our driver," aniya. "And I really planned on leaving, even before I knew my father met an accident." I felt like my heart's being punctured by tons of needles. "P-plano mo talagang i-iwan ako-kami?" Nag-iwas ito ng tingin. "My initial plan was to study abroad to have a brighter future -" "At sa Las Cosas hindi bright ang future mo kung sakali?" Naiiritang putol ko. Alam kong wala akong sabi kung ano ang gusto niya. Pero parang may kung ano sa loob kong nagtatalo, na pwede pa din naman siyang magkaroon ng magandang kinabukasan sa Las Cosas kasama ko-ibig kong sabihin, kasama namin nina Mother Superior. Oo, tama. 'Yon nga ang ibig kong sabihin. Nagbuntong hininga ito. "No, Bella. I am my Father's only heir, and I have to learn how to manage our businesses as early as possible." Pagpapaintindi niya pa sa kalmadong boses. I don't know why, but my mind suddenly closed for any explanation he'll throw right now. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko ngayon. I feel like I'm a three-year old kid throwing tantrums just because she didn't get her so wanted lollipop! "May taxi bang naghihintay sa'yo noon kaya ka nagmamadali?" Bato ko sa kaniya. "Seems like. I wanted time to run faster that time. Para may maganda na akong trabaho, para may maibubuga na ako. I want to surpass the people's expectation towards me. Na hindi lang ako basta spoiled na anak ni Alexander Aétos na handang sumalo sa pinaghirapan niya. That I can be more and I can build my own empire, that I can build my own name in this industry. And that I will be known for my own hardships and not for my father's. I want to be more... because someone inspired me to be..." Lumamlam ang tingin nito sa akin. Parang may pumiga sa puso ko ng sobrang higpit na hindi na ako makahinga dahil sa tingin na ibinibigay nito sa akin ngayon. Naiyak na ako ng tuluyan. Narinig ko ang tunog ng pag-atras ng upuan at ang agarang pagdalo nito sa akin. "H-hey, Bella. Why are you crying?" Nervousness is etched on his voice. "Ang daldal mo na, Maximus. 292 words lahat nasabi mo mula sa pagtawag mo sa pangalan ko ng paulit-ulit." Nalaglag ang panga nito. "You...really counted all of it?" 'Di makapaniwalang tanong niya. Tumango ako at pinunasan ang luha ko. "Balik ka na dun, hindi pa tayo tapos mag-usap." Wala sa sarili itong tumango at bumalik doon, pero halatang lutang. "Continue," wika ko. He cleared his throat and sat strsightly. "So...yeah. I wanted to be better, for someone." Bigla akong nalungkot ng walang dahilan o baka dahil sa sinabi ni Max. Pero tingin ko ang una kong sinabi ang tama. Nilunok ko ang namuong bukol sa lalamunan at ngumiti ng mapait saka tumango. "Naiintindihan ko na ngayon, pero hindi pa rin mawaglit ang kaunting tampo na nararamdaman ko, Max. Sampung taon ang lumipas bago ko nalaman ang dahilan ng bigla mong pagkawala. P-para ulit akong nawalan ng kapatid noong umalis ka, parang naulit 'yung sakit na mawalan." Pilit kong hindi mabiyak ang boses. "I'm not your brother." Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito. "And I've never treated you as a sibling nor a younger sister. Never was... and never will." Aniya sa matigas na tono. Tila narinig ko ang pagkabasag ng puso ko sa binitawan nitong salita. Parang biniyak ang puso ko sa sakit. Muling nangilid ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Pero mukhang hindi natinag si Max sa mga luha ko. He's looking at me mercilessly as the tears rolled down my face. "Ang sama mo..." Naiiyak kong anas. "The other reason why I left is to give you time. You're treating me like a sibling which I strictly don't like. You shouldn't treat me as one-" "Pero ikaw ang pinadala ng langit para maging gabay ko tulad ni Ate Roan! Tulad ng isang kapatid na gagabayan sa daan ang musmos na tulad ko." Tumaas ang boses kong ipinagpipilitan iyon. His eyes softened once again. But there's something foreign in it's depths, something more raw, something more powerful which I cannot comprehend. I cannot fathom what it was, but it sent chills inside me. It's like I had a hint what I saw in his eyes but I chose to ignore it. Or I could just not accept it, or maybe... I'm just assuming things that's really non-existent? But just then...he threw the bomb. His eyes were now like those of the predators. Always ready to pounce on it's prey. "I cannot let you think that way, glykia mou." Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa katawan sa boses nito. "You're bound to be mine, my beauty." He's taking my breath away as every second passed. "A-anong ibig mong...sab-bihin?" Hindi ko maiwasan ang pangiginig sa boses. Parang may mga nagtatakbuhang kabayo ngayon sa puso ko, pero hindi katulad kanina na parang namimilipit sa sakit ito. I'm more of...nervous. His eyes never left mine when he said... "I want you to be mine, Bella. Be my wife." "Hala ka, dai! Ginoo! Nalulunod na ang bonsai ko!" Doon lamang ako hinatak pabalik sa kasalukuyan nang marinig ang matinis na boses ni Lola Iska. Natataranta kong nailayo ang sprinkler sa bonsai na kanina ko pa dinidiligan. Dahil sa lalim ng pag-iisip sa mga nangyari kaninang madaling araw ay nawala ang atensyon ko sa dinidiligan. Naku naman... "H-hala, lola. Pasensiya na po!" Nilagay ko ang sprinkler sa gilid at tiningnan ang munting paso na kinalalagyan ng bonsai ni Lola Iska. Puno iyon ng tubig. I took it and poured the excess water before I put it back to its rightful place. "Ay, ayos na iyan. Malakas naman sumipsip ng tubig ang mga bonsai ko." Humagikgik ang matanda. "O, tara muna sa loob. Luto na ang turon." Iginiya ako nito papasok. Nasa edad sietenta na si lola Iska, byuda at tanging ang apo nalang ang kasama. Namatay daw sa trahedya ang mga magulang ni Allen noong bata pa, at nag-iisa lang din ang anak ni lola Iska na siyang tatay ni Allen. "Babalik na din si Allen maya-maya mula sa pagbabasketbol. Baka sasabay iyon sa meryenda natin." Wika pa ni lola Iska. Pinaupo ako nito sa kanilang sopa. Tama lang ang laki ng bahay nina lola para sa kanilang dalawa ng apo. Malinis at kaunti lang ang mga muwebles dito. Minimal lang. May nakita din akong mga ornaments na mas lalong nagpaganda sa kanilang tahanan. Tanging mga bonsai lang at orchids ang pinagkakaabalahan ng matanda kapag nasa bahay. May mangilan-ngilan din naman daw na bumibili ng kaniyang orchids, dagdag kita. Tanging pensyon lang kasi nito at ang kaunting sahod ni Allen sa pagpa-part time ang pinagkukunan nila ng pangaraw-araw. Scholar lang ang binata at athlete. Nagkaroon ito ng scholarship dahil sa pagbabasketball at napakalaking tulong daw nito para sa kanila. May nakasabit na jersey at mga tropeyo sa kabinet na nasa tapat ko. Mga napanalunan ni Allen at siyang tinanghal na MVP. "Lola!" Napalingon ako sa pintuan at mula doon ay pumasok si Allen na nakajersy pa at may hawak na bola sa kanang kamay. Ipinunas naman nito ang manggas ng suot sa mukha na puno ng pawis. Natigil ito nang makita ako at napatuwid ng tayo. "U-uy... Andito ka pala." Ani nito sa akin. Tipid akong ngumiti dito. "Naisipan ko lang bisitahin si lola." Nang pauwi ako mula sa pagsisimba kanina ay nadaanan ko ang mga nagtitinda ng gulay at prutas malapit sa may simbahan. Naisipan kong bumili ng ilang kilo ng saging ardaba para ibigay kay lola bilang pasasalamat. Heto nga at ginawang turon ni lola ang saging na binili ko. "Andito ka na pala, apo." Kalalabas lang ni lola mula sa kusina at bitbit nito ang mamula-mula pang turon na bagong luto. Inilapag nito ang plato at mga platito at tinidor sa mesa na nasa harap ko. "Ay, kunin mo iyong juice at mga baso sa kusina apo, 'tsaka magbihis ka na din. Magmemeryenda tayo." Utos nito sa apo. "Saktong-sakto, gutom na ako." Pinagsaluhan namin ang luto ni lola at nagchikahan. "Ysa, may payong ka? Umuulan sa labas." Tanong ni Charisse sa akin habang nagre-retouch sa kaniyang mukha. "Yeah, may dala ako." Ilang araw kong iniwasan ulit si Max, mula noong huli naming interaksyon sa Coffee Shop. Hindi ko kasi alam kung paano ito papakitunguhan. Gabi-gabi ding sumasagi sa isipan ko ng paulit-ulit ang mga binitawan nitong salita. Napapailing nalang ako kada maaalala iyon. The rain's pouring heavily. The dark gray clouds hovered the afternoon sky that gave me a melancholic feels. I'm here outside having a hard time and struggling on opening my umbrella, when... "Let me." A big hand covered mine and took the umbrella away from my hand. Nang bumukas ito ay ibinigay ulit nito sa akin ang payong. "Here." Nangunot ang noo ko. Padaskol kong kinuha ang payong at tinalikuran ito. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga nito. "Bella..." "Tumigil ka, Max, at baka hindi kita matantiya." I gritted my teeth as I faced him. Yumuko ito at namulsa nalang. "Why are you avoiding me?" Tanong nito sa mahinang boses. Tanungin mo sarili mo. "Is it because...of what I said that night? That I want you to be my-" "No!" I raised my voice unconsciously. Napatingin ang ibang empleyado dito kaya napaayos ako. "O-of course not..." Ilag kong sagot. "Then why?" He asked frustratedly. Sandali akong napaisip. "Hindi dahil nagkaliwanagan na tayo ay mag-uusap na ulit tayo ng kaswal lang, na parang wala lang nangyari-" "Of course we can!" I scoffed. Hindi makapaniwala sa sinabi nito. We can? We can talk casually after everything that happened? Ganun kadali? Ay, hindi pwede... That's a no, no. "At akala mo nakalimutan ko na na sinabihan mo 'ko ng malandi? Pagkatapos mo 'kong laitin, mag-uusap ulit tayo na parang 'best buds' lang?" I grinned. "Ibang klase ka rin talaga, Maximus." I humorlessly laughed. Bitterness is dripping in my voice like an acid. I saw how my words dawned him. Ganiyan nga, Max. Alalahanin mo ang mga sinabi mo. I admit I got hurt by how he judged me just because I laughed on my observer's corny remarks. But to insult me like that? Nah... But that's my best alibi to tell, na iniilagan ko siya dahil nasaktan ako sa pang-aakusa niya sa akin ng malandi. Ayokong malaman niya na ang totoong dahilan ay naguguluhan ako. My real reason is hiding behind the bush. Ten years is not a joke. At ang ibubungad niya sa akin ay "Be my wife." Hindi kaya may sira sa tuktok 'tong si Max? At isa pa, nagagalit ako sa sarili ko dahil bakit ako naguguluhan? Para saan? Alam kong bilang nakatatandang kapatid at kaibigan lang ang tingin ko dito. Hanggang doon lang at hindi na sosobra pa doon. Kaya anong ibig sabihin ng kaguluhan kong ito? I'm confused. At one point I treat him as a sibling, but you can't define how your sibling looks like like how you define someone you like, right? And you totally can't daydream on your sibling! "Then what can I do for you to forgive me? Please, Bella..." He asked desperately. I shake my head to throw the unnecessary things. This is making me more confuse... "Distance yourself from me." Para hindi ako maguluhan ay kailangang mailayo ko sa akin ang nagpapagulo sa aking isipan. I think, this is the only way to find out and to sort things out. "No." His jaw clenched. His eyes are now dark and brooding. Those emerald eyes are blazing with intense disdain. "I'll do anything except that, my sweet. Anything, except that." His voice is telling me that his decision is final. Na hindi ito matitibag and it's making the fear inside me to grow more. At some point, there is really a part of me that wants him again. To be with the stoic Max I used to annoy. But I'm afraid to be left again. To be left alone after they let me taste how it is to live with someone by your side. I got traumatised after my loved ones left me over and over again. Mahirap. Mahirap ang magtiwala ulit, pero guguhuin lang nila. Nahirapan nga ako sa pagtanggao ulit kay nanay, sa kaniya pa kaya. After years of building myself, here I am. In the middle of a chaotic decision making where in I'll risk myself to trust again- even though I have a damn 'trust issues'-or to let them stay away from me to avoid being hurt again. At hindi pa nagsi-sink in sa akin ang gusto ni Max. How on earth did he develop something for me for him to 'order' me to be his wife. Ang boses niya noon ay tila nag-uutos at hindi nagtatanong. It was a statement when he said "Be my wife." Why? Bakit ako? Paano na 'yung girlfriend niya, tapos meron pa si Hannah. Pinaglalaruan niya ba ako? Dahil sa naisip ay umalis ako roon, pero sinundan pa rin ako nito. "Bella! Bella, please!" Nang lingunin ko ay hindi nito ininda ang ulan at malalaki ang hakbang na pinulupot ang nga bisig sa aking katawan. I stiffed. He's hugging me from the back very tight that I'm almost gasping for air. "Let go, Max." Mariin kong utos. "No. I want you to tell me what the f**k will I do to gain your forgiveness." The hair in my nape stood up when this guy behind me put his chin on my shoulders. I can feel his breath on my neck giving me more chills. "Give me time to process everything, Max." We stayed that way for a couple of minutes before be broke the silence. "Do you already have an answer?" He asked. Mas lalo nitong isunuksok ang mukha sa aking leeg. Gosh, this is PDA! Napapikit ako at napalunok. Good God, help... "Answer a-about w-what?" I asked in a shaky voice. Nanginginig na ang kalamnan ko sa lamig, but his hug is making my body warm too. Pero basa na din ito at ramdam ko din ang bahagyang pangiginig niya lalo na at kanina pa humahampas ang hangin. May bagyo 'ata. Nahihirapan na din ako sa paghawak sa payong gamit ang dalawang kamay. "To be my wife." He said casually. Pambihira talaga. Kung makasagot para lang nagbebenta ng panty sa AVON sa sobrang ka-kaswalan. I shrugged my shoulders to get him off me, pero tabla pa nito ang linta sa sobrang pagkapit. "I said, time, Max." I fought hardly to keep my voice from breaking. Naramdaman kong bumitiw ito sa akin. He held me on both sides and made me turn to him. I stiffly stood in front of him still holding my umbrella as the harsh wind trying to blow it away from my hold. Nakatayo ito sa harap ko pero hindi nakasilong sa payong. He stood proudly under the crying heaven, letting the water touch him-pour over him. He's soaking wet but he didn't waver. Dagdagan pa ng malamig na hampas ng hangin. Dumako sa tiyan niya ang tingin ko nang makitang bumakat roon ang kaniyang suot na puting t-shirt. His finely cut abs is showing like it's boasting how hot they were. Agad akong napaiwas at baka magkasala pa ako. "Okay, I'll just text you then. You have until seven this evening." Aniya at umalis na. He ramped the sidewalk like a model. Napapatingin pa ang iba sa kaniya, pero patuloy lang ito sa pagsha-shower sa ilalim ng ulan. I scoffed. Unbelievable. Talking about marriage like he's just deciding whether he'll get a red or pink panty. Pambihira talaga. Wala kang katulad, Maximus Dane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD