Gatsby looked at Daisy in a way that every young girl wanted to be looked at.
I am currently sitting comfortably on my couch with a mug of milk on my hand, and a book on the other. I'm reading the book entitled "The Great Gatsby" by: F. Scott Fitzgerald when I suddenly felt an intense gaze from someone.
When I raise my head I met Max's eyes. Tinititigan ako nito ngayon. I equalled his stares, then I remembered the line from the book I am reading.
Max is staring at me the whole time. I can see him through my peripherals. And just like what Gatsby did to Daisy. This man is in front of me is looking through me like he's reading my soul. The raw emotions I've always spot in his eyes whenever our eyes meet we're present. He's looking at me the way most women wanted to be looked at too.
"You done?" Aniya. He's asking if I'm done reading, tiningnan nito ang librong hawak ko.
Umiling ako nang hindi pinuputol ang tingin dito. But I yawned, and that made him sigh and stood up from his seat.
For weeks that had past, he have been patient and understanding and sometimes...stubborn.
Noong una ay hindi ko ito pinapayagang laging bumisita dito dahil hindi magandang tingnan. Exempted lang 'yung may sakit siya kaya ko siya pinatuloy dito, but he was persistent.
Walang palya itong pumupunta dito araw-araw at may dalang isang tangkay ng rosas. Nasasayangan ako sa mga rosas dahil nalalanta lang naman, at ang gastos pa niya roon. But he said...
"I understand that you don't want me to spend a lot while I'm courting you, even though I wanted to give you gifts and stuff because you deserve them. But you're practical and you have the say on this because I am still pursuing you, so I respected and abided your decisions. But please don't stop me from giving you a piece of stemmed rose everyday. This is the only thing that I can see as a romantic gift, but is cheap." Mahabang litanya nito.
"Mura nga, pero kung aaraw-arawin mo hindi na mura 'yon. Isipin mo, 15-25 pesos ang isang tangkay, at kung susumahin mo may 105-175 pesos ka per week, at 450-750 per month." Ani ko habang nagbibilang gamit ang kamay at mga daliri.
"Ang laking gastos na noon. Kung iipunin mo at gagastahin sa mas importanteng bagay, mapapakinabangan pa. Kung ilalagay mo ang 750 sa cooperative, aba'y tutubo pa ang pera mo ng .75 cents per deposit kapag umabot 'yan ng 1000 pesos."
Importante ang mag-ipon ng pera dahil magagamit natin ito kapag may mga emergency. Malaking tulong ang pagsa-save ng pera lalo na kung hindi ka mayaman. That's what I always do way back when I was a kid. Kaya minsan nakakabili ako ng noodles o sardinas para ulam namin kapag walang pera si ate dahil nagastos sa kuryente at tubig, pati na si nanay na siyang nagbabayad ng mga utang namin.
A peso or two a day won't hurt. In three months or so may isang daan o dalawang daan ka na. And also, saving money won't just help you financially, but it will also help you in your personal growth, especially in practicality. And that's what we need in this life, to be practical. "Needs before Wants," they say.
And another thing, it will help you develop your virtues too. Like, to become "patient", you're patiently saving your money instead of spending it on things and so on...and after some time, the money you saved will get big. And by then, you can use it on variety of things.
I saw a ghost of smile in his lips. Piningot nito ang ilong ko, winaksi ko ang kamay nito.
"Okay, then. Miss Practical." He said while chuckling.
Parang hindi naman ako nito siniseryoso, eh.
"Totoo, Max! Ilagay mo nalang sa coop ang pera na ginagastos mo dito!" I exclaimed.
"No. I'm still not rat poor, Bella." Mariin nitong sagot. "Don't worry about that. Give this to me atleast, please..."
Napabuntong-hininga ako at umirap. "Oo na."
He grinned as if he just won in an argument.
"But don't expect me to be thrifty once you say yes to me. I'll spoil you as much as I can. Kahit na KJ ka pa." Dagdag pa nito na nagpasimangot sa'kin.
Napakakulit nito at hindi halos maawat. Kung ano ang gusto, iyon ang gagawin. Hindi ko siya mapigilang bumisita araw-araw. Hindi ko ito pinapapasok noong una at pinipilit itong umuwi, pero nitong mga nagdaang araw ay matiyagang naghihintay ito sa labas ng ilang oras na akala ko umuwi na. Nito ko lang nalaman nang magtapon ako ng basura at nakitang nakastand-by ito sa labas ng apartment ko.
I'm not that heartless. Naawa din ako sa lalaki dahil nilalamok na sa labas kaya pinapapasok ko nalang sa bahay, pero hindi ko hinahayaang matulog dito at magtagal ng sobra kaya't pinapauwi ko din ito.
Lumapit ito sa akin at kinuha ang libro. That book was his gift to me on my 12th birthday. I saw the movie adaption of the story, at mas lalo kong minahal ang kwento nina Daisy at Jay Gatsby. Leonardo DiCaprio did justice to the character, same goes with the actress. I loved it!
"That's it for now, Bella. Let's tuck you to bed before I go home."
I wanted to read more but I'm kind of sleepy already. Tumayo nalang ako at pumasok sa kwarto. Hindi ko inakalang sumunod ito. He knocked on my bedroom door before coming inside. He always does that. Knocking on the door before coming inside the house. That's his sign of respect.
I feel like a kid being helped by her parent to go to sleep. Max reached for the comforter and covered half of my body with it before he stood straight and slid his hands on his pocket.
Tiningala ko ito. The only thing that gave a faint light to my room and gave me an access to see Max is the lamp.
"Salamat," saad ko dito.
He nodded once and stared at me for seconds. I shifted and looked away.
"I'll go now. Goodnight, glykia." His serious eyes softened as he lean in and kissed me on my forehead. Lumayo ito at bahagyang hinaplos ang pisngi ko bago namulsang tumayo ulit at walang-sabing umalis.
"Saan tayo ngayon?" Max payed me a visit again today. Sabado at wala akong pasok, pero siya ay sa pagkakaalala ko, meron.
He went here and told me to get dressed dahil may pupuntahan daw kami. He didn't tell me where though, his instruction was only to wear something that isn't showy. At kung maaari daw ay casual na damit nalang ang suotin.
Hindi naman ako nagsusuot ng masyadong sexy maliban noong nag-club kami. Kaya isang simpleng gray v-neck shirt at dark blue jeanna pinaresan ng doll shoes ang suot ko ngayon. Nakapusod din ang tuwid kong buhok.
"Somewhere," tipid nitong sagot.
He took my hand as we head our way out of my apartment. Pinagmasdan ko lang itong kunin ang spare helmet. He was so engrossed upon wearing the helmet on my head that he didn't notice that some of my neighbours were looking at us-at him particularly. I even saw a group of teenagers giggling and jumping giddily while eyeing Max.
While some women of my age and older were looking at him hotly and shamelessly eyeing him like they wanted to devour him. Their eyes were telling me that they desire this man and that they want him on their bed! Diyos ko...
He clasped the lock under my jaw and adjusted the position of the helmet above me before he slightly pat it.
Una itong sumakay sa kaniyang motor at pinaandar ito. Humawak ako sa balikat niya bilang suporta sa pagsampa ko sa motor at ang kamay niya'y inakay ako para makaupo ng maayos. Nang makapwesto ay kinuha nito ang magkabila kong kamay at pinulupot sa tiyan niya. Umismid ako, napakacorny nitong si Max.
Palagi nitong ginagawa iyon na para bang takot akong sumakay ng motor kaya kailangang humawak pa sa kaniya. 'Di niya alam sanay akong sumakay ng motor, pero hinahayaan ko nalang ang kamay ko roon dahil nakakapa ko ang abs niya. Tinirik ko ang mata nang makapa ang mga pandesal niya. Nang humalakhak ito ay inalis ko ang mga kamay roon at nilagay sa balikat niya.
"Tseh, tatahi-tahimik ka pero pailalim ang pagiging hangin mong lalaki ka. Pinupulupot mo pa ang kamay ko sa tiyan mo para ipagmayabang na may abs ka!" Sigaw ko dito habang umaandar ang motor. Mulutong na tawa lang ang sagot nito.
See? Gusto niya na minamanyak siya kaya pinapahawak niya ang abs sa'kin kapag sumasakay sa motor niya. Alibi niya lang na ginagawa niya daw iyon para hindi ako mahulog. Pero gusto ko din naman humawak sa pandesal niya-minsan. Minsan lang syempre, hindi naman ako abusada.
Nang tumigil kami ay nakita kong dinala ako nito sa...sementeryo. Hindi ko mawari ang hitsura ko ngayon. Anong gagawin namin dito?
"Hoy, Max. Sinong bibisitahin natin dito?" Tanong ko habang tinatanggal ang helmet.
I handed it to him and he took it. He slid it on the metal brake beside his helmet and let the helmets hang loosely in there.
"We're not here to visit anyone." He said.
My eyebrows knotted. "Eh, ano?"
'Di ko talaga mawari si Max kadalasan, iba ang takbo ng isip nito, eh. May lahing alien 'ata.
He pouted his lips. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig.
"Maria! G-gusto mong makipaghalikan? D-dito?" Inilibot ko ang paningin at napalunok.
Naabutan ko itong matiim na nakatitig sa akin.
"Max, ang PDA naman kung dito. 'Tsaka ang feeling mo, ah. Tingin mo papayag akong magpahalik dahil lang...m-may abs ka? Hah! hindi 'no!"
Napahinga ito ng malalim saka iniyuko ang ulo at umiling. Pinisil pa nito ang ilong na tila sumasakit ang ulo.
"My sweet, I want to kiss you, yes, but definitely not in a cemetery. And it's too early for that..." Eh? Dapat ba gabi maghalikan dahil hindi pwedeng early?
"...and we're here to have a date."
I just looked at Max, waiting for him to say "joke". Minutes had pass but we only stared upon each other and the word I've been waiting for, didn't come.
"T-totoo?" Nauutal kong tanong. He just nodded once.
"Walang halong kyeme? D-dito talaga tayo magdi-date?" Dagdag ko pa.
Aniya'y hindi daw pwedeng dito kami magkiss sa sementeryo, pero pwedeng mag-date?
He didn't answer. Thus, he grab my hand and dragged me.
"Uy, teka. Sandali, Max."
Tila wala itong narinig at patuloy lang sa paglalakad habang hinihila ako.
May mga stalls doon na nagtitinda ng mga kandila at bulaklak, pero hindi gaanong karamihan ang mga tao na naglalabas-masok sa sementeryo ngayon.
I bumped into his back when he suddenly halted. Minasahe ko pa ang ilong dahil nabangga ito sa matigas niyang likod. Tss. Taong semento. I peeked from his back and I saw a a street food stall in front of us. Napangisi ako.
"Ah...dito pala tayo magdi-date."
Lumapit kami roon. I salivated when I saw the variety of street food being cooked in a pan full of oil. Mas lalo akong naglaway nang malanghap ang aroma noon.
Napangiti ako. Alam na alam na talaga ni Max na kuripot ako kaya dito ako nito dinala. Whew! Akala ko pa naman kung ano na ang gagawin namin dito.
Puno ang bibig ko nang kikiam nang may maalala. Nilunok ko muna iyon bago magsalita, baka mabulunan pa. Hindi naman ako si Butchoy para magsalita habang puno ng pagkain ang bibig.
"Uy, Max. Sa susunod magsabi ka kung gusto mong makipag-date. Huwag kang agad-agad nanghahatak, ha?"
Kahit sa ganito ay sopistakado pa rin ito kung kumain. Inosente itong nag-angat ng tingin at simpleng tumango lang.
Siya ang nagbayad sa kinain namin. Inubos ko ang gulaman at tinapon sa basurahan. Pinunasan ko ang bibig nang bigla akong dumighay pero sabay na lumabas din ang gas ko sa katawan mula sa pwet. In short naka-utot ako, at malakas ang tunog nun. Umabot pa 'ata ng three seconds ang pag-utot ko.
Agad kong tinakpan ang bibig at lumingon kung may nakarinig ba.
Natural meron. Ang lakas kaya nun. Sabat ng isang bahagi ng isip ko.
Shet, nakakahiya. Where's your manners, Ysa?
At ang mas lalong nakakahiya ay nakatingin si Maximus sa akin.
Alam kaya niya na ako 'yung umutot ng malakas? Shet na malagket. Pagkausap ko sa sarili.
Ramdam ko ang pang-iinit ng magkabila kong pisngi. Pero hindi naman siguro niya alam na ako 'yun. Pagpapanatag ko sa sarili. I nodded inwardly. Tama.
Whoo! Act natural, Ysa. Act naturally.
"Hmm..." Kinunot ko ang ilong kunwari. "Ang baho dito, Max. Amoy utot. Naku, ano ba 'yan. Sana nag-CR 'yung umutot ano? Ang baho kasi, parang hindi dumumi ng isang buwan. Yuck."
Ganiyan nga, pandirian at pagsalitaan mo ng masama ang sarili mo, Ysa. Echosera ka! Inggrata!
Sa loob-loob ko ay gusto ko nalang kainin ng lupa sa kahihiyan.
I roamed my eyes around before it landed on him. Napalunok pa ako dahil itinaas nito ang kilay na tila sinasabi sa akin na alam niyang ako 'yun. But I didn't waver at that.
"Tara, doon tayo sa loob." Kinakabahan kong wika sabay turo sa loob ng sementeryo.
Umalsa lalo ang kilay nito. "What will we do there?"
Lumikot ang mga mata ko, tila naghahanap ng pwedeng maisagot.
"Uhm... M-mamasyal! Oo, tama. Mamasyal tayo doon." Ngumiti ako para maibsan ang kaba.
Shuta, nasaan ang pa-act natural mo doon, Ysa?
"Really?" He asked lazily.
"Oo. Masaya kayang mamasyal sa sementeryo! Palakad lakad ka lang, tapos patingin-tingin sa mga lapida. Hang out hang out with ghosts, ganun."
"Ok?" Sagot nito. Nagngising aso lang ako.
Tahimik lang si Max sa tabi ko at nakapamulsang naglalakad. Kagaya ng sinabi ko ay "namasyal" nga kami rito. Napakasweet lang ng date namin na 'to, sa sementeryo na kumain, sa sementeryo pa gumala. Ano parang park lang? Ginawang parke ang sementeryo.
Tumingin-tingin ako sa mga pangalan sa lapida nang agad kong maalala si Ate Roan. Pinalipat ang katawan ni ate sa isang pribadong sementeryo sa Las Cosas sa tulong ni Tito Ed. Madalas ko na itong nabibisita mula noong kinuha ako ni nanay sa ampunan.
"Ano kaya ang feeling ng mga bangkay sa loob ng kabaong nila 'no? Ano kaya ang feeling ng ate ko roon? Siguro pa chill-chill lang kapag umaga. Parang si sleeping beauty, wagas kung matulog. Tapos kapag nabored siya sa pagtulog lumalabas siya sa kabaong niya tapos nakikipag-chikahan sa ibang mga patay roon. Mahilig makipag-chika si ate, eh."
Tiningnan ko si Max dahil hindi ito sumagot sa pagtatalak ko ng walang kabuluhan. Nakatingin lang siya sa akin. Bahagya pang umangat ang gilid ng labi niya at umiling.
"You and your wide imagination. You didn't changed, Bella, aside from your looks, though. You grew up and your body matured too. But the little talkative Bella inside you is still alive." Aniya. He chuckled lowly.
"Max."
"Hmm?"
"Bakit nga pala 'Bella' ang tawag mo sa'kin?"
He looked at me sideways. "The 'Belle' in your name is 'Bella' in spanish, and when translated, it means 'beautiful'."
"Bakit sa spanish at hindi mo sa greek mo ini-translate ang 'Belle' na pangalan ko?" Pagbuhos ko pa ng tanong dito.
Nagkibit-balikat lang ito at pinatid ang maliit na bato sa kaniyang paanan. "Pauso lang."
"Pa-cool kid ka talaga. Choyens ka na niyan? At saka sa french, beautiful din naman ang meaning ng 'Belle' bakit hindi nalang iyon ang tinawag mo sa'kin?"
Mababa itong humalakhak bago ako kinabig.
"You never run out of questions to ask," he gently whispered on my ear.
Halos nakayakap na ito sa akin at ako parang tuod lang sa gitna ng mga bisig niya.
"Max, napakafeeling close mo. Ang hilig mong mangyakap. Ikaw, ah...chansing ka." Biro ko rito sabay dutdot ng daliri ko sa gilid ng tiyan niya.
"Skáta! Shit...sweet, no." Ani ni Max at lumayo sa akin.
Ngumiti ako ng mala-demonyo at pinagalaw na parang uod ang mga daliri ko sa ere bilang pamimikon dito.
Iyon ay dahil nalaman kong...may kiliti sa tagiliran si Maximus. Hihihi, ngayon ka sa'kin.
Lumapit ako dito pero patuloy ito sa pag-atras. Naroon pa ang pagbabanta sa mukha nito. Tumawa ako.
"Come on, let me tickle the statue/cement/stoic Maximus Dane. 'Di ko alam may kiliti ka pala, emotionless King. Haha!"
"Was that a compliment or an insult? No tickling, Bella. I'm telling you..." Pagbabanta pa nito, pero lumapit pa rin ako. Pabibo ako, eh.
Ngunit bigla nitong hinuli ang mga daliri kong parang mga uod sa lupa. Then he opened my other fingers that are fisted, and the next thing he did almost took my breath away! He held both of my hands and pulled them closer together and...kissed them while looking at me straight in the eye.
"Ang landi mo, Max..." I weakly said, almost in whispers.
Sakay ng motor ni Max ay umalis na kami sa sementeryo. Malapit ng dumilim at malamig ang hampas ng hangin, ngunit batid ko'y hindi ang malamig na hanging panggabi ang dahilan ng pagtindig ng mga balahibo ko sa katawan.
May nahagip na bulto ang paningin ko sa labas ng sementeryo, at ang mga mata nito'y matiim na nakatutok sa akin. Hindi ko maawat ang pagbilis ng t***k ng puso ko at ng pagbuhos sa takot sa kalooban ko nang makitang pamilyar ang mukha ng lalaki.
Kahit nakasuot ito ng sumbrero at balot ang katawan ng itim na jacket at pantalon ay alam na alam ko na si tatay iyon. Kahit malayo na ang distansiya namin sa kaniya ay umabot dito ang malansang amoy ng nabubulok na pagkatao ng ama ko.
Paano nangyaring nandito si tatay? O si tatay ba talaga iyon? Hindi...matagal na itong nakakulong. Paano nangyari ito?
Nang sinabi ko kay nanay ang lahat ng nalalaman ko sa likod ng pagkamatay ni ate ay tinulungan ako nitong humanap ng hustisya. Ngunit nang sabihin namin ito sa polisya ay nakakulong na daw si tatay, ilang buwan mula noon. Nahuli kasi ang mga ito na humihithit ng ipinagbabawal na droga. At ang iba pang kasamahan niyang nahuli ay mga wanted sa salang pagpatay, pagnakaw at iba pa.
Fear washed through me upon thinking that that man is probably my devil of a father. Nakalaya na ba ito? Hindi pwede! Kulang pa ang panahong inilagi niya sa kulungan para sa ginawa niya kay nanay at ate. Dapat mas matagal pa ang taon na paglagi niya roon dahil sa mga dagdag na kaso sa kaniya. Dapat ay mabulok na siya doon. Wala siyang kasing sama!
Halos manghina ang mga kamay ko sa panginginig. Hindi ko namalayan na nalukumos ko na pala ang damit ni Max sa may bandang tiyan nang bigla nitong hawakan ang kamay ko roon.
His warm calloused hand covered mine. And for a moment he melted my worries and threw them away...