Warning: Mature Content (Language, Theme)
"Ilang mga inmates sa Las Cosas Provincial Jail, nakatakas. Live in Las Cosas, si Anne Cortes, para sa report." Pagbabalita ng isang news anchor sa isang pang-umagang balita.
"Yes, Sir Henry. Nandito po tayo ngayon sa Las Cosas Provincial Jail, at yon sa report ay may riot daw na nangyari rito kahapon, alas-ocho ng umaga. Sinasabing ang mga nakakulong na sina, G
Berrie alyas "tuko" Sullivan at Runi Altes ang may pasimuno ng nasabing kaguluhan. Agad naman itong naawat ng mga pulis ngunit hindi nakaya ng dalawang pulisya ang dami ng mga preso sa selda na pinangyarihan ng kaguluhan."
Lumapit ang babaeng reporter sa isang pulis roon na pamilyar sa akin, si Renan...
"Makakapanayam po natin ngayon si PO2 Renan Jacinto para sa mas malawak na impormasyon. Magandang umaga po, PO2. Maaari po ba naming malaman kung bakit nawalan ng kontrol ang mga pulisya ang guwardiya ng kulungan dahilan ng pagkatakas ng ilang mga nakakulong rito."
Inilapit nito ang microphone sa lalaki. Tumango si Renan dito at tumutok sa camera. Seryoso ang mga mata nito at matikas ang postura.
"Magandang umaga din, Miss Cortes at sa sambayanan. Nangyaring nagkagulo kanina dahil sa mga preso na sina Tuko at Runi. Ngunit iyon ay kanilang pantakip sa tunay na hangarin. Natunugan ng isa sa aming mga kasamahan ang planong pagtakas ng mga preso ngunit hindi namin napaghandaan ang mga atake ng mga ito upang makatakas.
Ayon sa isang testigo na isa sa mga preso na aming na interoga, planado na pala ng mga ito ang mangyayaring gulo. Iniwala nila ang atensiyon ang aming mga kapulisan upang mas mabilis nilang maisagawa ang pagtakas. Nakipagbarilan ang mga ito sa aming mga kasama at ilan sa aming mga pulisya ang napuruhan. Nakita namin ang ilang mga kontrabando sa dating selda ng mga ito. Estrikto ang pagpapasok ng mga iyon dito ngunit nakapasok sa kadahilanang binayaran ng mga nakatakas ang ilan sa ating mga pulisya, na ngayon ay kasalukuyang hinaharap ang mga nakatataas dahil sa ginawa."
Ilan pang pag-uusap ang ginawa ni Renan at ng taga-ulat bago ipinaskil sa telebisyon ang mga pangalan at mukha ng mga wanted na nakatakas.
Para akong tinakasan ng dugo nang makita ang pangalan at mukha ni tatay doon. Isa siya sa mga nakatakas...
"Ito po si Anne Cortes, mula dito sa Las Cosas, nag-uulat. Balik sa'yo, Sir Henry."
Hindi ko na nasundan pa ang ulat ng reporter. Tila isang matinis na tunog ang nangibabaw sa tenga ko at inaalog ang utak ko sa nalaman.
"S-si tatay na iyong nakita ko kahapon..."
Parang isang nauupos na kandila akong napasalampak sa sahig. Pinagtagis ko ang ngipin at ikinumo ang kamay. Nadama ko ang pagpatak ng luha sa likod ng mga palad ko.
Naalala ko ang kababuyang ginawa niya kay ate dati. Iyong mga gabing naririnig ko ang kapatid kong umiiyak, iyong mga panaginip ko na ginagahasa at binababoy ni tatay si ate...
Totoong...nangyari iyon.
Yumugyog ang balikat ko sa pag-iyak. Mariin kong pinikit ang mga mata. Dumidiin sa palad ko ang mg kuko ngunit hindi ko ininda ang sakit na hatid niyon.
Hindi ako bulag, hindi bingi at lalong hindi pipi... Ngunit ginawa ko ang lahat ng iyon sa kagustuhan ni ate-hindi! Ginawa ko 'yon dahil duwag ako. Huwad at takot. Kaya binalewala ko at kinalimutan ang mga nasaksihan.
"A-ate..." Pagtawag ko sa nakatulala kong kapatid.
Mahina ko itong tinapik ngunit nagmukha akong holdaper na tinututukan siya ng kutsilyo sa naani kong reaksyon mula dito. Napatalon ito at takot na napasigaw.
Nagulat ako sa kanyang reaksyon.
Agad namang lumamlam at napahinga ito nang mapansin ako lang ang tumapik sa kaniya.
"I-ikaw lang pala, Ysa." Napahawak pa ito sa dibdib. "Ano iyon, bunso?"
"Ate, k-kamusta ka?"
Natulala ito sandali bago ngumiti.
"Ayos lang syempre. Magkasama tayo araw-araw tapos parang isang buwan taying hindi nagkita at nagkausap kung tanungin mo niyan." Bahagya pa itong humalakhak ng mahinhin.
Sinungaling ka, ate. Utas ko pa sa likod ng isipan.
Sandali ko itong pinagmasdan. Tahimik lang habang nakaupo sa tapat nito.
Kung titingnan mong tumawa at ngumiti si ate ay aakalain mong wala itong problema at masaya lang palagi. Ngunit sa likod nun ay sakit, lungkot at pagdurusa.
Isang takas na luha ang tumulo sa mata ko. Naglandas ito sa aking pisngi nang hindi ko namamalayan. Ni hindi man lang lumukot ang mukha ko at nanatiling matiim na nakatingin lang kay Ate Roan.
Natigilan ito sa pagtawa at napalitan ang kaniyang ngiti ng taranta.
"Y-ysa? Bunso, bakit ka umiiyak?" Nag-aalala nitong tanong.
Umiling lamang ako at pinahiran iyon ngunit sumunod ang marami pang patak ng luha at hindi ko na napigilan nang kumawala ang hikbi sa bibig ko.
Patuloy ko pa ring pinapahiran ang mga luha kahit basang-basa na ang pisngi ko sa patuloy na pagdaloy ng luha mula sa nga mata ko.
"Bunso! Ano ang nagyayari sa'yo? Bakit ka umiiyak?" Narinig ko ang pag-papanik sa boses nito.
"Ate n-nakita ko ikaw...g-ginalaw ka ni tatay, ate..." Mas lalo akong humagulhol ng iyak nang sa wakas ay nasabi ko na rin ang gustong sabihin.
Parang binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig ang hitsura ng kapatid ko ngayon. Namutla ang mga labi nito at nanginginig. Ang mga mata niya'y nanlaki na parang nakakita ng multo. Nagbukas-sara ang bibig niya na tila may nais sabihin pero hindi magawa.
"Nakita k-ko ate...naririnig ko ang mahina mong pagsaklolo. Nasaksihan ko ang p-pangmomolestiya sa'yo ng...sarili nating a-ama." Unti-unting humina ang boses ko.
Nangulap ang tubig sa mga mata ni ate, at nang mas rumami pa ay tuluyan na iyong umagos sa kaniyang mga mata na tila isang talon.
"Ate..." Pahagulhol kong tawag sa nakatulala kong kapatid sabay yakap dito. Parang poste si ate at hindi natinag. Para bang nasemento ito at hindi na makagalaw.
Ilang sandali akong umiyak habang yakap-yakap si Ate Roan.
"Ysa..."
"A-ate?"
Bumitaw ako sa pagkakayap sa kaniya at tiningnan siya. Hinila ako nito paupo at hinawakan sa magkabilang balikat at maiging tinitigan sa mata.
"Makinig ka ng mabuti sa sasabihin ni ate, ha? Alalahanin mo ito at huwag na huwag mong aalisin sa kokote mo."
Tinuyo niya ang ang pisngi ko gamit ang mga palad at pinalis ang mga buhok na tumabing sa mukha ko. Tumango ako na parang tuta.
"Sa susunod na..." Nabasag ang boses nito kaya't tumikhim. "Sa susunod na masaksihan mong...ginalaw ako ni t-tatay... Huwag kang tumingin, huwag kang makinig at huwag kang magsasalita tungkol sa mga nakita mo, nagkakaintindihan ba tayo, Ysa."
Umiiyak akong tumango.
"Opo," utas ko.
"Mabuti..." Malumanay nitong hinaplos ang buhok ko. "Ayokong saktan ka niya. 'Di bale nang ako ang magdusa, huwag lang ikaw. Huwag na huwag ka lang niyang saktan at galawin. Poprotektahan ka ni ate."
Niyakap ako nito at hinalikan sa ulo.
"Mahal na mahal ka ni ate, bunso."
Mahal na mahal din kita, ate. Dapat hindi ko sinunod ang sinabi mo, dapat hindi ako tumiklop at tumayo ako para sa'yo, sa atin dahil iyon ang kailangan mo ng oras na 'yon. Pero sinunod kita, tumiklop ako gaya ng makahiya sa oras na kailangan mo ng taong tatayo para sa'yo...
Kung humingi ako ng tulong sa awtoridad noon at hindi nagpakaduwag, siguro ay buhay pa si ate. Siguro ay nakaalis kami sa bahay namin ngayon at simpleng namumuhay malayo sa karasahan at sa kamay ng aming ama.
Pero naduwag ako... Naduwag ako na kapag matunugan ni tatay na humingi ako ng tulong sa pulisya at nagsumbong sa ka-imoralan niya ay mas lalo niyang saktan si ate, ang mas nakakatakot ay baka magaya ito kay nanay na bugbog sarado ang abot. Sinunod ko ang kagustuhan ni ate Roan, dahil ang once anyos na Maria Ysabelle ay masunurin sa kaniyang mahal na ate.
Kaya pinili kong itikom ang bibig, ipikit ang mata, at takpan ang tenga...para kay ate. Subalit, kamatayan ang inabot nito dahil sa pananahimik ko. Hindi lang pambababoy at pang-aabuso ang nakuha niya. Pagkitil sa kaniyang buhay at sa kaniyang anak ang kinahinatnan ng lahat... Dahil sa akin. Dahil sa pagprotekta niya sa'kin, dahil sa pagmamahal niya sa akin...
Dadalhin ko hanggang sa aking hukay ang konsensiyang dulot ng pagkawala ng aking nag-iisang kapatid.
"Ate! Ate!"
Pinagdutdutan nina Israel at Ismael ang mga mukha sa camera. I laughed at the cuteness of my two little brothers. I badly want to pinch their cheeks but I can't. Sa camera ko lang sila nakikita at hindi mahawakan.
"Kamusta na kayo mga bubwit?"
Nag-agawan pa ang mga ito sa camera bago inawat ni nanay. My mother popped in the camera. She heaved a sigh after scolding the twins. Napakakulit kasi ng kambal.
"I miss you ate..." Si Ismael.
"Ate lablab ikaw ni Ismael at Israel." Nakalabing wika ni Israel.
Maayos na sinet up ni nanay ang camera isang metro mula sa kanila. Nakaupo ang mga ito ngayon sa sofa ng bahay. May hawak na tig-isang laruan ang nga kapatid habang nakatutok ang ng mata sa camera.
"Ate kailan ikaw babalik?"
Malungkot akong napangiti.
"Mga dalawang buwan pa ako rito, Ismael. Pero mabilis lang naman iyong lilipas. Magkakasama din tayo ulit. Miss na miss na miss na kayo ni ate."
Naipakilala ko si Ate Roan sa kambal. Kapag bumibisita kami ni nanay ay dinadala namin ang kambal. Minsan, kapag pinapasyal ko sila at nagbo-bonding kami ay hindi ko maiwasang isipin na sana kasama namin si Ate Roan. Na sana kasama ko siya sa pagpasyal sa makukulit naming kapatid.
Everytime I'm with the twins, the hole in my heart is temporarily being tampered and the hollow by my longingness towards my late sister is temporarily filled.
How I miss being with them. Iyong mga kulitan moments namin, iyong tinutukso ko silang tutuliin ko sila gamit iyong kahoy na pamukpok.
Ilang minuto pa kaming nag-usap ng kambal bago sila pinaalis muna ni nanay. Alam ko kung ano ang pag-uusapan namin...si tatay.
"Anak, napanood mo ba ang balita kaninang umaga?" Pabulong na utas ni nanay.
"Opo."
Bumalot ang pangamba sa mukha nito.
"Ysabelle, mag-iingat ka." Mariin nitong turan.
Unti-unti na ding binabalot ng takot ang sistema ko pero nanatiling kalmado.
Medyo sensitibo kami ni nanay kapag si tatay ang pinag-uusapan. Kahit ganoon ay hindi namin maisawalang-bahala nalang ang pagtakas nito dahil maaaring balikan kami nito kung sakali at hindi namin alam ang pwede nitong gawin. He's part of a sindicate. He's dangerous!
"Opo, nay. Kayo din."
Tumango ito. "Hindi natin alam baka bigla nalang umatake ang tatay mo nang hindi natin napaghahandaan." Aniya.
Nang malaman naming nahuli si tatay ilang taon na ang nakakalipas ay napagdesisyonan ni nanay na bisitahin ito. She's traumatized upon hearing his name, much more see him in flesh! But she chose to face her fears, and I was beside her all throughout the time.
Tila isang bangungot si tatay, isang masamang pahina ng aming buhay na kailanman ay ayaw na naming buksan pa. But to let go of the past is to put closure on it. We can't completely move forward if we can't face him and close everything that's in the past.
It's one way or another; to completely finish the book upon closing it, or move to another without a proper closure.
Pero nang aming puntahan ay pinanlisikan lang kami nito ng mata. Galit ang ibinungad nito. His exact words were...
"Anong ginagawa mo ditong puta ka?! Bumalik ka pa talaga, ha? Pagkatapos mong iwan ang mga anak mo-"
"Oo, Ramon. Mga anak KO. Akin. Dahil kung tutuusin hindi ka matatawag na ama sa ginawa mong p-pambaboy sa anak ko!"
Hindi ko pinigilan si nanay na paghahampasin ito at pagsasampalin. He deserves that. He deserve more than that. But that will do for now. And no... We're not here for forgiveness, we're here to vent out our frustrations and anger to him because of what he's done to us.
Sa ginawa niya ay hindi agad namin ito mapapatawad, maybe in time... But definitely not now.
Umiiyak na ngayon si nanay. Hindi makapalag si tatay dahil nakaposas ito. The policemen on standby didn't meddle with them, they just let my mother weep through slapping my father. Maybe these authorities are already used to this kind of scene that they knew how to deal with it. But if things get worse, alam kong diyan na sila mangingialam.
"Kasalanan mo, Cristina! Iniwan mo sila!" Sigaw ni tatay kay nanay.
Nakita kong natigilan si nanay doon. Nanlisik ang mata ko kay tatay.
"Huwag mong isisi sa iba ang kawalang-hiyaan mo, tatay." Sinadya kong magtunig sarkastiko ang pagtawag ko sa kaniya ng "tatay". Dahil hindi naman siya tumayong ama sa amin kailanman.
"Iniwan nga kami ni nanay, pero hindi siya ang nagpilit kay ate na gumamit ng droga, hindi siya ang nagpasa kay ate sa mga adik niyang kaibigan upang molestiyahin, hindi siya ang nanggahasa sa sarili niyang dugo't-laman, hindi siya ang nagtangka kay ate na sasaktan ako upang sundin ang lahat ng gusto niya. At lalong hindi siya ang p-pumatay kay ate at sa apo niya. Huwag ka pong mambintang, masama iyon." Utas ko habang mariin itong tinitigan sa mata nang walang emosyon. Hindi ako lumuha dahil muhi ang nananaig sa akin ngayon.
Pareho silang may pagkukulang sa amin bilang magulang. Pero pareho din kami ni ate na may pagkukulang bilang anak... Dahil walang perpektong pamilya.
Nanlaki ang mga mata nito at gigil akong pinanlisikan. Iginalaw pa nito ang katawan na tila gustong kumawala mula sa kaniyang pagkakaposas.
"Isa ka pang peste ka! Wala ka nang ginawang tama. Palamunin at pabigat ka pa-"
"Nakakahiya naman po sa inyo kung ganoon." Kalmado kong wika ko na lalong nagpagalit dito.
Sabi ng Diyos, "Igalang mo ang iyong ama't ina" ngunit makailang beses ko na iyong nasuway. Hindi rason ang "tao lang ako, nagkakamali din" to justify my faults.
I was enraged when I disrepected my mother by not talking to her, at noong sinabi ko kay Brandon na wala na kaming magulang ni ate. Good thing I wasn't able to talk bad when my mother took me back. I just kept mum. Pero ngayon, alam kong hindi ko na nirerespeto ng harap-harapan si tatay. And I know that I'm disobeying God's command. But I can't help but to say my frustrations out loud.
Pinagbantaan kami ni tatay na huwag na siyang bisitahin kailanman. The same goes for us. Ito ang una at huli naming pagbisita sa kaniya. It took us half an hour of "talking" after we've gone home. Pero bitbit namin ang banta niya na humanda kami kapag nakalabas siya.
Ilang taong sintensiya ang pagbabayaran ni tatay sa kulungan, 20 years to be exact. Pero hindi kuntento si nanay doon, ganun din ako. Kaya dinagdagan ni nanay iyon sa pamamagitan ng pagsampa sa kaniya ng kasong pang-aabuso at rape sa kaniya, ayon sa womens right. Iyong pinagdaanan ni nanay noon, ako at ibang kasambahay namin sa Dospordos ang nagsilbing witness. Nanalo si nanay at nadagdagan nga ang kaso nito.
And now...he's back, with a vengeance. Nagpumilit itong lumabas ng kulungan at tingin ko'y mahihirapan kami ngayon...
"This is our skeleton for the packaging design. May mga nahanda nang fonts for the brand name and bulb designs for the image."
Noong binigay sa amin ang assignment last week ay nag-brainstorming kami at gumawa na ng outline. And now, we're here to make the packaging design with the chosen background color, fonts, designs and etc. The external part of the packaging has a simple yet enticing look, as per the outline. Ang internal naman ay may pagkacomplicated.
This packaging is good for almost all the type of bulb products in this company. Flexible kasi ang loob nito with a unique paper cut design.
"The design for the internal packaging isn't the usual and somewhat costly because of it's intricate design. But it's good for almost all the type of bulbs because it flexes depending on the bulb's shape and size." Ani pa ni Sir Jarred.
Lumingon ito sa aking gawi habang nag-e-explain sa packaging design. Ako nama'y tango lang ng tango. Madalas din ako nitong tanungin for suggestion. Halos lumaki na ang butas ng ilong ko sa stress dahil palagi akong natatanong habang ang iba ay tahimik lang na nakikinig.
Kanina pa din labas masok si Max dito naghahatid ng mga snacks kumukuha ng files sa cabinet, siguro'y inuutusan ng ibang empleyado sa labas.
Napansin ko ding masama ang mood nito base sa nakasimangot nitong mukha.
"Max, ayos ka lang?" Bulong na tanong ko dito. Nag-aayos ako ngayon ng gamit at iilan nalang kami dito sa loob ng board room. Si Hannah naman nag-C.R kaya hindi nakachika kay Max.
"No." Nagtagis ang bagang nito at mariing nakatutok kay Sir Jarred na kausap si Nilo.
"Bakit?"
"He's clearly hitting on you." He said in monotonous tone.
"Sino?" Taka kong tanong.
Ngayon lang ako nito tiningnan. He didn't answer. Ibinalik nito ang tingin kay Sir Jarred na parang kuysilyo sa sobrang talim.
Lumapit ako dito ng bahagya at tumingkayad para makabulong sa kaniyang tenga.
"Ipapatumba ko na ba bossing?" I playfully asked him in a low voice, referring to Sir Jarred. Ang samang makatingin, eh.
Pinanliitan lang ako nito ng tingin at nilapit ang bibig sa aking tenga. Good thing walang nakatingin sa amin ngayon.
"Meet me at the parking." Aniya at agad na umalis.
Hindi na ako nakapalag dito. Bakit sa parking lot? Sabi ko sa gilid ng Phoenix Gas station niya ako kunin, eh, para walang makakita.
Pero infairness, amoy maxx menthol candy ang hininga ni Max. Sabi ko na nga ba paborito niya iyong kendi na maxx, kapangalan niya, eh. Hehe, natawa ako ng mga five sa joke ko. Waley.
Sabay kami ni Charisse bumaba, humabol pa si Sir Jarred sa pagsara ng elevator. Hanggang ground floor lang si Risse.
"Bye, Ysa."
"Bye."
Tinawag lang nito sa pangalan si Sir Jarred at tinanguan.
Si Sir Jarred hanggang basement din gaya ko, kaya medyo kinabahan ako. Nangangamoy na ang papalapit na "issue" namin ni Max dito sa kompanya.
Medyo namawis ako pagkalabas namin ng elevator. Natigilan ako sandali dahil hindi nasabi ni Max kung saang banda ko siya kakikitain. Ano 'to para kaming nagha-hide and seek? Hahanapin ko siya? Ako taya? Swerte niya, ah.
"Ysabelle, gusto mong sumabay na sa'kin?" Ani Sir Jarred.
"Ay, naku. Huwag na po, Sir. Salamat nalang."
Itinagilid nito ang ulo at tinuro ang sasakyan na Toyota.
"Huwag na po." Iniling ko pa ang ulo para mas maniwala ito. "Ayos lang po talaga, salamat."
"Okay then. I'll...go ahead. Take care."
Tumango ako. "Kayo din po."
Pumasok ito sa sasakyan at pinasibad iyon. Hinintay ko pang mawala iyon sa paningin ko bagi nagsimulang hanapin ang pabebe na si Maximus.
Inikot ang isang parte ng parking lot para hanapin ang motor niya.
Tumigil ako sandali at namewang saka bumuga ng hangin.
"Ang laki pa naman nitong parking lot. Baka bukas pa ang abutin ko bago mahanap 'yung lalaking 'yon."
Napunta nalang ako sa corner nitong basement wala pa rin. Kanina ko pa nararamdaman ang presensiya sa 'di kalayuan pero binabalewala ko lang. Hindi ako pwedeng magpadala sa takot dahil hahanapin ko pa si Maximus.
Just then, I heard a faint voices talking on the right corner from where I'm standing.
Nakita ko roon si Max na may kausap. Pamilyar ito...