Nakita ko roon si Max na may kausap. Pamilyar ito...
Ang C.E.O?
Nagtago ako sa likod ng isang sasakyan at hindi muna ito nilapitan.
"-told you, you have to go back. You can't leave the company for too long, Maximus."
"Give me more time."
The C.E.O of Core Inc. massaged his nose and shook his head like he's dissapointed of something.
Pamilyar ang mannerism na iyon.
Hindi ko nakuhang malaman ang pangalan ng boss ko noong nagpakilala ito sa board at biglang sumingit sa orientation. Bigla kasing chumika sa akin ang katabi kong trainee noon.
"Na pari i eychi, Maximus. Your agenda in here has long been done. Kristo! If you learned to love cleaning, then clean the whole building of Core Inc. in Greece!"
Max shrugged. "I like the pollution of Manila, so I'll stay here."
Nangunot ang noo ko sa pag-uusap ng dalawa. They talk like they seem to know each other for a long time.
"The company needs a leader-"
"Oli is there. He can handle it."
He looks so bored upon their slightly heated talk.
"Maximus..." Napabuntong-hininga ang matanda na parang sobra ng nakokonsumisyon kay Max.
"Son, please..."
Wait... What?
Tama ba ang narinig ko? Son?
Anak si Max ng may-ari nitong Core Inc.? P-paano? Si Alexander Aétos...ang ama ni Max, ay siya ring boss ko?
"I have to go, dad. Let's talk some other time."
Umalis ako roon at sumakay ng jeep pauwi. Lito ang isip ko ngayon ng mga katanungan.
Si Max... This is madness!
Hindi ko alam kung hinintay nga ako ni Max sa parking lot ng building pagkatapos nilang mag-usap ng...ama niya.
Hindi ako nagwalk-out kanina. Ang alam ko lang ay kailangan ko ng umuwi... dahil traffic ngayon. Rush hour na kaya!
Pagkauwi ko ay hindi binuksan ko ang mga ilaw. I kept them off so that Max will conclude that there's no one home. Alas-sais palang ay naghapunan na ako, pagkatapos ay nagkulong sa kuwarto. I opened the lamp since its light won't reflect outside. Wala din namang bintana 'tong maliit na kuwarto kaya ayos lang.
My mind drifted to the talk I've heard...err..."eavesdropped" hours ago...
Was is it true? Kung ganun... Paanong naging janitor si Max sa sariling kompanya nila? And worst... He didn't tell me about it. I mean, hindi kami, buthe hid it from me.
Bakit?
Alam kong hindi siya palasalita, pero para itago niya ang katauhan niya?
Nakarinig ako ng pagtunog ng doorbell. I slowly lifted the sheets that's covering half of my body and crawled out of bed.
In a very silent way, I walked near the main door but stopped in front of it. I don't have any plans of opening it. I just...well, want to hear his voice.
I heard him calling me out.
"Are you there, Bella? Bella?" Kumatok ulit ito.
"It's me, Max. Bella, if you're there please open this. Bakit hindi ka dumating sa tagpuan?" May halong pagmamakaawa sa boses nito.
I turned my phone off an hour ago, but before I did nakita kong tadtad ng tawag at texts ang cellphone ko mula kay Max.
I just sent him a simple message saying, 'I'm home' to assure him that I'm okay.
"Hijo, baka tulog na iyang si Ysa. Kita mong patay na lahat ng ilaw, oo."
Narinig ko ang boses ni Lola Iska na kumausap kay Max.
Minutes passed but I remained statued in front of the door. I don't know if he's gone, but I was wrong when I heard him again.
"Bella..."
And it was then, his motorcycle's engine roared to life, saying that he's already gone home.
Napasandal ako sa pader at napabuntong-hininga.
The information I heard is now slowly sinking inside my head. Max is not a utility personnel in the company, he's the owner's son!
I heave a deep breath as I walk my way back to my room.
Bakit itinago iyon ni Max?
Inaamin kong nagtatampo ako ngayon dahil nilihim nito sa akin ang kaniyang pagkatao. Pero hindi naman nagbago ang paningin ko dito, semento pa rin ito. Malamig, pero may kaunti ng pagbabago sa temperatura. Bumaba na ang lamig ng kaunti dahil marunong na itong ngumiti ng hindi ako masyadong nag-e-effort.
Nanligaw pa. Diba? Grabeng pagbabago 'yun.
Hindi ko alam kung ano ang totoong intensiyon ni Max sa panliligaw sa akin. Kung totoo ba talagang...may gusto siya sa akin o nang-e-echos lang siya. Nanliligaw siya sa akin pero marami pa akong hindi alam sa kaniya. We didn't get to know each other that much. That's the purpose of courtship right? To get to know each other.
I can't help but doubt his true intention of courting me. After years of no communication, ilang linggo lang at nagtapat na ito ng kagustuhan na manligaw. Relationship is no joke. You commit, you trust, you respect and you love. But how can I commit to a relationship when we're not being true? Secrets were scattered on the floor and some truths were covered with white cloth.
And why the hell am I taking about a bloody relationship?!
Dahil gusto mo din siya.
Lang'ya...
Talaga? Totoo?
I can see my brain nodding with a devilish grin.
Shet...
Then it dawned me... Why am I acting so extremely affected because of what I heard? Why am I overreacting?
Gaga ko talaga. Pinayagan ko ngang manligaw-wait, no. He insisted to court me. In his owm words, whether I approve or not he'll pursue me.
Gusto ko na ba talaga si Max?
Oo. Napakadefensive mo nga kanina. Grabe ang words of wisdom mo sa pag-ibig. 'Kita mo, kakainin mo din ang mga 'yon. Chew it well when it happens. Namnamin mo ang sarili mong mga salita.
At saka, nagseselos ka kay Hannah. Hmm, aminin... Pati pinsan niya pinagkamalan mong nobya niya. At saka, napakapabebe mo sa kaniya. Tapos pumayag kang magpahatid-sundo dahil manyakis ka! Gusto mong makapa ang oh-so-hot niyang abs. Buti narealize mo ding inggrata ka na gusto mo nga siya, congrats. Oh, by the way. Note the sarcasm, darling.
May multiple personality disorder ba ako? Pansin kong parang may ibang katauhan sa loob ko. Palaging may bumabara sa akin, eh. Maybe I should consult myself to a psychiatrist soon.
Napahilamos ako ng mukha at napabuntong-hininga.
Gusto ko na nga si Max. Kaso... Iiihhh, nahihiya ako.
Maarte kong pinadyak ang mga paa saka pinagkrus ang mga kamay at ngumuso na parang pucker fish.
Pabebe nga.
Sa nagdaang dalawang araw ay hindi ko gaanong kinikibo o pinapansin si Maximus. Patuloy pa din ako nitong hinahatid-sundo, pero wala akong imik kadalasan.
Sa trabaho naman ay pilit kong hindi magkrus ang landas namin dahil kukulitin na naman ako ulit nito. He's pretty observant at siguradong alam na nito na may problema sa akin dahil sa pag-iwas ko sa kaniya sa trabaho at pagiging pipi kapag magkasama kami.
Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ka big deal sa akin ang paglilihim nito. Na hindi niya sinabi sa akin na anak pala siya ng may-ari. Hanggang ngayon ay narito pa rin ang pagtatampo sa loob ko.
Pabebe ka kasi.
Nanlaki ang butas ng ilong ko sa pagsingit ng traydor kong parte ng isip.
'Paulit-ulit? Boomerang ka, sis?
Mas pabebe pa rin si Maximus, pangalawa lang ako.' I rebutted to...err, myself.
Maayos pa naman ako sa lagay na'to. No need to worry. Hindi pa oras para ipahatid ako sa asylum.
Max's been bugging me about last last day. Kesyo, inindian ko daw siya. Bakit daw hindi ko ito sinipot sa parking etcetera, etcetera. Hah! I ditched him for a reason.
"Bella!"
Natigil ako sa paglalakad sa corridor at napa U-turn. I stiffly walked my way back nang mamataan si Maximus bitbit ang cleaning materials niya.
Parang penguin na natatae ako ngayon habang naglalakad.
"Ysa!" I halted when Charisse suddenly popped out of the blues and blocked my way.
She made this weird action like she's going to pee or something. Enekis-ekis nito ang mga paa at tila pinagpupulupot ito sa isa't-isa.
Napatakip ako ng tenga nang bigla itong tumili pero agad ding tinikom ang bibig at walang boses na lamang na sumigaw.
I was stood frozen when she gripped both of my shoulders and shaked me.
What's with her?
"Guess what?!"
Tumaas ang dalawang kilay ko.
"We're going to have a team buildinggg! Yes!"
"Talaga?"
Binitawan ako nito at tumango.
Inayos ko ang damit na nagusot at inayos ang hawak na folders.
"When?"
Nagkibit-balikat lang ito at niyapos ang hawak na papeles.
"Narinig ko lang. Nakita ko kasing nag-usap sina Jarred at Sir Siegfred. Kaya nakitsismis ako."
Napangiwi ako nang maalala ang pakikinig ko din sa pag-uusap ng mag-ama sa parking lot noong nakaraang araw.
"I feel you, Risse." Mahinang bulong ko.
"Ha?"
"Ah, wala." Kinampay ko ang kamay sa ere.
"Bella."
Charisse's eyes averted to the man behind me. "O, Dane!"
No...
Nagpapalit-palit ang mga mata ng babae sa akin at sa tao sa likod ko.
I tightly shutted my eyes.
"Anyways, baka i-announce nila ang team building anytime this week. Gotta go, ire-re-type ko pa ang mga 'to," sabay pakita ng hawak na mga papeles na kanina lang ay yakap-yakap nito. "Bye!"
Then she started to walk away, leaving me and Max...alone. In this silent and lonely corridor.
Okay. Deep breath...
"You've been so distant lately," panimula nito.
"Uh..." I nervously faced him and chuckled awkwardly. "Have to go too. Ipapasa ko pa 'to." Pangwawala ko pa. I lifted the folders and showed it to him.
What an alibi.
I didn't wait for his response and immediately run away.
Geez. This is so awkward! Bakit ko pa kasi narealize na gusto ko siya, naiilang tuloy ako. Para naman akong teenager nito- feeling teenie- na tinatakbuhan ang crush niya. Bente-uno na ako, susmaryosep.
Sa takot na baka makasalubong na naman si Max ay nag-ala ninja ako. Look to left, look to the right...kapag no signs of Maximus, gora at takbo papunta sa dapat puntahan. Kung pwede nga lang ay manatili nalang sa cubicle ko para less ang chance na makabangga ito.
Now I'm thinking... Should I stop him from driving me back and forth from home to work?
I seriously don't know how to handle this..."feelings" I have for him that's starting to grow. Or maybe it's already planted a long time ago, and I just failed to notice it. And now, it's spreading throughout my entirety like a deadly virus.
As usual , I'm mute as of the moment. Kung normal na araw lang ito ng paghahatid niya sa akin ay nagtatalsikan na sana ang mga laway ko sa kakadaldal kay Max. Kaso...hindi.
I silently gave him back the helmet after I unclasped it under my jaw.
Hindi nito tinanggap iyon. Bagkus, ay pinatay nito ang makina ng motor at tinanggal din ang helmet. Pinatong nito ang dalawang braso sa manobela ng motor at tumingin sa aking gawi.
Dahil wala naman yatang plano ang lalaki na kunin ang helmet ko ay ako na lamang ang nagsabit niyon sa hawakan.
"Bella."
"H-ha?"
"Can I have a glass of water?"
Napakurap ako. "Ah, eh. Ano, wala, eh."
Totoo 'yun. Hindi pa ako nakapag-order ng gallons ng mineral water kaya naubusan, sa opisina na nga ako nakiinom. Hulog-hulog lang muna ako ngayon ng tigpi-piso para makainom ng tubig.
"Maria Ysabelle."
My chest thumped like a maniac upon hearing him call me on my full name.
I hastily moved my gaze. But in the end I still did look at him.
And there, I saw his gem like green eyes...drawing me to look at them, to mesmerize their beauty. Noon pa man ay hinahangaan ko na ang mga mata niyang tila nanghihigop ng lakas. Mga mata na nakakapanghina ng tuhod na para bang ina-arthritis ka. Mga mata niya na parang blackhole na kapag nahigop ka ay wala ka nang pag-asang makalabas pa.
And here I am, all willing to be a slave of those emerald orbs.
Agad kong nakalimutan ang dapat na pag-iwas dito. His warm touch sent electricity all over me and partnered with his hypnotising eyes, I got no choice but to surrender and feel his warmth through his touch.
I purred like a kitten as he carefully caressed my cheek with his thumb.
You're making me crazy, Max.
"Excuse me, angkas driver ka po ba? Pwedeng pasakay?"
Our momentum suddenly went down the sink when someone intruded. Great. Just...great- Shet memeng.
Napatuwid ako ng tayo at napatakip sa bibig.
Anong purgatoryo, Ysabelle?! Ano 'yon?! Ano 'yong ginawa mo. s**t! Kahiya!
Para lang naman akong asong ulol na naglalaway na nakatitig kay Maximus kanina. Para akong patay na patay kung makatitig dito. Grr... Ysa! I shrugged it off my head to shake the shame away that's slowly penetrating me.
Napabaling ako sa babaeng nakasuot ng short shorts, spaghetti strap top, three inches heels, bloody red lipstick at super duper ultra mega long false lashes. Sana nagdala ito ng jacket para hindi macat-call. May ilang manyak pa naman sa kanto sa labas nitong compound.
"Hello, babyahe ka ba papuntang Quiapo?" Tanong ng babae kay Max.
"Angkas driver ka diba? Pasakay pogi." Pagpapatuloy pa nito.
Ay...
"Naku, miss. Hindi. Hindi po siya angkas driver-"
"I'm her personal driver." Singit pa ni Max sabay turo sa'kin.
Pareho kaming natanga ng babae. Shet na malupet.
"Uy, ikaw iyong magdamag na tumatambay lagi dire sa labas ng bahay ni Ysa!"
Sabay naman kaming tatlo na napalingon kay Lola Iska na sumigaw at tinuro si Max habang nagdidilig ng kaniyang mga bonsai.
"Ysa! Boypren mo ba 'yan? Kay gwapong binata!" Sigaw ulit nito.
Lumabas si Allen sa kanila at marahang hinila ang kaniyang lola saka kumaway sa akin na parang nanghihingi ng despensa. Napakamot pa ito sa ulo bago tumalikod kasabay ni Lola Iska.
Paglingon ko sa gawi ni Maximus ay nakita kong nag-uusap na ito at ang babae. So I silently tiptoed and walked away from them, baka madisturbo ko pa.
I thought I was successful from walking out of the scene, but no... I didn't.
"Walking away again?"
Naitirik ko ang mga mata sa kaba.
"Ah, hehe. Hindi mo ba ihahatid si ate?" Ninguso ko ang babae na parang naghihintay kay Max.
His forehead creased. "Hindi ako namamasada."
Tinagilid ko ang ulo at sumilip sa babae saka tumingin ulit kay Maximus.
"Ihatid mo na, baka mabastos pa 'yan sa may kanto kung sa labasan pa siya sasakay."
Sandaling nagkaroon ng munting staring contest sa pagitan namin bago ito kumurap at bumuntong-hininga.
"We'll have a talk when I get back."
"Ay naku, magpahinga ka nalang pagkatapos mo siyang mahatid. O, sige na at papasok na ako. Ingat kayo." Tipid akong ngumiti dito at tumango sa babae bago pumasok sa loob.
Katulad ng narinig ni Charisse, heto nga kami ngayon at pinagdidiskusyunan ang tungkol sa team building. Pero kasalukuyang lumilipad ang utak ko ngayon at hindi mahagilap kung nasaan. Baka nasa kalawakan.
My brain said, "I need space."
Nakapangalumbaba ako habang nakatitig sa kawalan.
"Hoy, Ysa."
Muntik nang mabagok ang ulo ko sa lamesa nang tinulak ako ng kung sino.
"Sino 'yung-" Marahas akong napalingon at nakitang nakatitig sa akin ang lahat. Nasa akin pala ang spotlight ngayon.
From slouching, I sat formally.
"Yes?" I formally asked them.
"Tinatanong ka ni Sir, may suggestion ka daw ba para sa team building." Bulong ni Andy sa'kin.
Napatango ako at bumaling sa harap.
"Uh, beach as a venue?" I unsurely suggested.
"Na-suggest na iyan ni Hannah."
My eyes averted to Hannah. She smiled sweetly at me. "Yeah, we have a resort, and it's not that known yet so it has lesser tourists than the usual resorts. Meaning, mas magagawa natin ang team building without getting hassle of too much people walking back and forths as we do the activities."
"Ah, mabuti pala iyon. Magkano ang ambagan?"
"Oh, silly." Hannah waved her hand and chuckled. "There's no need for that. The entrance and hotel accomodation is all on me. That's ours anyway."
"Sa amin nalang siguro ang bayad sa hotel accomodation, Hannah. Business pa rin ng pamilya niyo iyon at tulad ng sinabi mo, hindi pa gaanong marami ang turista. Kung ililibre mo kami sa bayarin malaking bawas iyon sa kikitain niyo sana." I uttered.
"No, it's okay. Really." She insisted.
"Hannah, I think Ysa is right." Charisse butted in.
"Yeah. Hindi mo naman kailangan saluhin lahat ng gastos, Hannah. May sweldo naman kami and we can pay-no offense meant. We are actually grateful for your kindness, but we're a team here. Diba?" Noli spread his arms widely. "We should work as one, and pay as one."
Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Noli.
Hannah sighed in defeat but still has a ghost of smile on her lips.
"Okay fine, I get it. Kayo na ang bahala sa entrance fee at ako naman sa hotel accomodation. No buts."
We growled at that. Ilang minutong diskusyon pa ang inabot bago namin napilit ito. But after that I spaced out again when I saw Max passed by the slightly open door of the board room with his trolley. I didn't get to catch up the discussion and went half unconscious the rest of the time until I went home.
Kaya heto ako ngayon at hindi alam kung saan ang resort nila Hannah. Ang alam ko lang ay bukas na gaganapin ang team building.
I was about to text Charisse to asl for the location and time that we will meet, nang may pumasok na text message na nagsasabing mula iyon kay Andy. Naroon na lahat ng kailangan kong impormasyon.
Good. Now, all I need is to pack and be ready for later.