•|UNANG KAIBIGAN|•
Sa isang malambot na kama, at malamig na lugar nagising si Andrey sa isang ’di pamilyar na bahay. Bigla itong napa bangon at inilibot ang mga mata sa kabuuan ng silid. Nag abot ang mag kilay nito at nagtataka kong bakit ito naron sa malaking silid.
“ Gising kana? Kumusta ang nararamdaman mo? May masakit ba? ” isang nag aalalang boses nang babae ang narinig niya sa likod, kaya nilingon niya Ito.
“ Si-sino ka? A-anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito? ” nauutal nyang saad habang 'di makatingin nang deretso sa babae, nahihiya ito.
“ Nabangga kita kanina, humihingi ako ng pasensya hindi ko sinasadya, tsaka 'wag kang mag alala natignan kana ng Doctor ko. Hindi naman napuruhan ang katawan mo” nagulat ito sa narinig galing sa babae, nabangga siya at unang pag kakataon iyon na nangyari sa buhay niya.
“ Nabangga mo ako? ” hindi siya makapaniwala, unang punta pa man daw niya sa Maynila minamalas na.
“ May dala kang maleta? Saan ang bahay mo? Ihahatid na kita ” pag alok nang babae. Mas lalo siyang nahihirapan dahil wala pa siyang bahay o boarding house na matutuluyan.
“ May Itatanong ako, bago kalang sa Manila no? ” tanong nang babae tsaka umupo sa couch.
“ Oo! ” maikli niyng tugon habang nag hahanda nang tumayo.
“ May matutuluyan kaba?May kamag anak kaba dito? ” sunod sunod na tanong nang babae sa kanya.
“ Mag hahanap pa, ahm salamat pala at aalis na ako mag gagabi na at mag hahanap pa ako. Ahmm mag tatanong ako may malapit bang boarding house sa Ateneo de Manila University? ” tanong niya, mas maganda kapag ka malapit lang sa University ang nererentahang bahay para maka save sa pamasahe.
“ Sa Ateneo karin mag ka-college? Doon din ako, at tsaka kung gusto mo dito ka nalang muna habang nag hahanap ka ng boarding house, wala akong kasama dito sa bahay tsaka malaki ang bahay ” nagulat si Andrey sa inalok nang babae sa kanya, pero para rito ayos na din ang alok nang babae pero parang malaswang tignan na nagsasama sila sa isang bahay, lalo na't lalaki at babae at sila lang dalawa ah.
“ Malapit lang dito ang Ateneo de Manila kaya pwedeng pwede ka dito, tsaka 'wag kang mag isip na kung anu-ano! 'di tayo talo! Isa pa tatlo tayo dito, kaya kong ayos lang sayo dito ka nalang muna. Malaki ang bahay para sa amin, tsaka may tiwala ako sayo boy ” mahabang lentinya nito kay Andrey, magaan ang loob niya sa babae kaya kahit bago lang sila nagka kakilala binibigay na niya ang tiwala.
“ Salamat ” ani niya pagkababa nila sa hagdanan, namangha siya sa mala mansyon na bahay, kung tutuusin sa silid kanina na kinalalagyan niya, ay kasing laki lang nang bahay nila doon sa probinsya sa Davao.
“ By the way I am Calli Falcon, pero pwede mo akong tawaging Alli, hehe! It's up to you ” nakangiting pagkakakilala ng babae sa kanya.
Ngumiti muna siya ng matamis bago ipakilala ang kanyang sarili ” Ako naman si Andrey Nikki Stephen ”
“ Owkaey bukod sa may itsura ka, maganda din ang pangalan mo ” compliment na iyon para kay Andrey.
Natahimik silang bigla siguro naiilang pa ang dalawa sa isa't isa. Maya maya ay may narinig silang nag do-doorbell kaya nag presenta si Calli na siya nalang daw ang mag bubukas baka ang pinsan daw niya iyon na galing sa probinsya na dito rin mag aaral sa Maynila.
Katunayan nag ba-bakasyon lang iyon sa probinsya kasama ang Lola nito.
“ Oiiii 'andito kana! Kumustang byahi? Bakit ngayon kalang dumating? Kaninang umaga pa ang byahi mo ah? ” sabay palo nito sa kakarating lang na pinsan.
“ Pasensya na Call! May pinuntahan lang ako kanina, halika ka na pasok na tayo ” nag mamadali itong pumasok sa isip ni Calli nag sisinungaling na naman ang magaling niyang pinsan.