IKATLONG PAHINA

654 Words
•| PANGALAWANG TAHANAN |• •Andrey POV’s• “ Hindi ko sukat akalain na dito tayo uli' magkikita ” hindi makapaniwalang saad ko sa katabi ko ngayon. “ Sa bus talaga kayo nag kakakilala ni Alfie? HAHAAH nakakahiya ka ” natatawang saad ni Calli sa pinsan niya. Nakakatawang tignan ang dalawa masaya sila at enjoy na enjoy sa magarang bahay na tinitirahan, kung ganito lang sana kaganda ang buhay namin. “ AHAHAH I'm hungry that time kase and ‘di man lang ako pinabaunan ni Lola ” naka nguso nitong ani habang naglalagay siya nang tubig sa baso. Kanina kase habang babalakin ko sanang mag luto, pinigilan ako ni Calli at mag o-order nalang daw sa Food Panda, o ganyan talaga pag mayaman. “ Oo nga pala kailan magsisimula ang pasukan? ” tanong ko sa kanilang dalawa, umupo na kaming tatlo at kumain na. Habang kumakain sa hapag ‘di maiwasan ang pag kwento-kwentuhan tungkol sa buhay. “ Ikaw Andrey? Kumusta ang buhay sa Davao ” alam niya kong saang probinsya ako nag mula dahil ikwenento ko na iyon kanina pag dating ni Alfie. Nilunok ko muna ang nginuya kong kanin bago siya sinagot “ Ayos naman doon, kaya lang kailangan kong mag Maynila para mai-ahon sila sa kahirapan. Mahirap malayo sa pamilya pero para lang din naman sa kanila ang ginawa kong pag layo. ” may bahid na lungkot kong sabi, pero kalaunan ngumiti din ako. “ Ahhh alam mo Andrey! May prinsipyo ka sa buhay ang swerte ng magulang mo sayo ” abay syempre swerte talaga sila sakin. HAAHAH “ Andrey?Kung dito ka nalang kaya, 'wag ka nang mag hanap ng boarding house total kaibigan na naman tayo ” alok sakin ni Alfie, ganon na ba ako kabait para biyayaan ako nang ganito ka bait na mga kaibigan? “ Tatanggi pa ba ako niyan? ” natatawa kung saad, napuno nang tawanan at kwentuhan ang hapag. Kinagabihan kase tulad nang sinabi ko kanina mag gagabi palang, HAAHAH sensya na ginawa akong makulit ni Author. “Dinadamay pa ako gague ” “ Nye ” Balik tayo sa kwentu, andito ako ngayon kanina kung saan ako nagising, ito daw ang kwarto ko sabi ni Calli, ang ganda nang silid ngayon lang ako nakakita nang mala palasyong bahay, seguro napakayaman talaga nang pamilya nila kaya nakapundar sila nang mala palasyong bahay. Inikot ko muna sandali ang kabuuan nang aking silid, pinuntahan ko ang banyo napadilat mata ako nang makita ko ang kabuuan, ang ganda! Napakaganda. Habang tinutope ang mga damit ko may nakita akong isang papel na nahulog sa isang kong damit, kunot noo ko itong pinulot at tinignan kong ano ang nakasulat. _______________________________________To: Steph ‘Wag ka sanang magtampo kong di ako pumunta sa bus station, aaminin ko nagtampo ako sayo pero hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi ako naroon. Dinala kanina si Ejay (kapatid ni Anya) sa Hospital sinumpong na naman nang kanyang Asthma, hindi ko pwedeng iwan kaya ikaw na bahalang umintindi, mag ingat ka lage sa Maynila hihintayin kita sa muli mong pagbalik dito sa Davao Nagmamahal: Anya _______________________________________ Akala ko nagtampo siya kaya ‘di siya pumunta kanina sa alis ko, sinumpong na naman pala si Ejay. Katunayan naaawa ako sa bata sa murang edad, naranasan na niya ang ganoon katinding sakit. Ipinagpatuloy ko na ang pagtutope at inilagay na sa kabinet ang mga damit. Tapos non ay pumwesto na ako sa kama. Ang lambot talaga nang kama, dagdag mo pa ang lamig nang Aircon. Ang bango bango pa nang silid how could I wish na sana ganito din ang estado nang pamumuhay namin. Kaso ibang landas ang ipinatahak ni lord sa'min seguro may maganda pa siyang plano sa katulad naming mahihirap. Ang gusto ko lang ay ang makapagtapos kahit scholar lang ako, hinding hindi ko sasayangin ang upurtunidad na ibinigay sa'kin. Para sa pamilya ko sisikapin kong pakisalamuha ang lahat nang sa Ateneo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD