IKA-LABING PITONG PAHINA

3033 Words
• WONDERING • “ Saan mo ito nakita? ” kunot noong tanong ni Reuhan. Hindi niya alam o inaasahan na ang bagay na hinahanap niya ay nasa kamay ni Andrey. Ang bagay na dahilan kong bakit sila na stuck sa kweba ng isang gabi. Ang Robix na bigay ng magulang ni Ruehan sa kanya. “ Ah naalala mo iyong nagising ka dahil sumakit ang ulo mo? Ahm.... Lumabas ako non para tignan ang kaganapan sa labas, tapos non nag punta ako sa may ilog. ” tumigil siya saglit tsaka tumingin sa Robix na ngayon ay hawak na ni Reuhan. “ Alam ko Ruehan, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko pero kusa talaga iyang dinala sa akin ng ibon. Maski ako nga nagulat sa pangyayari, pero maski ibon marunong mag pahalaga ng isang bagay. ” mapait na ngumiti ito kay Reuhan. “ Salamat. ” walang emosyon pero hindi malamig ang pag kakasabi nito. Hindi porket walang emosyon hindi na galing sa puso, minsan ang mga walang emosyon ito pa ang nakakaramdam. “ Ah HAHA paano? Hinintay ko lang talaga na makauwi ka para masauli ko iyan. Aalis na ako. ” pag papaalam ni Andrey sabay tayo. “ Mag iingat ka. ” bilin ni Reuhan tsaka dumeretso sa kwarto. Natatawa namang lumabas si Andrey pinto. Pero lumabis ang kanyang pag tataka nong pag hapit niya sa pinto may isang tao din na gustong pumasok, pero umalis ito nong nakita siya ni Andrey. Kaya minabuti niyang I lock ang pinto bago tuluyang lumabas, nag hintay muna siya ng ilang segundo at baka babalik pa ang taong iyon, pero isang minuto na siyang nakatayo at wala siyang nakitang tao. Kaya iniisip nalang niya na baka nag kakamali lang ng hapit ang taong iyon. [ FAST FORWARD ] Pumasok na si Andrey sa Apartment ni Andrew na ngayon ay tinutuluyan niya. Dumeretso siya sa kusina ng mapansin niyang may kausap si Andrew. “ May bisita kaya siya? ” saad ng kanyang isip, kaya dahan dahan niyang sinilip ang mga ito at laking gulat niya ng mapag tanto kung sino ang mga ito. “ Calli? ” sambit niya na ikinalingon nila. “ Andrey? Kumusta ka? ” deretsahang tanong ni Calli. Nilapitan siya nito ganon din si Alfie at Andrew. “ Ah HAHA ayos lang ako, paano niyo nalaman na andito ako? ” umupo sila sa sofa at katabi niya si Calli na may nag aalalang guhit ang mukha. ” Nag tanong tanong kami sa mga kalapit na kaibigan mo, hanggang sa natanong namin dito kay Andrew na andito ka, kaya pumunta na kami. ” saad ni Alfie, naka isip na naman ng kalukuhan si Andrey kay Alfie. “ Ahggg aray!!! ang sakit ng ulo ko!!! Alfie anong gagawin ko? ” pag dadrama nito, naging alerto naman sina Calli at ang kaninang nakatayo na Andrew sa malayuan ay lumapit na rin. “ Anong nangyari? Dalhin ka na namin sa hospital? ” nag aalalang turan ni Alfie, maya maya ay lumabas na ang ka demonyuhan ng bibig ni Andrey at ‘di na nakapag pigil na tumawa. As in tawang tawa siya naging reaksyon ni Alfie. “ Bakit ka tumawa? ” may halong inis na tanong ni Alfie, habang unti unti namang naintindihan ni Andrew ang ginawa ni Andrey. “ AHAHAH..... HAHAHA... Ay sus aminin mo na nag alala ka din sa akin ano? ” tumawa parin si Andrey habang sinasabi iyon. “ Ikaw! ” “ HAHAHAH hindi pa ba kayo nasanay sa kanya? ” natatawang saad ni Andrew. “ Maiba tayo ng usapan. Kumusta ang relasyon mo ng magulang mo? Galit pa ba sila sa iyo? ” tanong ni Andrey. Nag labas muna ng buntong hininga si Calli bago sumagot. “ Huwag na natin silang pag usapan, ang mahalaga nasa ayos ang kalagayan mo kampante na akong don. ” nakangiting sabi ni Calli habang hinimas ang ulo ni Andrey na parang bata. “ Pasensya na talaga huh. ” malungkot at nakayukong saad ni Andrey. Inangat naman ito ni Calli gamit ang hintuturo. “ Wala kang kasalanan, huwag kang humihingi ng paumanhin. Sa ngayon mukhang sa University nalang tayo mag kikita dahil hinigpitan na ako nila Mom. Mga ingat ka! ” nakangiting sambit ni Calli. ~ ” Carol? Kung sasagutin mo ako, hinding hindi ka mag sisisi alam ko hindi ko mahihigitan ang pag mamahal ng dati mong asawa, pero pangako gagawin ko ang lahat para sayo. ” hanggang ngayon ay hindi parin nag sawang manligaw si Roben kay Carol. Hindi ba ganyan naman talaga ang pag ibig? Marunong mag hintay kahit gaano ka tagal makamtam lang ang hinahangad na pag ibig. “ Roben kung sasabihin ko bang itigil mo na ang panliligaw sa'kin? Ititigil mo ba? ” sa narinig ni Roben mukhang nawalan siya ng pag asa kay Carol. Pero kahit na ganon hindi niya pinakita na nabigo siya. “ Hindi! Bakit naman ako titigil? Kahit habang buhay pa kitang ligawan at kahit ilang beses mo pa akong e bastid. Araw araw parin kitang ligawan. ” kumindat ito habang tumitingin kay Carol. Nag buluntaryo si Roben na ito nalang ang bahalang mag ayos sa nasira nilang bubong dulot ng bagyo. “ Oy... Oy... Dahan dahan kang bababa dilikado. ” paalala ni Carol. “ Ayos lang mahulog basta ikaw ang sasalo. ” “ Ang corny nito AHAHÀ bumaba ka nga at mag tatanghalian na tayo. ” Pag katapos nitong bumababa ay umupo na sila sa kanilang hapag. Mga masasarap na pag kain na tanging sa probinsya lang matitikan. “ Nanay Edna kumain na rin po kayo. ” pag yayaya ni Roben sa matanda na Ina ni Carol. Sa probinsya nila lahat ng matanda ‘nanay’ ang tawag bilang pag respeto sa mga matatanda. nak“ O segi kumain kana rin, oh heto mainit na kari kari, alam kong pagod na pagod ka. ” nakangiting inabot ng matanda ang isang bowl na may laman na umaaso pa sa init na kari kari. “ Salamat Nanay Edna ang bait² niyo po talaga. ” ~ “ Marcus Sanchez, anak! Nag balik ka. ” isang malaking ngisi ang bumungad sa taong nakatingin sa salamin habang minamasdan ang kabuuan ng kanyang itsura. “ Dad? I am ready. ” saad ni Marcus habang may ngiting demonyo na nakasabit sa mukha. KINABUKASAN ganon parin, maagang nagising si Andrey dahil kahit hindi sabihin siya ang naka a sign ngayon sa kusina. Pag katapos niyang mag luto ay tinawag na si Andrew sa kwarto. Ilang saglit lumabas na ito at umupo na sa hapag. Nag uusap lang sila tungkol sa mang yayari ngayong araw, pag katapos ay nag handa na para pumasok. Sakay sa isang magarang sasakyan ay nag mumukhang mayaman tignan ang isang Andrey Nikki Stephen. “ Mauna ka na Andrey may dadaanan pa ako. ” saad ni Andrew pag kababa nila sa parking lot. “ Segurado ka? ” paninigurado ni Andrey. Tumango naman si Andrew bilang tugon. Habang nag lalakad nakita nito ang kaibigang si Marcus. Nag taka siya dahil sa ikinikilos ni Marcus dahil hindi siya nito pinansin, na kong dati kahit nasa malayuan ay tinawag na ang pangalan nito. “ Marcus? ” tawag niya tsaka tumakbo sa gawi nito. Nakita niyang naka ngiti itong lumingon sa kanya kaya kahit gaano nawala ang pangamba nitong baka nag tampo ito sa kanya nong nakaraan. “ Kumusta? ” tanong ni Andrey. “ Ako? Ah ayos lang naman bakit mo natanong? HAHAH wala naninibago lang. ” tanong nito pabalik. “ Ah AHAHA tungkol nga pala don sa Mt. Banahaw pasensya ka na ah! ” kamot ulong saad ni Andrey tsaka tumingin ng nakanguso kay Marcus. “ Ah AHAAH ano kaba ayos lang iyon. ” tugon ni Marcus tsaka tinapik ang balikat nito. Umiral na naman ang pag tataka ni Andrey dahil noon hindi naman ganito kung kumilos si Marcus. “ Teka, mauna na nga pala ako kase may pinapagawa si Ms. Angelica. ” ani niya tsaka nag mamadali ng tumakbo. Si Ms. Angelica ay Science teacher nila, marahil ay tungkol iyon sa course niya. Ilang hakbang niya palang ay nakita niya si Reuhan na paakyat na sa hagdanan. “ Ahhh REUHAN?!!! ” sigaw ni Andrey na siya namang nilingon ni Reuhan. Tumakbo ito sa gawi ni Reuhan tsaka sumabay sa pag akyat. “ Kumusta? ” unang tanong nito habang naka ngiti na tumitingin kay Reuhan. “ Ayos lang. ” tugon din nito. Sabay silang pumasok sa sa kanilang room. Napansin ni Andrey na wala pa sa loob si Marcus. ‘ Hindi pa ba sila tapos mag usap ni Ms. Angelica? ’ tanong sa isip nito. Hindi nalang niya pinansin sa halip ay umupo na, maya maya ay nakita niyang papasok na si Andrew, tinakbo niya ito sa pintuan. “ Saan ka galing kanina huh! ” inakbayan niya ito habang sinapak sa balikat. Natawa naman ng bahagya si Andrew. “ Wala, may dinaanan lang ako teka? ” napahinto ito saglit tsaka tinignan ang upuan ni Marcus. “ Wala pa si Marcus? ” kunot noong tanong nito kay Andrey. “ Ahh si Marcus! Nong iniwan mo na ako, nakita ko siyang papasok na kaya nilapitan ko, tapos non nag paalam siya na mauna dahil kaka usapin daw siya ni Ms. Angela. ” paliwanag ni Andrey. “ Ah ganon ba. ” saad nito na parang may iniisip. Maya maya ay pumasok na si Ms. Elizabeth na siyang ikinatahimik ng lahat. “ Kumusta Aciasa? ” unang tanong ni Ms. Elizabeth. “ Ayos lang Ms. kayo po? ” pabalik tanong ng mga estudyante. “ How about you? Mr. Reuhan? ” bumaling ang tingin nito kay Ruehan. “ Ayos lang salamat. ” tugon nito, ngumiti namang nakatingin si Andrey sa kanya. Matapos ang klase nila sa subject ni Ms. Elizabeth ay napag isipan nina Andrey at Andrew na mag punta sa library para sa homework kanilang homework. ~ “ Andrey, may kakaiba kabang napansin kay Marcus? ” may pag tatakang tanong ni Andrew. Dahil kanina habang papasok siya nakita niya sa labas si Marcus na may kausap sa cellphone. Animoy parang galit na galit at tila din binabalaan nito ang kausap. At ang lubos na ipinag tataka nito ay hindi naman nag sasalita ng Ingles si Marcus, pero nong narinig niya ito ay tila ba sanay na sanay na itong mag salita ng ganon linggwahe. “ Huh? Sa tingin ko wala naman. Bakit mo natanong? ” kunot noong tanong ni Andrey, hindi niya ito pinahalata na may kakaiba din siyang napansin kay Marcus, ang akala niya ay siya lang ang nakakapansin. Pero inilihim niya na lamang ito sa kadahilanan na lahat naman talaga ng tao araw-araw mag babago. “ Ah wala hayaan mo na. ” nakita ni Andrey sa mukha ni Andrew ang pag tataka pero hindi nalang niya ito pinansin. Sa kanilang pag hahanap ng libro nahagilap ng mga mata ni Andrew si Alfie na nakaupo sa may bandang bintana. “ Andrey? Hindi ba't si Alfie ’yong nakaupo sa bandang bintana? ” kalabit nito kay Andrey na busy parin sa pag hahanap ng libro na mapag kuhanan nila ng sagot. “ Saan? ” inilibot nito ang paningin kung saan sinasabi ni Andrew na nakaupo si Alfie. “ Iyon oh! ” sabay turo nito at pinuntahan si Alfie sa gawi. Habang papalapit sa gawi ni Alfie biglang sumigaw si Marcus sa bandang pintuan dahilan para makuha nito ang atensyon ng lahat. Nong mapagtanto ang nito ang ginawa humingi ito ng paumanhin tsaka tumakbo sa gawi nila Andrey. “ Bakit ‘di niyo ako hinintay ah! ” may sumbat nitong saad kay Andrey na ikinatawa naman ni Andrew ng bahagya. Lumapit si Andrew sa gawi ni Marcus. “ Bakit? Saan ka nag punta kanina? Nong umalis si Ms. Elizabeth, lumabas ka din. Saan ka nag punta? ” usisa ni Marcus. Naiirita namang tumingin si Marcus kay Andrey sabay irap. Ang kaninang pag dududa ng dalawa ay naibsan at napasabi nalang sa sarili, na ‘ Normal lang naman pala ang pag babago ng isang tao. ’ “ Teka sino kaba? ” tanong ni Marcus. Nag sisimula na naman ang bangayan ng dalawa. “ AHAH tumigil nga kayo, nasa library tayo gusto niyo mapalabas tayo ni Ms. Trisha? ” saad ni Andrey tsaka umupo katabi ni Alfie. “ Si Calli? Kumusta? ” pangungunang tanong ni Andrey. Naron sa boses ang pag kadismaya. Nag labas ng buntong hininga si Alfie bago nag salita. “ Ayos lang siya ‘wag kang mag alala. ” nginitian ito ni Andrey ng sa ganon maibsan ang pag kadismaya sa sarili. Alam nitong sinisisi ni Andrey ang sarili sa mga kaganapan nitong nakaraan. “ Ikaw kumusta ka kina Andrew? ” tanong nito pabalik. Tinignan ni Andrey si Andrew na ngayo’y nakipag bangayan parin kay Marcus. “ Ayos lang, mabait siya at may pusong malambot. Hindi ko akalain na sa kanya rin pala ang bagsak ko. ” tugon ni Andrey. “ Mag ingat ka. ” saad ni Alfie bago umalis. • Andrey POV • Ano naman kayang ibig sabihin ni Alfie kanina? Hayst dibali na nga lang. “ Andrey! Andrey? Sabay na tayong kumain. ” nag hihingal na saad ni Marcus hay naku. “ Si Andrew? ” tanong ko nito habang nag lalakad na papuntang cafeteria. “ Bakit mo ba hinah- ” “ Marcus? Dito! ” sigaw ni Andrey sa ‘di kalayuan. Natatawa naman akong tumingin kay Andrew na papalapit sa gawi namin. Sa kabilang banda nakita kong mag isang kumain si Reuhan. “ Ah segi kumain na kayo. ” “ Huh? Saan ka pupunta? ” takang tanong ni Marcus. Ngiti lang ang sagot ko tapos ay pumunta sa pwesto na ni Reuhan. “ Ah Reuhan? ” sambit ko nito, wala siyang emosyon na tumingin sa'kin pag katapos ay tumingin ulit sa pag kain. “ Umupo ka. ” saad niya, kaya umupo narin ako. Tumingin ako sa gawi nina Marcus at Andrew hindi parin tumitigil sa pag babangayan. Lage silang nag tatalo sa cabbage, paborito ni Marcus ang cabbage ganon din sa Andrew kaya kung minsan pag sabay kaming kumakain lage nilang pinag aagawan ang cabbage sa pag kain ko. Pero ayos lang hindi rin naman ako mahilig sa cabbage. “ Sa makalawa hindi wala kabang gagawin? ” tanong niya, hmmm bakit kaya? “ Wala naman bakit? ” “ Kaarawan ko, iniimbita ka ni Uncle kung wala kang gagawin pumunta ka. ” sus dinadawit pa si Uncle siya lang naman pala iyong gustong imbitahin ako. “ Bakit ka nakangiti? ” kunot noo niyang tanong. “ Ah HAAHHA wala, pwede ko bang dalhin sina Andrew at Marcus? Pero ayos la- ” “ Pati si Alfie at Calli dalhin mo din. ” Ika niya. “ AHAH salamat, mabait ka talaga. ” mahina kong saad hindi ko alam kong narinig niya pero hindi lang kumibo. Nitong mga nakalipas na araw naging malapit na kami ni Ruehan. Sana tuloy tuloy na ito. Hindi ko alam pero kapag kasama ko siya, gumagaan ang loob ko at panatag. “ Ah Reuhan? Matanong ko lang, wala bang asawa si Uncle Leo? ” “ Bakit mo natanong? ” kunot noong tanong niya. “ Wala! Napansin ko lang. ” tugon ko tsaka tumingin sa pag kain ko. “ Matandang binata si Uncle Leo, dati kinu kulit ko siya na mag asawa na. Hindi na ako bata para tutukan. ” huminto siya saglit tsaka tumingin sa pag kain niya. Pinag masdan ko lang bibig niya kong ano ang susunod na lalabas. Pero nag taka ako nong tumayo siya. “ Oi? Saan ka pupunta? ” nag tataka kong tanong sa kanya. “ Sumunod ka. ” tugon niya. Kaya sumunod nalang din ako sa kanya. Nandito kami sa ground dahil dito siya huminto. “ Nong bata pa ako, tinutukso ko si Uncle Leo na mag asawa na. Pitong taong gulang ako nong araw na iyon, pero lage niya dinadahilan na kong mag aasawa siya wala ng makakatutuk sa akin, dahil sa pamilya nalang raw lahat ng atensyon niya. ” Pitong taong gulang? Ibig sabihin mga Lima o Anim na taong gulang palang, patay na ang magulang niya?. Mag kasing edad lang pala kami nong nawalan ako ng Ama. “ Sabi ko ‘dibali na ang importante masaya siya. ” tumigil siya tsaka napa tingin sa kawalan. “ Pero ang salitang binitawan niya ang siyang nag bigay ng kahulugan na hindi ako nag iisa. ” “ Ano ang salitang iyon? ” tanong ko sa kanya. Nagulat ako nong tumingin siya sakin na may nakaguhit na parang nag papasalamat na ngiti. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti sa buong anim na buwan kong pabalik balik dito. “ Makita lang niya ako, iyon pinaka mahalaga sa kanya. ” saad niya at agad binawi ang binitawang ngiti. [ CHANGE POV ] “ Handa na ba ang lahat? ” tanong ni Leo kay Lufi. Pinag uusapan nila ang tungkol sa darating na kaarawan ni Ruehan. “ Lahat Boss secure narin lahat ng CCTV at mga tauhan natin. ” tugon ni Lufi. “ Kapag tayong dalawa lang mag uusap pwede bang Uncle nalang ang tawag mo sa'kin? ” “ Pero- ” “ Lufi? ” tinignan niya ito na parang nag papahiwatig na pumayag. “ Segi U...uncle. ” ngumiti naman si Leo habang tinapik ang balikat nito bago lumabas sa office. ” Ucle Leo. ” salitang malayang itinangay ng hangin. “ Isang araw maiibabalik ko din ang lahat ng kabutihang nagawa niyo sakin. ” • Reymond POV • “ Dad? ” tawag sa'kin Marcus na kakarating lang galing sa Eskwela. Lumingon ako at binigyan siya ng isang ngisi bago nag salita. ” kumusta? ” tanong ko. “ Well as usual gaya parin ng dati walang pinag bago. ” saad niya habang umupo sa kabilang couch. Habang tumatagal mas lalong umaayon ang mga Plano ko, hindi mag tatagal ako na ang pinakamayamang negosyante sa buong Mundo. “ Hindi ba tayo imbitado sa darating na kaarawan ng pamangkin ni Leo? ” takang tanong ni Marcus, actually imbitado sino ba namang hindi iimbtahin ang dating kaibigan ng kanyang nakakatandang kapatid. “ Ah. ” tugon niya tsaka tumayo. Ngumiti siya bago nag paalam na pumasok sa kwarto. Hindi lang hustisya ang makakamit mo Mich. Babayaran din nila ang buhay na kinuha nila. Hindi niyo alam kong paano ko pinag sisihan na minsan naging mahalaga kayo at naging parte kayo ng buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD