• BEST FRIENDS CHECK •
“ Ward 7 ito na seguro iyon. ” saad ni Leo sa kanyang sarili, dala ang ilang bagay at pag kain para sa pamangkin na nakaratay sa loob.
Hinapit niya ang pinto kasabay non ang pag baling ng atensyon ni Reuhan na kanina lang nakatingin sa maaliwalas na ulap.
Makikita lang iyon dahil nasa tabi ng bintana naka puwesto ang kama niya.
“ Uncle Leo. ” sambit ni Reuhan. Nakangiti naman itong inilagay ang mga dala sa lamesa tsaka umupo sa couch.
“ Kumusta ang pakiramdam mo? ” tanong ni Leo.
Tumingin ulit si Ruehan sa maaliwalas na ulap tsaka tumingin kay Leo na para bang gustong mag patulong.
“ Ayos lang ang pakiramdam ko Uncle. Kumusta ang bagyo dito? ” tanong pabalik ni Reuhan. Nag labas muna ito ng buntong hininga bago sumandal.
“ Ayos lang dito, pero nag alala ako ng husto sa nabalitaan ko. Pero may tiwala ako sayo, inipon ko nalang ang lahat ng pag aalala ko at pangamba ko dahil alam ko maililigtas mo ang sarili mo. ” mahabang lentinya ni Leo dito.
[ CHANGE POV ]
“ Calli? Gising na si Andrey. ” sigaw ni Alfie mula sa taas.
Dali dali namang umakyat si Calli mula sa baba na nag iinit ng lugaw para sa pagising ni Andrey.
“ Andrey? Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit ba ulo mo? May narara- ”
“ Calli! Calli! Relax. Ayos lang ang pakiramdam ko bakit ano bang nangyari? ” sa pagkakataon ito nakangiti parin siyang nakikipag usap kina Calli.
“ Hindi mo alam? Eh Nahimatay ka lang naman don pag kababa sa bundok! ” inis na turan ni Alfie pero ang totoo naman talaga ay nag aalala din siya sa pangyayari buhat nong nabalitaan nila ang nangyari.
[ FLASH BACK ]
“ Calli? Ano nang gagawin natin? Hindi sumama si Andrey sa pag likas sa bundok! ” natatarantang saad ni Alfie kay Calli na si Calli naman ay tudo rin ang pag aalala pero kalma lang ito.
“ Alam ko! Nag aalala rin ako baka mapano siya doon! ” nag aalalang boses ni Calli pero hindi natataranta kagaya ni Alfie.
Kahit na ganon tratuhin ni Alfie si Andrey na parang naiinis siya pero ang totoo takot lang siyang ipakita na marunong siyang magpahalaga ng isang tao lalo na kay Andrey.
“ Kung puntahan ko kaya siya doon? ” bigla namang kinabahan si Calli sa sinabi ni Alfie dahil batid niyang gagawin iyon ni Alfie kahit dilikado.
“ Hindi! ” mabilis na tugon ni Calli. ” Dito ka lang, mabuti pa ang gagawin nalang natin ay magdasal! Wala tayong magagawa sa ganitong Oras. Tumawag narin ako sa mga rescuer para akyatin sila doon pero masyadong malakas ang bagyo kaya hindi sila pwedeng umakyat. ” nag aalalang sambit ni Calli.
[ END OF FLASH BACK ]
“ Agad kaming pumunta sa Mt. Banahaw pag kahupa ng bagyo sakto pag karating namin doon nahimatay ka, kaya dinala kana lang namin dito instead sa hospital. ” sabi ni Calli.
“ Ah HAHA ayos na ako. ” Ika ni Andrey tsaka susubukan na sanang tumayo ng pinigilan ito ni Alfie.
“ Saan ka pupunta? ” nag tatakang tanong nito. Ganon din si Calli nag tataka.
“ Ah sa makalawa lilipat na ako. ” saad ni Andrey habang ngumiti ng mapait. Na siya ring ikinagulat ni Calli, alam na ni Alfie iyon nong sinabihan siya ni Andrey nong gabing hindi ito umuwi.
Ang akala ni Alfie biro lang iyon o baka nag tampo siya sa sinabi ng pamilya ni Calli.
“ Huh!? Aalis ka? Bakit? Hindi naman kita pinaalis dito ah! ” saad ni Calli.
“ Alam mo Calli, marami na ang nangyari tsaka hindi ko hahayaan na pamilya mo pa ang mag papalyas sa akin no. ” mapag birong saad ni Andrey.
“ H-in-di! Hindi mo naman kailangang umalis eh. ” umiyak na saad ni Calli, ito eh! Eto ang pinakaayaw ni Andrey ang makitang may umiiyak na tao sa harapan niya.
“ You made a right decision ijo! ” bigla silang napalingon nong may nag salita sa likuran nila.
“ Dad? ” gulat at may pag tatakang tanong ni Calli. Habang nakayuko lang sa Andrey na nakaupo sa kama.
“ Buti may isip kapa! Hindi mo naman kailangang ipag siksikan ang sarili mo dito, kaya makakaalis kana! ” dagdag rin ng Ina nito.
“ Mom?! hindi siya aalis! ” matigas na saad ni Calli.
Si Andrey naman ay bumaba na sa kama tsaka lumabas sa kwarto. Hindi na nito kinaya ang pang mamaliit ng magulang ni Calli. Ayaw din niyang mag away ang mag pamilya dahil sa kanya.
Kaya mas mabuti ng umalis nalang siya sa bahay na iyon.
“ Andrey? ” tawag ni Calli kay Andrey na ngayon ay dala dala na ang mga gamit at lalabas na ng pinto, pero bago yon lumingon muna ito kay Calli.
“ Salamat. ” tanging sambit ni Andrey tsaka ngumiti kay Calli, gustong habulin ni Calli si Andrey ngunit nakahawak si Alfie sa mga braso nito.
Hindi sa masaya si Alfie sa pag alis ni Andrey kung hindi dahil hindi rin kaya ng konsensya na pag salitaan ng ganon si Andrey sa harapan niya.
“ Andrey!!!!!!!!!!!!!!” sigaw nito sa kalagitnaan ng kanyang pag iyak tsaka tumingin ng masama sa magulang nito.
“ Masaya naba kayo?! ” nanggigiitan nitong tanong sa magulang niya.
“ Ginawa lang namin iyon para sa iyo! Masama bang protektahan ka namin sa hampas lupang iyon?! ” saad ni Melisa na ikinasakit Lalo ng puso ni Calli.
“ Hampas lupa? Mahirap? Bakit! Saan ba kayo nanggaling? Hindi ba sa mahirap na pamilya lang din! Ikaw mom! Diba sinabi mo na mag sasaka lang si Lolo noon! At labandera lang si Lola tsaka ikaw nag titinda ng puto sa tabi tabi! Yumaman lang kayo nakalimutan niyo na kung saan kayo nanggaling! ”
Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisnge ni Calli galing sa mismong kamay ng kanyang Ina. Pero imbes na umiyak at masaktan tumawa ito ng nakakainis.
“ Bakit? Hindi ba totoo? Bakit hindi niyo matanggap tanggap na hindi kayo pinili ng tunay mong ama, bakit kase hindi mo matanggap na mas pinili niya ang mayaman niyang kabit kaysa sa mahirap niyang pamilya. ”
“ Kaya ka nag sikap at nag payaman dahil gusto mong gumanti sa pamilya ng kabit niya. Nakahigante kana! Nag hirap na sila kasama si Lolo, Ikaw at si Lola umasinso na! At nakaangat na. Pero binalikan niya ba kayo? Tayo?! Hindi! Dahil ang tunay na pag mamahal ay hindi nasusukat sa pera! Sa katatagan iyong ng pagsasama ng isang pamilya! ”
“ I ask Lolo for the last time! At nag sinungaling kayo! Sinabi niyo sumama siya sa mayaman. Hindi! Dahil ang totoo pinag kaisahan niyo lang siya dahil sumama sa ibang lalaki si Lola na mas may kaya pa kaysa kay lolo. Nakapag asawa ng mayaman si Lolo at nag kapamilya! Iniwan si Lola ng lalaking ipinalit kay lolo at nag makaawa kayong balikan kayo ni Lolo. ”
“ Pero hindi na! Dahil nakahanap na si Lolo ng pamilyang totoo at tapat ang pag mamahal sa kanya. Kaya ka nagsikap ng husto at binangga ang Entire company na ngayon na sa pangangalaga na natin. Si Lolo na inaakusahan ko at sinumpa. Si Lolo na walang kasalanan. Si Lolo na walang ibang ginawa kun'di ang protektahan ako at iniingatan! ”
“ Alam niyo ba iyon? Hindi! Dahil asan ba kayo nong mga panahon na kailan kailangan na kailangan ko kayo! Asan ba kayo nong panahon na kailangan ko ng pamilya! Wala kayo! At alam niyo ba kung kanino at saan ako lumalapit? ” pabitin niyang sabi habang nag aabang naman ang kaniyang magulang na sundan ng mga salita ang binitin ni Calli.
“ Are you saying? ”
“ Tama! Kina Lolo ako pumupunta! Sa pamilya niya, dahil doon?! Kahit si Lolo lang ang kadugo ko! Itinuturi akong tunay na bahagi ng pamilya! Pamilya na hindi ko naranasan sa inyo! Pag mamahal na sila lang ang nakapag bibigay! ”
“ Ngayon! Na may Isa na namang tao na gusto akong bigyan ng pag mamahal pinapaalis niyo? Bakit? Naalala niyo ba si Andrey sa sitwasyon niyo noon? Pwes ito ang sasabihin ko! Pumunta siya dito para makapagtapos ng pag aaral at maiangat ang bayan niya sa kahirapan! May prinsipyo hindi ba? ” salaysay ni Calli habang pinapahid ang mga luha. Ganon din si Melisa dahil hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ni Calli.
At ang sekreto nilang matagal na pinagdamot na malaman ni Calli ngayon ay nabunyag na, kailan naman kaya mabubunyag ang sekreto ni Calli patungkol sa kanyang tunay na pag katao.
[ CHANGE POV ]
Hindi alam ni Andrey kong saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Dala dala ang kanyang maleta para siyang isang dayo na naligaw ng daan.
Gumagabi na wala siyang pera pambili ng pag kain, malamig din ang simoy ng hangin dala sa bagyo nong nakaraan. Palinga linga siya sa kanyang dina daanan. Hanggang sa may nakita siyang bench sa gilid, umupo muna siya doon para mag pahinga.
Marami siyang iniisip sa gabing ito, unang una na kung saan siya tutuloy pan samantala dahil ang makalawang sinabi niya kay Calli ay hahanapin pa niya.
Umupo siya sa bench habang yakap ang dalawang paa dahil sa lamig. Lamig at gutom ang kanyang naramdaman sa mga Oras na ito.
“ Kung hindi ba ako nakipag sapalaran dito sa Maynila hindi ko ba ito mararanasan. ” saad ni Andrey sa kanyang sarili habang nag labas ng buntong hininga tsaka nakatitig lang sa ibaba.
Kung sa probinsya ba siya nag aral hindi niya ba mararanasan ang pait na naranasan niya ngayon? Kung ganon babalik na ba siya sa probinsya para doon nalang ipag patuloy ang pag aaral? O mananatili siya dito at patuloy na makipag sapalaran sa mga darating pang problema.
“ Andrey? Ikaw ba iyan? ” tanong ng isang tao sa harap niya. Unti unting inangat ni Andrey ang kanyang ulo para makita ang taong nagtanong.
“ Andrew? Gabi na anong ginagawa mo sa labas ah? ” nakangiting tanong ni Andrey tsaka umupo ng maayos. Napatingin si Andrew sa mga maletang nasa gilid niya.
“ Bakit ka may dalang maleta? At ikaw! Anong ginagawa mo dito? ” pabalik na tanong ni Andrew. Nakangisi naman itong sinagot ni Andrey.
“ Ah HAHAH kase alam mo, ganito iyon! Sa.... kase.... ano.... eh.... ahmm. ” kamot ulong sabi niya kay Andrew na hindi naman maintindihan.
“ Pinalayas kaba nina Alfie? ” tanong ni Andrew na mabilis naman niyang itinanggi.
“ Hindi ah! Hindi nila ako pinalayas! Ako ang umalis kase ayoko ng pabigat. ” naka nguso niyang sumbong kay Andrew.
“ Saan ka pupunta ngayon? ” tanong ni Andrew na hindi masagot sagot ni Andrey.
He! Ano namang isasagot niya, sa bench siya matutulog? Mag bo- bock ng ticket sa hotel ni wala nga siyang perang maipambili ng makakain niya.
Maya maya ay narinig ni Andrew ang pag tunog ng kalamnan ni Andrey. Pareho silang napatingin sa isat isa.
“ Ah AHAHA pasensya na hindi pa kase ako kumakain. ” paunmanhin nito. Alam niyo yong kahit nagka problema na nakuha niya parin na ngumiti.
“ Andrey? Kung doon ka nalang kaya sa dorm ko. ” alok ni Andrew.
“ Dorm ba sa Ateneo ang tinutukoy mo? ” pabalik nitong tanong.
“ Hmmm oo may dorm ako sa Ateneo pero minsan lang ako dumadalaw doon, kapag maaga ang quizzes natin, sa apartment ko malapit lang din dito. Tsaka kung gusto mo papapasukin kita sa pina- part time job ko ngayon, malapit lang din. ” nakangiting saad ni Andrew.
Noong una nag alinlangan siya sa alok ni Andrew ngunit pinilit siya nito, pero kalaunan ay pumayag narin siya for the sick of his life huhuh...
“ Ang laki ng Apartment mo, ikaw lang ba ang nakatira dito? ” tanong ni Andrey pag karating nila sa Apartment ni Andrew.
Hindi niya inaakala na ang makulit na si Andrew na laging inaasar si Marcus ay siya rin ang pupulot sa kanya.
“ Feel your home Andrey ah! Kung anong gusto mong gamitin, gamitin mo lang huwag ka ng mag tanong sa akin. Mag kaibigan tayo, kaya magagawa mo lahat dito. ” nakangiting saad ni Andrew.
“ Iyong silid mo doon sa Extra room, sinadya ko kasing dalawa ang kwarto ko kasi minsan bumibisita dito ang pinsan ko pero huwag kang mag alala nasa Hawaii na siya ngayon umuwi. ”
“ Ah oo nga pala, salamat sa tulong mo Andrew ah, hindi ko alam kong paano ko susuklian ito lahat. ” saad ni Andrey na ikinatawa ng bahagya ni Andrew.
” Huwag kang mag isip ng ganyan! Mabuti pa kumain nalang tayo sa labas. Libre ko. ” pag yaya ni Andrew.
“ Libre mo talaga! Wala akong pera eh. ” natatawang saad ni Andrey.
KINABUKASAN maagang nagising si Andrey hindi parin siya sanay sa tinutuluyan niya. Lumabas na siya sa silid niya tsaka dumiritso sa kusina. Nag iisip siya kung ano ang masarap na lulutuin.
” Kung sinigang nalang kaya. ” Ani niya sa kanyang isip at nag simula ng mag hiwa ng mga sangkap.
Ilang minuto ay luto na ang kanyang sinigang na ang bango ay umaalingasaw sa buong bahay. Oh diba magic...
“ Ambango niyan ah! ” nakangiting lumapit si Andrew sa kumukulong sinigang na nakasaing pa sa kaserola.
“ Syempre ako nag luto eh! Halika kumain na tayo. ” yaya ni Andrey. Mga ilang minuto natapos narin silang kumain at nag paalam muna sandali si Andrey na may pupuntahan siya.
Escuse muna sa klase iyong mga estudyante na nanggaling sa Mt. Banahaw dahil pag pahingahin nalang daw muna. Wala rin na pananagutan na naganap dahil hindi naman inaakala ni Ms. Ando na nong araw na iyon dadagsa ang bagyo.
At naiintindihan iyong ng mga magulang ng mga estudyante at hindi rin nila masisisi si Ms. Ando dahil may parents consent naman silang pinirmahan pero kahit na ganon matatag parin na hinaharap ni Ms. Ando ang mga magulang na inireklamo siya dahil daw sa kapabayaan niya.
Pero naisaayos na ang lahat dahil din sa tulong ng ibang guro na mag paliwanag.
• Andrey POV •
Ano naman kayang ward nakalagay si Reuhan. Makatanong na nga.
“ Ahm Nars? Anong ward si Ice Reuhan? ” tanong ko sa Nars.
“ Ah ka ano ano niya po kayo? ” tanong niya pabalik, meron ba non?
“ Ah kaibigan po. ” tugon ko naman.
“ A segi ward 7 dito po sa kanan. ” Ani niya, nag pasalamat muna ako bago umalis. Ilang minuto ay nasa harap ko na ang pintuan niya. Pero bakit parang nag alinlangan akong pumasok? Bwesit!!
Segi na nga papasok na. Hinapit ko na ang pinto at binuksan ng hindi gaano ka kalaki, tinignan ko muna kong may tao sa loob. Hmmmm mukhang wala naman, isisirado ko na sana ang pinto nong mag salita siya.
“ Pumasok ka. ” walang emosyon niyang saad, gising ba siya? O nagising ko siya? Pumasok nalang ako.
“ Ah HAHAH kumusta ang pakiramdam mo? ” wala akong ibang matanong eh, masama bang kumustahin ang isang kaibigan?
“ Ayos lang ang pakiramdam ko, ikaw? Nahimatay ka kahapon? Kumusta ang pakiramdam mo? ”
“ AH AHAHAH ayos lang naman, ah oo EHEHE. ”
“ Mukha kang pagod anong ginawa mo nitong nakaraan? ” tanong niya.
“ Ikaw ah! Palatanong kana ngayon ah! ” nakangisi kong saad sa kanya. ” oo nga pala nag dala ako ng sinigang, niluto ko ito kaninang umaga. Alam mo bang naka dalawang platong kanin si Andrew? ” pag kukuwento ko sa kanya habang isinalin sa maliit na bowl ang sinigang na inilagay ko sa maliit na topper wear.
“ Andrew? ” takang tanong niya. Akhhhh.... Ang daldal talaga ng bibig ko.
” Hindi ba kina Calli ka nakatira? ” tanong niya ulit. Naalala ko tuloy si Calli ngayon kumusta na kaya siya. Sana ayos lang.
“ Ah HAHA oo umalis na ako doon. ” sagot ko sa kanya tsaka ibinigay sa kanya ang isinalin kong sinigang.
“ Salamat. ” Ani niya tsaka inabot ang binigay kong bowl.
Tahimik lang siyang kumakain at wala rin’ g tunog. Seryuso siyang kumakain hehhe! Ang cool niya talagang tignan.
“ Napansin ko palatanong ka na sa akin ah! ” pangunguna ko.
“ Masama ba na mag tanong sa isang kaibigan? ” saad niya na ikinadilat ng mga mata ko. Narinig niyo? Ay este nabasa niyo? Kaibigan daw sabi niya.
“ Reuhan? ”
“ Bakit? ”
“ Narinig ko iyon! Wala ng bawian ah! Mag kaibigan na tayo, at kahit itanggi mo pa sa lahat! Ipag sisigawan ko parin na ako at ikaw ay mag kaibigan na. ”
• Reuhan POV •
Gaano ba kalaki sa kanya ang kaibiganin ako. Katunayan noon ko palang gustong mag karoon ng kaibigan pero lahat sila natatakot sa akin.
“ Narinig ko iyon! Wala ng bawian ah! Mag kaibigan na tayo, at kahit itanggi mo pa sa lahat! Ipag sisigawan ko parin na ako at ikaw ay mag kaibigan na. ” nakangiti niyang saad.
Sa tingin ko ayos ang mag karoon ng kaibigan na kagaya niya, hindi naman seguro siya katulad ng babala ni Uncle Leo sa akin. Masayahin siyang tao at palaging nakangiti, palaka ibigan at mapag halaga sa bagay bagay.
“ Gusto mo pa? ” tanong niya naron parin ang ngiti na nakaguhit sa kanyang mukha.
Napalingon kami pareho nong may bumukas sa pinto.
“ Uncle Leo? ” nakita kong tumayo si Andrey tsaka tumayo sa may gilid ng upuan.
“ Nikki hindi ba? ”
/./.
“ Nikki hindi ba? ” tanong ni Leo pagka pasok sa loob. Hindi niya inaasahan na bibisita ang inaasahan niya.
“ Ah opo ahh huwag kayong mag alala hindi po ako nakipag kaibigan dahil sa pera, kase gusto ko lang siyang maging kaibigan. ” lentinya ni Andrey na ikinatawa ni Leo ng bahagya.
“ Wala akong sinasabing ganon. Alam mo bang ikinikwentu ka sa akin ni Ice. Gusto kitang maging kaibigan ng pamangkin ko. Perfect match kayo. ” saad ni Leo na ikinangiti ni Andrey. Hindi naman pala lahat ng mayaman mapag mataas.
“ Salamat po. ” nakayuko niyang saad.
“ Umupo ka. ” nakangiting alok ni Leo. Sa isip ni Leo mas mabuting si Andrey ang maging kaibigan ni Ice dahil parang tubig at apoy ang dalawa.
“ Ahm Sir may sinigang po akong dala baka gusto mong tikman. ” pag aalok ni Andrey, suot na namn niya ang kaniyang ngiti.
“ Uncle nalang. Tsaka gusto kong matikaman ang sinigang mo. ” nakangiting saad ni Leo. Pagka rinig ni Andrey ay kaagad niya itong sinalinan sa isang bowl pag katapos ay nakangiting ibinigay iyon kay Leo.
“ Masarap po iyan. ” paniniguradong saad niya na ikina smirk ni Reuhan.
“ Masarap nga nag ma- ah seguro magaling mag luto ang Ina mo nito. ” kumento ni Leo.
“ Ah hindi Uncle, alam mo kung bakit? Sunog ang mga niluto non. Kay papa ako nag mana kaso namatay sa aksedente sayang no? ” may bahid na lungkot na nota sa huli niyang sinabi.
“ Huwag ka sanang magalit, bakit siya na aksedente? ” seryusong tanong ni Reuhan.
“ Hindi ko alam buong ditalye basta mabait seguro si Papa kaya maaga siyang kinuha ni Lord. ”
“ Tama ka! ”
“ Po? ” kunot noong tanong ni Andrey.
“ Ang ibig kong sabihin tama ka basta mababait kinukuha ng panginoon ng maaga pero hindi lahat. ”
“ Ah! ako kaya. ” nag iisip na tanong ni Andrey. Sino ban’g tao ang nangangrap kunin ng maaga, iba nga diyan gusto pang mabuhay pero hindi na.
“ Hindi ka tanggap don. ” kumento ni Reuhan. Natawa naman ng bahagya si Leo.
“ Ang sama mo sa'kin ah. ” nakanguso nitong saad. “ Ah kailan ka ba makakalabas dito? ” dagdag niya.
“ Seguro ngayon discharged na siya. ” sagot ni Leo.
Bakit parang mabait si Leo kay Andrey? Bakit kong makapagsalita si Leo kilala niya si Andrey? Pwede ba talagang kilala niya si Andrey noon palang? O sadyang magaan lang ang loob nito dahil nababagay itong maging kaibigan ng pamangkin niya.
[ FAST FORWARD ]
“ Maiwan ko muna kayo, dahil may emergency na naganap sa kompanya. Kailangan ko itong asikasuhin kung may gagawin ka iutos mo lang kay Manang Fee. ” bilin ni Leo kay Reuhan, kasama nitong umuwi si Andrey dahil nag hapon silang nag kukuwentuhan ni Leo kahit habang natutulog si Reuhan.
“ Ahmm mag ingat po kayo Uncle, ako ng bahala kay Reuhan. ” masayang saad ni Andrey tsaka kinindatan si Reuhan.
Umalis na si Leo habang tinutulungan ni Andrey si Reuhan na paupuin.
“ Wala kabang gagawin? Pwede mo na akong iwan. ” saad ni Ruehan pero hindi nakatitig kay Andrey kun'di sa Aquarium niya na lalagyan ng robix niya.
Agad naman iyong napansin ni Andrey, hindi man ipinapakita ni Ruehan ang emosyon na nalulungkot siya pero nakikita iyong ni Andrey sa mga mata ni Reuhan.
“ Ahh may isasauli pala akong bagay sayo. ” puna ni Andrey tsaka may hinugot sa bulsa ng jacket niya.