• FRIENDS OR FRIENDS •
“ Ah segi hubarin mo na iyang damit mo. ” utos ni Andrey na ikanakunot noo naman ni Reuhan.
Like sino ba namang hindi mag tataka kong may mag uutos sayo na mag hubad.
“ Ano? ”
“ Ah HAHA hindi ang ibig kong sabihin nabasa ba ang bag mo? ” saad ni Andrey tsaka tumayo, nag tataka na naman si Reuhan sa kilos ni Andrey.
“ Huh? Hindi, made from waterlily ang dala kong bag kaya hindi ito mababasa. ” sagot nito.
“ Ang dami pang sinabi pwede namang waterproof. ” nakanguso nitong saad kay Ruehan.
“ Bakit ka nag tanong kong ayaw mo namang sagutan ko. ” siniyukan ito ni Ruehan.
Umalis sandali si Andrey para kumuha ng kahoy. Malakas pa ang ulan, ang kulog at kidlat hindi parin tumitigil, seguro naman makakita pa siya ng kahoy sa loob ng kweba.
• Andrey POV •
May kahoy kaya akong makikita dito? Ah basta kailangan makakuha ako kahit kunti, kun'di lalamigin kami dito.
♪ ang maliit na gagamba ♪
♪ umakyat sa sanga ♪
♪ dumating ang ulan ♪
♪ intinaboy siya ♪
♪ sumikat ang araw ♪
♪ natuyo ang sanga ♪
♪ ang maliit na gagamba ay laging masaya ♪
Tandang tanda ko pa ang kanta na nag pasikat sa akin nong grade 3 pa ako.
He! Ang sarap balikan iyong alaala ng kabataan. Iyong tipong sa leader lang nakasalalay kong pwede kabang sumali sa laro oh hindi.
Naalala ko tuloy nong grade 4 ako, laro namin non patentero. Tapos non gustong gusto kong sumali dahil naaliw ako. Hindi ba naman ako pinasali dahil pandak daw ako dahil maliit braso ko matatalo daw kong sino makaka grupo sakin.
Hayun sinuntuk ko, na principal ako that time tapos gumawa ng kasunduan na hindi na mauulit.
Sa Sumunod na araw nagulat nalang ako nong inalok nila ako na makikipaglaro sa kanila. Sa isip ko non natakot ’ata sila sa ginawa ko HAHA.
” Reuhan? Giniginaw ka. ” agarang ko siyang nilapitan at dinapo ang palad sa noo niya.
Mainit nga siya, hindi siya sanay sa ganito pero ang tapang niya. Ang lakas ng loob niyang balikan ang isang bagay na maari niyang ikapahamak.
Balak ko sanang tignan ang bag niya ng mag salita siya.
“ Anong ginawa mo? ” bakas sa kanyang boses na nanghihina talaga siya. Nakapikit siya nong sinabi niya iyon.
“ Ah HAHA ahm nilalagnat ka Reuhan, giniginaw ka rin malamig ang simoy nang hangin at pumapasok ito dito. May kumot ka at may damit. Mag palit ka! ” nabuksan ko na ang bag niya at kinuha ang kumot at damit na susuutin niya.
“ Mag bihis ka. ” inabot ko sa kanya ang damit at pantalon niya. Tumingin siya sa akin saglit, nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.
“ Ah HAHA hindi ako titingin. ” tumalikod ako tsaka inasikaso ang gagawin kong apoy.
Nakakuha ako ng kahoy sa gilid ng kweba papalabas. Basa ito pero ayos pa at makagagawa pa ng apoy.
Ilang saglit nakagawa na ako ng apoy at sakto rin na tapos ng magbihis si Ruehan.
“ Reu- Nikk-
“ Ah HAHA ano iyon? ” tanong ko. Inabot niya sa akin ang isang paris na damit at pantalon.
“ Isuot mo iyan, para hindi ka mag kakasakit. ” saad niya. He! Kinuha ko sa kanya ang damit na inabot tsaka nag bihis na.
Wala akong paki alam kong makita niya ang lahat sa akin. Pareho kaming lalaki anong masama.
Pag katapos kong magbihis ay nilingon ko si Ruehan hindi siya nakatingin sa akin kun'di sa apoy.
Ngumiti ako bago nag salita. ” Reuhan? Halika! ” saad ko at hahawakan ko sana iyong braso niya ng kunot noo siyang nakatingin sa akin.
“ Bakit? ” kunot noong tanong niya.
“ Nilalamig ka at maginaw dahil sa hangin na pumapasok dito. Itabi kita sa apoy para mainitan ka. ” nakangiti kong ani tsaka inilalayan ko siyang patayuin papunta sa pwesto kong saan mababanda siya sa apoy.
Pag katapos ko siyang paupuin ay dinapo ko ulit iyong kamay ko sa noo niya pero umiwas siya.
“ Wala akong gagawin, inaalam ko lang kong mainit kapa. ” saad ko tsaka inilagay ulit sa noo nya ang palad ko. Mainit padin siya.
“ May med kang dala hindi ba? ”
“ Oo. Nasa bag. ” tugon niya tumayo ako at kinuha ang bag niya. Hinalukay ko ang med sa loob.
“ Heto. ” sabay abot ko sa gamot, inabot ko rin sa kanya ang tubig.
Ibinigay niya sakin ulit ang tubig matapos niyang uminom. Nag taka ako nong bibigyan niya rin ako ng gamot.
“ Uminom ka rin. ” ani niya sabay abot. Kaya kinuha ko nalang sa kanya ang gamot tsaka ininom.
“ Salamat...... Nikki. ” saad niya tsaka tumingin sa'kin.
“ Ah wala iyon HAHAH mag kaibigan tayo ‘diba? ” masigla kong saad pero umiba ang estelo ng mukha niya. Ah HAHAAH nakalimutan ko pala.
“ Ah HAHA nag bibiro lang ako.....hmmm HAHA nagugutom kana? ” pag iiba ko ng usapan.
“ Alam mong mapapahamak ka bakit mo ako sinundan? ”
“ Masama bang nag aalala lang ako isang kaibigan? ” nakanguso kong saad habang nakatingin sa ibaba. Bwesit bakit ako naiilang.
“ Kaibigan? ” walang emosyon niyang tanong. Anong meron nito, bakit ayaw niyang mag karoon man lang ng kaibigan. Ang sarap kaya mag karoon ng kaibigan sa buhay.
“ Ah segi huwag na nating iyang pag usapan. ”
“ Bakit gusto mo akong maging kaibigan? ” tanong niya.
“ Gusto kong bigyan ng liwanag ang madilim mong Mundo. ” sh*t. Sino iyon?
“ Nagugutom na ako. ” Ika niya. Kaya kinuha ako ng opencan tsaka lumabas saglit para kumuha ng makapal na dahon lalagyan ng pag kain.
Pag katapos ay tinanggal ko na ang laman ng open can tsaka kumuha ng kunting bigas lang na kakasya sa lata.
Natutu akong mag luto sa lata nong sumali ako ng Boy Scout. Grabe iyong mga natutunan ko non. Iyong tipong kahit impossible magiging possible.
/./.
Ilang minuto ay natapos ng mag luto si Andrey sa gamit ang lata. Gamit ang chopsticks na dala ni Ruehan iyon ang ginamit ni Andrey pantanggal sa kanin sa loob ng lata.
“ Ah... Reuhan, halika kumain kana para mag kamalan iyang tiyan mo. ” saad ni Andrey tsaka tinulungan si Reuhan na paupuin. Kanina kase habang nag luluto si Andrey pinahiga niya muna si Reuhan para kumportable itong makatulog.
Sumasabay sa lamig ng panahon ang init sa katawan ni Ruehan. Pag katapos nilang kumain ay pinahiga na niya uli’t si Reuhan, pero sa pag kakataong ito nasa paa na ni Andrey nakahiga si Reuhan.
Huwag kayong malisyosa ginawa lang unan ang paa ni Andrey para maging kumportable si Ruehan. Pero kong malisyosa kayo! Gora lang..
“ Reuhan? Kumusta ang pakiramdam mo? ” tanong ni Andrey sa asawa niya ay este sa kaibigan niya.
Hindi ako malisyosa pero anong magagawa ko bl shepherd ako ah!!...... Djke balik tayo sa kwentu.
“ Hindi ba nangangalay ang paa mo? ” naro’n parin sa boses ni Ruehan na nanghihina. Nakapikit siya nong tinanong niya iyon habang nakasandal naman ang katawan ni Andrey sa bato para mag karoon ng balanse.
“ Ah HAHAHA nangangalay na sobra, pero ayos lang. ” nakangiting niyang saad habang tumitingala sa taas. Dapit alas 12 na ng tanghali pero ganon parin ang ulan walang tigil.
Mas lalo pang dumadaosdos ang galit ng kulog at ang tinik ng kidlat na rinig na rinig sa loob ng kweba.
Malakas at Matapang si Reuhan iyon nasa isip ni Andrey, pero pag dating sa katawan kailangan niya munang mag sanay para hindi ito mabilis manghina sa maliit na bagay.
CHANGE POV...
“ Marcus? Kumain kana muna, mag kakasakit ka niyan! Sa tingin mo ba mag papalakas si Andrey doon sa itaas kong hindi niya tayo iniisip? Isipin mo rin ang sarili mo. ” lentinya ni Andrew habang hinawakan ang Plato na may pag kain.
Simula nong tagumpay silang nakababa sa bundok wala na ito sa sarili, seguro dahil sa pag aalala ng isang kaibigan na pwedeng mapahamak?
Well lahat naman seguro ng kaibigan mag aalala Lalo na sa hinaharap nila ngayon. Bagyo ang kalaban ni Andrey sa itaas. At naniniwala si Andrew na kayang labanan ni Andrey ang bagyo at babalik ng ligtas kasama ang Isa pang dahilan kong bakit naki-pagsapalaran si Andrey doon.
“ Masisisi mo ba ako Andrew? ” tumigil ito sandali tsaka tumingin kay Andrew, pag katapos tumingin sa kawalan.
“ Sa buong buhay ko, mula nong pagka bata walang gustong lumapit sa akin, dahil binabantaan sila ng kapatid ko, binabantaan sila na bugbugin kapag lumapit sila sakin. ” pag sisimula ng kwentu niya.
“ Nong lumaki ako, hindi ko hiningi pero binigay. ” tumigil uli siya at humugot ng malalim na buntong hininga.
“ Anong ibig mong sabihin na binigay kahit hindi mo hiningi? ” nag tatakang tanong ni Andrew tsaka inilagay sa ibaba ang kaninang hawak na Plato.
“ Pinag aral siya sa ibang bansa, habang naiiwan ako dito. Sinadya kong hindi sumama dahil alam kong kukuntrulin lang din niya ang buhay ko. Kaya labis ang saya ko non. ” saad niya at tsaka ngumisi ng mapait kay Andrew, na ikinadurog ng puso nito.
Hindi alam ni Andrew kong maaawa ba siya o natural lang iyon sa isang kapatid, pero sa puntong ito nais lang niyang makinig sa mga hinanakit ni Marcus.
Nais niyang maging labasan ng hinanakit.
“ Nong nakaalis na siya lahat ng mga bagay na hindi ko nagawa noon, nagagawa ko na. Katulad ng pag lalaro sa ulan, pag gala at pag kakaroon ng kaibigan. Pero akala ko madali lang mag karoon ng kaibigan, mahirap pala makahanap ng tapat at totoo. ”
” Akala ko iyon na, pero nalaman ko rin sa huli na kaya sila nakipaglapit sa akin dahil gusto ng magulang nila na mag invest sa company namin at ako ang ginagamit nila na papel para mapapayag si Daddy. Subrang hinanakit ko non. ”
“ Dahil sa sakit na nadama ko mula noon ako na mismo ang tumanggi sa mga taong gustong makipaglapit sa akin. Iyong tipong kinikilatis ko muna bago kaibiganin pero sa paraang iyon ako narin mismo ang nilalayuan. Dahil kahit totoo ang ipinapakita nila ginagawan ko ng gusot para mag karoon sila ng Mali. ”
“ Pag kadating ko sa Ateneo, walang nag bago maraming tao na lumalapit sa akin at nakikipag alok na makipag kaibigan. Hanggang sa dumating ang araw nang pasukan ng First Year of college. Nakita ko si Andrey na nabangga niya si Ice Ruehan. Bigla akong kinabahan ng kunti, hindi naman nanakit si Ice pero alam kong freshman siya at si Ice pa ang una niyang makaharap. ”
“ Akala ko hinhin siya sa inaakala ko pero bigla akong napatawa na mas higit pala siya sa hindi ko inaakala. Kinakausap niya na parang wala lang sa kanya kong ano ang kinatatakutan ng iba. Kaya mabilis ko siyang Ina admire na kaibiganin dahil nasa kanya makikita at maiintindihan ang tunay na kahulugan ng kaibigan. ”
“ Nong sinundan niya palang si Reuhan kanina sa pag baba natin, kadakilaan na iyon sa Isang tunay na kaibigan. Ngayon masisisi mo ba ako? Kung ganon nalang ako ka alala sa kanya? ” mahabang salaysay ni Marcus tsaka kinuha ang pag kain para kumain.
“ Kung ako ba iyong nasa kalagayan ni Andrey, ganyan ka rin ba mag aalala? ” tanong ni Andrew pero sa pag kakataon na iyon mahina lang ang kanyang boses na saktong hindi maririnig ni Marcus.
Minsan sa parte ni Andrew na o-offend din siya minsan sa ikinikilos ni Marcus, na para bang lagi mataas ang trato niya kay Andrey samantalang sa kanya parang kaibigan lang na nag kakakilala sa isang kanto.
Nararamdaman niyang second option lang siya dahil walang ibang choices. Kase sa bawat gusto niyang makipaglapit kay Andrey, si Andrey naman gustong makipaglapit kay Ruehan habang siya nilalapitan lang kong wala na talagang pag pipilian.
Kung minsan din si Andrey pa ang gumagawa ng paraan para mag kalapit silang dalawa. Ang tingin ni Andrey at ng ibang estudyante sa kanila parang aso’t pusa, pero sa parte ni Andrew sinasadya niya iyon para hindi rin mapag iwanan ng kaibigan.
Sinadya niyang maging katatawanan para hindi siya mapag iwanan, at para masabi niya sa sarili na hindi na siya iiwan.
Masaya ang mag karoon ng kaibigan, katulad ng sabi ni Marcus. “ Kayamanan ang pag kakaroon ng kaibigan na mapag kakatiwalaan.
[ FAST FORWARD ]
Gumagabi na at mas lalong hindi nila inaasahan ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan, kasabay din nito ang kulog at kidlat. Marami na silang naririnig na mga punong natutumba at ang iba naman ay ang pag siliparan na mga bubong.
Mas lalong nag aalala ang mga kasamahan ni Andrey dahil sa posibleng mangyari sa kanila sa itaas. Ang iba nag dadasal ang iba naman tudo banggit sa pangalan ng poong maykapal natin.
“ Marcus saan ka pupunta? ” biglang na alarma ang lahat nong bubuksan na sana ni Marcus ang pinto upang sundan doon sina Andrey sa itaas.
“ Mr. Sanchez?! Makinig ka! Huwag kang mag kakamaling lumabas sa pintong iyan! Kun'di hindi lang dalawa ang mapapanagutan ko! ” matigas na saad ni Ms. Ando.
“ Pero Ms. Ando? Lalo ng lumalakas ang ulan! Walang bahay sa itaas! Baka napahamak na sila doon! ” matigas din na sambit ni Marcus.
“ Marcus kung aalis ka mapapahamak ka rin! Kaya mas mabuti pang dito ka nalang. ” komento ni Adrian sa usapan.
“ Bwesit! ” padabog na umupo si Marcus.
“ Marcus? May tiwala kaba kay Andrey? ” tanong ni Andrew kay Marcus. Nakakunot noo naman itong bumaling kay Andrew.
“ Meron! Pero sa bagyo Wala! Nakita mo naman ‘diba? Walang bahay don! Wala silang masisilungan! Paano na sila? ” pag aalalang saad ni Marcus tsaka humawak sa sentido.
• Ruehan POV •
Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko parang mabibiyak sa sakit ang ulo ko, pag kamulat ko nag tataka ako dahil wala sa loob si Nikki, baka umalis na iyon.
Dahan dahan kong inabot ang first aid kit na nakaratay lang sa lupa. Kinuha ko ang med na para sa sakit sa ulo tsaka ininom. Pag katapos ay sumandal muna ako sandali, at pipikit na sana ng mahagilap kong may taong papasok dito sa loob.
Kahit masakit ang ulo ko pinilit kong dumilat para maaninag kong sino itong papasok, hindi maliwanag dito tanging apoy lang na ginawa ni Nikki kanina na malapit naring mamatay.
“ Ruehan? Bakit ka bumangon? Nagugutom kaba? May masakit ba sa iyo? ” Nikki? Akala ko bumaba na siya.
“ Sumakit ang ulo ko kaya ako nagising. Ikaw? Saan ka galing? ” tanong ko pabalik sa kanya.
Pansin kong basa ang damit niya, lumabas ba siya?
“ Ah ako? Lumabas ako kanina dahil inaninag ko kong may rescuer's ba na paparating dito. Dahil kong wala mapipilitan tayong manatili dito pansamantala. ” lentinya tsaka pinagpagan ang basa niyang damit.
Hindi pwedeng mananatili kami dito ng Isa pang araw, hindi kakayanin ng katawa ko.
“ Hindi pwede! Kailangan tayong makaalis dito. ”
~
Kinaumagahan maagang gumising si Andrew at Marcus para sa mas maagang pag hahanap nila kina Andrey at Ice. Hindi na nila hinintay ang mga rescuers na mauna pa.
Isinuot na nila ang kanilang Appropriate Footwear tsaka nag dala ng kunting kagamitan katulad ng mga damit tsaka first aid kit narin just in case.
“ ANDREY!!!!!!!!! ” sigaw ni Marcus sa gitna ng bundok, hindi pa sila nakaabot kong saan sila nag palipas ng gabi nong nakaraang gabi.
“ ICE!!!!!!!!!!!!!!!! ” sigaw din Andrew.
“ ANDREY NASAN KAYOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!! ”
“ ICE???????!!!!!! SUMAGOT KAYO!!!! ” patuloy parin ang dalawa sa pag tawag sa kanila ni Andrey at Ruehan.
Humupa na ang bagyo bandang alas 4 ng umaga, marami silang mga punong natutumba na nadadaanan. Tudo tawag parin sila sa dalawa.
• Andrey POV •
“ Rue-”
“ Tahimik! ” ahm ano na namang problema nito?
“ ICE?!! ”
“ ANDREY!!!!? ”
“ Narinig mo ba? ” tanong niya. Ang alin? Baka multo ang naririnig niya Diyos ko po huwag naman po sana.
“ May tumawag sa atin! Tignan mo sa labas! ” utos niya.
“ Segi dito ka lang. ” tugon ko tsaka lumabas na, sana nga merong tumawag sa amin. Sana hindi la-
• Andrew POV •
“ Andrey? Marcus! Si Andrey hayun? ” turo ko kong saan nakatayo si Andrey na parang may hinahanap.
“ Andrey! ANDREY?!!!! DITO!!!! ” sigaw ni Marcus na saktong maririnig ni Andrey, tumakbo ito sa gawi ni Andrey tsaka niyakap ng mahigpit.
Sumunod narin ako para kamustahin si Andrey pati narin si Ice.
“ Nasaktan kaba? ” tanong ko kay Andrey pero ang puta tinawanan lang ako. Hindi niya ba alam na halos hindi kami makatulog sa pag aalala dahil sa sitwasyon nila.
“ Ah HAHAH ayos lang ako Andrew, pero iyong nasa loob! Malala. ” mapait niyang saad tsaka pumasok sa KWEBA? bakit di namin naisip na may kweba.
Pagka pasok namin sa loob nakita naming nakasandal si Ice habang may kumot ang katawan. Nilalagnat siya? Hindi niya ba na control ang lamig kagabi? HAHAHA
“ Tulungan natin siya, kahapon pa ang lagnat niya, kailangan niyang madala sa hospital. ” saad ni Andrey kaya tinulungan na namin si Ice na makalabas sa kweba para madala sa hospital.
Kung bakit pa kase nag paiwan siya nong pa baba na kami, ano bang hinahanap niya at handa niyang labanan ang bagyo.
Sa bagay hindi rin siya masisisi kong bakit nalang ganon kahalaga sa kanya na makita ang bagay na iyon. Baka bigay iyon ng kanyang magulang o di kayay minana niya iyon sa mga ninuno niya.
Ay basta iwan, bakit ba ako naging reporter na ngayon basta ang importante madala sa hospital si Ice para naman mabigyan ng medecina.