IKA-LABING APAT NA PAHINA

1680 Words
• THUNDER CAVES • “ Nakatulog ba ng maayos ang lahat? ” tanong ni Ms. Ando kinabukasan. Maayos ang takbo ng gabi nila marahil walang maligno na umaaligid. “ Ayos lang Ms. Ando kayo po ba. Nakatulog ba kayo ng maayos? ” tanong pabalik ni Maris ang dakilang tagapag tanggol ng nang aapi. Tsar, eh taekwondo lover eh ano pa nga ba. ” Okay kumain na kayo dahil maya maya magsimula na naman tayong umakyat. ” ani mi Ms. Ando tsaka bumalik ulit sa shelter niya. • Reuhan POV • “ Reuhan, mamayang gabi sa shelter mo nalang ako matutulog, kagabi kase hindi ako makatulog takot kase ako mag isa. ” nakapulupot na saad ni Lara sa akin. “ Hindi ba masamang matulog ng mag kasama ang babae at lalaki lalo na't walang relasyon? ” makatarungan kong saad tsaka tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. “ Eh ano namang meron? Tabi lang naman ah. ” depensa niya. “ Hindi magandang tignan iyon Lara! tsaka ‘di magandang ikaw ang unang mag papakita ng motivation sa lalaki. Respetuhin mo rin ang sarili mo. ” makahulugan kong saad sa kanya. Umiba ang estelo ng kanyang mukha. “ Respect is earned! Not given! ” galit niyang saad. Tama! “ Kaya nga, kailangan mo iyang matutunan para mabigyan mo ang sarili mo. ” mahinahon kong saad tsaka umalis. Mag hahanap ako ng banda kung saan tahimik, at walang ingay. Ang pag babasa ng libro ay naayon sa katahimikan ng kapaligiran. Batis? May batis pala dito. Pero ayos narin dahil tanging halughug lang ng hangin ang maririnig dito. Tahimik seguro ang mga naninirahan dito, walang problema sa pollution ng hangin, wala ring problema sa gulo. Ang hangin na siyang nag papasayaw sa mga punong kahoy, mga huni ng mga ibon at mga kulisap. Dagdag pa ang kulay ng kapaligiran, ang tubig ilog na napakalinaw na nag bibigay pag asa ng lahat. At ang mga alon na humahampas sa gilid ng bato. Walang problema, ang sarap pakinggan ng mga halinghing. Ang tahimik dito kung ikukumpara sa baba, kunting hindi pag kakaintidahan away tsaka gulo. Ang sarap mabuhay sa isang Mundo na ikaw lang gumagalaw. Iyong tipong mga huni lang ng mga ibon ang naririnig sa pag gising sa umaga, hindi bunganga ng iba. “ Reuhan? Bakit ka napag isa dito ah? ” tulad nito. “ Anong ginagawa mo dito? ” lumapit siya sa gawi ko tsaka tumabi sa pag kakaupo umusad ako ng kunti para may distansya na pagitan. “ Ohoii ikaw ah. ” “ Nag punta ako dito para mag basa dahil tahimik, ikaw? ” “ Tinatanong mo ako? ” hindi makapaniwala ang expression niyang ipinapakita. “ Hindi! ” “ Sus. ” ~ “ Ako na jan Carol. ” pag aalok ni Roben nito. Nangunguha ng sinampay si Carol dahil sa nag babadyang ulan. “ Ah segi salamat. ” ani nito tsaka ibinigay ang hawak na mga malalaking kumot, nang biglang bumuhos ang ulan. “ Bilisan mo Roben, mababasa tayo. ” saad ni Carol tsaka isinilbing pandong ang mga kumot tsaka pumasok sa bahay. “ Hindi ba sa susunod pa na araw dadagsa ang bagyo?” nagtakang tanong ni Carol habang nakaupo. “ Iyon din ang pag kakarinig ko sa teleradyo, bakit nag iba? ” binalik din nito ang tanong kay Carol. Hindi mai-alis ang takot at pangamba ni Carol sa kanyang anak na si Andrey. Lalo pa’t nag paalam sa ito sa kanya sa gaganaping Hiking. Like sino ba namang Ina ang hindi mag aalala sa isang anak. Kahit sino namang Ina ‘diba? Kahit gaano pa kasama ang isang anak. Walang hihigit sa pag mamahal ng isang Ina. “ Si Andrey! K-a... ka-se kahapon ang hiking nila, baka-” “ Hindi, huwag kang mag alala magiging ayos lang si Andrey doon. Tsaka hindi sila pababayaan ng Holder nila. ” pag papa kalma ni Roben nito. Wala ang Ina ni Carol dahil nasa kabilang probinsya ito bumisita sa nakababatang kapatid na nag kakasakit. “ Si mama? ” “ Huwag kang mag alala, hindi tatamaan ang Cebu. ” Pag aalo ni Roben. ~ “ Kumuha ka ng mga professional na marunong lumaban. Sa pag balik ni Ice may mag babantay na sa kanya. ” may pag aalalang saad ni Leo. “ Anong nangyari Boss?” “ May nag papadala sa akin kahapon ng isang kahon. ” huminto ito saglit tsaka kinuha ang kahon sa hunos. “ Ano pong nakalagay? ” interesado nitong saad. Isang picture frame ang nakalagay sa kahon. Picture ni Reuhan na may dugo tsaka patay na daga. Nag aalala si Leo sa mangyayari kay Ice. “ Pinablotter mo naba Boss? ” “ Pina private investigate ko na ang nangyari. ” tugon nito. “ Boss Leo? Maiba tayo. Hindi ba natin ipapasundo si Ice doon? Malakas ang paparating na bagyo. ” kalma pero may halong pag aalalang tanong ni Lufi. “ Hindi. Kaya na iyon ni Ice. ” mabilis na tugon ni Leo. Hindi sa walang siyang pakialam sa pamangkin niya, naniniwala si Leo na magagamit nito ang abilidad at baka Oras na para simulan at matuto sa mahirap na bagay. “ Pero Boss? Paano kong hindi niya kayanin? Kilala nat-” “ Tama! kilala natin siya. Magiging ayos lang siya doon. ” nakangiti nitong saad habang nakatitig sa ibabang banda. Nasa office ang dalawa dahil sa meeting proposal. ~ “ Acicas? Pasensya na pero kailangan niyong iimpake lahat ng gamit niyo hurry up. ” utos ni Ms. Ando. “ Bakit po Ms.? ” kunot noong tanong ni Adrian. Naguguluhan narin ang iba dahil sa biglaang announcement. “ Ngayon dadagsa ang bagyo bilis na. ” Inimpake na nila ang kanilang mga gamit at in-unsymbol narin nila ang kanilang mga shelter. Lahat nag hahanda na sa pag baba pero sa banda ni Ruehan parang hindi ito mapakali. Na parang may hinahanap na bagay na hindi makita kita. Maya maya ay biglang bumuhos ang ulan na ikinabahala ng lahat. Dali dali na silang umalis at alerto naman ang mga rescuers sa pag alalay. Ngunit nag taka si Andrey nong makita niyang lumihis ng daan si Reuhan. “ Ruehan? Saan ka pupunta? ” sigaw ni Andrey. “ Halika kana Andrey lumalakas na ang ulan. ” saad ni Andrew tsaka siya hinila. Pero masyadong matigas si Andrey. “ Hindi susundan ko siya, hindi siya pwedeng maiwan! ” saad ni Andrey tsaka nag pupumiglas. “ Reuhan? Lumalakas na ang ulan! Halika na! ” matigas na sigaw ni Andrey pero hindi parin lumingon si Ruehan sa halip ay nagpatuloy ito sa pag lalakad. “ Andrey?kung ayaw niyang sumama iwan na natin siya! ” sigaw ni Marcus lalo nang lumakas ang ulam, ramdam na rin ang lakas ng hangin at kulog. “ Hindi! Susundan ko siya umalis na kayo! ” ganting sigaw ni Andrey tsaka sumunod sa hinahakbangang daan ni Ruehan. “ Andrey? Nababaliw kana?! Dilikado na ANDREY! ” pakiusap nito. Hindi siya makasunod dahil hinahawakan siya ng isang rescuer, hawak din ni Andrew ang Isa niyang kamay. “ Magiging ayos lang ako! Makakababa ako ng buhay, kasama si Reuhan! ” paniniguradong saad ni Andrey. Ayaw niya mang mag alala ang kaibigan sa desisyon niya. Pero sino ba si Reuhan sa kanya. Ika nga niya, “ Hindi pinipili ang taong tutulungan ”. Tsaka para sa kanya sa una pa lang nilang pag harap itinuturi na niya itong kaibigan. “ Andrey naman! ” “ Kapag makakabalik ako ng buhay libre mo ako habang buhay ah! ” huling saad ni Andrey bago tuluyang sinundan Reuhan. Habang si Marcus ay nag pupumiglas parin para bitawan, sa huli ay sumuko narin siya dahil may tiwala siya kay Andrey. May isang salita si Andrey, at alam niyang tutuparin niya iyon. Para sa kanya mahalaga ang pagtrato sa kaibigan, ayaw niyang may masasaktan o mapapahamak sa kaibigan niya. Kaya ganon nalang siya kung mag alala kay Andrey. Para sa kanya ang makitang ligtas ang dalawa niyang kaibigan ay higit pa sa kanyang kayamanan. “ Reuhan?! Bakit lumihis ka ng daan? ” kunot noong saad ni Andrey nong nakita niya si Reuhan na may kung anong hinahanap sa damohan. “ Baliw kaba? Bakit ka sumunod? ” sigaw ni Reuhan dahil palakas na ng palakas ang ulan at ang hangin. “ Ikaw? Bakit ka andito? Halika na bumaba na tayo! ” hinawakan ni Andrey ang kamay nito at lalakad na sana ng bawiin ni Reuhan ang kanyang kamay. Nag tataka namang tumingin sa kanya si Andrey. “ Ruehan? Kung ano man iyang hinahanap mo! Balikan nalang natin bukas! Dilikado na! ” pakiusap ni Andrey pero patuloy parin sa pag walis ng mga matataas na damo si Reuhan. “ Umalis kana Nikki! Susunod ako kapag nakita ko na ang hinahanap ko! ” ani ni Ruehan tsaka humakbang. “ Reuhan? Lumalakas na ang ulan! Ano ba! ” “ Iwan mo na ako dito! ” matigas na saad ni Reuhan habang tinititigan si Andrey. Hindi alam ni Andrey kong ano ang nararamdaman niya sa Oras na iyon. Nalulungkot o Naa awa ba siya. “ Kaibigan kita kaya hindi kita pwedeng iwan! ” sigaw ni Andrey sa gitna ng kulog at kidlat. Basang basa na ang dalawa. “ Ganito! Kapag iiwan mo ako dito, pag balik natin mag kaibigan na tayo! ” alok ni Reuhan. Tumigil sandali si Andrey at nag iisip. Marahil iyon ang ginawang pain ni Ruehan para iwan siya. Hindi marunong mag sinungaling si Reuhan kaya alam ni Andrey na totoo iyon. “ Hindi kita iiwan! Ang kaibigan pinapahalagahan hindi iniiwan. Ang pakikipagkakaibigan ay hindi inaalok binibigay iyan at tinanggap. Kaya kahit hindi kita iiwan dito mag kaibigan na tayo! I won't leave you! Oh baka mag tatanong ka kung saan ko iyong English sa tv lang iyon kaya halika na! Mag hahanap tayo ng masisilungan dahil dilikado na kong mag tatagal pa tayo dito sa labas. ” mahabang lentinya ni Andrey tsaka hinawakan ang braso ni Reuhan tsaka hinila para lumakad. Ilang segundo may nakitang kweba si Andrey kaya nag pasya silang don na muna. “ Dito tayo! ” Ika ni Andrey tsaka inilalayan si Ruehan, dahil mukha itong nanghihina na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD